CHAPTER 03

1442 Words
Matapos no‘n ay lumabas na siya para maligo kaya I wait for him na lang to finish. After that, sumunod na ako sa kaniya pababa ng bahay nila. Nagtataka pa ako dahil hingal na hingal na ako kakababa ng hagdan! “Dos, wait!” I called him. Napatigil siya sa hagdan habang nakatingala sa‘kin. “Why don't we just use the elevator?! Hindi ka ba napapagod?!” Reklamo ko sa kaniya. Nakakainis na! Kanina pa kami naglalakad pababa, ang taas naman kasi! “Come on, Dos, my knees... it hurts na.” Hingal na hingal akong umupo pero not on the floor. Napakamot siya sa ulo niya tsaka umakyat palapit sa‘kin. “Walang elevator sa tenament,” he told me, kaya napanganga ako. “What the f**k?!” I exclaimed. “Sino ba nagpagawa nito? Why didn't they put an elevator here?!” Inis kong reklamo sa kaniya. “Ay, jusko po,” napatingala siya, looking so pagod na sa‘kin. “Ang dami talaga kaartehan, Lord.” Bulong niya pero narinig ko naman! “I heard that!” Inis kong sabi sabay irap. “Wait, let's rest muna, it hurts na talaga!” Napakamot ulit siya sa ulo bago bumaba ng isang hakbang tsaka tumalikod sa‘kin. I looked at his back, wondering. What does he want me to do? “Tagal naman,” he said. “What the f**k?! No way! Ayoko nga!” Reklamo ko sabay tayo. I rather rest here than to ride his back! “Dalian mo na, buhat naman kita kagabi,” tumingin siya sa‘kin kaya nahampas ko ang mukha niya imbis na arms niya! “Aray!” “I‘m sorry! Ikaw kasi, bakit ikaw tumingin?!” Maarteng sabi ko na para bang siya ang may kasalanan kahit ako naman talaga. “Bakit mo ba ako sinampal?” Tanong niya, nakahawak sa pisngi. “Duh! Binuhat mo ako kagabi, what if hinipuan mo pala ako?!” Napapadyak pa ako na parang bata dahil sa inis. “Anak ng tinapa at pating naman,” he massaged his head again, not knowing what to do. “Wala akong ginawang masama sayo, okay? Maayos akong pinalaki ni Mameng kaya hindi ko ‘yon gagawin sayo. Kung may gagawin sana akong masama, edi sana hinayaan na lang kitang tangayin nung lalaki kasi muntik mo naman na akong masagasaan last week!” Mahabang sabi niya kaya napatahimik ako, hindi alam ang sasabihin. Mukha namang totoo ‘yung sinasabi niya. Muntik ko na siyang masagasaan last week, and kung masamang tao nga siya, he should have just let the man take me away. But no! He takes me here! Buhat-buhat niya pa ako mula first floor hanggang sa unit nila. And now, kung ano-ano pa ang sinasabi ko sa kaniya! I feel guilty na tuloy for accusing him! “I‘m sorry-” “Hindi, hayaan mo na ‘yon, normal namang mag-react ka ng ganiyan kasi hindi mo ako kilala tapos lasing ka pa,” mahinahong sabi niya. Ang hirap tuloy paniwalaan na ang bait niya pa rin kahit kung ano-ano na ang nasabi ko. “Sorry rin kung medyo tumaas boses ko kanina, pero wala talaga akong ginawa sayo, mamatay man.” Natahimik ako, tinitignan lang ang mukha niya. “Okay...” I said in a small voice. f**k. Bakit ako nagliit ng boses sa kaniya?! I cleared my throat. “Let‘s go na,” seryosong sabi ko. “Hindi ka na papasan?” He asked. I shook my head. “No, too many people here,” sagot ko ulit bago nagtuloy-tuloy sa pagbaba. Pagbaba namin ng tenament ay agad akong napaupo, hingal na hingal. What the f**k, bakit ang taas kasi niyan?! “What the f**k is wrong with you?” I asked him, panting. Tumingin siya sa‘kin, nagtataka. “Bakit hindi ka man lang hiningal?!” Tanong ko, nakahawak sa dibdib. My heart is beating so fast! “Ano ka ba? Sanay ’to boy,” he laughed a bit. “Boy?” I asked, confused and annoyed na naman! “Okay, edi tisay na lang,” he nodded, feel na feel niya pa at mukhang proud siya sa sinabi! “Tisay! Pwede ‘diba?! Mr. Stink naman tawag mo sa‘kin kahit hindi ako mabaho! Egul sayo!” “What the