After niyang maayos ‘yung kama ay tsaka niya kinuha ‘yung pom at isang single deck sa kwarto ng dad niya. I feel bad tuloy, baka mamaya kasi sa lapag lang matulog ‘yung daddy ni Dos.
“How about your dad?” I asked him.
“Ah, si paps? May pom pa ‘yon! Kwarto lang talaga kulang! Ayaw mo ba rito?” He asked me, so I shook my head.
“No! No! I'm fine here,” I smiled at him while shaking my hand.
“Mabuti naman,” tumango siya, natatawa. “Nga pala, bukas ka mag-iistart sa trabaho, ha? Samahan mo si mameng. ‘Wag kang mag-alala, may sweldo ka naman! Okay naman sayo kahit anong trabaho ‘diba?”
“Yes! Anong work ‘yan?”
“Secret, baka tumanggi ka agad,” tumawa siya kaya napairap ako.
“Fine! Basta hindi ako prostitute, I don't mind!” Umupo ako sa kamang ginawa niya for me habang pinapanood ko siyang ayusin ‘yung kurtina para may harang sa pagitan namin.
“Prostitute ampota,” napangiwi siya.
After he fixed that, we left the room because his lola called us to eat dinner. Kaunti lang ang kinain ko, wala pa nga yatang limang subo ‘yon. Mabilis akong mabusog kapag gabi na, minsan nga‘y hindi na ako kumakain. Pero ngayon, I need to eat kasi ‘yung lola niya ay kinukulit ako.
The next day, I woke up irritated. Paanong hindi, halos limang minuto ko nang naririnig ang kaldero at kutsara yatang pinupukpok niya para gisingin ako! Inis na inis kong binato sa kaniya ang isang unan, pero hindi siya tumigil kaya bumangon na ako!
“What the f**k, Dos?!” Inis kong sabi tsaka bumangon. Ni hindi ko pa mamulat ang mata ko dahil antok na antok pa talaga! “What the f**k is your f*****g problem?!” Kinuha ko ang cellphone para tignan kung anong oras na dahil madalim pa mula sa binta niya.
“Aba, señiorita! Oras na para magtrabaho! Nauna na si Mameng sayo, tapos ikaw tulog pa rin?!” He scolded me, nakapamewang pa siya!
“What do you mean “Time to work”?! 5:30 pa lang ng umaga! I need to f*****g sleep, Dos!” Napairap ulit ako para humiga pero pinaingay niya na naman ‘yung kutsara at kaldero kaya napaupo rin agad ako sa inis!
“Aba, Alas! Kailangan mo magtrabaho kundi wala kang kikitain!” Sabi niya pa.
Mas lalong kumunot ang noo ko nang tawagin niya akong Alas. “Who the f**k is that?!” Reklamo ko, nagtataka.
“Ikaw!” He answered.
“My name is Ace, not f*****g Alas!” Sabi ko pa bago tumayo ng kama para kumuha ng gamit sa maleta ko since sabi niya ay Time to work na raw!
“Okay,” rinig kong sabi niya. “Alas.” He added which made me rolled my eyes, irritated!
“Stop!” Sigaw ko.
“Bagay kaya?!” Pagpupumilit niya pa.
“Whatever!” Inis kong sabi bago kuhain ‘yung damit at towel ko. ‘Yung towel ay galing lang sa Mameng niya dahil wala akong nadala.
Pagdating ko sa cr nila‘y napangiwi agad ako. Ni walang shower doon, tapos ‘yung shampoo nila, wala sa lalagyan! Tas wala pang soap! Nakangiwi ako habang kinukuha ‘yung dulong hawakan ng tabo, hindi alam ang gagawin.
“Dos!” I yelled.
Agad kong binuksan ang pintuan at tsaka ko siya nakitang nagmamadaling pumunta palapit. Nakakunot ang noo niya, nagtataka kung bakit ko siya tinawag.
“Hinaan mo naman boses mo, aga-aga mo mambulabog, e!” He said, kinakamot pa ‘yung ulo niya.
