Confessed
"Ikaw na lang ang magbigay nito kay Gio, ha, Dianarra?" pakiusap ng isang kagrupo ni Gio. "Kailangan niya kasi itong pag-aralan. Pagkabalik niya ay iyon na ang araw ng defense para sa mini thesis namin. Nakausap na namin siya sa f*******:. Sabi niya'y ibigay na lang daw sa'yo."
Masaya ko namang tinanggap ang kanilang handouts. Pupunta naman ako ngayon kina Gio kaya ayos lang na ako na ang magbigay sa kanya.
"Sige! Ako na ang bahala," sabi ko naman sa kanya.
Ngumiti siya. "Salamat, Dianarra. Ingat ka."
Tinanguan ko na lang siya at saka nilagay sa aking bag ang handouts. Mabuti na lang at naabutan niya ako dahil papauwi na ako.
I slept the whole weekend at the Buenviaje's mansion. Umuwi lang ako pagkatapos kong magdinner sa kanila ng Sunday. My mother didn't mind that. Sanay na siyang nag-oovernight ako kina Gio at minsan naman ay si Gio ang nag-oovernight sa amin. Kahapon naman ay hindi ko siya nabisita dahil may tinapos kami ng mga kagrupo ko at gabi na ako nakauwi galing eskuwela.
Pagkalabas na pagkalabas ko ng matayog na gate ng aming paaralan ay agad kong natanaw ang aming itim na SUV. Napakunot na lang ang aking noo nang makita kong may lalaking nakasuot ng aming uniporme at nakasandal doon. Hindi ko pa ito masyadong makita nang malinaw dahil sa distansyang namamagitan.
I briskly walked to our car and saw Silver leaning on it.
Once again, I felt the abnormal beat of my heart. Muli itong bumilis sa pagtibok na halos hindi ko mahabol para mapabagal.
"Iarra..." he called me using my nickname with a smile plastered on his lips.
I tried to act unbothered when he addressed me with my nickname. I know I allowed him to call me Iarra, but I suddenly regret it. Hindi ko alam kung bakit napakaganda ng pagkakabigkas niya sa aking palayaw.
The unbelievable rapid beats of my heart subsided and slowed down as it decided to skip a beat.
"Uh... Silver," I uttered his name hesitantly.
He raised a thermos tumbler. Napatingin na lamang ako rito. Ano ba 'to? Para sa akin ba 'to?
"Pinaluto ko kay mommy ang paboritong sabaw ni Gio. Noong kumain kami sa karinderya pagkatapos ng laban namin noon sa may Bayan ay sinabi niyang paborito niya raw itong―"
"Bulalo," sabay pa naming sabi.
He slightly chuckled before he nodded. Nahihiya naman akong tumawa. Napaka-awkward talaga naming dalawa.
"Sana ay maibigay mo sa kanya 'to..." sabi niya at inabot na sa akin ang tumbler. "Pupunta ka ba sa kanila?"
Kinuha ko naman ito at saka tumango. "Ayaw mo bang ikaw na lang ang magbigay sa kanya?" tanong ko. "Sumabay ka na sa akin papunta sa kanila. I'm sure matutuwa si Gio kapag ikaw mismo ang nagbigay sa kanya nito."
"Kahit na gusto ko ay hindi pwede. Malapit na ang eleksyon kaya tinutulungan ko si Papa sa paghahanda," sabi niya.
Lumabi naman ako. Hindi ko alam na nasa pulitika pala ang kanyang ama. If that's the case, they will be against the Valientes. Ang alam ko'y may tiyuhin si Gio na nasa pulitika.
"What's he nominated for?" I asked him. "Mayor ba o Gobernador?"
Bahagya naman siyang natawa sa aking hula bago umiling. "Wala kaming budget para sa malakihang kampanya na ganoon, Iarra. Hindi rin naman ganoon kakilala ang tatay ko sa buong lungsod," pagpapaliwanag niya. "Doon lang siya sa barangay namin tatakbo bilang kapitan."
