PAGKATAPOS naming kumain ng tanghalian, dumiretso kami ni Luna sa classroom para iligpit ko ang aking lunchbox. Inaanyayaan kong pwedeng kumain si Luna sa aking baon pero hindi na niya nagawa dahil limang iba't ibang klaseng pagkain ang binili niya sa cafeteria. Pagkatapos naming pumunta sa classroom, sinamahan ako ni Luna sa soccer field para panoorin sina Lewis na naglalaro. Nandito lang kami sa tabi ni Luna, patago silang pinanood.
"Hey, Am. Do you remember the guy I told you about before? The one I have a crush on?"
Ito na siguro ang tamang panahon para pag-usapan namin ang crush niya. Minsan lang kasi kami nagkikita pero palagi niya akong kinukuwentuhan tungkol sa crush niya sa tuwing magkasama kami. Akala ko kasi si Keevan ang crush niya, yun pala magpinsan pala sila. Hindi kasi kailanman binaggit ni Luna ang pangalan ng crush niya eh, kaya di ko kasalanan kung napagkamalan kong may gusto sila sa isa't isa. Sadyang close lang pala sila dahil magpinsan sila. Pasensya na, Luna.
"Y-Yeah, why?"
Sinulyapan ko si Luna na nakangiting nakatingin sa isang player na kalaro kasama nina Lewis. May bangs siyang hanggang sa mata, katamtaman lang ang kalakihan ng mga mata niya. Maputi rin siya at katulad ni Lewis, makisig ang katawan. Siguro ito yung crush na tinutukoy ni Luna? Balita ko galing kay Luna na marunong ding mag-basketball itong crush niya. Si Lewis siguro, marunong din kaya siya?
"You see that guy who just took a break and started walking towards our direction?"
Sinundan ko ng tingin ang crush niyang papalapit sa aming direksyon. "Yeah, I can see him."
Hindi katulad ko, itong si Luna ay nasa malayong lebel na pagdating sa galawan ng crush. Alam kong konting galaw nalang at magkakatuluyan na sila. Palagi kasing kinukuwento ni Luna sakin na palagi silang nagkakausap ng crush niya. Siguro may pagtingin na rin itong crush niya sa kaniya. Ang ganda siguro iisipin kung kami rin ni Lewis ay magkakausap din. Kailan kaya mangyayari yun? Kailan kaya?
"Hey, Luna!" masayang bati ng lalake na inaasahan kong crush ni Luna habang tumatakbo siya patungo sa amin.
"Hey, Dwayne!" Agad namang tumayo si Luna para salubungin ang crush niya.
Napangiti lang ako habang pinagmasdan ang galaw ng kaibigan kong di mapakaling kaharap ang crush niya. Madaling basahin ang mga tao kaya madali rin akong nakakaintindi sa mga ibig ipahiwatig ng mga galawan nila. Nahagip ng aking mga mata si Luna na kinuha ang kaniyang panyo galing sa kaniyang bulsa, binigay niya ito sa lalakeng crush niya na Dwayne ang pagkaalala ko sa kaniyang pangalan.
Hindi ko na sila inabala pa at patuloy lang ako sa pag-upo rito sa damuhan habang pinanood si Lewis. Hindi ko akalaing close pala si Luna sa mga kaibigan ni Lewis, tapos pinsan pa niya ang isa sa kanila. Close din kaya sina Luna at Lewis? Gustuhin ko mang magkalapit kami ng crush ko, ayokong gamitin ang kaibigan ko para magawa ko yun. Maghahanap ako ng sarili kong paraan upang makalapit sa kaniya.
Biglang uminit ang katawan ko nang magtagpo ang tingin namin ni Lewis. Saglit lang yun, mga tatlong segundo, at nagpatuloy ulit siya sa paglalaro. Hindi ko alam kung sakin siya nakatingin pero yun ang inakala ko, kaya hindi ko maiwasang mamula. Wala namang ibang tao sa likod ko pero nagawa niya pa ring mapalingon sa direksyon ko. Ang saya-saya ko na. Parang hindi ako nakontento sa konting segundong yun lang. Gusto ko siyang lapitan, gusto ko siyang kausapin. Pero masama naman siguro kung dire-diretso ko lang siyang lapitan, 'di ba?
"Ameri! Stand up! Come here."
