“Hindi mo ba ako gusto lang dahil-” “No, of course hindi,” sagot ko. “I don't know why I love you, but I do, Dos, I really do.” Ngumiti ako‘t hinalikan ulit siya nang mas matagal hindi katulad noong kanina. Bumitaw ako para yumakap sa kaniya, agad niya namang niyakap ang bewang ko at tsaka niya binaon ang mukha sa aking leeg. “Nakakabas na talaga ‘yon,” biglang sabi niya kaya agad akong natawa. Alam ko na agad na si Lexter tinutukoy niya! “Why?” Bahagya akong natawa. “Nagseselos ako, e,” maarteng sabi niya kaya mas lalo akong natawa. “Ang corny-corny niya! Panay dala pa ng bulaklak! Wala namang burol dito, pero panay dala niya ng bulaklak! Kapag ako yumaman, hindi lang bulaklak bibilhin ko sayo, papatayuan pa kita ng sampong flower shop!” Pagmamaktol niya pa. “Bakit mo ako papagawan

