Fine
Emma and I already polished the plan for this upcoming weekend. She told me that her parents we'll be leaving for Manila once again during the weekends so we can have their mansion by ourselves.
Sa mansyon nina Emma ay mayroong greenhouse ang kanyang ina kung saan iba't ibang klase ng mga bulaklak ang nakatanim doon. She told me that the place was very appropriate for the surprise event that I was planning.
Umaga ng Linggo ay tumungo kami ni Emma sa bayan upang bilhin ang mga kinakailangan para sa paghahanda. I was planning to bake Gio's favorite chocolate cupcake which was the cupcakes I made. I will also cook other dishes that he likes.
On the other hand, Emma and her friend, Kriesha will be decorating the greenhouse. Pagdating daw sa mga ganoong bagay ay talagang maaasahan si Kriesha kaya hinayaan ko siyang patulungin ang kanyang kaibigan upang maging maayos ang lahat.
Even if I tried to avoid making Orion involved in our plan, we really needed his help. Emma told me that she talked to Naiyah about the plan. Hinayaan niyang si Naiyah ang kumausap kay Orion upang sumunod ito sa usapan nang hindi sinasabi kay Gio ang tunay naming balak. Mabuti na lang at mukhang handang-handa sa pagtulong si Orion. I didn't know if it was because of his girlfriend's orders or he just really wanted to be of help to me and his favorite cousin.
From: Orion
I'm with him already. We're gonna play ball already.
I pursed my lips while reading Orion's update.
Kahit na ayoko ng ideyang maglalaro ulit si Gio ng basketball ay alam kong mas malilibang siya kapag naglaro sila ni Orion kasama ang kanilang mga kaibigan at madalas na kalaro.
Before I even typed my reply, I received a new message from Silver.
Silver and I had been constantly texting when we couldn't see each other because I was busy with planning for today while he was helping his father with the campaign. Hindi naman siya natigil sa paghihintay sa akin sa pagpasok at paghatid sa klase. Nakakatuwa lang dahil mukhang wala tlaga siyang pakialam sa mga sinasabi ng iba patungkol sa aming dalawa.
From: Silver
Nandito ngayon si Gio sa court sa bayan upang sumali sa laro kasama ng pinsan niya. Are you gonna come too?
Even though I wanted to come and watch, I still have so many things to do. And besides, I know Gio wouldn't like it if I'll be watching him play. Ayokong inisin siya bago pa mangyari ang aking plano dahil baka lalong maging malabo ang matagumpay na resulta.
To: Silver
Hindi ako pupunta. I'm busy today.
Iyon na lang ang aking naireply na agad kong pinagsisihan. It seemed like I was just making an excuse not to come and watch their game today. Ang totoo niyan ay gustong-gusto kong manood lalo na't nandoon din si Silver pero alam kong hindi ko dapat sundin ang aking gustong mangyari kung gusto kong magkaayos kami agad ni Gio.
From: Silver
Oh, okay. Akala ko lang pupunta ka ngayon.
Why do I feel like I just did the wrong thing?
Mariin kong kinagat ang aking ibabang labi habang nagtitipa ng aking mensahe para sa kanya.
To: Silver
By the way, balak kong pumunta sa inyo bukas after class. Ayos lang ba 'yon?
Agad naman akong nakahinga ng maluwag nang mabasa ko ang kanyang reply at hindi ko na rin mapigilan ang excitement na nararamdaman para bukas.
From: Silver
Oo naman! Sasabihin ko kay mama pag-uwi ko. Gustong-gusto ka na nga niyang makita ulit.
Though I'm excited for tomorrow, the nervousness I'm feeling for today couldn't be covered up. I only have a few hours left to try and make everything right. It felt like my whole life was at stake for our reconciliation.
"We're already done decorating the greenhouse, Ate Iarra," Emma announced as soon as she came inside the kitchen with Kriesha.
Their eyes were immediately darted on the foods that I cooked for them. Ito ang naisip kong paraan upang mapasalamatan sila sa pagtulong sa akin.
"I'm also done cooking. Hinihintay ko na lang ma-bake 'yong cupcakes," sabi ko naman at itinuro sa kanila ang hapag. "You two should eat already. Alam kong napagod kayo sa pag-aayos."
"You didn't have to cook for us, Ate. Nakakahiya..." Emma shyly said while she's eyeing the foods served on their dining table. "Puwede naman kaming magpaluto na lang sa katulong."
Bahagya naman akong humalakhak. "Ako nga ang dapat na mahiya dahil bahay ninyo 'to," sabi ko at inayos ang mga kubyertos sa lamesa. "Kumain na kayo."
Nilingon ko si Kriesha at nginitian dahil kung nahihiya si Emma ay mas lalo siyang nahihiya. Halos magtago pa nga siya sa likuran ng kaibigan.
