“HE SAID WHAT?! MAHAL KA NIYA?!” Napatayo sa gulat si Alaina habang nandito kami sa isang café. Ilang linggo kaming hindi nagkita kaya ngayon ko lang nakwento sa kanila. Hindi ko agad naisip na magiging ganito siya ka-OA! Edi sana pala hindi ko na lang kinuwento at tinikom ko na lang bibig ko! “Lower your goddamn voice, Lai, nakakahiya,” nahihiyang sabi ni Archie. “I agree! Just please, Alaina! Umupo ka na at ‘wag kang OA riyan!” Sabi ko bago napasapo sa noo. Totoong nakakahiya! Puro nag-aaral or nagtatrabaho ‘yung mga tao rito, tapos bigla-bigla siyang sisigaw?! Oh, God! If hindi lang kilala ni Archie ’yung may ari, for sure napalayas na kami! “So ano status niyo? He loves you right, tapos ganon ka rin. Ano ganap niyo?!” Tanong niya dahilan para mapaisip ako. God, ewan ko rin! Hindi