"Oh..." I just nodded and smiled at him. "Good luck sa kanya kung ganoon."
"Thank you," he courtly said.
Muli naman siyang ngumiti sa akin at muntik ko nang hindi mapigilan ang sarili ko sa pagtitig sa kanya. Stupid, Iarra! You need to go now before you get caught because of your unusual admiration.
"Uh... So, I have to go now. Baka gabihin pa ako," paalam ko sa kanya kahit na gusto ko pang makipag-usap sa kanya.
My best friend's probably waiting for me to arrive already. When my last class ended, I already texted him that I'm on my way to their house. Magtataka 'yon na wala pa ako sa kanila gayong ten minutes lang naman ang biyahe patungo sa kanila mula sa eskuwelahan.
"Oh, okay!"
Pinagbuksan naman ako ni Silver ng pintuan ng aming sasakyan. Hindi ko maiwasang purihin siya nang paulit-ulit sa aking isipan dahil sa kanyang kabaitan.
I bit my lower lip before going inside the car after thanking him for being such a gentleman.
"Ingat ka," nakangiti niyang sabi sa akin.
Ngumiti ako at tumango sa kanya. "Mag-ingat ka rin."
He slightly waved his hands at me before closing the car's door. Nanatili siyang nakatayo sa gilid ng aming sasakyan at nakatanaw sa bintana. Our car's windows are tinted. Imposibleng nakikita niya ako pero kung titigan niya ang aming salamin habang nakangiti ay tila parang natatanaw niya ako sa loob nito.
"Sa mga Buenviaje po ba tayo, Ma'am?" Our driver suddenly asked me after he started the car's engine.
"Uh... Opo," sagot ko habang nakatingin pa rin kay Silver na hindi umaalis sa gilid ng aming sasakyan.
Unti-unting umaandar at lumayo ang aming SUV sa kinatatayuan ni Silver ngunit hindi siya natinag at pinanood lamang ang aking pag-alis.
Iniwas ko ang aking tingin bago huminga ng malalim at sumandal ng maayos. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko'y pinaglalaruan ako nito.
I've had crushes before because of their physical appearance, but I never felt this way about them. Whatever I'm feeling right now is definitely something new for me.
"Kaibigan ninyo po ba 'yon, Ma'am?" biglang tanong sa akin ng aming driver nang makalayo na sa eskuwelahan.
"Opo..." sagot ko. "Kaibigan po namin ni Gio."
"Dapat po pala ay hinatid na rin natin ang kaibigan ninyo sa kanila," sabi nito sa akin.
Bahagyang nanlaki ang aking mga mata at naisip na tama siya! Dapat ay nag-abala akong tanungin siya kung gusto niyang ihatid ko siya sa kanila. Sa susunod kapag nakasalubong ko siya pauwi ay tatanungin ko siya.
I suddenly felt excited going to school tomorrow just to wait for our dismissal. Sana ay sabay ang tapos ng huling klase namin kinabukasan para maihatid ko siya sa kanila. That way, I can spend more time with him. Mas makikilala ko siya ng buo. I really want to know him more.
Naningkit naman ang aking mata nang makitang may pamilyar na lalaking nakatayo sa terasa. Nang mas lumapit ang sasakyan sa mansyon ay nanlaki ang aking mga mata nang makita kong si Gio iyon at nakahalukipkip.
As soon as the car halted, I immediately got out of the car. Dala-dala ko ang aking bag at ang ipinapabigay ni Silver kay Gio.
Tinanggal ni Gio ang pagkakahalukipkip ng kanyang braso nang makita na akong nagmamadali patungo sa kanya. Pirming nakatayo pa rin siya at hinihintay akong makalapit.
"What are you doing out here, Gio?" I asked him, slightly irritated. "The doctor told you to rest your legs and feet for a week. Hindi ka talaga nakikinig!"
