“Meng, ikaw na bahala kay Alas ha? Work time!”
Nakangiting sabi ni Dos sa lola niya nang makapasok ako sa loob. Pilit pa akong lumalayo sa mga isda dahil buhay pa! I don't want to be here! Ang ganda-ganda pa ng suot ko tapos here lang sa market ako dadalhin ni Dos?! That's why he didn't tell me last night, para hindi agad ako umayaw!
I swear to God, if I know na here niya lang ako dadalhin, tatanggi agad ako! I'm too pretty to work here!
“Sige, Apo! Mag-iingat ka, ha? Ako bahala rito kay Tisay!” Ngumiti sa kaniya si Lola tapos hinalikan pa siya sa pisngi. “Huwag kang nagpapatuyo ng pawis!”
“Noted lahat, Meng!” He smiled at her before he looked at me. “Hoy!” He called me, so I Immediately raised my brows at him.
“What now?!” I asked, irritated.
“Galit agad?” He laughed. Napairap ako dahil wala namang nakakatawa sa sinasabi ko! “Hoy, Alas!” He called me again so I glared at him. Bakit na kasi ayaw niya na lang sabihin kung ano ‘yon! “Behave, ha?!” He laughed as if he had achieved his goal of annoying me this morning!
“f**k you,” I mouthed. Natawa lalo siya bago muling halikan ‘yung lola niya sa pisngi.
“Ingat, ha!” Sabi niya nang makalayo na siya sa‘min. “‘Wag maarte para may pera ka!” Sigaw niya pa mula sa malayo bago tuluyang tumakbo paalis.
“Asshole,” I whispered, rolling my eyes. Gosh, I hate him so much! Gustong-gusto kong kalbuhin ang buhok niya!
Napausod ako bahagya nang lapitan ako ng Mameng niya. She smiled at me, so ganoon din ang ginawa ko. Hinawakan niya ang bewang ko at tinangay ako roon sa harapan.
“Ganito, tuturuan kita kung paano magtanggal ng lamang loob ng isda,“ nakangiting sabi niya sa‘kin dahilan para kilabutan ako. Iniisip ko pa lang na hahawakan ko ‘yon, nababaliw na ako agad!
“I can't!” Pigil ko nang hawakan niya ang kamay ko. “No! I can't do it!” I told her, parang iiyak pa.
“Ay, madali lang ‘to!” She laughed at my reaction. “Pero sige, gusto mo bang magtimbang na lang?” Ngumiti siya sa‘kin. “Mas madali ‘yon, ah!”
“No, it's not kaya, it's... you know... kadiri?” Maarteng sabi ko kaya natawa siya.
“Ay nako, hindi naman tayo kikita kung mandidiri tayo! Hindi naman dadating ‘yung pera kung hindi tayo kikilos, ‘diba?” She smiled at me. “Pero naiintindihan kita kasi lumaki kang mayaman, pero ngayon eto ka, magtitinda sa palengke...”
“Yes, that's true,” I nodded. “So I should not work here? Can I come home already?! Please say yes!” Hinawakan ko ang kamay niya kahit pa malansa na ‘yon.
“Pwede ka namang umuwi... Pero hindi sa bahay,” she laughed, teasing me!
“You‘re just like him,” binitawan ko ang kamay niya tsaka napairap.
“Ay sus! Tama na ‘yan tisay! Ayan na mga mamimili, oh!” Tumawa siya‘t hinimas pa ang kamay ko. “Oh, titimbangin mo lang ha? Kilos na kilos na! Kailangan natin ng pera kaya kailangan nating magtrabaho, ha?!”
“Fine!” Lumapit ako sa mga fish at isa-isang hinawakan ‘yon sa pinakadulo.
Natawa naman siya sa ginawa ko bago kuhain ang isa kong kamay at doon ilagay ng buo pero tumalon lang sa kamay ko kaya napasigaw agad ako sa gulat! “I can't! It's alive!” Reklamo ko.
“Mamaya ‘yan, hindi na!” Tumawa ulit siya. Nakakainis na, para siyang si Dos! Gustong-gusto nilang naiinis ako!
After no‘n ay tsaka ko lang nahawakan ng hindi tumatalon ‘yung isda matapos niyang linisin. Pero I'm still panicking! Ang dami kasing bumibili rito sa Mameng ni Dos kahit pa hindi lang naman ito ‘yung tindahan ng fish! Halos wala pa ngang one hour pero ang dami nang bumibili sa kaniya!
“Miss, isang kilo hindi tatlo.” I looked at the woman in front of me. She pointed to the fish I put on the scale.
Natataranta na ako dahil ang daming bumibili! Nakakainis, isang kilo lang naman talaga ilalagay ko pero napapasobra! It's not my fault, it's the f*****g scale's fault!
“I know, wait! I'm sorry!” Natatarantang sabi ko sa bumibili, but she just laughed at me! I don't even know why! Napanguso ako habang dahan-dahang inaalis ‘yung isda sa timbangan. Hindi ko alam kung tama ba ‘tong ginagawa ko! I can't focus!