“Wow?!” I gasped. “Who's the asshole kaya na nambulabog sa‘kin while I'm sleeping, huh?!” Binuksan ko lalo ‘yung pintuan at tsaka ko pinagkrus ang braso sa dibdib.
“Oo na, ako na!” He nodded, accepting his defeat. Napangisi ako dahil mabuti naman at alam niyang siya ‘yung mali. “Oh, ano ba ‘yon? Bakit ka sumisigaw?” Mas mahinahong tanong niya sa‘kin.
“Where‘s the shampoo and soap?” I asked, raising my brows. Napahinga siya nang malalim bago naglakad papunta roon sa kwarto ng Mameng niya. Ni hindi niya man lang ako sinagot kaya hindi ko alam kung nilayasan niya lang ako or what!
Nanatili akong nakakrus ang braso sa dibdib habang hinihintay siya. Nang makabalik siya ay may dala na siyang new toothbrush at toothpaste na nakalagay sa isang green na basket. Nakakunot ang noo ko nang inabot niya sa‘kin ‘yon.
“What is... this?” I asked him, confused.
“Eto shampoo, eto sabon, tas toothbrush at toothpaste,” pinakita niya sa‘kin isa-isa ‘yung mga na sa sachet. “Oh, andyan na lahat, ha, baka sumigaw ka pa!”
“What?! I don't even know how to use this, Dos!” Reklamo ko habang hawak-hawak ‘yung basket. “Wala bang... virtue?” I asked.
“Ha?” Tanong niya, nagtataka. “Virtue? Hindi ba moral meaning no‘n?”
“Dummy, it's shampoo, duh!” Napairap ako.
“Jusko po,” napasapo siya sa noo, looking so stressed. “Saan ba bibilhin ‘yon? Tsaka magkano? Ibibili na kita nang manahimik ka,” he added making me smile like a crazy kid.
“I don't know, I think meron online,” I told him. “It‘s about 2.5k, I think?”
“2.5k?!” He gasped. “Tama na, tama na, iligo mo na ‘yan!” Pilit niya akong tinutulak papasok sa banyo!
“What?! Why?!” Reklamo ko.
“Budget lang sa food ‘yan! Pagtiisan mo muna ‘yang tig-ootso! Mabango naman tsaka 2 in 1 pa, oh, diba?!” Sinarado niya ang pintuan kaya napapadyak na lang ako sa inis. Ugh, I hate him!
Nang matapos akong maligo ay tsaka ako sumunod sa kaniya roon sa work na sinasabi niya. Sumakay pa kami sa tricycle at siya ang nagbayad no‘n. Hindi ko naman first time sumakay rito pero sana‘y we just use my car so nakatipid pa siya ng money!
“What the hell are we doing here?”
Sabi ko nang bumaba kami sa palengke. Maingay at maraming taong mamimili ang nakakasalubong namin, ‘yung iba’y may mga buhat pa sa balikat na hindi ko alam kahit. Sobrang aga pa pero marami na agad tao rito sa market.
“Work mo ‘diba?” He answered.
“Oy, Dos! Pwede patulong dalhin nitong mga gulay kila Violy? Eto 150, oh! Pasuyo na lang!” The woman called him while she's pointing at the sack.
“Sure po, te Ema! Walang problema!” Ngumiti si Dos at naglakad bahagya para kuhain ‘yung sako. “50 na lang! Isa lang naman ‘to, e!” Tumawa pa siya kaya pinisil nang matanda ‘yung pisngi niya dahilan para mapakunot ang noo ko, nagtataka.
“Nako hindi! Pang-agahan mo!” She laughed. “Buwena mano para marami kang kita mamaya!”
“Nako, salamat po! Si Bajo po ba, hindi pa kumikilos?” He asked the woman. Napakrus ako nang braso sa dibdib habang iniintay siyang matapos.
