Friendship
Gio remained distant the next day at school. Even though we were seated next to each other, it felt like I was alone in that space. He only greeted me a good morning when he sat beside me but that was it.
On the other hand, Silver waited for me again at the campus' gate where I usually go in and out of our school. Kahit na ayaw kong ipabuhat sa kanya ang aking bag ay nagawa niya pa ring agawin ito sa akin.
It was only the start of the day but we were already creating a buzz and being the hottest issue for today again just like what happened yesterday. But this time, the rumors that I was hearing sounded like they're more uncertain because it's the second time they've seen it happen. Kung kahapon ang iba ay nangangapa pa ng mga sasabihin patungkol sa amin ni Silver, ngayon ay tila parang siguradong-sigurado na sila.
They were all very certain that Silver and I already have a relationship but in the end, they're still wrong.
Natatakot tuloy ako na baka kumalat sa buong BICC ang konklusyon na nabuo nila dahil lang nakita kaming dalawa ni Silver na magkasama sa dalawang magkasunod na araw. I wasn't scared if the rumor reach my family, but I was terrified with the thought of Silver distancing himself away from me just to stop being issued with me.
Panigurado naman kasing kahit wala pang kasiguraduhan ang mga sinasabi ng iba ay ipapakalat pa rin nila iyon hanggang sa iyon na ang papaniwalaan ng lahat.
I stole a glance at Silver while we were walking together with the same rhythm. He was just looking straight ahead, but he caught my glance and looked at me. He smiled and it somehow assured me that... I guess he was fine with the rumors spreading around.
Sana nga ay ayos lang sa kanya ang mga balitang kumakalat patungkol sa aming dalawa dahil ayokong iyon ang maging dahilan ng paglayo niya sa akin balang araw kapag hindi na iyon napigilan.
I wondered if he has someone he likes.
Pero siguro ay wala naman dahil bakit ako ang hihintayin niya sa pagpasok at hindi ang babaeng gusto niya kung mayroon man? Sana nga ay wala. Aaminin kong hindi ko magugustuhan kung malalaman kong mayroon naman pala siyang gustong iba gayong gustong-gusto ko nang pakawalan ang sarili ko't lumipad dahil sa pag-asang nararamdaman kong binibigay na ng walang kasiguraduhan.
"Gio, tara na!"
Nang matapos ang aming panghuling klase para sa araw na 'yon ay agad siyang inaya ng aming mga lalaking kaklase. Ang buong atensyon ko'y tumama kay Ken na may hawak na bola ng basketball. Kung hindi ako nagkakamali ay maglalaro sila ng basketball at inaya nila si Gio.
I turned to look at Gio beside me who immediately tidied up his things. Dala niya akong kanyang shoe bag kaya alam kong sasama siya sa kanila sa paglalaro.
Kinuyom ko ang aking kamao habang pinipigilan ang sarili na pigilan siyang sumama sa kanila na maglaro dahil kakagaling lamang ng kanyang paa. What if he was accidentally tripped by someone again?
Sa pagkakatanda ko rin ay napagkasunduan na naming hindi na siya muli pang maglalaro dahil hindi na namin gusto 'yon ng mama niya. Paniguradong tumakas lang siya kay Tita Yunice na maglaro ngayon.
"Nagpaalam ka ba kay Tita Yunice?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pagtatanong sa kanya dhail gustong-gusto ko siyang pigilan.
I just didn't want him hurt again even if it was just an accident.
"I can take care of myself," he said without even answering my question. "I'd be careful while playing."
Pinipigilan ko ang pagpupuyos ng aking damdamin dahil sigurado akong walang alam si Tita Yunice na maglalaro siya ngayon. Hindi siya nagpaalam kaya hindi siya makasagot ng diretso sa akin.
"Hindi ka nagpaalam sa mama mo," sabi ko sa kanya. "You should go home already, Gio. Huwag nang matigas ang ulo. We don't want you hurt again."
"This is just a friendly game. There's nothing to worry about," he reasoned out.
Mabilis ko ring sinikop ang aking gamit at nakita ko siyang napatingin sa akin dahil doon. Siguro ay sasabihin ko kay Emma na bukas na lang kami magkita dahil kailangan kong samahan ngayon ang pinsan niyang matigas ang ulo.
"What are you doing?" he asked me.
"Sasama ako sa inyo," sabi ko at nag-angat muli ng tingin sa kanya nang matapos ako sa pagliligpit.
Nang magtama ang tingin naming dalawa ay halos manginig ako sa lamig na ipinapakita nito. Gone are those days when he was completely warm when it comes to me. Ito ang Gio na hindi ko pa nakikilala kahit na ilang nagdaang taon ko pa siya nakasama. This is the Gio that I never imagined to meet. I also didn't want to meet, but it was right in front of my eyes already.
"S-Sasama ako..." ulit ko at nauutal na dahil sa kanyang pagtitig sa akin.
Bahagya siyang nag-iwas ng tingin sa akin at nagtangis ang kanyang panga. "You don't have to."