Nawala lahat ng pag-iisip ko nang tinawag ako ni Luna. Agad akong tumayo dahil hindi ako mapakali at saka siya nilapitan. Hinawakan ko naman ng mahigpit si Luna sa kaniyang braso na para bang isa akong takot na asong kumakapit sa kaniyang amo. Kaharap ko ngayon ang crush ni Luna na grabe ang tangkad. Siyempre, hindi ko siya matitigan sa mga mata niya dahil unang pagkikita palag namin at nahihiya pa ako.
"Am, this is Dwayne Deichman," pakilala ni Luna sa crush niya saka bumulong sakin ng, "My crush," at saka kumindat pa sakin.
"H-Hello. I'm Ameri, Luna's best friend," yuko kong tugon.
Alam kong mukha na akong weirdo ngayon pero nahihiya ako. Wala na akong magawa dun. Wait. May mali ba sa pagpapakilala ko sa aking sarili? Sinabi ko na best friend ako ni Luna, pagtatawanan niya ba ako? Alam kong hindi engot at duwag ang paningin nila kay Luna pero baka pagtatawanan lang ako dahil isa akong duwag kung tignan, at isa pa akong nerd kung pagmasdan. Hindi ako nakikipagtitigan sa mata kapag ako ay may kausap kaya pakiramdam ko hindi niya na ako magugustuhan bilang kaibigan o kakilala ni Luna. Pambihira. Tumawa siya kaya napatingala ako sa kaniya. Sabi ko na nga ba eh, ayaw
"So you were from earlier. The girl with the red ribbon who ran with this idiot," ngisi nitong sambit sabay tapik sa ulo ni Luna. Nakita ko namang nagbu-blush si Luna at di makagalaw dahil nakapatong sa ulo niya ang kamay ni Dwayne.
Hindi ako naiinsulto sa komento ni Dwayne pagkatapos kong ipakilala ang sarili ko. Akala ko masama na ang tingin niya sakin. Gusto kong maging maayos at mabait sa harap nila dahil sila ang mga kaibigan ni Lewis. Kaibigan sila ng pinakadakilang crush ko kaya kailangan kong mag-iwan ng magandang impresyon sa kanila. Pero sa tingin ko kailangan ko pang magsipag para makamit ko yun.
"So, bye now! I'll go back to practice," kumaway ang lalake kay Luna habang patalikod itong tumakbo pabalik sa field. "And you too!" Napaudlot ako nang tinawag at tinuro niya ako, "Let's meet again!"
Hindi na ako nag-iwan ng sagot at tumango nalang dahil alam kong wala akong tyansang makikipagkita ulit sa kaniya. Kailangan magkasama sila palagi ni Luna at ayokong sumagabal dun sa plano nila. At isa pa, may sarili akong crush na ikinababaliwan ko at dun lang ako mananatili at didikit palagi. Kailangan ko ng oras para magkakalapit kami ni Lewis.
"I told you, right?! He was so-so-so nice!" tumalon si Luna sakin para hawakan ang aking kamay. Para siyang isang proud na bulate na kanina pa galaw nang galaw. "He's so polite and quite a gentleman, right? Not only that! He's also kind and handsome! So handsome! So-so handsome!"
Umalingawngaw na sa tenga ko ang boses niyang kanina pa nakafull volume. Ibang klase talaga ang enerhiya kapag nakakausap mo ang crush mo 'no? Kailan kaya ako magkakaganyan? Kapag ba makakausap ko na si Lewis, ganyan din kaya kataas ang enerhiya ko? Maghihintay ako dahil alam kong dadating ang panahong yun. Siguro.
"Hey, Luna!" sigaw ng babaeng papalapit sa amin. May kasama rin siyang limang babae.
"Oh, hey Wendy," ngiting sambit ng kaibigan ko.
Hindi naman siguro sila mga masasamang tao. Palagi silang nakangiti at mukha pang mahinhin ang mga hitsura nila kaya alam kong magiging ayos lang. Pero si Luna ang hinahanap nila. Hindi naman sa nagseselos ako, sadyang ayoko lang talagang may kumakausap sa akin na hindi ko kilala, at saka ayoko ring maging sagabal sa plano nila.
"Do you want to play soccer with us? I heard you're participating in the upcoming event?" tanong ng babaeng nagngangalang Wendy.
