Sophisticated
Agad na hinanap ng aking mga mata si Gio pagkapasok ko sa loob ng aming classroom. He was already talking to his groupmates. Nilipat ko ang tingin ko sa aming upuan at nakitang nakalapag doon ang kanyang bag.
Masaya kong tinungo ang aming upuan na magkatabi. Hindi ko na ginulo pa si Gio kasama ng kanyang mga kagrupo.
Habang abala si Gio ay naisipan kong itext muna si Silver. Ang sabi niya ay mamayang alas-diez pa naman ang kanyang klase. It's only eight in the morning. And usually, our professor in this subject is always late for a minimum of ten minutes.
To: Silver
Hi. Thank you ulit sa paghihintay sa akin at pati na rin sa paghatid.
I bit my lower lip after sending my message and waiting for his reply that came within a minute.
From: Silver
No problem.
Lumabi ako nang mabasa ang kanyang matipid na reply. I didn't know if I still should reply to this. This message is certainly one of the dead ends in a conversation unless I start another topic which wasn't highly encouraged by my mind because I might appear too clingy or someone who's begging for his attention.
Before I got to organize my thoughts, Silver sent another message.
Hindi ko mapigilan ang mapangiti. I was assuming big time that he still wanted to talk to me by opening a new topic for our conversation.
From: Silver
Bibisita ka ba sa bahay ngayon? Sabi ni Mama ay sabihin ko raw agad sa kanya para mapaghandaan niya.
Gusto ko sana talagang pumunta ulit sa kanila ngunit nangako ako sa sarili kong ibibigay ko ang araw na 'to kay Gio. But maybe, I can just invite both of them in our house since my brother told me to invite Gio for dinner. It wouldn't be a problem inviting Silver as well.
To: Silver
Not today but... are you free later?
Tahimik akong nanalangin sa aking isipan na sana'y hindi siya busy mamaya para makasama siya sa amin. At nang mabasa ko ang kanyang reply ay tila parang nadinig ng langit ang aking panalangin.
From: Silver
Yes, I'm free. Bakit?
Wala naman sigurong masama kung ako ang mag-aaya dahil magkaibigan naman kaming dalawa. Si Gio nga ay lagi kong ina-aya kung saan-saan. Pero siguro'y iba lang talaga pagdating kay Silver. Gio's my best friend while he's... well... someone I like.
To: Silver
I would like to invite you for dinner at our house after school. Kung okay lang sa 'yo.
Kumpara sa normal na bilis niya sa pagre-reply sa akin ay medyo naging matagal ang pagdating ng kasunod.
From: Silver
Ayos lang naman sa akin pero nakakahiya sa pamilya mo. Hindi naman nila ako kilala.
Reading his recent message made me realize why it took him so long to reply to my invitation. He was hesitating to come over for dinner because my family didn't know him. But I know my brother wouldn't mind and my mother doesn't care about it either.
To: Silver
Don't worry. Gio will also be there, plus my brother's cool with everything.
Sa tingin ko ay hindi pa sapat ang sinabi ko na 'yon upang tuluyan ko siyang mapapayag na sumama kaya naman nagpadala ako muli ng panibagong mensahe.
To: Silver
Tinanggap ako ng pamilya mo at lalo na ng nanay mo nang imbitahan ninyo ako sa inyo kahapon. Gusto kong suklian ang kabutihang ipinakita ninyo sa akin. So... please. Come and join us for dinner.
Ito na ata ang pinakamatagal niyang pagre-reply sa akin pero sulit ang aking paghihintay nang mabasa ko ang kanyang desisyon sa aking pag-aaya.
From: Silver
Okay. Sasama ako.
Halos mapatili ako sa sobrang saya. Kung hindi lang dumating si Gio at umupo sa aking tabi dahil nandito na ang aming propesor ay baka hindi ko na talaga mapigilan ang mahinang pagtili ko.
"Keep your phone now. Our professor's already here," Gio told me.
I smiled and nodded at him before putting my phone inside the bag. Kinuha ko ang notebook binder kung saan ako nagsusulat ng mga notes bago hinarap si Gio na nakatutok ang buong atensyon sa harapan.
Well... I can quickly get his attention.
Bahagya akong humilig papalapit sa kanya kaya naman agad siyang napalingon sa akin.
"What?" he asked me while his forehead was creased.
"Punta ka sa bahay mamaya. Doon ka na magdinner," sabi ko naman sa kanya.
Nagtaas naman siya ng kilay sa akin. "What's with your sudden invitation?"
"I just want to spend more time with you today since I wasn't able to visit you yesterday after school," I reasoned out and slightly pouted. "I miss hanging out with you."
Nanatili ang kanyang tingin sa akin at tila parang tinitimbang ang aking ekspresyon. Hindi nakatakas sa akin ang munting pagngiti niya na kanyang pilit na pinipigilan.
"Silver's gonna come as well. Inimbitahan ko rin siya bilang pasasalamat sa hospitality na pinakita nila sa akin ng pamilya niya kahapon," dagdag ko.
His mood and expression eventually shifted. He pursed his lips and looked away from me.
"I don't think I can..." he said.
Bahagyang naghiwalay ang aking mga labi at isa't isa kasabay nang pagpapakawala ko ng hininga.
"Why?" I asked him.
I can't believe it. This is the first time he rejected me. Magmula noon ay hindi niya pa ako tinatanggihan. Madalas ay siya pa mismo ang nag-iimbita sa sarili niya upang makasama ako.
"I need to cope up with my groupmates later. Magtatagal ako sa school," paliwanag niya.
"We can wait for you to be done before we go—"
"Huwag ninyo na akong hintayin at pumunta na kayo agad sa inyo. I'll be late and I don't know if we'll be able to finish it before dinner. Baka tumungo rin kami sa amin para tapusin ang dapat tapusin," mariin niyang sabi.
"Pero, Gio—"
"Miss Montealegre, please pay attention and listen to my lecture!"
Napatigil ako sa pagsasalita nang kuhanin ng aming propesor ang aking atensyon na wala sa kanya. Labag sa loob akong lumingon sa harapan at nakinig na lamang sa kanyang lektura.
I kept on glancing at Gio who was intently listening to our professor's lecture. Kahit ni isang beses ata ay hindi siya lumigon o sumulyap sa akin. Nanatili lang ang kanyang tingin sa harapan o kung 'di nama'y sa kanyang notebook habang nagsusulat ng mga importanteng detalye.
I've never seen him paying this much attention to class. He's an achiever but even without listening to our lectures, he can still get high grades. Hindi ko maintindihan kung bakit ngayon ay parang isang malaking kasalanan kung titigilan niya ang pagbibigay ng atensyon sa aming propesor upang lingunin man lang ako.
It's confusing me so much. We seemed okay but at the same time, we're not.
Kaya niyang ipagpalit ang lahat para sa akin noon pero bakit hindi niya kayang magawa ngayon?
"Gio..." I whispered while I try to get his attention.
"Mamaya na, Iarra..." bulong niya pabalik sa akin nang hindi man lang ako tinatapunan ng tingin.
Mariin ang ginawa kong pagkagat sa aking labi at bahagyang umusod papalayo sa kanya. Tahimik lang ako habang tinititigan ang blankong papel ng aking notebook. Ang mga sinasabi ng aming propesor ay hindi man lang tumatatak sa aking isipan.
For straight two hours duration of our class, I was only idling. Hindi ko nga mamamalayan na tapos na pala ang klase kung hindi napaatras ang upuan ng aking kaharap dahil sa kanyang padarag na pagtayo at muntik na akong mabunggo kung hindi lang pinigilan ng kamay ni Gio.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya at kitang nakasukbit na ang bag sa kanyang balikat.