Nagtagumpay naman ako sa pag-aaya sa kanila. I also ate with them to make them comfortable. Sakto namang pagkatapos kumain ay tumunog na ang oven. They helped me with decorating the cupcakes.
"I was just wondering, Ate Iarra..." Emma suddenly spoke while we were busy with the cupcakes. "Why didn't you take up culinary arts in Manila? You're good at cooking and baking. And I know that your siblings are already living there. Wala kang magiging problema."
"This is just my hobby, Emma. Tinuruan lang ako ng kapatid kong lalaki. He's already a chef. He has his own restaurant," paliwanag ko. "Ako rin ang magmamana ng business namin dito sa Bela Isla kaya hindi puwede. And I like my course."
She nodded her head. "Well... You can still take it once you find time in the future if you want to pursue it."
Hindi ko kailanman naisip ang sinabi ni Emma. I like cooking and baking, but I didn't see it before as a profession. Pero dahil sa sinabi niya ay nagdadalawang-isip ako. Siguro nga ay tama siya. Kung gustuhin ko man ay alam kong matutulungan ako ni Kuya Diego pagdating sa bagay na 'yan.
From: Orion
We're done playing. Expect us in ten minutes. Ihahatid lang namin si Naiyah pagkatapos ay didiretso na kami riyan.
Naghuhuramentado ang aking puso nang mabasa ko ang mensahe ni Orion. Mabuti na lang at nalingunan ko ang aking cellphone. Dapat ay tumawag siya sa akin kahit sandali! Hindi talaga magandang sabihan ng plano si Orion. His message was sent four minutes ago. We only have six minutes left.
"Paparating na raw sila," anunsyo ko at nagkatinginan muna kaming tatlo bago nagmadaling kumilos.
Puro mahihinang mura ang narinig ko mula kay Emma para sa pinsan dahil nagkukumahog kami ngayon sa paglilipat ng mga pagkain sa greenhouse.
"Stupid, Orion! He didn't even call before they left the court." She was irritated by her cousin.
Si Kriesha naman ay natatawa lang at mukhang nasisiyahan sa aming pagmamadali.
Even though we didn't have enough time left, I couldn't help but to look in awe and admire what they did to the greenhouse. There was a huge mat with cushion pillows on the center surrounded with silver and gold confettis, along with a variety of plants and flowers. Also, there were middle-sized cardboards spelling out the words "I AM SORRY". The decorations were simple but it was very appealing to the eye.
"So... you'll just stay there, Ate Iarra. Papupuntahin namin ni Orion si Kuya Gio rito at kunwaring may ipapakuha. He'll find you here, and we will lock the greenhouse from the outside—"
"You'll lock us inside the greenhouse?" I cut Emma off when I heard a plan that we didn't discuss.
"That is Orion's last minute add-on to the plan," she explained. "Surprisingly, maganda ang naisip niya para kahit gusto kaagad umalis ni Kuya Gio ay hindi niya magagawa. The only thing you both can do is to talk. Ten minutes namin kayong ilo-lock sa loob."
Tumango-tango ako sa pagsang-ayon sa naisip ni Orion. I never thought that he'll be a big help to our plan, but he is!
"Ma'am Emma, nandito po sina Sir Gio at Sir Orion."
Sumilip ang kanilang katulong sa loob ng greenhouse upang sabihin iyon. Nilingon naman iyon ni Emma at tinanguan bago muling tumingin sa akin.
"I'm gonna hope for the best, Ate Iarra. Sana ay maayos ninyo na ni Kuya Gio ang problema ninyo," sabi niya sa akin at ngumiti bago tumalikod.
Nalipat naman ang tingin ko kay Kriesha ngumiti rin sa akin. "Kaya mo 'yan, Ate!" nag-aalangan niya pang sabi.
I nodded and smiled back at her.
Sumunod na rin siya agad kay Emma paglabas upang bumalik sa loob ng bahay habang ako ay naiwan sa loob ng greenhouse gaya ng plano. Nilingon ko ang mga paboritong pagkain ni Gio na nakalapag sa mat. Muli ko iyong inayos upang makalimutan kahit papaano ang kabang nararamdaman.
But of course, I failed trying to feel normal. The beat of my heart felt like it has reached its limit. Kulang na lang ay kumawala na ito sa aking dibdib dahil parang ginigiba niya lang 'to.
Ang totoo niyan ay hindi ko alam ang dapat kong sabihin kapag nakaharap ko na si Gio. Basta ang alam ko lang ay gusto kong makapag-usap kaming dalawa upang maagapan ang aming pagkakaibigan. I want to know his problem with me. I want to know why he suddenly distanced himself away from me. I want to know why it feels like he wants me out of his life.
Halos ma-estatwa ako nang madinig ko ang pagbukas ng greenhouse. Hindi ko mabitawan ang hawak kong plato ng pagkain dahil alam kong nandito na siya.
"I-Iarra..."
Sa pagkakautal niya sa pagsambit ng aking pangalan ay mukhang hindi siya makapaniwalang nandito ako ngayon.