f**k, I have a name, duh!” Tumayo ako sa inis tsaka pinagkrus ang braso sa dibdib. “Duh name mo? Angas, ha! Unique!” Tumawa pa siya para mas inisin ako. At hindi naman siya nag-fail kasi nainis niya talaga ako lalo! “My name is Ace,” I rolled my eyes again. “Ace lang?” “Acelly Shannel.” I told him. Hindi ko sinabi kung ano ang surname ko. For sure kilala niya si Daddy dahil sikat siya at ang company namin. “Ace...” He bit his lower lip, looking amazed at my name. “Taxi!” Tinuro ko ‘yung taxi kaya agad niyang tinawag. Pagkasakay namin ay sinabi ko na dalhin kami sa Malib. I think, malayo ‘yon dito kaya mapapamahal sa bayad. But it's fine, ako naman ang magbabayad! Pagkarating sa bar ay agad kong nakita ang car ko sa labas kaya kinuha ko na ang wallet ko sa bag para kumuha ng card pambayad. “Nako, ma'am, wala po ba kayong cash? Hindi po kasi ako tumatanggap ng card.” The manong driver told me. “Oh... I don't have cash po...” Nahihiyang sabi ko. “Nako ma'am, hindi po pwede ‘yan, kailangan niyo pong bayaran metro niyo.” “Ako na kuya, magkano ba?” Dos suddenly said as he took his wallet from his pocket. Nasa passenger seat siya at ako ang nasa likod kaya nakita ko kung paano niya tinignan ‘yung metro. “Tangina. 1,8k talaga?” Napatakip siya sa bibig, hindi makapaniwala. “It‘s mura na, I'll pay you later,” I told him. Wala siyang nagawa kundi magbayad sa taxi driver. Bahagya akong ngumiti nang tumingin siya sa‘kin, nahihiya. Nang makababa kami sa sasakyan ay agad akong tumakbo papunta sa car ko. Thank God! Walang gasgas! “Why are you here?!” Reklamo ko nang sumakay din siya sa passenger seat! “Ihahatid kita, wala ka pang bayad, oy!” He told me. Napairap na lang ako bago nagsimulang paandarin ang kotse. Tahimik lang siya sa loob habang nag-didrive ako papunta sa hotel. Gustong-gusto ko na maligo! Mag-bobook muna ako roon bago ko siya bayaran. Wala kasi akong cash tapos lahat ng pera ko nakalagay sa card kaya kailangan niya akong hintayin maka-withdraw! “Wait there,” itinuro ko ‘yung couch sa lobby kaya doon siya naglakad habang ako ay hatak-hatak ang maleta palapit sa receptionist. “Good afternoon po, Miss. Acelly!” The woman receptionist greeted me so I smiled. “Penthouse suite po?” She asked me. “Yes please,” ngumiti ako tsaka inabot sa kaniya ang credit card ko. Tumingin ako kay Dos na ngayon ay nakapikit na. “Excuse me po, Miss. Declined po ang card niyo, wala po ba kayong ibang card?” Nawala ang tingin ko kay Dos nang magsalita ang babae. “Here,” kinuha ko lahat ng card ko mula sa wallet para i-try niya pero declined lang lahat! “Why-” Napatigil ako sa pagsasalita bago kinuha ang cellphone ko sa bag. From Dad: If you want me to activate your card, listen to me and marry him. Ang dami niyang text mula kagabi pero ‘yon lang ang binasa ko. Inis kong kinuha lahat ng card ko para ilagay ulit sa wallet. Naglakad ako papunta sa isa pang couch, malayo kay Dos. “What a f*****g beautiful life,” I closed my eyes when tear escape my eyes. Matagal akong nakapikit pero napadilat din agad nang maramdamang may umupo sa tabi ko. It's Dos, he's staring at me. Napaupo agad ako nang maayos tsaka nagpunas ng luha. “Bakit?” He asked me gently. “I don't have money, Dos,” I told him. “Dad cut my cards.” Yumuko ako tsaka pinaglaruan ang kamay. “Hindi ko alam kung saan ako tutuloy, especially kinausap din ni Daddy ‘yung parents ng mga friends ko. Anong gagawin ko ngayon?” Hindi ko mapigilang maiyak sa harap niya. “May alam ako,” he smiled at me. Nakita kong gusto niyang haplusin ang likod ko pero hindi niya ginawa. “Huwag ka na umiyak, gawa natin nang paraan ‘yan.” He smiled at me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD