Chapter 2

2301 Words
Award "You're finally here, Iarra!" Tita Yunice hugged me as soon as she got closer. Her face was filled with worries. Binalot muli ako ng kaba. Hindi ko alam kung ano ang lagay ngayon ni Gio at ang ekspresyon ng kanyang ina ay nagpakaba sa akin. "Tita, how's Gio?" I asked her and held on to my medal tightly. Hindi ko na rin maitago ang kabang nararamdaman ko. She smiled at me. "He's fine..." I exhaled a deep sigh in relief. "The doctor said that there were no bones fractured. His muscles are just swollen. Sprain lang daw iyon at magiging maayos din after a week," paliwanag niya. "Kanina pa niya tinatanong kung nandito ka na raw. He's in his room. You should go up now and check on him." Tumango naman ako at kinagat ang ibabang labi nang maalalang hindi nga pala ako nag-iisa. "Uhm...Tita, may kasama nga po pala ako," sabi ko naman. "Iyong nakapatid po kay Gio, gusto po siyang bisitahin. Gusto niya rin daw pong humingi ng paumanhin sa'yo. I hope it's fine, Tita..." Tita smiled and nodded. "Of course! Is he outside? Let him in." Masaya naman akong tumango at muling lumabas upang tawagin si Silver. He was leaning on our car, but he stood up straight once he saw me. I smiled at him and nodded. Alam na niya ang ibig kong sabihin. Ramdam ko naman ang kanyang kaba. Ilang beses pa siyang huminga ng malalim. "Hey, it's okay..." I cheered him up. "Mabait si Tita Yunice. I'm actually meaner than her." Ngumiti na lang siya sa akin at hinila ko na siya patungo sa tanggapan kung saan nag-aantay si Tita Yunice sa aming pagdating. "Tita, si Silver nga po pala. Kaibigan din po siya ni Gio," pakilala ko. Agad namang naglahad ng kamay si Silver at bahagyang niyuko ang ulo. "Pasensya na po, Ma'am," magalang niyang paghingi ng paumanhin. "Hindi ko po sinasadya ang nangyari pero gusto ko pa rin pong humingi ng paumanhin dahil hindi naging maganda ang lagay ni Gio." Tita Yunice slightly chuckled before she accepted Silver's hand. "Ayos lang, hijo..." sabi ni Tita bago binitawan ang kanyang kamay. "Gio already explained to me what happened. Well, guess we can't help it. Ganoon daw talaga sa paglalaro ng basketball. But I appreciate your initiative to apologize for what happened. Nakikita kong mabuti kang tao." Para namang nakahinga ng maluwag si Silver. "Maraming salamat po, Ma'am." "Drop the formalities, hijo. You're my son and Iarra's friend. Just call me Tita Yunice," Tita told him. He nodded and smiled. "Thank you po, Tita..." nag-aalangan niya pang sabi. "Oh sige na't umakyat na kayo sa kwarto ni Gio. Kanina ka pa niya hinihintay, Iarra," sabi naman ni Tita Yunice sa akin. "Okay po, Tita!" nagagalak kong sabi. Sinenyasan ko naman si Silver na sumunod sa akin at agad naman siyang sumabay sa aking paglalakad. I pursed my lips and tried to glance at him who was smiling while his eyes wandered around the mansion. Nang magawi naman ang kanyang tingin sa akin ay agad akong umiwas saka diniretso ang tingin. I held onto the strap of my shoulder bag before I stole another glance. Halos mahulog naman ako sa hagdanan nang maabutang nakatingin pa rin siya sa akin. I cleared my throat and looked away once again. "Is it your first time coming here?" tanong ko sa kanya upang kahit papaano'y mawala ang awkwardness. Tumango naman siya. "Madalas kong nakakalaro sa basketball si Gio kaya naging magkaibigan kami pero hindi kami ganoon kalapit sa isa't isa." "Madalas akong sumama sa mga laro niya pero ngayon lang kita nakita," sabi ko sa kanya. "Alam ko..." sabi naman niya. Napatigil ako sa paglalakad upang lingunin siya. Huminto rin siya at saka muling lumingon sa akin bago ngumiti. "Ilang beses na kitang nakita sa mga laro namin. You're always cheering for him," he said. "Siguro kaya hindi mo ako napansin sa mga laro naming at pati na rin ang ibang kalaro namin ay dahil sa kanya ka lang nakatingin." Bahagya naman akong nahiya sa kanyang sinabi. I smiled slyly and scratched my nape. "Akala nga namin dati ay girlfriend ka niya," dagdag niya pa. My eyes slightly widened and shook my head to deny. "Hindi, ah!" pagtanggi ko. "We might be somehow intimate with each other, but that's because we're really close. Kumportable kami sa isa't isa. Simula kasi pagkabata ay magkasama na kaming dalawa. Hirap nga ang mga magulang namin na paghiwalayin kaming dalawa." "I can see that..." He slightly chuckled. "Pero hanggang magkaibigan lang