“Ako na lang, Dos... Please...” Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Ang sakit, nagseselos ako. “Can you both get in the car? Mamaya niyo na pag-usapan ‘yan at na sa hospital si Mameng.” Sabi ko habang nakatingin sa harapan. “Ace!” Gulat na sabi ni Phia na parang nahihiya na siya dahil narinig ko. “Come on,” lumingon ako sa kanilang dalawa. “Get in the car.” Hindi na sila sumagot pareho nang sumakay sila sa sasakyan ko. Pinaandar ko ‘yon at hindi na sila kinausap pa kahit katabi ko lang si Dos. I don't know. I'm not mad at him nor her, but I'm jealous. Knowing na wala akong karapatang magselos dahil wala namang kami. It hurts me. It f*****g hurts me. “Ace...” Tawag ni Phia. “Yeah?” Sagot ko nang hindi siya tinitignan. “Wala... Uhm... Kumusta si Mameng?” She asked. Siguro wala n