"Gusto kong sumama, Gio. Hindi kita pagbabawalan na maglaro basta hayaan mo akong sumama sa inyo para mabantayan kita—"
"I don't want you to come with us and see me play," he almost growled at me. "I don't need you taking care of me because I can take care of myself. And who are you to stop me doing what I want? Hayaan mo na lang ako gaya ng kalayaan na ibinibigay ko sa'yo."
Tears pooled inside my eyes after he fired the words I never thought he would ever say to me. Naramdaman ko rin ang bahagyang pagkirot ng aking ilong dahil sa pagpigil ko sa aking pag-iyak.
Where is my Gio?
Parang hindi siya iyong Gio na nasa harapan ko ngayon.
His lips slightly parted before he licked it. Muli siyang nag-iwas ng tingin sa akin at isinukbit na ang kanyang bag.
"Gio, bilisan mo! Baka maunahan tayo sa court!" pagmamadali sa kanya ng mga kalaro.
Nang lumingon siya sa mga ibang kaibigan ay kita kong sumilay ang kanyang ngiti na hirap na hirap siyang maibigay sa akin. Ano ba ang nangyari at naging ganitong kalala?
"Sure!" he even executed a laugh before standing up from his seat, ready to leave me behind again.
Siguro nga ay wala na siyang pakialam talaga sa kahit anong sabihin ko at kahit na para sa kapakanan niya rin 'yon. Siguro nga ay kaya niya ng wala naman ako sa kanyang tabi dahil hindi gaya ko, kaya niyang magtagal ng siya lang. I was exactly his opposite. I wasn't over yet with being dependent on him. Hindi ko kayang basta-basta na lang bumitaw sa pagkakakapit sa kanya. Kung unti-unti ay baka masanay rin ako't maging mas madali sa akin... pero kung ganito ay mahihirapan akong tunay.
"Are you still my best friend?" marahan kong tanong bago pa siya makahakbang paalis.
Nahinto siya sa pag-alis at isang malalim na paghinga ang kanyang pinakawalan. Inayos niya ang strap ng bag na nakasabit sa kanyang balikat.
"Hanggang doon na lang nga..." mahina niyang bulong pero dingi na dinig ko 'yon.
Napakunot ang aking noo dahil hindi ko maintindihan ang konteksto nang isinagot niya sa akin dahil nalalayo ito sa nais kong marinig na sagot mula sa kanya.
"A-Ano?" tanong ko sa kanya dahil gusto kong malinawan nang mabuti.
Muli siyang bumuntong hininga.
"We're just best friends..." he said. "Don't be so controlling over me."
Wala na akong naisagot sa kanya nang magmadali na siya patungo sa mga kalaro. Gusto ko siyang sundan at ipagsiksikan pa rin ang sarili upang maisguradong mababantayan ko siya ngunit hindi ko na ipinilit pa dahil ayokong mas lumayo pa ang loob niya sa akin.
Itinuloy ko na lang ang aking plano para sa araw na 'to kahit na mukhang tagilid na ang lahat. Wala naman sigurong masama kung susubukan ko pa rin.
I texted Emma that I was already on my way to pick her up at school. Mabuti na lang at hindi naman nalalayo ang campus ng BICC at BIHS. Nagreply naman siya sa akin at sinabing naghihintay na siya sa labas kasama ng kanyang mga kaibigan.
Nang makarating ako roon ay agad ko silang natanaw na kumakain ng street foods. Bumaba ako ng sasakyan upang mapuntahan sila dahil mukhang hindi pa napapansin ni Emma ang aking pagdating. Her attention was on the boy beside her who was drinking gulaman.
"Emma..." I called her to get her attention.
Agad naman siyang napatingin sa akin at lumapad ang kanyang ngiti. Ang mga kaibigan niya rin ay napatingin sa akin at biglang pumormal ang ayos maliban sa lalaking kanina'y kausap ni Emma na mukhang mailap sa iba.
"Ate Iarra!"
Mas lumapit pa ako sa kanila. Ang isang kaibigan niyang lalaki ay mabilis na inubos ang kwek-kwek at muntik pang mabulunan kaya naki-inom ng gulaman sa babaeng kaibigan na mukhang balak pang magreklamo kung wala lamang ako rito sa kanilang harapan.
"Are they your friends?" I asked Emma with a smile.
She nodded and started to introduce her friends. "This is Walter and Kriesha," she pointed to her friends on her left side first before turning to the boy on her right.
Hindi nakatakas sa akin ang bahagyang pagkailang ni Emma nang lingunin ang lalaking kaibigan. Kulang na lang ay mamula ang kanyang pisngi para maging halatang-halata siya.
"This is Leandrew..." she said.
"Drew," pagtatama nito sa sinabi ni Emma.
Sa pagkakaalam ko ay kaibigan din niya ang girlfriend ni Orion ngunit wala siya rito ngayon. Siguro ay kasama iyon ngayon ni Orion. I haven't met her yet, but I've seen her photos on f*******: which Gio showed me. Simple lang siya pero hindi mo maipagkakaila ang ganda. Sayang at hindi nila kasama iyon ngayon upang makita ko sa personal.
"Well, Walter, Kriesha and Drew, I hope I can steal your friend away from you all. Ngayong araw lang. Kailangan ko lang talaga siya," paalam ko sa kanyang mga kaibigan.
Agad namang tumango-tango si Walter. "Walang problema, magandang binibini!"
Sinipat naman siya ni Kriesha at bahagyang siniko. "Wala ka talagang hiya," mariing bulong nito sa kaibigan.
I can't help but to chuckle before turning to look at Drew and see his reaction or response, but I failed to see it because he was being stoic. Tila ba parang wala siyang pakialam sa kahit anong bagay.
But no doubt, I can feel that Emma fancies this guy. However, that's not the case for Drew. I can see that he wasn't interested in her, but Emma didn't seem to mind it.
"Pasensya ka na kung bigla-bigla kitang inaaya, ah?" paghingi ko ng paumanhin kay Emma makarating kami sa aming bahay. "Sana ay hindi ko nagulo ang plano mo para sa araw na 'to."
Dumiretso kami sa gazebo at nagpahanda ako ng meryenda sa aming mga kasambahay.
"No problem, Ate Iarra," she said and smiled. "I have no plans for today and neither do my friends. And... I'm also curious about the favor you wanted to ask."
Dumating ang mga ksamabahay upang ilapag ang mga meryenda kaya tumigil muna kami sa pag-uusap ni Emma at nagpasalamat. Nang makaalis sila ay saka kami nagpatuloy sa pag-uusap.
"Why didn't you want me to tell Kuya Gio about this, anyway?" kuryoso niyang tanong. "Hmm... Para sa kanya ba ang pabor na hihingin mo sa akin, Ate?"
I bit my lower lip before slowly nodding my head.
"I want to do something special for him. I want to plan a small event for the two of us..." I told her and slightly hesitated. "But I don't know how to make him come."
Bahagyang kumunot ang kanyang noo dahil sa aking idinuktong. "You can just ask him to come. You know you can actually wrap Kuya Gio around your finger," natatawa niyang sabi. "Kuwento nga ni Tita Yunice ay mas sumusunod pa sa'yo si Gio kaysa sa kanya."
"Siguro noon ay kaya kong gawin 'yon, but it's a different case now," I said.
"What do you mean?" She sounded confused.
Kung kakailanganin ko ng tulong niya ay kailangan kong sabihin sa kanya ang tunay na estado namin ngayon ng kanyang pinsan upang mas maintindihan niya ang tulong na hinihingi ko mula sa kanya.
"We kinda drifted away from each other..." I started and she became more focused. "Naguguluhan nga ako dahil alam ko kung ano ang nagawa kong mali pero at the same time, hindi ko rin alam kung ano 'yon. Magulo man pero iyon talaga. Bigla na lang siyang lumayo sa akin noong gabi na hindi ko nasabi sa kanya kung nasaan ako at ginabi na sa pag-uwi. I apologized though... I tried to make it up to him, but he just rejected and avoided me."
"Kaya ba hindi kayo magkasama kahapon?" bigla niyang tanong sa akin.
"How did you know?" tanong ko sa kanya.
"Sa bahay ako nina Orion natulog kagabi dahil nasa Maynila ang mga magulang ko at wala akong kasama sa bahay kundi ang mga kasambahay. Mom wanted me to spend a night there instead. Kuya Gio was there when I got home," kuwento niya.
Nalukot ang aking noo dahil sa kanyang kinuwento. Ang sabi ni Gio sa akin kahapon ay may tatapusin sila ng mga kagrupo niya kaya hindi siya makakasama kahapon sa aming bahay para magdinner. Baka gabihin pa nga raw sila at bahay na nila tapusin ang kailangang matapos.
"What time did you go home?" I probed.
"Around six in the evening," she answered. "Umuwi pa kasi ako sa amin sandali upang kumuha ng aking gamit at uniporme para kinabukasan. May dapat ba kayong lakad? I heard Orion say your name pero tumahimik sila nang dumating ako. I didn't inquire about it since I didn't want to be nosy."
Napasinghap na lamang ako nang mapatunayan ko lalo na iniiwasan niya lamang ako. He lied just so he couldn't join me, his friend and my family for dinner.
"I invited him to eat dinner in our house. Hindi siya sumama dahil may tatapusin daw sila ng mga kagrupo niya at gagabihin sila," sabi ko. "Now I know that he was just lying to get rid of me..."
Mukha namang naging problemado rin si Emma. "What happened to the both of you?"
Nanatili akong tahimik. Hindi ko man lang masagot ang tanong niya dahil hindi ko naman talaga alam kung ano ang nangyari sa aming dalawa.
Biglang tumango-tango si Emma na mukhang desidido siyang gawin ang isang bagay.
"You two really need to talk it out and settle whatever misunderstanding you have," she stated. "I will help you plan out everything. I'll make sure he'll come, Ate Iarra. Don't worry."
Kahit papaano ay naging panatag ang aking loob dahil sa tulong na handang ibigay ni Emma upang magkaayos kaming dalawa ni Gio.
I really want to save our friendship and I'll do whatever it takes.