“Where the hell is him?!”
I was talking to myself as I walked along the side of the road. I don't care even if people stared at me like a crazy woman here! I'm so stinky! And it's so f*****g annoying!
“Ugh! I‘m so hungry!” Inis kong sabi sa sarili nang bigla akong huminto sa paglalakad, napapadyak pa ako sa inis kasi ang laki nung market pero hindi ko siya mahanap! Akala ko ba tinawagan siya nung Phia?!
Aalis na sana ako ulit pero agad akong napasigaw nang may bumangga sa‘kin. Napanganga pa ako, gulat na gulat noong may tumulo mula sa mukha ko. Ni hindi agad ako nakagalaw dahil may nararamdaman akong malagkit sa buong katawan ko!
It's f*****g oil!
“Hala, puta!” Napatakip sa bibig ‘yung babaeng kasama nung lalaking nakabunggo sa‘kin.
“What the fuck...” I want to cry! Ang baho ko na nga tapos ang lagkit-lagkit ko pa! What the hell?! Why am I so unlucky?! Is this a punishment for me because I don't want to marry Lexter?!
“Siraulo ka kasi, wala naman tayong pamaluwal diyan!” Hinampas nung babae ‘yung guy. Ang hina pa nga nung pagkakahampas niya! Dapat nilaksan niya na lang ang hampas kasi pati ako nadamay! Sa‘kin pa talaga natapon lahat!
“Bigla kasing huminto e, malay ko ba!” Sabi naman nung lalaki. Gusto ko sanang umangal pero hindi ko magawa dahil mas iniintindi ko ‘yung mantika sa buong katawan ko.
“Help me, please!” Sabi ko sa kanila, paiyak na. Hindi ko alam ang gagawin ko! Nakakahiya at nakakainis! Pinagtitinginan ako ng mga tao tapos ang lagkit-lagkit ko pa!
“Teka! Saan ba bahay mo?! Hahatid ka na namin! Sorry talaga!” Sabi nung babae sa‘kin. Natataranta na rin siya, hindi alam ang gagawin.
“I don't know!” Sabi ko. Hindi ko naman talaga alam kung saan ‘yung bahay nila Dos kaya paano ako uuwi?! Arg!
“Anyare riyan?!”
Napadilat agad ako nang marinig ang boses ni Dos sa kung saan. Umikot pa ako bahagya para makita siya. May pawis pa ang noo niya, mukhang nagmamadaling pumunta rito.
“Dos!” The girl called him. Oh, she knows him naman pala! “Eto kasing si Bajo! Hindi nag-iingat!” Sabi nung babae, hinampas niya pa ‘yung Bajo. Eto pala ‘yung guy na sinasabi nung matanda kanina!
“Anong hindi nag-iingat?! Hindi ko naman sinasadya, e!” Pagtatanggol niya naman sa sarili niya kaya hinampas agad siya nung babae.
“Tama na, ikaw mali! Huwag ka na magsalita!” She told him. “Sorry talaga, Miss! Hayaan mo, ililibre na lang kita mamaya libreng salon tsaka pedicure and manicure! Saan ba bahay mo, hatid na kita para makaligo ka na!” Sabi niya sa‘kin pero hindi ako sumagot.
“Hindi, ako na bahala rito, Stak!” Dos told her. Nakakunot pa ang noo ko nang makita ang hitsura niya. Hindi niya alam kung tutulungan niya ba ako or tatawanan!
“Ay kilala mo?” Gulat na tanong nung babae.
“Jowa mo, ‘no?” Pang-aasar sa kaniya nung Bajo.
“Gago,” sabi ni Dos bago muling tumingin sa‘kin. “Bakit ka ba nandito? Sabi ko huwag kang aalis doon, e!” Sabi niya sa‘kin, nagpipigil ng tawa.
“Just freaking help me, can you?!” Inis kong sabi sa kaniya.
“Sorry na! Eto na nga, oh! Nangangatog pa!” Tuluyan na siyang natawa kaya agad akong nakaramdam ng labis na pagkainis sa kaniya. I hate him so much! Hindi siya pumalyang inisin ako!
Lumapit sa‘kin si Dos para igilid ako dahil maraming dumadaan. Inilabas niya ang panyo mula sa bulsa niya at tsaka ako inutusang pumikit para mapunasan ang mukha ko kaya agad kong sinunod ang sinabi niya.
“Girlfriend mo pala ‘yan! Putcha boy, sorry talaga! Bigla kasing huminto kaya natapon, e! Pero sige, dahil gf mo naman, kasalanan ko na lang!” Rinig kong tumatawa ‘yung Bajo habang kinakausap si Dos. Nakakunot lang ang noo ko habang nakapikit. I want to complain that I'm not Dos's girlfriend, but, can't! He was wiping my face, and if I spoke, I might end up with oil in my mouth!
“Boy tama na, apaka ingay mo baka pati ako sapakin nito!” Dos told him. Mas lalo lang napakunot ang noo ko, ni hindi niya man lang tinanggi na hindi niya ako girlfriend! “Yung noo mo naman,” he told me, laughing a little.
Gusto ko siya irapan pero hindi ko naman magawa kaya hindi ko na lang kinunot ang noo ko para mapunasan niya ako ng maayos.
“Are you done?” I asked. Nakapagsalita lang ako noong tapos niya nang punasan ang bibig ko.
“Yes, Madam! Dilat ka na!” He told me. Nang makadilat ako ay agad ko siyang inirapan bago ko samaan ng tingin ‘yung friend niya. “Bakit ako lang inirapan mo?! Daya mo naman!” Sabi niya.
“Uwi na tayo, I want to shower again! I'm so mabaho na, then I'm malagkit na rin!” I crossed my arms over my chest.
“Sure po,” he smiled. Tumingin pa siya kay Bajo bago bahagyang tinulak ‘yon dahilan para tumawa si Bajo tsaka ‘yung babaeng tinawag niya ng Stak.
“Ampota, inlove!” Bajo laughed.
“Bantot mo, tanga,” bahagya siyang sinuntok ni Dos sa tiyan, pareho silang natatawa. “Hindi ko girlfriend si Alas tanga! Lumayas ka nga rito at tulungan mo Mama mo roon, paka-clumsy mo talaga, e!” Pinagalitan siya ni Dos.
“Anong clumsy?! Hindi ko nga kasalanan!” He complained.
“Tsaka oo nga, mukhang hindi papatulan ni Ate girl si Dos! Amoy mayaman, e!” The girl stared at me, nakatingin lang din ako sa kaniya. Para kaming tangang nagtititigan dito!
“Sabagay, may point ka!” Tumawa si Bajo. “Pero gago, englishera lang, kung mayaman ‘to wala siya rito! ‘Diba?!” He looked at me.
Oh, God. Kung alam lang nila kung gaano ako kayaman!
Nakakainis! If only I have my card! Edi sana wala ako rito ngayon at hindi ko kailangang magbenta sa palengke!
“Hala! Mayaman ‘to tanga ka! Sa kaniya siguro ‘yung magandang kotseng naka-park sa tapat ng tenement!” Hinampas nung babae si Bajo, nakaturo pa ang isang kamay niya sa‘kin. “Hala, doon ka natutulog kila Dos?!”
“Tama na ‘yan! Naiirita na sa inyo!” Agad kinuha ni Dos ang kamay ko para ialis ako roon. Hindi ako umangal at hinayaan ko lang siyang gawin ‘yon. I want to go home na rin kasi! Bukod sa gutom na ako, gustong-gusto ko na talaga maligo!
“Dadaan kami roon mamaya!” Sigaw nung girl habang naglalakad kami ni Dos palayo sa kanila.
Nang makarating kami sa sakayan ay agad akong pumasok sa loob ng tricycle. Tahimik lang ako at naiinis sa hitsura ko hanggang sa makarating kami sa tenement.
Pagkarating pa lang doon sa tapat ng bahay nila ay agad akong kumuha ng towel at nagmamadaling pumasok sa banyo. Hindi na ako nag-inarte sa lahat ng gamit na binigay niya sa‘kin kanina. Wala na akong time mag-inarte! Masyado nang malagkit at mabaho ang buong katawan ko!
Halos ilang oras na ako sa banyo pero hindi pa rin ako lumalabas. Talagang sinisigurado ko na maaalis ‘yung lagkit sa buong katawan ko. Pati na rin ‘yung amoy kong malansa!
“Hoy, Alas! Buhay ka pa ba?!” Rinig kong sigaw ni Dos.
“Shut up!” I yelled too.
“Okay, kalma! Naninigurado lang! Isang taon ka na sa loob, e!” Sigaw niya, bahagya pang natawa. Napairap na naman ako! Nakakainis siya kahit kailan!
Matapos kong maligo ay lumabas na ako nang naka-towel lang tsaka ako pumunta sa kwarto para magpalit ng damit. Nang matapos ako ay tsaka lang pumasok si Dos.
“Oh, hindi ka na babalik doon?” He asked me.
“I don't want to go there anymore,” umiling ako. “I can't do it! It's so malansa, mabaho, and I can't take it anymore!” Sabi ko sa kaniya, paiyak na.
“Day 1 pa lang, sumusuko ka na agad!” He told me, smiling.
“But... I can't, Dos! I grew up without experiencing all of that, and then all of a sudden this happens? I can‘t do it! I don't want to be there!” sabi ko sa kaniya bago ko takpan ang mukha ko, pakiramdam ko‘y iiyak na ako dahil hindi ko talaga kaya!
“Oy, sorry, umiiyak ka ba?” He touched my shoulder.
“I can't do it...” I sobbed.
“Sa umpisa lang naman ‘yan, e, masasanay ka rin,” he gently told me. “Pero pwede namang huwag mo na lang gawin, ‘wag mo na lang kami bayaran. Okay lang naman, e.” Sabi niya, pinapakalma ako.
Agad akong dumilat para tignan siya. “If you're just saying that to make me feel better, just stop,” I told him. “Hindi mo ako kargo, I need to pay you. My life is better than this, but still, I shouldn't be a burden to you. You help me, you let me stay here so It shouldn't be free.”
“Kaya nga, pero-”
“Just give me other option, ayoko roon...” I told him. “Don't worry, when I get my card, I'll pay you double.”
“Okay, sige, gagawan ko paraan,” he smiled at me. “Bakit mo ba ako hinahanap? Tamo, natapunan ka pa tuloy. Dapat hinintay mo na lang ako roon, e.”
“Because...” Napatigil ako sa pagsasalita.
“Because?” He repeated what I said with a questioning tone.
“Because I'm hungry, my tummy hurts.” I bit my lower lip, I felt embarrassed now.
“Your tummy hurts?” He bit his lower lip. Hindi ko ba alam kung pinagtitripan niya ako pero mukhang namangha pa siya sa sinabi ko!
“Yeah, my tummy hurts,” I pouted.
Bahagya siyang natawa sa sinabi ko. “Ka-cute mo,” he said making my heart beat faster and feel the heat all over my face.