Maingat kong inilagay ang plato sa mat bago unti-unting lumingon sa kanya na punong-puno nang pagtataka ang mukha. Parang hindi niya pa napapansin ang pinaghandaan kong munting surpresa sa kanya dahil ang buong atensyon niya ay nasa akin lamang.
Nahagip ng tingin ko sa likuran sina Emma at Orion na kumaway sa akin bago sinarado ang pintuan ng greenhouse.
Naputol ang pagtitigan namin ni Gio nang nilingon niya ang sumaradong pinto. Nilapitan niya 'yon at sinubukang buksan ngunit nang hindi niya magawa ay hinilamos niya ang kanyang palad sa mukha at mahinang nagmura.
He looked like being stuck with me was a nightmare he never dreamed of having.
"Emma! Orion!" he shouted, but I know that no matter how much he screamed, they will not open the door for ten minutes.
Kailangan ay bago pa nila ito buksan ulit sa loob ng sampung minuto ay maayos na namin ni Gio ang gusot sa pagkakaibigan naming dalawa.
"Uhm... Gio..." nag-aalangan kong pagtawag sa kanyang atensyon.
Bayolente naman siyang bumuntonghininga bago nakapamewang na lumingon sa akin.
I hate how his irritated eyes bore into me dahil mas lalo akong nawalan ng mga salitang dapat na sabihin.
"Ano kasi..." Hirap na hirap akong hanapin ang mga tamang salita na aking dapat sabihin sa kanya. "Uhm... Niluto ko ang mga paborito mong pagkain. I also baked your favorite chocolate cupcake. Tinulungan din ako nina Emma at Kriesha sa pag-aayos nito. Sana magustuhan mo..."
Parang ngayon lang siya natauhan sa kung anong mayroon sa loob ng greenhouse. His eyes quickly scanned the place and his lips parted a bit. Tumagal ang kanyang pagtitig sa cardboard na nakaayos bago ibinalik ang tingin sa akin.
"Para saan 'to?" pabalang niyang tanong.
"Gusto ko sanang bumawi sa'yo..." sabi ko. "And I also want to apologize."
Nanatili lang ang kanyang mga mata sa akin at hindi nagsalita.
"Kung ano man ang nagawa kong ikinagalit mo, gusto kong ihingi 'yon ng tawad..." pagpapatuloy ko. "I'm sorry for making you mad at me, Gio."
For a brief moment, I saw it in his eyes that my old Gio was back, but he immediately shrugged it away.
"I'm not mad at you," he coldly said. "Ask them to open the doors. May kailangan pa akong gawin. Kailangan ko nang umuwi."
I bit my lower lip. He wanted to escape from me again by making excuses.
"Orion told me that you're free the whole day. Iyon ang sabi mo sa kanya nang inaya ka niya ngayong araw," sabi ko at humakbang papalapit sa kanya. "Bakit mo ba ako iniiwasan?" matapang kong tanong.
"Just stop this, Iarra. Maayos naman tayong dalawa at wala kang dapat ipag-alala," he tried to assure me but I know it's all fake so he wouldn't be able to persuade me.
I laughed with no humor even if the tears were starting to pool in my eyes.
"Maayos tayong dalawa?" I can't help but to sound sarcastic. "Paanong naging maayos tayong dalawa? All I can feel these past few days is your indifference towards me! Nagagawa mo ang lahat ng mga kasinungalingan para lamang lumayo sa akin! Kahit na gumagawa ako ng paraan para magkasama tayo ay tinataboy mo ako. Hindi ganyan ang Gio ko! Hindi ganyan ang best friend ko!"
My tears finally bursted out from my eyes at the same time with my frustration and grief for my lost best friend.
"Ang totoo niyan ay hindi ko alam kung bakit bigla ka na lang lumayo sa akin... Alam kong nagalit ka noong gabi ako nakauwi nang hindi nagsasabi kahit kanino pero hindi pa ba sapat na humingi ako ng tawad para roon?" tanong ko sa kanya. "I want to know... is that the reason why you're distancing yourself?"
Gio's expression changed. Pinapanood ko ang pagsunod ng kanyang mga mata sa bawat paglandas ng luha sa aking pisngi. Nawala na ang kanyang pagkamatigas at lumambot na ang ekspresyon habang nakatitig sa akin.
"I want you back..." I cried out. "I need you in my life. Please... don't push me away again. Please don't say the words you told me last time. Gio, please... bumalik ka na sa pagiging best friend ko."
Unti-unti naman siyang naglakad papalapit sa akin. He softly approached me, but he suddenly became aggressive again when he pulled me in for a hug like he was also longing for it just like how I do.
"I'm sorry..." he whispered sincerely, and I felt a cold drop of liquid that fell on my shoulder. "I'll never do it again... I promise, Iarra. I'll be fine with everything... I promise..."