"I'm gonna eat lunch with my groupmates... If you want—"
Hindi ko na siya pinatapos pa at tumayo na ako sa aking kinauupuan. Isinukbit ko ang aking bag upang makaalis na sa kanyang harapan.
He's clearly avoiding me.
Kung nang dahil sa pagpapaalala ko sa kanya kahapon ay humingi na naman ako ng tawad at sinubukan kong bumawi sa kanya pero siya naman itong tumanggi. I seriously didn't know how to handle him anymore. Parang hindi na siya si Gio na nakasama ko paglaki simula pa noong mga bata pa lang kami. He seemed like a completely different person.
Siguro ay kailangan ko muna siya hayaang mag-isa kasama ang mga iba niyang kaibigan at kagrupo niya. Hopefully, he'll realize what I really am to him after letting him be. I wanted my best friend back to the way he was.
Instead of eating lunch in the crowded cafeteria, I chose to be alone at the back of the campus after buying rice in a box with toppings and bottled water. It was peaceful here and its landscape filled with plants, trees and flowers can make you feel very relaxed.
Ngayong gusto kong mapag-isa at makapag-isip-isip ay malaking tulong na ako lang ang nandito ngayong oras na 'to. Most of the students in our campus were probably eating lunch in our cafeteria, others were outside the campus and spending their break somewhere else.
Binuksan ko ang rice in a box at saka nagsimulang kumain habang tinitingnan ang pagsasayaw ng sanga ng mga puno dahil sa pagtama ng hangin dito. I didn't know that it was actually okay to be alone once in a while and let yourself drown in tranquility. I thought I can hardly survive without Gio by my side since I was used to being with him all the time whenever we're at school.
I realized that I was too dependent on him. Iyon ang dahilan kung bakt mabilis akong magdamdam kapag nararamdaman kong nawawala siya sa akin. I know it shouldn't be like that.
Time will come that he would have to leave me on my own for some time because he already has someone else to look on to. Baka nga kaya hindi siya makahanap ng babaeng mamahalin ay dahil lagi kaming magkasama at hindi siya makalingon sa iba.
I suddenly felt so guilty.
I should let him be, right? That's the mature thing to do.
Sa lahat ng klase na pinasukan ko ngayong araw kung saan ko kaklase si Gio ay hinayaan ko lang siya at hindi na inabala pa sa pakikipaghalubilo sa iba. Mabuti na lang ay naging abala rin ako nang mag-usap-usap din kami ng aking mga kagrupo. I managed to divert my attention until our dismissal.
"Dianarra, mayroong naghahanap sa'yo sa labas," sabi ng aking kaklase.
Nilingon ko naman ang labas at nakita kong nakasilip sa pintuan si Silver. He smiled when he saw me looking at him and waved at me. Hindi ko na napigilan ang aking pagngiti ng malapad. Mabilis kong sinikop ang aking gamit at nagmamadaling tumungo sa kinaroroonan niya.
I can hear some of my classmates whispering things about Silver and I. Some of them were assuming that Silver's courting me and others already concluded that we're in a relationship. They didn't know that I was just a hopeful being, wanting him to look at me the way I look at him. It's not even close to what they assumed and concluded.
"Tapos na ang klase ninyo?" tanong niya sa akin at mabilis na sumilip sa loob ng aming silid-aralan ngunit agad ding ibinalik ang tingin sa akin.
Tumango naman ako. "Tara na?"
"Akala ko ay kasama rin natin si Gio?" sunod niyang tanong sa akin. "Nasaan na siya?"
Muli na naman akong nabahala nang banggitin niya si Gio. I didn't know if he's really avoiding me but it's safe to say that he's very busy.
"May kailangan siyang tapusin kasama ng mga kagrupo niya dahil halos isang linggo siyang absent," paliwanag ko kay Silver. "Ayos lang ba sa'yo na ikaw lang ang kasama ko?"