“Ayan, Ate, okay na ‘yan!” Sabi nung isa pang girl. Nagulat ako nung kuhain niya ‘yung plastic tsaka ‘yung bayad. “Thank you po!” Sabi niya sa bumili bago ilagay ‘yung pera sa lalagyan. Nakakunot lang ang noo ko habang tinititigan siya. She's wearing a high school uniform, what the hell?!
“Who are you?” Mataray na tanong ko. Nakaataas pa ang dalang kamay ko dahil hindi ako makapag-krus sa dibdib. I'm so malansa kasi!
“Hala, chill!” Sabi niya, natatawa. Mukha naman siyang kilala ni Mameng, but, I don't care! She stole my freaking job! “Meng! Good morning!” She greeted Mameng, ignoring my words which made me rolled my eyes.
“Bakit nandito kang bata ka?! Maglalansa ka pa talaga, ha!” Sabi niya sa bata. “Tawagan mo kuya mo at umuwi ka sa bahay, maghugas ka ng kamay mo. Ang lansa-lansa mo na naman niyan!”
“Meng, chill ka lang!” She laughed. “Excuse ako sa klase kasi may training kaming mamayang 9, tapos gusto ko makita ‘yung Tisay na sinasabi mo! Tulog na po kasi siya kagabi, e!” Napataas ako ng kilay sa sinabi niya. Why the hell does she know me?
“Ay, nako! Kahit na, madudumihan ‘yang uniporme mo! Ikaw talaga!”
“Oh... So you are Dos little sister?” Biglang sabi ko sa kaniya.
“Tama! Ang galing mo, Ate!” She smiled at me. Hindi ako sanay kaya napairap na lang ako bago kuhain ‘yung fish at ilagay sa timbangan. “Aw... sungit.” She pouted.
“Pst! Ikaw talaga!” Sinuway agad siya nang lola niya kaya nakatingin lang ako sa kanila, nanonood. “Mabuti pa‘t mag-ayos ka na sa bahay, maligo ka ulit!”
“Okay po!” Pumasok siya sa loob tsaka niya hinalikan ang Lola niya. “Bye, Ate Tisay!” She smiled at me.
“Ace,” sabi ko sa kaniya. Masyado na silang nasanay roon, lalo ang Lola nila. They call me Tisay instead of my name! I mean, it's okay but I want them to know my name at least. “My name is Ace.”
“Sige, Ate Ace!” Ngumiti muna siya bago tumakbo paalis.
Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinapanood siyang tumakbo palabas ng market. Tsaka lang ako natigil nang inabot na ni Mameng ‘yung mga isda sa gilid ko para ilagay sa timbangan. Napairap na lang ako at nagpunas pa ng pawis gamit ang likod ng palad ko.
Nakailang benta pa kami bago ako umupo dahil nagugutom na ako. Marami pa rin ang bumibili pero hindi ko na kaya so I sat down muna so I can rest for at least five minutes. My tummy hurts so bad!
“Meng! Kain muna!”
Parang may kung anong magic akong narinig kaya napatingin agad ako sa harap. “Phia, nako! Nauto ka na naman ni Dos!” Tumawa si Mameng.
“Meng, ako na mismo nagsabi, ‘no!” She laughed. “Tsaka, malakas sa‘kin si Dos!” Tumawa ulit siya. Napairap ako dahil doon, I knew it. She likes Dos kaya mukha siyang nagseselos nung makita ako. “Kunin mo na, Meng!”
Tumawa ‘yung matanda bago naghugas ng kamay at tsaka kinuha ‘yung pagkain doon sa Phia. “Salamat, Anak ha?!” She told her before she looked at me. “Tisay, halika rito, kumain ka muna!”
Tinignan ako nung Phia noong tawagin ako ni Mameng. “It‘s fine, I‘m not hungry po,” I lied to her. I want to eat so bad, but I don't want to eat that food. Mamaya‘y masama talaga ang loob niya sa‘kin tapos sumakit lang ang tiyan ko!
“Can I go outside? I'll find Dos,” I stood up. Inalis ko ang apron na suot ko at pinatong sa upuan.
“Gusto mo tawagan ko na lang si Dos!” The girl told me. Ayoko naman magmukhang maldita kaya tumango pa rin ako.
“Thank you, but I still want to go outside the market,” I answered so she nodded before she took her phone on her pocket.
“I‘ll be back po,” I smiled at Mameng.
“Ingat ka ha? Bumalik ka agad dito kapag hindi mo nakita si Dos!” She told me, smiling.
Ngumiti rin ako bago ako tuluyang umalis doon. Ni hindi ko pa alam kung saan ako pupunta noong makalayo ako sa kanila. Maraming tao sa palengke at mukha akong batang nawawala!
“Where are you, Dos?” I asked myself.