"Yes! Let's go play! Man, I nearly forgot about that event. Thanks for reminding me, Wen." Lumingon si Luna sakin na para bang nagsasabing sasali ako sa kanila.
Nataranta ako kaya nagpoproseso muna sa utak ko ang sasabihin ko. "Oh, no. I'm fine, I'm fine. I'm so sorry, but I'm not into sports so I'm not that athletic. Oh and in the upcoming event, I'm going to participate in the music competition so.... I'm really really sorry about not going with you," mahinhin kong wika na may halong pagkataranta.
"Oh yeah, I've heard about that. Good luck with your practice, alright?" sabi ng babaeng katabi ni Wendy. Hindi ko siya kilala pero alam kong nakita ko na siya, hindi ko lang naalala kung saan.
Tumango lang ako bilang sagot ko.
"Are you sure, Am?" alalang wanong sakin ng kaibigan ko.
Ngumiti akong tumango para sabihing ayos lang talaga. Ayokong mag-alala siya sakin dahil mag-alala rin ako. "I'll go to the comfort room for a while. I'll be back, okay?" sabi ko saka kumaaway papaalis. Kumaway rin naman sina Luna at Wendy kaya umalis na ako para tumungo sa CR.
Hindi naman ako naiihi, excuse ko lang yun para hindi ako sagabal sa kanila. Kahit na hindi nila iisiping hindi ako mayamot, sa tingin ko nakakabagot pa rin ako. Masaya akong may iba pang mga kaibigan si Luna liban sakin. Magandang bagay na sakin yung marami siyang kaibigan kaysa sa akin lang siya palaging dumidikit. Pero ganun din, nakakalungkot din minsan. Pero ayos lang ako. Si Luna ang kaibigan ko eh, sapat na ako dun. At saka malaki ang pasasalamat ko sa kanila dahil kinakaibigan nila si Luna. Ang gandang isiping masaya ang kaibigan mo 'no? Mawawala lahat ng pag-alala mo kapag kontento ka sa kaibigan mong masaya.
Papunta ako ngayon sa banyo para lang maghuhugas ng kamay. Wala naman talaga akong pakay sa CR, sadyang gusto ko lang din sigurong mag-isip mag-isa. Walang masyadong tao rito sa loob ng CR, siguro dahil abalang-abala sila sa welcoming event na mangyayari sa paaralan namin. At dahil music competition ang sinalihan ko, kailangan ko ring mag-ensayo para hindi ako magkakamali sa oras ng aking palabas.
Napabuntong-hininga ako at tumingala sa salaming nasa aking harap. Hindi ako makakapagsabi kung maganda ba ako o pangit kasi hindi ako mahilig tumingin sa salamin. Pero may crush na ako kaya kailangan ko na sigurong sanayin ang sarili kong magpaganda. Nang makilala ko si Lewis, talagang umiikot ang pag-iisip at mundo ko sa kaniya. Yung tipong iinit nalang bigla ang katawan ko sa kakaisip sa kaniya. Ano ba 'to!
Papalabas na ako sa CR nang may nakita akong lalakeng pamilyar ang mukha. Nakasandal lang siya sa pader saka nakapikit na naka-cross arm na para bang may hinintay siya. Siyempre hinayaan ko lang siya at naglakad na ako. Nagulat lang kasi ako dahil nasa harap siya ng girls' comfort room nag-aantay. Para siyang weirdo na m******s. Masamang isipin ang bagay na hindi ko naman alam ang totoong istorya kaya sinampal ko ang sarili ko para tanggalin ang pagiging judgmental.
Naglakad-lakad muna ako sa buong campus para pakalmahin ang pakiramdam ko. Pakiramdam ko talaga hindi ako kabilang sa paaralang ito sapagkat ang daming hindi ko kilala at hindi pa ako marunong makisama. Kahit saan may nahahagip akong mga estudyanteng abalang-abala lahat sa pag-eensayo para sa kanilang perpormasyon. May ibang naghahanda para sa kanilang gaganaping theatre, patimpalak para sa mga matalino, paligsahan para sa mga sports at iba pa.
Siguro pupunta muna ako sa music room para mag-practice din. Lahat kasi ng mga estudyante rito ay may sinasalihan kaya todo practice at aral sila sa mga ipepresenta nila. Wala akong talent at skills. Hindi rin ako matalino, at hindi rin ako maaasahan. Sa broadcasting sana ako sasali kung hindi lang ako mahiyaing nilalang. Mababa rin ang boses ko at masyado pa akong nerbyoso kaya sa pagbo-broadcast palang, alam kong mauutal ako sa oras na magsasalita ako.
