Ameri's POV
WALA pa ring nagbago. Ang gwapo niyang mukha; ang malalim niyang boses; ang matipuno niyang katawan; at ang kalamnan ng kaniyang pisikal na anyo; lahat ng mga ito ay dahilan ng mas lalong paghulog ko sa kaniya. Hindi pa rin ako makapaniwalang sa ikli pa ng oras ko rito sa paaralan ay may tao agad akong nagugustuhan. Alam kong kailanma'y hindi siya magkakagusto sakin. Sa status palang namin at hitsura, alam kong imposibleng-imposible na, ang layo-layo ng agwat namin. Pero kahit gano'n pa man, may sarili naman akong inspirasyon sa buhay.
"You're at it again."
Ang matalik kong kaibigang si Luna ay tahimik na inirog ang upuan papunta sakin. Inakbayan niya ako na para bang hindi sya nahihiya kung nasa klase kami o wala. Hindi ko lang siya pinansin at patuloy ko pa ring tinignan si Lewis na naglalaro ng soccer kasama ang kaniyang mga kaklase. Ngayon ay soccer day ng mga juniors kaya halatang maglalaro sila ng soccer game buong araw. Junior siya kaya kumpara sakin, mas busy pa siya.
Ang malikot na babaeng nakaupo sa tabi ko ay isang matalik kong kaibigan simula pagkabata. Magkakapitbahay lang kami pero minsan lang kami magkikita dahil may part time ako sa madaling araw sa isang cafe at siya naman, hindi na niya kailangan pang magtrabaho ng part time dahil mayaman naman ang pamilya niya. Pero last year lang, lumipat kami ng matitirhan dahil binenta namin ang bahay na yun. Kaya sa oras na magkikita kami, dito lang sa paaralan ang tyansa.
Let's move on, ang paaralang pinasukan ko ngayon ay mayroong ganitong uri ng napakamahal na bayarin at gastos, di tulad ng nakaraang pinasukan kong paaralan ay konti lang ang babayarin. Buti nalang scholar student ako sa nakaraang pinasukan kong paaralan kaya heto, nakakuha pa ako ng promotion sa paaralang ito and fortunately, may scholarship din palang nakaabang sa akin dito. Kaya ang dapat ko nalang gawin ay magsikap nalang talaga at magseseryoso sa klase dahil ang mahirap na taong kagaya ko ay sumalalay lang sa scholarship. Kapag bababa ang aking mga marka, ewan ko nalang kung ano ang gagawin ko.
"Hey, you're staring so hard! Your best friend is here!"
Hindi niya ako tinigilan at pinagpatuoy niya lang ang pagsundot sa aking pisngi kaya nagsimula na akong mainis. Huminga ako ng malalim at bahagyang bumuntunghininga nang mawala ang aking pokus sa pagtingin kay Lewis. Pinili ko nalang na balewalain ang babaeng ito dahil unang-una sa lahat, matigas ang ulo nito. Kahit anong sasabihin ko sa kaniya'y hindi niya pakinggan. Kaya mas mabuti nang di nalang bigyan ng pansin kaysa gagawa ako ng isang bagay na pagsisisihan ko mamaya.
"Go find a life," isang malamig na bakas ang naiwan sa aking tugon.
Pagkasabi ko nun, tinanggal niya ang braso niya at tumingin sa baba, ngumuso pa na para bang nagtatampo sa akin. Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa pagtitig sa crush ko.
Hindi gano'n kalayo sa aming silid aralan ang soccer field dahil sa distansya palang, tanaw na tanaw ko na si Lewis mula rito. Nandito kami sa second floor, nagkaklase habang ang crush ko at ang mga kasamahan niya'y nasa field. Gamit ang ganitong distansya habang pinapanood ko siyang naglalaro, sa tingin ko ay napakaswerte ko kung tutuusin dahil nakikita ko siya ng malinaw. Kailangan ko pang ituon ang talakayan ngunit narito ang kanyang presensya. Patuloy itong nakagagambala sa akin.
"What do you want for break time?" bulong ko sa matalik kong kaibigan na nagtatampo pa rin.
Ang napakaboring kong mundo ay umikot lang kay Luna, sa kaniya lang. Para sa isang ordinaryong babaeng katulad ko, hindi ako sapat na kaibigan para kay Luna. Hindi katulad ko, si Luna ay pala-kaibigan, mapagbigay, hindi makasarili, mayaman, at higit sa lahat, mabait. Isang araw nung kasama ko siya, naglalakad kami sa gilid ng kalsada, maraming mga taong bumati at kumausap sa kaniya. Siyempre ako naman ay nahihiya at feeling ko na talagang ang layo ng agwat namin sa isa't isa. Hindi ko hahayaang iikot ang mundo niya sakin kaya ayos lang akong may kaibigan siyang iba. Pero hahayaan ko namang paikutin ang mundo ko sa kaniya. Ayos na ako nun.
