“Mura lang dito! 400 per month! Ako na muna bahala sa pagbabayad ng titirhan mo, tapos kapag kakain ka, dadalhan na lang kita rito, kuha mo?”
Halos ilang ubo na ang ginawa ko habang nakasunod ako kay Dos sa loob ng unit. Nasa first floor ‘to. Nakakainis siya! I thought, papatirahin niya muna ako sa bahay nila, but hindi! He brings me here! Ang sikip, tapos puro alikabok pa!
“How can I pay you? I don't have work,” nasasamid na sabi ko sa kaniya kaya inabot niya sa‘kin ‘yung mask na nakalagay sa mask niya. Matagal kong tinitigan ‘yon. “May-”
“Walang germs, malinis ‘yan,” sabi niya bigla kaya kinuha ko na lang para hindi na siya mang-inis!
“So how nga?” I asked again, crossing my arms.
“Ewan ko rin, baka kasi hindi ka naman sanay magtrabaho,” he laughed a bit. “Lovely! Sure na bang 400 ‘to? Baka pwede mong babaan, Dos na ‘to, oh!” Pinanood ko siyang akbayan ‘yung gay.
“Ay, nako Dos! Kung ikaw lang, binigay ko na ng libre, kaso hindi naman ikaw ‘yung titira!” His friend laughed, causing me to stood up straight and crossed my arms over my shoulder.
“Excuse me?” I asked irritated.
I was about to get closer, but Dos immediately came to my side and pulled me away. He was holding both of my arms, pulling me away from his friend!
“Goods na 400, Lovely!” He said, laughing a little. Parang ang awkward nung tawa niya! Natatae ba siya or what?!
“Tara, sunod kayo, nanditech ang room ni ganda,” sabi nung Lovely. Napairap ako nang tumalikod siya. Bakit ang bait niya kapag kay Dos?!
Ngayon ko lang naalalang nakahawak pala sa‘kin si Dos, kaya naramdaman ko lang nung inalis niya na. “‘Wag mo na patulan,” he looked at me, smiling.
“It‘s not my fault kaya...” Tanging sabi ko, boses nagmamaktol.
“Alam ko, pero ‘wag mo na patulan,” ngumiti pa siya, hinihimas ang likod ko. ”Ocakes?” He smiled at me kaya wala akong nagawa kundi tumango sa kaniya, napairap pa ako bahagya kaya siya natawa.
“Eto kusina, tapos ‘yon, kwarto mo, okay?” Tinuro nung Lovely ‘yon kaya napatingin ako. Mabuti na lang at nakasuot ako ng mask! Kundi, makikita niya ang pandidiri sa mukha ko. Nakakainis, kaya ba 400 ‘to kasi hindi naman mukhang bahay?! It looks like a prison!
“I don't want here,” bulong ko kay Dos kaya napatingin siya sa‘kin. Mabuti na lang at nasa malayo ‘yung friend niya kaya he or she won't hear us.
“Oo nga, mukhang may daga,” he whispered which made me shocked! Natakot agad ako!
“What the f**k?!” Mahinang reklamo ko kaya natawa siya. I don't know if he's joking or not! Pumasok ‘yung friend niya sa kwarto kaya sumunod kami roon. “It‘s small- Ah!” Napatili agad ako nang may daga ngang lumabas sa ilalim ng bed! Omg, I don't want to stay here! “Let‘s leave, ayaw ko here!” Sabi ko habang nasa labas, hingal na hingal.
Napakamot sa ulo si Dos habang kasunod ‘yung Lovely, nagtataray na naman siya sa‘kin! What the f**k?! Why is he mad at me?!
“Salamat, Lovely, ako na bahala rito,” ngumiti si Dos sa kaniya.
“Ay nako, buti na lang! Mukhang ma-iistress pa ako sa englisherang ‘yan!” Lovely pointed me.
“It‘s not my fault if may mouse sa unit mo, ‘no!” Reklamo ko, tinatarayan din siya! Lumapit agad sa‘kin si Dos para awatin na naman ako!
“Sige na, thank you, ‘wag mo na patulan ‘to!” Dos laughed. Napairap ‘yung friend niya kaya lalapitan ko dapat pero I can't because hawak ako ni Dos. Inis kong inalis ‘yung kamay niya before I crossed my arms over my chest. “Kalmahan mo lang, init ng ulo mo, e!” Dos said, laughing a little.
“Sinusungitan niya ako kanina pa! Tell me, how can I calm down?!” I complained.
“Alam ko, pero chill ka lang,” he laughed a bit. “Ay nako, hayaan mo na nga! Problemahin natin kung saan ka titira!” Pag-iiba niya nang usapan. Hindi na lang ako nagsalita dahil baka masabi ko lang na doon na lang ako sa bahay nila, mamaya‘y iba pa ang isipin niya! “May second option ka pa naman, ‘wag ka lang magagalit.” He smiled at me like a kid.
