“Kumain ka muna.” Hindi ko dinilat ang mata ko nang umupo si Dos sa gilid. Nanatili lang akong nakasandal sa pader, iniisip lahat ng mga sinabi ni Doc kanina. “Mamaya, I'm not hungry,” I told him. Nanatili akong gano‘n, hindi siya pinapansin. Nararamdaman kong nakasandal na rin siya sa pader, hindi rin nagsasalita kaya hinayaan ko na lang. “Galit ka ba?” He asked. Napakunot ang noo ko habang nakapikit dahil sa tanong niya. “Where? Saan ako dapat magalit?” Mahinahong sagot ko. Hindi ko alam ‘yung tinutukoy niya. Bakit naman ako magagalit? Or, saan naman ako magagalit? Wala naman akong dapat kagalitan. Tanging sakit lang ang nararamdaman ko ngayon dahil sa sitwasyon ni Mameng. Masyadong masakit para sa‘kin. “Sa sinabi ni Phia,” he answered. Doon ako napadilat. Hindi naman ako nagagalit