"Really?" Agad siyang lumingon sakin. "You will buy for me?"
Sabi ko na nga ba eh, ito ang mangyayari. Kapag nagtatampo ito, magalit o magnenegatibo, pagkain ang laging sagot. Papakainin ko lang siya at ayun, tapos na. Ang ganitong klaseng kaibigan ay madaling pakisamahan, pero mahirap naman kung hanapin. One thing for sure, hindi siya yung tipong kaibigang seseryosohin ang lahat ng bagay. Pero kung ang pag-uusapan niyo ay problema o kahit anong bagay na kasama ang mga seryosong tema, hinding-hindi niya ito pababayaan at agad ka niyang tulungan.
Habang nagsusulat ako sa notebook ko, sabi ko, "Nope, I'm just asking."
Para mainis siya, dapat ko lang gawin yun. Halimbawa, kapag down na down ulit siya, pagkain pa rin ang kailangan kong babanggitin para bubuhay ulit siya. Pero may isang problema, wala akong pera. Sa totoo lang, mahirap lang ako at kailangan ko rin ng pera para kumita. Lahat ng mga paborito nito ay mahirap bilhin. Ang lahat ng mga gusto niya ay tulad ng isang bungkos, buong tumpok ng aking mga karagdagang gastos. Kaya sa huli, problema ko na kung magtatampo o magagalit siya.
"Aw, you're so mean!" Nahagip kong muntik nang tumulo ang luha niya. As usual, hindi ko nalang siya pinansin.
Madadala lang ako kapag maaawa ako sa kaniya. Kung sana nga lang ako ay isang mayamang kaibigan, magagawa kong papasiyahin siya nang walang kahirap-hirap. Pero dahil magkaibigan kami, kailangan ko lang magtiyaga. At sa huli, ayos lang na aasarin ko siya dahil ako rin naman ang magsisikap at magpapakain sa kaniya kung magtatampo siya.
"That's the end of our discussion for today. See you tomorrow, class."
Pagkatapos ng English Literature teacher na i-announce yun, tumunog naman ang bell, timing na timing. Sa wakas, tapos na ang ikatlong nakakainis na klase. Magagawa ko na ang gusto kong gawin sa napakaikling oras na ito. Kailangan ko nang makita nang malapitan si Lewis kahit sa isang saglit lang. Maaaring hindi niya ako mapapansin ngunit kahit papaano ay mapapanood ko pa rin siya.
"Let's go to the cafeteria!"
Walang pagdadalawang-isip na hinila ni Luna ang aking kamay saka mukha pa akong kinaladkad papalabas ng silid-aralan. Ang higpit ng paghawak niya na kinadadahilan ng pagsakit lalo ng kamay ko. At saka, palagi pa akong nadapa at ang sakit pa ng paa ko dahil parang nalilimutan ko na kung paano tumakbo. Malamang, ang walang lakas at ang mahinang nilalang na katulad ko ay walang pagpipilian kundi mapasama nalang. Ganito talaga siya ka-excited tuwing break time, mas pipiliin pa niyang mamatay ako kaysa sa hindi makakuha ng pagkain.
"H-Hey, can you at least slow down?"
Nahihirapan talaga ako sa pagtakbo habang sinusubukang abutin ang kanyang enerhiya. At dahil malayo-layo na rin ang natakbuhan namin, hindi ko na tuloy alam kung paano ulit huminga ng maluwag dahil sa bruhang 'to. Nahihirapan na rin akong balansehin ang sarili ko. Oo nga, sinabihan ko siya kung pwede ba niyang bagalan ang kaniyang takbo, pero heto siya, parang binutasan ang sariling tenga. Hindi man lang niya ako pinansin, pinagtatawanan niya lang akong nahihirapan dito. Alam niyang hindi ako athletic na nilalang kaya talagang wala siyang kwenta.
Habang tumatakbo kami sa daanan patungo sa cafeteria, napansin kong walang gaanong mga mag-aaral ang pumipila rito. Mayroon namang iba, pero konti nga lang; isang lalake sa sulok, isang babaeng um-order ng pagkain, at dalawang lalakeng sabay kumakain. Nagtataka ako kung ano ang nangyayari kung sa katunayan, oras na ng kainan. Nang tumatakbo kami sa pasilyo ng silid-aralan kanina, nakita ko ang ilan sa mga mag-aaral, karamihan sa kanila mga babae, na tumatakbo patungo sa parehong direksyon. Akala ko nagpunta sila rito upang bumili ngunit wala namang katao-tao rito.
"We're here!"