"I was waiting for you to arrive," he calmly said. "You texted me thirty minutes ago that you're already on your way here, pero hindi ka pa rin dumadating kanina. I tried calling and texting you, but you didn't answer any of that. I got worried, so I just waited here because mom wouldn't let me out of the mansion. She wouldn't let me drive the car because of my condition."
"She shouldn't have let you out of your bed in the first place." Hindi ko talaga mapigilan ang pagiging iritado.
"I'm sorry..." he apologized. "Nag-alala lang talaga ako."
Napabuntong hininga naman ako at kinalma ang sarili.
Gio's always like this. Tuwing nag-aaway kami o nagkakatampuhan ay laging siya ang unang humihingi ng tawad. Even if he's not the one at fault, he would still apologize just to end our war.
"I'm sorry, too..." I said. "I wasn't checking my phone and it's on silent mode. May ibinigay kasi sa akin ang kagrupo mo na handouts para sa report ninyo at nakasalubong ko si Silver na may ipinapabigay rin sa 'yo. We talked a bit."
He slowly nodded his head. "It's alright..." and I don't know why it doesn't seem or feel alright with him.
Ngumiti na lang ako at hindi na nang-usisa. Ipinakita ko sa kanya ang pinapabigay ni Silver.
"He asked his mom to cook your favorite soup. Sabaw raw ng bulalo ang laman nito," masaya kong sabi bago tumikhim. "I think he still feels guilty and responsible for what happened to you, Gio. You should probably talk to him. Kahit sa text o tawag lang. Wala naman siyang kasalanan sa nangyari."
Gio's lips slightly parted before he pursed it and nodded. "You're right..." he said. "I'll call him tonight. Pagkauwi mo."
"Why don't you call him right now?" nasasabik ko namang suwestyon sa kanya.
"Mamaya na," sabi niya. "Hapon pa lang ngayon at baka may ginagawa pa siya. Ayokong makaistorbo ng tao."
Bigla ko namang naalala na tutulungan nga pala ni Silver ang kanyang tatay sa paghahanda sa pangangampanya.
"Ay, oo! Mamayang gabi mo na lang siya tawagan," pagbabago ko ng isip. "May gagawin sila ngayon ng tatay niya. Nasa pulitika pala ang tatay niya, no?"
"Yes..." matamang sabi ni Gio. "His father's one of the Kagawads of their barangay. Ang alam ko'y tatakbong kapitan ang tatay niya ngayong eleksyon."
Tumango-tango naman ako. "We should help his father campaign to win the position as his friend, don't you think?"
Muli namang humalukipkip si Gio at itinuon sa akin ang kanyang buong atensyon. Napalunok naman ako at bahagyang nag-iwas ng tingin dahil mukhang napapansin na niya.
Should I tell him these unusual feelings that I'm feeling for his friend?
"Why do you seem so interested with Silver and his family?" he asked me, sounding like he's accusing me of something bad.
"Masama bang magtanong tungkol sa kanya?" walang kwenta kong pagbabalik ng tanong.
His jaw clenched and heaved. Muli sana siyang magsasalita nang lumabas si Tita Yunice.
"Emilgio!" sigaw ni Tita sa pangalan ng kanyang anak.
Nagmamadali siyang lumapit sa amin bago ako nilingon ni Tita Yunice.
"Nandito na pala si Iarra. You two should go inside already," natataranta niyang sabi bago binalingan si Gio. "I told you to just wait in the living room and sit on the couch, Emilgio. Hindi ka talaga nakikinig minsan!"
Naalala ko namang hindi nga pala maayos ang lagay ng binti at paa ni Gio. Inalalayan namin siya ni Tita Yunice papasok sa tanggapan ng kanilang bahay at iniupo namin siya sa couch.
"Mom, I'm fine..." giit naman ni Gio. "You two are so overprotective. Hindi naman ganoon kasakit. I can walk already."
"Huwag mo nang ipilit, Gio," mariin kong sabi sa kanya.
"Pakibantayan siya muna rito, Iarra. Pupunta lang ako sa plantation para makausap si Manong Benny," bilin sa akin ni Tita na agad ko namang tinanguan. "And you, son, stop being hard-headed. Magpahinga ka muna rito bago kayo umakyat sa kwarto mo. I don't want you to strain it."
Kitang-kita ko sa mukha ni Gio na muli niyang ipipilit na kaya na niya at magrereklamo kaya naman inuahan ko na siya.
"Ako na po ang bahala sa kanya, Tita. Subukan niya lang pong sumuway sa akin." Humalukipkip ako at matalim na tiningnan si Gio.
Alam niyang seryoso na ako kaya naman napabuntong hininga na lang siya at saka isinandal ang likod sa sandalan ng couch. He was frowning like a kid. I pursed my lips to stop myself from smiling because he was looking so cute.
"Oh, sige't hahayaan ko na si Gio sa'yo, Iarra. I trust him with you," sabi ni Tita Yunice at muling binalaan si Gio bago siya tuluyang umalis.
Nanatiling nakasimangot si Gio kahit na kaming dalawa na lang ang nandito sa sala. Nakuha niya ring humalukipkip bago ibinaba ang paa sa lapag at sumulyap sa akin. Nagtaas ako ng kilay sa kanya at muli niya itong itinaas sa couch.
"Iarra, I'm bored," he whined. "You don't expect me to just stay on my bed for days. Kailangan ko ring i-exercise ang binti ko."
"Just do what you are told, Gio. Pagkatapos nito, promise, we will go island hopping and hiking. This coming weekend. Pangako ko 'yan," sabi ko sa kanya upang sumunod lang siya sa akin ngayon.
"We will be busy because of school works by next week since Finals na natin," sabi niya. "Hindi tayo makakaalis at makakapagbakasyon nitong darating na weekend."
"Hindi naman tayo lalabas ng Bela Isla, Gio. Dito lang tayo. Isang araw lang ang kailangan natin. Magpakasaya tayo bago sumabak sa giyera at magsunog ng kilay," sabi ko at umupo sa kanyang tabi bago kinuha ang handouts na ipinapabigay ng kanyang kaklase. "Ito na 'yong handouts ninyo..."
Kinuha niya naman sa akin ang handouts. Pinasadahan niya lang ng tingin ang unang pahina at ganoon din ang ginawa niya sa mga susunod. He just skimmed through the handouts before placing it on top of the coffee table.
"Alam ko na 'yan..." simpleng sabi niya.
Hindi naman na ako nagulat doon dahil matalino si Gio. He can easily decipher things without spending a lot of time thinking about it.
Dumako naman ang aking mga mata sa binigay ni Silver sa kanya. Napangiti ako at inisip kung ano ang lasa ng ginawang sabaw ng Bulalo ng nanay ni Silver. His mom should be a good cook.
Tumayo naman ako at nagdesisyon na pumunta sa kanilang kusina.
"Where are you going?" Gio asked me.
"May kukuhanin lang ako sa kitchen ninyo. Diyan ka lang at huwag na huwag kang maglalakad," pagbabanta ko sa kanya bago ako nagtuloy papunta sa kanilang kusina.
I grabbed two mini bowls and spoon. Kumuha rin ako ng tray upang doon ito ipatong dahil kukuha rin ako ng inumin namin ni Gio. Para madali ko lang bibitbitin pagbalik ko sa sala.
"Ma'am, ako na po riyan..." pagp-prisinta naman ng kanilang katulong.
Nginitian ko lang siya at saka umiling. "Ako na ang bahala. Magpatuloy ka na lang sa ginagawa mo."
Pagkalabas ko ng kusina ay agad kong namataan ang tingin sa akin ni Gio na mukhang hinihintay ang aking pagbabalik. Nilagay ko rin sa lamesa ang tray na dala-dala ko. Binuksan ko ang tumbler kung saan nakalagay ang sabaw. Mabuti na lang at sa thermos ito nilagay kaya hindi nawala ang init.