“Jusko, alam mo naman! Napuyat kagabi, mamaya pa ‘yon mambibwisit!” Tumawa ang matanda bago siya napatingin sa‘kin. “Ay, may bibili yata! Ano sayo ganda? Fresh ‘tong mga kamatis! Bagay na bagay sayo kasi ang kinis mo! Pwera usog!” Tumawa pa siya. Ni hindi ko alam ang sasabihin ko kaya nanatili akong nakangiti.
“Ay, hindi po ‘yan bibili, kasama ko po ‘yan,” Dos laughed.
“May nobya ka na?! Kagandang dilag!” She told him. Lalong napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
“I‘m not his girlfriend po,” ngumiti ako sa kaniya.
“Ay, ganoon?” Tanong niya, parang nanghihinayang pa.
“Opo, te! Palabiro ka talaga!” Tumawa si Dos. “Bagong magtatrabaho po kay Mameng!”
“Nako sayang, bagay pa naman kayo!” She laughed. Nandiri kaagad ako. Imposible namang maging kami! He's not my type kaya!
“Ikaw talaga, te! Hindi po kami bagay, mababadtrip lang ‘yan sa‘kin!” He laughed. “Sige po, mauna na kami, inaantay kami ni Mameng, e. Balikan ko na lang po kayo kapag meron kayong ipapabuhat ulit!”
“Ay sige, buti pa nga!” Tumawa siya‘t ngumiti sa‘kin kaya ganoon din ang ginawa ko.
Naunang maglakad sa‘kin si Dos kaya sinundan ko siya. Buhat-buhat niya ang isang sakong vegetables. Nakikiraan pa siya sa mga tao at ‘yung iba‘y binabati niya pa kahit halatang nabibigatan na siya roon sa buhat niya.
I can't help but to admire him. Hindi pa kami masyadong magkakilala pero mukha naman siyang mabait. He treats everyone he encounters with kindness. Ni hindi siya nagdadalawang isip na pumayag kapag sinasabi sa kaniyang balikan ‘yung mga i-dedeliver. I don't know if kasama ‘to sa job niya, pero kung kasama, he's too kind para pagbayarin lang sila ng 50 pesos tapos dalawa or tatlo ‘yung pinapabalikan sa kaniya.
“Dos! Tangina, aga-aga ang pogi mo, ha?” The other woman told him after niyang mailagay ‘yung sako ng gulay sa loob.
“Aga mo ring mambola!” He laughed. “Mamaya na lang, ha? Hahatid ko pa ‘to kay Mameng, Phi!”
Tumingin sa‘kin ‘yung girl, nagtataka. Pero noong tumingin sa kaniya si Dos ay tsaka lang siya ngumiti.
She likes him. She looks jealous, I'm sure she likes him.
“Sige! Dadalhan ko na rin si Mameng ng tanghalian para mamaya, tsaka... siya.” She looked at me.
“Sige salamat! Una na kami roon ha! Mamaya na lang!” Ngumiti si Dos bago kami tuluyang umalis doon.
Sinundan ko ulit siya hanggang sa makita na namin ‘yung lola niya, naglilinis ng fish. Napakunot ang noo ko habang palapit kami.
“Am I going to work here?” I asked him, confused.
“Oo! No choice ka, eto lang available!” He smiled.
“Tisay! Nako, gusto mo bang mag-agahan muna?!” Tuwang-tuwa ‘yung lola niya nang makita ako. Umalis pa siya roon para lumapit sa‘kin pero agad akong bahagyang napalayo sa kaniya.
“Malalansahan ka rin mamaya, okay lang ‘yan, maligo ka na lang ulit,” ngumiti sa‘kin si Dos. Hindi ko alam ang gagawin ko pero nakakahiya naman kung iisipin ng Mameng niya na nandidiri ako!
“Later na lang po ako kakain,” pinilit kong ngumiti sa Lola niya para hindi niya isiping nag-iinarte ako. Ngumiti siya sa‘kin bago ako hilahin papunta roon sa loob. Napapaligiran kami ng mga nagtitinda rin ng iba‘t-ibang isda kaya amoy na amoy ko ang lansa.
Fuck, ano ba ‘tong pinapasok ko?!