Kaya ko pinili ang music ay dahil may konti lang akong kaalaman dito. Hindi ako marunong tumugtog ng instrumento, sadyang ang natatanging alam ko lang tungkol sa musika ay ang iba't ibang klaseng mga notes at chords. Nakikinig ako sa mga musikang pang-classical at karamihan doon ay mga kino-compose nina Chopin, Beethoven, Bach, Mozart, Liszt, at iba pang mga piano at violin composers. Pinakapaborito ko sa kanila ay si Frederic Chopin. Hindi siya masyadong kilala ngayon ngunit isa siyang virtuoso pianist. In short, nagpopokus ang musika ni Chopin tungkol sa pagiging propesyonal niya pagdating sa talento at kahusayan sa harap ng piano. Isa pa, ang musika niya'y nakakasabik pakinggan dahil alam mong matatamaan ka bawat tono at tugtog nito. Istorya kasi ng buhay ng isang tao ang minsan kalabasan ng kaniyang akda kaya malalaman mong maisasalaysay mo ang iyong buhay sa oras na maririnig mo ang kaniyang musika. Yun ang pananaw ko sa musika niya at yun din ang gusto ko tungkol sa kaniya.
Sina Beethoven at Mozart naman, nagpopokus naman ang kanilang musika sa mga emosyong kadalasan nating mararamdaman gaya ng pagmamahal, kalungkutan, kasiyahan, kasindakan, at iba pa. Kaya kilalang-kilala sila hanggang ngayon dahil sa musika nilang mabilis makakuha ng atensyon lalong lalo na't marami pang mga taong dumaranas ng kahirapan at kalungkutan ngayon. Hindi ako sigurado basta yan lang din ang napapansin ko sa mga akda nila.
Nasa harap ko na ngayon ang music room. Kabisadong-kabisado ko na ang daanan ng bawat sulok ng paaralang ito kaya walang tyansang maliligaw ako kahit saglit. Napapansin kong ako lang mag-isa rito dahil sa masyadong kalakihan at dahil sa masaradong malaking silid na ito, wala akong marinig na boses na umalingawngaw kahit saan. Ang laki ng espasyo sa loob ng music room. Parang isang mall na walang katao-tao. Marami pang musical instruments ang mga nakatakip ng tela gaya ng drum set at piano, at ang iba ring mga instrumento ay nakalatag sa mesang gawa sa glass at ang iba ay nakabitay din sa dingding.
Sinubukan kong kunin ang four-fourths sized na violin para patugtugin ito. Nang mapansin kong hindi eksakto at tama ang tono ng violin, umupo muna ako sa pinakamalapit na upuan saka inayos ang tono ng violin. Alam ko ang ganitong bagay dahil may isang pangyayaring napadaan ako sa isang kalsada tapos nakita ko ang isang ginoo na inayos niya ang violin, tuning daw tawag nun sabi niya. Kaya heto ako ngayon, natuto sa kaniya.
Wala akong alam kung paano ito patugtugin pero ayon sa napanood ko sa telebisyon, taas-baba at pindot-pindot lang ng string para makabuo ka ng tunog. Hindi ko alam kungmay iba pa bang kailangang gawin bukod dun. Nang matapos ko na itong ayusin, sinubukan kong patugtugin ang intro ng kantang "I Was King" ng One OK Rock. Tatandaan ko lang na up and down lang at makakabuo na ako ng musika. Yun lang ang kantang alam kong may anim na paulit-ulit na tunog kaya yun lang din ang sinubukan ko.
Ilang segundo ng pagtutugtug ko ay may narinig akong pumalakpak galing sa likod ko. Nagulat ako kaya napatalon ako at muntik ko nang mahulog ang violin. Napakamahal pa naman siguro nito tapos ihuhulog ko lang dahil sa gulat. Hindi na ako lumingon pa dahil nahihiya ako at baka pagtatawanan pa ako. Dahan-dahan kong sinabit ang violin sa dingding para hindi na ito madadamay pa sa katangahan ko.
"Your playing was beyond excellent!" sigaw ng isang pamilyar na boses.