Iritado akong tumingin sa kaniya. “What is it?” I asked.
Tinangay niya ang maleta ko at sumunod naman ako sa kaniya paakyat. I knew it! Sa bahay nila! Thank, God! I secretly smiled as I followed him.
“Tisay! Nako, bumalik ka!”
His Lola hugged me, so I smiled awkwardly. Hindi ko alam kung anong reaksyon ang gagawin ko, we're not close naman kasi.
“Dito ka ba maghahapunan?” She asked me, smiling. Again, I don't know what to say! I looked at Dos, asking for help. Mabuti na lang at nakuha niya agad ang tingin ko!
“Opo, Meng,” he gently said to his Lola. “Dito rin po muna siya tutuloy... Kung pwede?” Patanong na sabi niya, mukhang hindi pa sure.
I bit my lower lip. Hindi na ako sumagot kasi nakakahiya naman kung magsasalita pa ako. Hindi ko naman ‘to bahay!
“Nako, ganoon ba?” His mameng seems concerned about me. “Ayos lang naman! Pero kasi, tatlo lang ang kwarto!” She said, mukhang nalungkot pa dahil wala akong tutulugan.
“Pwede naman sa kwarto ni Dos, Meng, ililipat na lang ‘yung isang kama tas haharangan na lang,” sabi nung Dad ni Dos. “Okay lang ba sayo, Tisay?” Agad akong ngumiti at tumango bahagya. Gusto ko sanang magreklamo na bakit si Dos pa kasama ko, pero again, this is not my house so dapat matuto akong pakisamahan sila!
Right, behave, Ace!
Dos carried my suitcase so I followed him to the room. Pinalobo ko ang aking mukha habang dahan-dahang naglakad palapit sa upuan niya. Ayoko nang umupo roon sa kama, mamaya ay masira ko lang lalo tapos palayasin niya pa ako!
“How will you fix this?” I asked him, pointing at his bed.
“Madali lang ‘yan, natanggal lang ‘yung tali pero mas matibay pa ‘yan sa buto mo!” Nakangiting sabi niya.
“Okay,” I nodded, mukhang hindi naman siya mad sa‘kin, so okay na ‘yon! “Anyway, how can I pay you? Ayaw kong tumira here, tapos for free lang! So how much will it cost if I stay here... for a long time?” Nagtatakang tanong ko habang pinapanood siyang ayusin ‘yung kama.
“Ah... mura lang!” He smiled at me, mukhang hindi pa siya sure about doon. Tumayo siya agad nang matapos niyang ayusin ‘yung kama tsaka niya kinuha ‘yung notepad at ballpen. “Bali sa tubig, kami na roon tapos sa kuryente, 500 lang... tas sa pagkain, tsaka sa pag-iistay mo rito, uhm...” Napaisip pa siya roon at tsaka napatingin sa‘kin. “Wag na, kuryente na lang.”
“What?! No! Hindi naman libre ‘to, so lagay mo na lang sa pad lahat! I'll pay for everything!” I shook my head. Too much naman if kuryente lang ang babayaran ko! Parang inampon na rin nila ako niyan! Mag-iistay lang naman ako here hanggang sa alam ko na kung saan ako after or kapag may money na ako!
“Sus, ‘di mo nga alam kung saan ka kukuha ng pera,” sabi niya, nakatingin sa pad. Hindi ko ba alam kung nagpapanggap lang siyang may sinusulat or wala talaga!
“Right...” I smiled at him, awkwardly.
“Benta mo na lang kaya mga bags mo?” Tanong niya, tinuturo pa ‘yung mga expensive kong bags sa isang suitcase! I immediately glared at him so he laughed at me. “Joke lang!”
“Joke your ass,” I rolled my eyes.
“Hoy... ang bastos, ha?” He said, hugging his body. Lalo akong napairap sa ginawa niya. Ang feeling niya kasi! As if I will do something bad to him!
“Whatever, Dos,” I rolled my eyes again. Tatalikod na sana siya para lumabas ng kwarto pero nagsalita ulit ako. “What if I work? What do you think? That's a good idea right?!” Ngumiti ako sa kaniya.
“Oo nga, good idea pero saan?” He answered.
“Uhm... I don't know, may alam ka?” Tanong ko sa kaniya pabalik. “Help me find, please! Kapag may work na ako, makakapagbigay na ako ng payment sayo, right?! So you should find me a job!”
“Sigurado ka na?” He asked me, so I nodded.
“Yes!”
“Sure na sure?” Tanong niya ulit kaya nairita na ako. Bakit ba ang kulit niya?! Sure nga ako, e! “Oo na, oo na! Sure ka na, ‘wag ka na umirap! Nahihilo ako sayo!”