I carefully poured the right amount of soup into the bowl. I can feel Gio's watching my every move while piercing his stare right through me.
Binigay ko sa kanya ang unang mangkok na nasalinan ko ng sabaw.
"Thanks..." he simply thanked me.
Nginitian ko na lang ang aking matalik na kaibigan bago nagsalin nang para sa akin. Agad ko itong tinikman nang matapos ako at napangiti ako sa masarap na lasa ng sabaw. Tamang-tama lang ang alat. Nakakaginhawa pa sa pakiramdam lalo na kapag nainitan na ang sikmura.
"Ang sarap pa lang magluto ng nanay ni Silver," wala sa sarili kong sabi.
"Uhuh..." sabi na lang ni Gio habang humihigop din ng sabaw.
Inabutan ko rin si Gio ng tubig nang maubos na niya ang sabaw na ibinigay ko sa kanya.
I tried to clean up our mess, but their maids didn't let me do it. Hinayaan ko na lang sila na gawin ang kanilang trabaho kahit na gusto kong ako na ang magligpit at maglinis ng aming pinagkainan.
"Kira, pakibalik dito no'ng thermos pagkatapos mong linisan," bilin ko naman sa kanilang katulong at nakangiting tumango naman ito sa akin.
I turned to Gio with a smile, while he was looking intently at me. Nararamdaman kong gusto na niya akong paulanan ng mga tanong pero pinipigilan niya ang kanyang sarili.
"Puwedeng pahingi pala ako ng number ni Silver, Gio?" tanong ko sa kanya. "Ako na ang magbabalik ng thermos nila. I need his number so I can text him tomorrow for his whereabouts."
Gio crossed his arms while he just continued staring at me.
"Do you really just need his number because you want to give their thermos back?" he asked me, and his tone was demanding an honest answer. "Wala pang isang linggo no'ng sobrang kinaiinisan mo siya dahil napatid niya ako."
Napakunot naman ang aking noo. "Gio, ikaw na nga ang mismong nagsabi sa akin. Hindi niya naman iyon sinasadya. Hindi ako dapat magtanim ng sama ng loob sa taong wala namang ginagawang masama," pagpapaliwanag ko. "At saka mabait siya. He's your friend as well."
"Kailan mo lang siya nakilala at nasasabi mo na kaagad na mabait siya," sabi naman ni Gio.
"Gio, he's your friend," I told him. "He wouldn't be your friend if he isn't kind. Kung hindi ko man siya ganoon kakilala, ikaw ay kilalang-kilala ko. Hindi mo kakaibiganin ang isang tao kung may nakikita kang hindi tama sa kanya na hindi mo magugustuhan."
"Iarra, it's different," he tried to clear things out for me. "We're friends because we both like playing. Masaya siyang kasama at kalaro. Iba ang pagkakaibigan namin. I don't know how he is being friends with girls. Kung kami ay okay, hindi ibig sabihin no'n ay magiging okay rin kayong dalawa."
"Well, I can tell that he's kind, Gio. I'm okay with him," I stated, trying to make him understand my point. "And that's why I want to know him more."
Bahagyang napaawang ang kanyang bibig habang nakatingin pa rin sa akin. Nagbago ang kanyang ekspresyon at hindi ko ito masyadong mapangalanan dahil halu-halong ekspresyon na ngayon ang ipinapakita niya.
"Why do you want to know him more?" he carefully asked me.
Ngayon, hindi ko alam kung gusto niya pa bang malaman ang totoong sagot sa kanyang katanungan dahil sa pag-iingat niyang sabihin ito sa akin.
Ayoko mang sabihin ito sa kanya lalo na't hindi pa naman ako sigurado sa kahit na ano, but he's my best friend and he deserves to know it. Ayoko rin namang magsinungaling sa kanya. I never lie to him.
"I think I like him, Gio..." I honestly answered his question.
His expression didn't change and he just stared at me.
"I think I like Silver," I confessed.