Parehas kaming huminto ni Luna sa lining section kung saan nakapila ang babae upang kami naman ay makabili na rin ng pagkain. Nanginginig na ang mga binti ko at patuloy pa sa pagbagsak ang malalamig na pawis ko dahil sa pagtakbo ng halos dalawang ikot ng race track nang walang tigil. Mababa ang dugo ko kaya't karaniwan na sa akin ang madaling mapagod. Samantalang si Luna naman, syempre hindi siya napapagod o naghahabol ng hininga kasi napakasigla nito eh.
Um-order ng juice at cheeseburger ang babae sa harap namin kaya siguro cheeseburger na rin ang bibilhin ko. Ayos na rin kung tubig iinumin ko, hindi pa magastos. Hindi pa ako nag-agahan dahil sa part time ko sa madaling araw. Ang hirap talaga 'pag naghahanap ka ng pera para panggastos.
"Oh hey, Luna. You're buying?" ngiting tanong ng babae sa harap namin pagkatapos niyang kunin ang kaniyang binili.
Parang saglit lang ang nangyari at agad akong umiwas ng tingin sa kaniya. Ang pakikisama sa iba ay hindi mahirap, ngunit kung minsan din ay hindi madali. Ang sakin lang ay ayokong mapahiya si Luna sa harap ng mga tao dahil sa akin. At sigurado akong yun din ang gusto niya---yung hindi ako haharap sa mga tao.
Siyempre, ito kasi ang first time na pareho kami ng paaralan at wala akong kaalam-alam kung ano siya sa paaralan niya. Minsan nga iniisip kong 'wag gagawa ng pader sa pagitan ng pagkakaibigan namin, pero anong magagawa ko? Gusto kong lalayo siya sakin, pero gusto ko ring didikit siya sakin. Alam kong masyadong magulo kung iisipin pero siya lang ang nag-iisa kong kaibigan. Ayokong malulungkot siya dahil lang sakin kaya mas mainam kung lalayo siya sakin. Pero alam ko namang mag-iisa na naman ako kapag mangyari yun. Ang pader na pumalagitna sa pagkakaibigan namin, unti-unti itong tumataas at lumalaki dahil sakin. Anong dapat kong mararamdaman? Saya? Lungkot? Pero kahit ganun pa man, handa akong magpakasarili para sa kaniya. Sa katunayan, yun naman ang palaging ginagawa ng mga kaibigan, tama ba?
"Yup! I'm buying some snacks with my best friend here!"
Hinila niya ako saka inakbayan na tila bang ipinagmamalaki niya ako sa harap ng babae. Sa sandaling yun, gusto kong maiyak. Hindi ko akalaing ganito pa rin ang turing niya sakin. A-Ang saya ko. Napakatanga kong kaibigan para mag-aalinlangan sa aming pagkakaibigan. Kahit anong gawin ko, ipinagmamayabang pa rin niya ako, 'di ba? I mean, ipinakilala niya lang ako, 'di ba? Hindi ba siya nahihiya sakin? Pero kahit na! Ang saya ko.
Binalingan ako ng tingin ng babae tapos napakaseryoso pa niya kung tumingin. Para bang may hinahanap siya sa loob ng kaluluwa ko. Alam kong mukha akong pangit at nakakakilabot, pero nakakahiya naman kung ganyan kalalim yung pagtingin niya sakin. Is she gay? Bakla ba siya sakin? Pero straight ako!
"So you're the new student I've heard of? Nice to meet you. I'm Chloe."
Kung anong ekspresyon ko ngayon ay parang isang bagay na hindi niya dapat makita. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na may kumausap sakin mula pa noong araw na lumipat ako rito. Anong dapat kong gawin? Anong isasagot ko? Hindi ako sanay sa ganitong mga bagay. Ang mga normal na tao ay sasabihin ang kanilang pangalan, diba?
"I-I'm Ameri. N-Nice to meet you."
Hindi ako makatingin sa mata niya. Takot akong mahiya kapag tinignan ko siya kasi baka hindi ko mapagtantong sinamaan ko na pala siya ng tingin. Iba kasi ako kapag nahihiya, titignan ko ang tao na para bang galit ang mga mata ko na ang intensyon ko lang naman ay tumingin ng normal. Kailangan kong maging matino at magbait-baitan. Kailangan kong tumingin gaya ng inaasahan niya para hindi mapahiya si Luna.
"Oh, sorry, I couldn't shake your hand. I'm holdi---"
Biglang umingay ang paligid kaya napalingon kami sa kung saan ito nanggaling. Galing ito sa mga babaeng nagtitilian sa mga lalakeng naglalakad. Limang lalake na nakasuot ng jersey uniform ng soccer. Nahagip naman ng aking mga mata si Lewis. Hawak niya ang isang plastic na bote na konting tubig nalang ang laman. Pinahid niya rin ang pawis na dumaloy sa noo niya. Kahit nasa malayo sila, kitang-kita ko pa rin ang bawat galaw ni Lewis.