talaga kami," paglilinaw ko. I don't know why I don't want him to misunderstand what's in between me and Gio. Gusto kong paulit-ulit na linawin sa kanyang matalik na magkaibigan lang kami ni Gio at hanggang doon lang 'yon. Humalakhak naman siya at hindi ko mapigilan ang pagtitig sa kanya habang pinapakinggan ang kanyang tawa. His manly laugh was being interpreted by my brain as something else. I think my brain mistaken it as some kind of music. Kaaya-aya sa aking pandinig ang kanyang tawa. "Alam ko na 'yon..." sabi niya at pinigilan ang sarili sa pagtawa. "Hindi mo na kailangan ulitin pa." "Mabuti nang nagkakaintindihan," sabi ko na lang at saka siya tinalikuran. Dire-diretso na ang aking tingin at lakad patungo sa kwarto ni Gio. I tried to turn the door knob and luckily, it wasn't locked. Tuluyan ko nang binuksan ang pintuan at nakitang nakaupo si Gio sa kanyang higaan habang nakasandal sa header. The moment his eyes found mine, a smile appeared on his lips. "Hi!" I greeted him. "I'm with Silver, by the way..." sabi ko at nilakihan ang awang ng pinto upang makapasok si Silver. Gio's smile wavered for a moment, maybe due to shock, but he was able to acknowledge Silver's presence right away. "Silver!" gulat niyang pagtawag sa kaibigan. "Napadalaw ka." Hinayaan kong mauna si Silver na makalapit sa kanya. Saka na ako lalapit kapag tapos na silang mag-usap. "Pasensya ka na kung sumama ako rito kay Dianarra nang hindi sinasabi sa 'yo," paghingi ng paumanhin ni Silver. "Gusto ko lang talagang humingi ng tawad sa nangyari at para na rin malaman ko ang kalagayan mo." "It's okay..." Gio smiled. "The doctor said I just need to rest for a week. I can't restrain my lower muscles. Baka raw lumala ang inflammation kapag ginalaw-galaw ko, pero maayos naman ako. No broken bones." Mas lalo akong nakahinga ng malalim nang mismong nanggaling sa kanya na maayos na ang kalagayan niya. "Glad to know that you're fine..." sabi naman ni Silver at saka inayos ang suot na backpack. "Sana ay maging mabilis ang pag-galing mo. Ayon lang naman... Mauuna na ako." Napaayos naman ako ng tayo at umalis sa pagkakasandal sa pintuan. Nagdesisyon na akong ihahatid ko siya sa labas. "Oh, sige! Thank you for visiting me. I appreciate it," pasasalamat sa kanya ni Gio. Tumango na lamang si Silver bago siya tinalikuran at muling nagtama ang aming mga tingin. Ngumiti ako sa kanya at binuksan ang pintuan. "Ihahatid na kita," pagp-prisinta ko. He smiled at me and nodded. Halos mawalan ako ng oxygen sa katawan dahil sa kanyang pagngiti. Inilihis ko na lang ang tingin ko sa kanya at nilingon si Gio. "I'll just accompany him outside," I told Gio. "Hmm... Okay," sabi na lang nito sa akin. Inaya ko na palabas si Silver at nauna na ako sa paglalakad. Nakasalubong naman namin si Tita kasama ng kanilang katulong. May dala-dala silang merienda. "You're gonna go home now, Silver?" Tita asked. "Naghanda pa naman ako ng meryenda ninyo. Iaakyat na sana namin." "Ayos lang po. May gagawin din po kasi kami ng tatay ko at kailangan kong makauwi bago dumilim," sabi naman ni Silver. "Sa susunod na lang po." Tumango-tango naman si Tita Yunice bago lumingon sa akin. "Pati ba ikaw ay uuwi na?" I shook my head. "Ihahatid ko lang po siya palabas, Tita," sabi ko. "Wala naman pong pasok bukas kaya babantayan ko na lang po si Gio hanggang mamayang gabi." Tita Yunice smiled at me. "Okay, then..." she said. "Ipapaakyat ko na lang ang meryenda ninyo ni Gio sa kwarto niya." Tumango na lamang ako sa sinabi ni Tita at sinamahan na si Silver palabas ng mansyon. Medyo malayo pa ang lalakarin ni Silver upang makalabas sa hacienda ng mga Buenviaje at makarating sa main road. Kung ipahatid ko na lang kaya siya sa aming sasakyan. "Didiretsuhin mo pa ang daanan na 'yan bago ka makalabas. Siguro'y mga limang minuto mo lalakarin kung mabilis ka. Pero kung gusto mo'y ipahatid na kita sa inyo gamit ang aming sasakyan―" "Huwag na!" agad niyang pagtanggi at tila nahihiya. "Hindi na kailangan. Sanay naman akong maglakad. Panigurado namang may tricycle na pagdating doon sa kalsada." Kahit medyo labag sa aking loo bang kanyang pagtanggi ay tumango na lamang ako. "Hmm... Sige. Kung iyan ang gusto mo," sabi ko na lang. "Thank you for today, Dianarra." He smiled at me. Umiling naman ako at ngumiti pabalik. "Salamat din sa pagbisita kay Gio," sabi ko sa kanya. "At saka Iarra na lang ang itawag mo sa akin. Masyadong mahaba ang Dianarra." He chuckled and nodded. "Okay..." "Mag-ingat ka pauwi," sabi ko. "Sige... Salamat ulit." Muli siyang ngumiti sa akin bago ako tinalikuran upang magsimula na sa paglalakad. Tinanaw ko naman siya hanggang sa hindi pa siya nakakalayo sa mansyon. Bago siya lumiko ay muli siyang lumingon sa akin para kumaway habang nakangiti. Pakiramdam ko naman ay sasabog ang puso ko dahil sa kakaibang pagtibok nito kaya tumakbo na ako pabalik sa loob. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Siguro'y ngayon lang kasi ako naging malapit sa ibang lalaki. Naninibago lamang ako. Kapag nasanay rin ako sa kanyang presensya ay magiging normal na ulit siguro ang pagtibok nito. "Naihatid mo na siya?" pambungad na tanong sa akin ni Gio nang makabalik ako sa kanyang kwarto. Tumango naman ako sa kanya at saka umupo sa gilid ng kanyang kama. Nilingon ko ang tanggapan sa loob ng kanyang silid at nakitang nasa coffee table na ang aming meryenda. "I thought you hated him..." he suddenly said. I turned to him and frowned. "I didn't mean to be so judgemental..." I defended myself. "Of course, maiinis ako sa kanya kanina dahil siya ang dahilan kung bakit ka nasaktan pero mabait naman pala kasi siya." He chuckled and pinched my cheek. "I'm just joking," he said. "Can you please give me the cake? I'm craving. Sabi ni mommy ay hintayin daw kitang makabalik bago ako kumain." Tumayo naman ako at kinuha ang meryenda pang ilapit sa aming dalawa. Hindi pa naman ako nagugutom kaya pakakainin ko na muna siya. Kinuha ko ang isang platito na may cake upang subuan si Gio pero balak niya pa sa aking agawin ang kanyang meryenda. "I can feed myself," he told me, but I didn't let him. "Ako na ang bahala," sabi ko. "You should eat as well," he said. "I didn't injure my hands and arms. I'll be fine eating by myself." "Wala akong pakialam, Gio. Ako ang magpapakain sa 'yo," sabi ko sa kanya at sinimulan na siyang subuan. Napangiti naman ako dahil hindi na siya kumontra sa gusto kong mangyari. Nang matapos naman siya sa pagkain ng cake ay pinainom ko na rin siya ng juice. Nakasanayan ko nang inaalagaan si Gio tuwing may sakit siya lalo na kapag busy si Tita Yunice sa kanilang business. "By the way, I have something for you..." Kinuha ko sa aking bulsa ang medal ko bilang MVP. "Our team won the championships, and I was awarded as the MVP!" I proudly told him with a smile on my face. "Ikaw sana ang isa sa mga kasama ko sa stage bilang MVP pero... Ah, basta! Hindi ka na pwedeng maglaro ng basketball at baka kung ano pa ang mangyari sa 'yo sa susunod. It's not a friendly game. Mag-volleyball ka na lang din. You're good at it as well." Natawa naman siya. "Mom told me the same thing..." sabi niya. "Minsan napapaisip ako kung napagkakasunduan ninyo ba ang sasabihin ninyong dalawa sa akin." "We're just concerned about you, Gio! You should take it seriously," I told him. "I know..." He nodded and reached out for my hand. "Thank you for winning the award when I can't. I'm proud of you. Always..." Kinagat ko naman ang aking ibabang labi bago isinuot sa kanya ang aking medal. Nagtagal naman ang kanyang tingin sa medal na aking sinuot sa kanya. "Keep it," I stated. His forehead creased before looking at me. "This is yours. You worked so hard to win it. And besides, I have this kind of medal before." I shook my head and remained firm with my decision to give him the medal. "I win it for you," I said. "You deserve it. You'll forever be the MVP for me!" Hindi naman mahalaga para sa akin ang award na 'yan. Ipinanalo ko lang ang laro at sinubukang makuha ang titulo dahil iyon ang gusto niyang mangyari. Ipinangako ko 'yon sa kanya bago siya umuwi kanina. Siguro'y iniisip ng iba na masuwerte si Gio dahil bestfriend niya ako pero hindi nila alam na mas suwerte ako nang dahil sa kanya. He's always there for me since day one. Lagi ko ngang sinasabi sa kanya na hindi ko masu-survive ang elementary at high school kung hindi ko siya kasama sa eskuwelahan. Nitong college naman ay dapat sa Maynila siya mag-aaral pero tinanggihan niya upang makasama ako rito sa Bela Isla at dito mag-aral ng kolehiyo. I'll forever be thankful that I have a friend like him. He's like a brother to me, even though I already have an older brother and a sister as well. Para sa akin ay tatlo ang kapatid ko at isa na siya roon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD