Chapter 2: Selflessness

2738 Words
LEWIS ko. May isang hiling lang ako. Pakiusap. Kahit lumingon ka lang sakin, gaganda na ang araw ko. Tignan mo ako nang magtapat ang ating tingin. Do'n ko nalang napagtantong kanina pa pala ako nakatulala kay Lewis. Bigla tuloy akong nahiya kaya napaiwas na lamang ako ng tingin. Isang saglit ang lumipas, lumingon ulit ako sa kaniya. Biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko nang magtapo ang ang aming tingin. Alam kong mukha na akong weird ngayon pero kinakalikot ko pa ang mga palad ko habang nanginginig siyang tinitignan.  Bumagal na naman ang ikot ng mundo ko, sana palagi lang kaming ganito. Simple lang ang tingin niya sakin pero bakit ang lakas ng epekto nito sakin? Sa kay tagal-tagal kong pagtitig sa mga mata niya, ngayon ko lang nalamang kumakain pala siya ng cheeseburger. D-Domoble ang pagka-hot niya! "Hm? What is this?" wika ng babae sabay sulpot galing sa likod ni Lewis. Agad niya akong tinignan gaya ng pasimpleng tingin ni Lewis sakin. Kung titigan ko ng matagalan ang babae, mukha siyang pamilyar sakin. Ang ganda niya at ang mature pa ng mukha. Ganito kaya ang tipong babaeng gusto ni Lewis? Oh, naalala ko na. Itong boses at itong pigura ng mukha, si Chloe. Kaya pala mukha siyang pamilyar sakin kasi siya si Chloe, yung nakasalubong namin kanina sa cafeteria. "Oh, at the cafeteria earlier," sambit niya saka napaturo pa siya sakin. Girlfriend siya ni Lewis? Kung ganun, hindi na pala single si Lewis. Totoo nga. So ang cheeseburger na binili ni Chloe kanina ay para pala kay Lewis. K-Kung ganun, gusto niya pala ang cheeseburger. Buti pa si Chloe may maraming alam tungkol sa mga gusto at hilig ni Lewis. Ayokong maging tanga pero parang gumuho ang mundo ko. Alam kong wala akong karapatang magseselos kasi kahit kailan hindi naging kami, at walang kami. Pakiramdam ko sumikip bigla ang dibdib ko nang isipin ko ng palaliman yun. Pangalawang araw ko pa lang dito sa paaralang ito, eh mukha nang papagraduate na ako. Ano ako, maraming experience? Magtino ka naman, Ameri! Kung girlfriend niya yan, wala ka nang magagawa! Siya yung nauna! "Hey, miss. Are you okay?" Napukaw ulit ako nang kinaway-kaway ng lalake ang kamay niya sa tapat ng aking mga mata. Agad akong umiwas ng tingin kina Lewis at Chloe dahil sa hiya. Sa tingin ko may nagawa akong mali kahit tinignan ko lang sila.  "S-Sorry if we're on the way!" Napataas ang boses ni Luna na tila ba ninenerbyos ito at sabay niya ring hinila ang braso ko. "H-How is that! W-We'll go first! Bye!" Hindi ako makatakas sa hawak ni Luna kaya habang tulala ako sa ere, hinila niya ako saka sabay ulit kaming tumakbo. Ngayon, alam kong papunta na kami sa silid-aralan. Naging considerate kaya si Luna para lang sakin? O baka nahihiya rin siya? Pero wala akong ibang maiisip kundi si Lewis lang. Sa wakas ay nagkatinginan na rin kami, nagtagpo ang aming tingin! Konting bagay lang yun pero ang saya-saya ko na. Nang makarating na kami sa loob ng silid-aralan, tinignan ako ni Luna na para bang nag-alala siya sakin. Hingal na hingal siyang napaupo sa upuan niya. Hindi ako nakaramdam ng pagod sa kakatakbo dahil ang isipan ko kanina habang tumatakbo kami ay naaabala sa kakaisip kay Lewis. At dahil hinahabol pa ni Luna ang hininga niya at hirap din siyang magsalita, agad kong kinuha ang aking water bottle para ipapainom sa kaniya ito. "T-Try to calm down first. You'll give me a panic attack if you hyperventilate out of nowhere!" alala kong paalala sa kaniya habang ininom niya lahat ng tubig ko. "Are you okay?!" tanong niya at napatalon pa sakin habang niyuyugyog ang balikat ko. Alalang-alala ang mukha niya habang tinititigan niya ako.  Pero kung tutuusin, tama ang kutob kong nag-alala nga siya sakin. Paano ba naman, adik na adik ako ka Lewis tapos biglang sumulpot ang babaeng kakakilala ko lang na di ko inakala'y girlfriend niya pala. Pero bahala na, crush ko pa rin si Lewis at hindi magbabago yun. Malaki rin ang papasalamat ko kay Luna dahil kung hindi niya sana ako hinila para tumakbo, kanina pa siguro ako umiiyak sa harap nila. "I'm fine. Don't worry too much or else you'll get ugly," tangi kong tugon habang ngumingiti. Napabuntong-hininga naman siya bilang papahiwatig na gumaan ang kaniyang loob na marinig ang ayos kong sagot. Umupo na rin ako sa upuan ko nang mapansin kong kalmado na si Luna. Galit na galit siyang nakatulala sa sahig. Parang may iniisip siyang malalim ah. Sa tuwing titigan ko ng pangmatagalan si Luna, pakiramdam ko talaga may nakatago itong poot sa sahig. Nakataas pa ang kilay niya habang tutok na tutok ang kaniyang mga mata  rito. Nakakuyom din ang kaniyang palad. Mukhang hindi pa 'to kumalma. "I can't believe they showed up," tumingin siya sakin. "I thought we'd finally ran pretty far away from them, but I never thought they weren't in the crowd anymore." "W-Well we can't blame them for showing up that suddenly," napakuyom ako sa palad ko habang napayuko, "The crowd must be really bothering them that they had to run away and hide from them. I think it's just a coincidence bumping into them like that--- right at the moment when we also tried to hide." "Yeah, you have point. But Am...." bakas ang lungkot ng tono ng kaniyang boses habang binanggit niya ang palayaw ko. Binalingan ko siya ng tingin saka binigyan ng mapait na ngiti, "Yeah, I know that. After all, he's just my crush. I admire him a lot and that's the ending point. If he has someone he likes, I'll try to respect that. I won't get in their way and I won't go any further aside from idolizing him." Pangalawang araw ko palang dito sa paaralang ito, may nasaksihan na akong alam kong nakakadala lang ng sakit sa damdamin ko. Pero totoo yung sinabi ko. Kung may ibang nagugustuhan si Lewis, irerespeto ko yun. Wala naman akong karapatang mangengealam sa buhay niya dahil higit sa lahat, tagahanga niya lang ako. May sarili rin siyang buhay kaya may sarili rin siyang desisyon. Ako ang nagkakagusto sa kaniya kaya desisyon ko na ang handang masaktan.  "Wow, it seems like you're finally a grown-up, fully matured young woman." Tinapik ako ni Luna sa balikat, "But don't let your love affect your life. Remember, you have your own standards and preferences, and regardless of those, try to put a situation for yourself in a way you won't regret in the future. Don't get too much obsession from him or you'll end up like a nobody." Iyon ang mga bagay na madaling sabihin pero mahirap gawin. Ito talagang mga payo ni Luna, minsan din ay hindi ko maintindihan eh. Hindi ko rin alam kung bakit agad ako nagkakagusto sa lalakeng yun sa isang sulyap lang. Hindi pa nga ako naniniwala sa love at first sight noon eh, pero ano na 'to ngayon? Ano ba kasi 'to! Bakit pa ba ako na-in love sa taong yun kung alam ko namang wala akong tyansa kahit konti. "It's not obsession, it's love," tugon ko pa. Dumating ang ilang minuto ay nagsimula na ulit ang aming klase. Si Luna, natutulog lang. Siyempre hindi ko siya ginising dahil alam kog gagawa ito ng kalokohan. Ganiyan kasi siya, kapag naiistorbo ang tulog ay agad magwawala. Hindi lang si Luna ang tulog, karamihan din sa mga kaklase ko ay inaantok at mukhang babagsak na sa ilang segundo. Paano ba naman kasi, eh itong guro namin sa History ay mukhang sleeping fairy. May kakayahan ba siyang paantukin ang mga kaklase ko gamit ang subject niyang story telling lang din naman? Habang nakikinig ako sa klase, pumaparaan din ako sa pagsulyap kay Lewis na naglalaro ng soccer. Napansin kong nandun din ang lalakeng nabunggo ko kanina at ang iba pang mga kasama nila. Biglang nagpakita sa utak ko ang hitsura ni Chloe, tila ba hinahanap siya ng aking isipan. Hindi ko mapigilan kaya hinanap ko na rin si Chloe. Totoo ngang nandun nga siya, nakaupo siya sa gilid ng field, naka-indian sit lang habang pinapanood sina Lewis na naglalaro. Napaka-supportive niyang girlfriend. Dumating ang oras at break time muna nila sa paglalaro, nakita ko si Chloe na pinunasan ang pawis ni Lewis. Tuwang-tuwa naman si Lewis habang