"Hmm... Ayos lang naman sa akin. Nakakahiya lang talaga."
I smiled to assure him that it's fine. "Don't worry. Mabait si Kuya Diego."
"If you say so... I trust you," he said.
I can feel Silver's nervousness radiating from his body while we were seated in the dining room. My brother was intently staring at him while sipping on his wine. We were still waiting for our mother to come and join us so we can start our early dinner.
Silver kept on drinking water and staring at his empty plate.
I turned to look at my brother and frowned at him for scaring Silver with his unfriendly stare. He just smirked at me before clearing his throat.
"Silver, right?" He started talking to Silver.
I don't know if he's planning to scare him more or he'll already stop acting too uptight to let Silver breathe normally. Baka nang dahil sa kanya ay hindi na ulit gustuhin ni Silver na bumalik dito sa bahay kapag inanyayahan ko siya.
"Opo." Kahit na kinakabahan ay nagawa niya pa ring buuin ang kanyang boses.
Tumango-tango si Kuya Diego sa kanya bago muling sumimsim sa wine.
"Pero Silverio po ang totoo kong pangalan," sabi niya.
Nagtaas naman ng kilay si Kuya. "What about your mother's name?"
"Goldaña Melendrez," agad na sagot ni Silver.
Kuya Diego looked so amused and his lips twitched like he was thinking of something funny.
"Lemme guess... Is your father's name Bronzino or something?" Kuya tried so hard to sound so serious while spitting out his question.
I snorted and covered my mouth to stop myself from laughing out loud.
Kapatid ko ngang talaga si Kuya Diego. Pareho kami ng naisip patungkol sa pangalan ng tatay ni Silver. Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili ko na matawa kahit papaano.
Silver glanced at me, and I looked away while he faced my brother again.
"Bernado po ang pangalan ng tatay ko, pero Ben ang palayaw niya," paglilinaw ni Silver.
"Oh... Close enough..." sabi ni Kuya Diego. "They both start in B."
Bahagyang tumayo si Kuya at inilahad ang kanyang kamay kay Silver na ikinagulat nito.
"Diego Montealegre,"pakilala ni Kuya sa kanyang sarili. "I'm glad to know that my sister finally has a new friend other than Gio. It's nice meeting you."
Kuya Diego knew that I wasn't into making friends from our college. Kaya ngayong nag-uwi ako ng kaibigan upang maipakilala sa kanya ay natutuwa siya.
Sa ikaunang pagkakataon magmula nang pumasok siya sa aming mansyon ay sumilay na ang ngiti sa labi ni Silver at pati na rin ang kanyang dimple.
Agad niyang tinanggap ang kamay ni Kuya Diego upang makipagkamay.
"Nagagalak din po akong makilala kayo," sabi naman ni Silver na para bang tinitingala niya talaga ang aking kapatid.
"Stop saying "po" and "opo"," natatawang sabi ni Kuya Diego at nagbitiw na ang kanilang mga kamay ni Silver. "I feel so old. Hindi naman nalalayo ang edad ko sa inyong dalawa ng kapatid ko."
"Excuse me, Kuya. You're four years older than me." I rolled my eyes at him and crossed my arms.
Natawa na lamang si Kuya Diego at nakisabay na rin si Silver. The nervousness was finally lifted from Silver's shoulders because of the friendliness that my brother just showed him.
"Well, I wasn't informed that we have a visitor tonight."
Humupa ang tawanan at nilingon ko si Mommy na kakapasok lamang sa dining room. She was wearing an all designer clothe and fully equipped with jewelry. That's what she usually wears whenever she attends a meeting with a client. Her sophisticated look can make her close all deals.
Nilingon ko si Silver na muling bumalik ang kaba sa kanyang ekspresyon habang tinitingnan ang aking ina na ngayon ay nakatuon ang buong atensyon sa hindi pamilyar na mukha.