Parang bumagal ang ikot ng mundo ko sa tuwing nakikita ko siya. Para bang biglang pumintig ng mahina yung dibdib ko. Pakiramdam ko ang pula-pula na ng pisngi ko sa kakatitig kay Lewis. Number five. Ano kayang ibig sabihin ng numerong yun sa uniform niya? Birthday niya kaya yun? Posisyon niya kaya yun sa team? Tapos ang sapatos niyang pang-soccer na kulay neon, siguro ang mahal nun. Napakagwapo talaga ni Lewis. Kailan kaya magtatagpo ang tingin namin? Mapapansin niya kaya ako?
"Alright, here we go again. Let's go, Am."
Nagmamadaling kinuha ni Luna ang pagkaing in-order niya. Hinagis niya sakin ang bibilhin ko sanang cheeseburger. Hindi ko akalaing binilhan niya pala ako nito. Siguro ganito ako abalang-abala sa kakatitig kay Lewis. Hindi ko maiiwasang hindi siya titigan dahil siya lang ang tinatangi kong crush. Sino ba namang hindi maaakit sa kagwapuhan at kakisigan niya?
Hinila ako ni Luna at sabay ulit kaming tumakbo. Hindi ko alam kung ano na naman ang intensyon niya ngayon kung kaya't tapos na kaming makabili ng pagkain sa cafeteria. Tumatakbo siya na para bang natataranta o nalilito sa daanan. Parang may humahabol sa kaniya na wala naman akong nakikitang sumunod sa likod namin.
"What's wrong? Is there any problem?" alala kong tanong.
Hindi niya ako sinagot at huminto lang kami sa tapat ng isang pader. Nagtago kami sa likod na para bang may pinagtataguan kami. Si Luna naman, sumilip-silip at para bang may pinagmamasdan. Hindi ko talaga alam kung anong nakain nito. Para siyang espiya na ayaw mahuli ng kaniyang target.
"Are you okay?" sambit ko.
"Shhhh!"
Agad naman akong tumahimik. Sinundan ko ang tingin niya para na rin malaman ko kung anong meron. Nakatingin siya sa mga nagkakaguluhang mga tao sa cafeteria. Kung magkakaguluhan, parang may artista. Sino ba namang hindi maaadik sa kagwapuhan nila? Tapos sporty pa sila at grabe kung gumalaw, napakaastig. Pero nang pinagmasdan ko ng mabuti ang mga tao sa cafeteria, napapansin kong di ko na nahagip pa sina Lewis at mga kaibigan niya. Saan na sila nagpunta?
"T-They're gone," napabuntong-hininga pa si Luna at mukha pang guminhawa lalo ang buhay niya. "It's really annoying when their group is passing by. It's like we're in another war or something."
Ngayon alam ko na kung bakit kami tumatakbo. Dahil pala ayaw niyang masali sa g**o. Kinuha ko ang aking panyo saka binigay yun kay Luna. Pawis na pawis kasi siya at para bang stress na stress na.
"Thank you, Am."
"Let's go?" ngiti kong anyaya sa kaniya.
Nang maglakad na kami, may nabunggo akong matigas na malambot na pader. Napahawak ako sa noo ko at napaatras pa ako dahil first time kong makabunggo ng hindi matigas at masakit na pader. Mukha pa akong nag-bounce back dahil sa lambot ng nadampi ko.
"A-Ameri!"
Nabigla ako sa sigaw ni Luna kaya napalingon ako sa kaniya. Napansin kong tumingin siya sa harap ng direksyon ko kaya napalingon na rin ako sa tinititigan niya.
"A-Are you okay?" wika ng isang lalakeng alalang-alalang nakatingin sa akin.
Sinuri niya pataas-baba ang katawan ko kung may sugat ba ako o wala, kung ayos lang ba ako o hindi. At dahil nagulat ako sa paghawak niya sa braso ko, hindi tuloy ako makapagsalita. Alam kong nagulat ko siya dahil nabunggo ko siya. Nagulat din ako dahil wala akong ideya na tao pala ang nabunggo ko.
"I-I'm fine, don't worry," utal-utal ko pang tugon.
Nag-iwan siya ng isang mabigat na hininga saka sabi ng, "That's good. I really thought I bumped into you really hard. I feel guilty all of the sudden."
Napatawa nalang ako habang umiling-iling. Nang mapansin kong may kasama pala siya, napalingon ako sa kanila. Agad akong nakaramdam ng kuryenteng dumaloy sa katawan ko, baba-pataas hanggang sa ulo ko nang makita ko ang isa sa mga kasama niya.
Si Lewis.