umiinom ito ng tubig. Ang sarap siguro magkaroon ng masiyahing boyfriend, at napakaswerte naman talaga kapag may supportive kang jowa. Silip-silip at tingin-tingin nalang ang tangi kong magagawa dahil wala naman akong ibang magagawa lalong-lalo na't ang layo na ng agwat nila kumpara sakin. Nasa starting line pa lang ako pero si Chloe, kuha na niya ang goal saka prize. Kumpara sakin, mas maganda pa si Chloe, matangkad, at mayaman. Makulot ang kaniyang buhok saka may bangs pa siya, para siyang isang manika. Ang hinhin pa niya at ang cute pa niya. Ano kaya kung nasa parehong level kami? Pipiliin din kaya ako ni Lewis? Magiging kami kaya? Walang kwenta itong red ribbon, itong perfume, at itong pag-aayos ko kung reresulta lang sa wala. "Ameri? Why are you spacing out there? Class is over, it's already lunchtime now." Bigla akong napukaw nang tinawag ako ni Luna. Totoo nga, lunchtime na. Matagal siguro akong nakatulala rito. Wala na rin pala sina Lewis at mga kalaro niya, siguro nauna na sila. Matagal kaya akong nakatulala na parang baliw dito? Napakagaga ko talaga! Ni hindi ko man lang napansin si Lewis na umalis na. Nawawala ang isipan ko kay Lewis dahil napupuno ang utak ko sa kakaisip kay Chloe. Pero bahala na kung mas maganda pa siya, bahala na kung mas matangkad at mas mayaman pa siya kaysa sakin, gagawin ko lahat ng makakaya ko mapapansin lang ako ng crush ko. "Hello, underclassmen!" naririnig kong sigaw galing sa labas ng silid. Inayos ko muna ang mga gamit ko para maghanda na sa paglabas para kumain. Hinintay na rin ako ni Luna na para bang nagmamatyaga siya. Ang swerte ko talaga sa kaibigan ko. Sa aming dalawa kasi, ako lang ang magdadala ng lunch box dahil unang-una sa lahat, wala akong pambili ng pagkain sa cafeteria. Sapat lang kasi ang pera ko para sa mga pangangailangan ko, hindi sa mga kagustuhan ko. Pero ayos lang, masaya naman ako sa ganito. "Do you want me to buy something for you when we get there?" tanong ni Luna sakin. Napangiti lang ako saka sagot ng, "N-No! I'm fine since I have my own food here. And also, if you wanted to eat more, you can get some of mine... J-Just in case." Para namang naluluha ang kaniyang mga mata habang tinignan ako. "Thank you, Ameri! I love you so much! You will never really get tired of me, right? You will never let me starve, right? I love you! I love you!" masaya nitong tugon sabay yakap ng mahigpit sakin. Sa tingin ko ganito siya ka-thankful sakin. Tumayo na ako pagkatapos kong mag-ayos ng gamit. Bitbit ko na rin ang lunchbox ko para sa aking tanghalian. Ngiting-ngiti namang pinulupot ni Luna ang braso niya sa braso ko. Sanay na ako sa mga galawan niya. Kapag clingy siya sakin, ibig sabihin nun malaki ang papasalamat niya sakin. Kapag may gusto naman siyang sasabihin, kinakalikot niya lang ang mga daliri niya sabay nguso. "Hey, Luna!" Napalingon ako sa pintuan kung saan may tumawag kay Luna. Agad din namang tumakbo si Luna patungo sa kaniya na para bang sabik na sabik na pato. Kung titigan ko ng maigi ang mukha ng lalakeng tumawag sa kaniya, siya yung lalakeng isa sa mga kasama ni Lewis kanina. Isa siya sa mga kaibigan ng crush ko. W-Well, kailangan kong mag-ayos at maging maganda. Pero gayunpaman, ang sikat pala ni Luna kung tutuusin. Isang upperclassman ang lumapit sa kaniya at alam kong bihira lang magkaroon ng oras lumapit ang upperclassmen sa mga underclassmen. Nandito rin kaya si Lewis?  "Keevan! What's wrong?! What do you want?" ngiti-ngiting tanong ng kaibigan ko sa lalakeng ito. Galawan palang ni Luna, alam ko nang ito yung tinutukoy niyang crush niya. Sana naman icu-crush back siya ng crush niya. Sana rin wala pang girlfriend itong crush niya. Ayoko kasing masaktan si Luna kagaya ng pinagdadaanan ko. Sana talaga tatanggapin niya ang nararamdaman ni Luna para sa kaniya. "Oh, Keevan! That's right! Remember the girl I told you about during the time you visited at my house? About my best friend?" V-Visited? K-kung ganun, alam na niya ang nararamdaman ni Luna para sa kaniya? Visited huh. Oo, naalala kong may binanggit si Luna sakin tungkol sa lalakeng bumibisita minsan sa bahay nila. Ito pala yung lalakeng yun? "Yes, I remember. Why?" ngiting tugon ng lalake. "Finally she's here!" Nagulat nalang ako nang bigla akong hinila ni Luna. Ang higpit pa ng pagkapit niya sa braso ko. Ayos lang ba siyang ipakilala ako sa crush niya? P-Pero kahit na! Kaibigan siya ni Lewis kaya kailangan ko ring maging matino at maging pormal. A-Ano ang dapat kong sasabihin? Paano na 'to? Nahihiya ako at nakayuko pa ako. Nadidismaya na ba si Luna sakin? Napakawalang kwenta ko talagang kaibigan. Pero wala namang mawawala kung susubukan kong sasabihin ang pangalan ko, 'di ba? "I-I'm Ame---" "The red ribbon girl!"  Napatingala ako sa kaniya nang tinawag niya sakin ang salitang yun. R-Red ribbon girl? Hindi ba masyadong biglaan yun? Hindi ako mapakali at sadyang nginitian na lamang siya. Kaya ba tinawag niya akong red ribbon girl dahil sa ribbon kong tali? Nakakatuwa naman kung naalala niya ako kahit saglit lang ang presensya ko kanina. Pero kahit na, ngumiti pa rin siya sakin. Kung sana'y ganito rin ngumiti si Lewis sakin, magaganahan talaga ako ngayon.  "What? Red ribbon girl?" natatawang sabi ni Luna. "Her name is not red ribbon girl. It's Ameri! A-me-ri! Ameri Charmante!" napatingin ang kaibigan ko sakin saka ngumiti. "And Ameri, this is my cousin. Keevan Heinrich." C-Cousin?! Hindi pala crush?! So ako lang pala ang nag-iisip na crush niya ang lalakeng ito? Nagkakamali ako. Pakiramdam ko may tumarak na bagay ang tumusok sa aking dibdib. Kasalanan ko kung bakit ko iniisip na crush nila ang isa't isa. Kailangan kong ibahin ang ganitong klaseng gawi ko.  "Nice to meet you, A-me-ri." Bigla akong nahihiya nang sinambit niya ang pangalan ko ng ganun. Hindi kasi ako sanay na may ibang taong tumawag sa pangalan ko lalong lalo na't hindi ko pa kilala masyado. Nakakahiya na yun. "Oh, what do you want from here? You even bothered yourself walking far much distance from your building up to this class, even though our buildings are tolerably far away from each other," usyosong tanong ni Luna. "Uhh, well. We need one underclassman to be part of our upcoming drama. Would it be fine if I'll ask one of you?" marihin niyang pagmamakausap. "Sorry, but I can't make it," agad na pagtatanggi ni Luna. "Try finding one in another class. I'm sure you'll get one." "Really? Then that's too bad. The job really suits on you, though." Nanigas ako nang binalingan ako ng tingin ni Keevan. Tinignan niya ako na para bang nagmamakaawang tuta. Taos-puso siyang nanghingi ng tulong sa amin. Tapos kakarinig ko lang na ganito kalayo ang nilakad niya mula sa kanilang classroom para lang maghahanap ng underclassman dito para sa project nila. Ang hirap naman nun kung iisipin. Gusto kong maiyak. Napaka-hardworking ni upperclassman pero hindi nagpa-pay off ang pagsisikap niya. Kung ganun, ako nalang! "U-Uhh, excuse me," nahihiya ako kaya yumuko lang ako. "I-Is it alright if I'll try?" Ayun na, natanong ko na. Ang sagot nalang niya ang kulang. Nanginginig ako habang hinihintay ang sagot niya at hindi rin ako mapakali kaya hindi muna ako gumalaw habang pinagpapawisan na sa aking pwesto. Hindi ako sanay sa mga ganitong sitwasyon dahil bihira lang akong magboboluntaryo. Pero dahil kitang-kita ko na ang tyansa ngayon, parang umiral ang aking sarili na tulungan siya. Tinapik ako ni Luna sa balikat sabay sabi ng, "Ameri? Are you being serious right no---" "Really?! Then see me later right after dismissal time if you have nothing else to do. Let's meet at the fountain." Nagulat ako sa sagot ni Keevan at malaking pasalamat kong ganun ang kaniyang reaksyon. Akala ko ayaw niyang magboboluntaryo ako. Pero kahit na, sabik na sabik akong makatulong sa kaniya. At upperclassman din naman siya kaya inaasahan kong makikita ko mamaya si Lewis. Hindi na ako makakapaghihintay pa. Gusto ko na siyang makita ulit. "R-Right. See ya."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD