Chapter 2: Trixie

1238 Words
LUMABAS si Ariana sa pinagtataguan niya at tinungo ang grupo nina Karylle. Kaagad naman nilang napansin ang presensya niya. Binalingan siya nang matalim na tingin ni Karylle. “And why are you here?” naiinis na tanong ni Karylle habang nakapamewang. “Nagtaka ka pa. Late lang naman ako dahil sa inyo,” matapang niyang sagot. Nagkatinginan silang tatlo at nagtawanan. Lalong uminit ang dugo ni Ariana dahil halatang walang konsensya ang tatlong iyon. “So, kasalanan pa namin?” sarkastik na saad ni Jamie. Tinalikuran nila si Ariana at ibinaling muli ang kanilang atensyon sa estudyanteng umiiyak na dahil nasira ang kan'yang pinaghirapan. Ganiyan kasama at kabastos ang ugali ng 'The Three Angels'. Sapagkat laki sila sa mayamang pamilya at ang lolo ni Karylle ang may-ari ng Shepherds University. Kaya malakas ang loob nitong dalaga na gawin ang gusto niya sa mga kawawang estudyante at walang lakas ng loob na sumuplong o lumaban sa kaniya, ngunit ibahin ninyo si Ariana dahil napupuno na siya sa pinagagawa nitong tatlong dalagita. “Hindi ba kayo titigil sa pambu-bully ninyo?” naiinis na tanong ni Ariana. Humarap silang tatlo at nakahalukipkip pa ang mga braso nito. Palatandaan na hindi sila natatakot kay Ariana. “Kung gusto mo, Girl... mag-drop ka at lumipat ng cheap na school. Bida-bida ka, e! Isa ka lang namang hamak na mahirap at hindi kayang magbayad ng tuition!” maangas na pangungutya ni Karylle. Halos sumabog sa galit si Ariana dahil sa sinabi ni Karylle. Walang preno at masama ang tabas ng dila nitong dalaga. Palibahasa ay malakas ang kapit sa itaas. “'Di bale nang mahirap… basta hindi ganiyan ang pag-uugali katulad ninyo. Hindi nababagay sa inyo ang 'The Three Angels'! Bagay sa inyo ay 'The Wicked Witch' o kaya naman 'The three devils',” palaban na sagot ni Ariana. Halos hindi makapaniwala ang tatlo sa narinig. Namilog lang naman ang mga mata nila at bagsak ang panga. That was the first time na may nagsabi sa kanila ng ganoong bagay. Hindi nila matanggap iyon at sinugod nila si Ariana. At bago pa nila masktan si Ariana ay mabilis siyang kumilos. Binato niya sa mukha ng lupa ang tatlong dalagita at tinamaan sila dahilan upang mapahiyaw sila. “Ah! What was that!” maarteng sabi ni Mica. “What the hell!” hiyaw ni Karylle na halos nandiri. Napagtanto ni Karylle na lupa ang mga binato sa kanila ni Ariana. Umikot si Ariana at tinungo ang babaeng umiiyak. Tinulungan niya itong makatayo. “Tumayo ka na riyan... halika na!” natatarantang sabi ni Ariana sa estudyante. Inangat nito ang tingin sa kaniya at umiiyak pa rin ito. Humihikbi pa at basang-basang ng luha ang magkabilang pisngi. Marahan na tumayo ang kawawang estudyante habang ang tatlo ay abala sa pagtanggal sa mukha nila ang mga tira-tirang lupa na pinambato kanina. “Bilis! Takbo!” sabi ni Ariana. Mabilis na kumaripas nang takbo si Ariana at hawak-hawak niya sa kaliwang kamay ang estudyanteng babae. “Bilisan mo— baka abuyan tayo ng mga bruhang 'yon!” kinakabahang sabi niya. Walang nagawa ang estudyanteng si Trixie Trinidad kun'di ang sumunod. Hingal na hingal silang nakarating sa dulo ng garden at kumubli sa malaking puno. “O-Okay ka lang ba?” hinahapong tanong ni Ariana. Tumango si Trixie at pawis na pawis. Ngumiti siya nang mapait at niyakap nang biglaan si Ariana bilang pasasalamat nito sa dalaga. “T-Thank you so much! Thank you so much!” Gumanti rin si Ariana ng yakap at hinaplos nang marahan ang buhok ng dalaga. Nang maghiwalay silang dalawa sa pagkakayakap ay sinuri ni Ariana ang kabuuan nitong dalaga. Maputi at makinis ang balat nito at masasabi niyang laki ito sa mayaman na pamilya dahil na rin sa paraan nito sa pagsasalita. Ngumiti si Ariana kay Trixie. “Walang anuman, ikaw nga pala si?” “Sorry, I'm Trixie Trinidad. Second year level,” pakilala nito sa kaniya. Tumango-tango si Ariana bilang pagsang-ayon sa sagot ni Trixie. Sinilip ni Ariana at palinga-linga siya sa paligid upang tingnan kung nasundan ba sila ng grupo ni Karylle. Nang masiguro niyang ligtas na sila ay hinarap ni Ariana si Trixie. “Bakit ka nila pinag-trip-an?” nagtatakong tanong niya. “K-Kasi... actually mga classmate ko sila sa block section— they wanted to copy my study work.” Tinakpan nito ang kaniyang mukha at nagsimulang umiyak. Sumibol ang panibagong galit at inis niya sa tatlong dalaga sa ginawa nila kay Trixie. “I said... they can't... nagalit sila sa akin at dinala ako rito. They tear it into pieces... I work hard for it—” Humagulgol na siya sa kaiiyak. Bumagsak ang balikat ni Ariana dahil wala siyang magawa at hindi niya alam paano mapapagaan ang loob ni trixie. “Ang sasama talaga ng tatlong clown na 'yon!” inis na sabi niya. Samantala ay naiwan ang tatlo at galit na galit sa ginawa ni Ariana sa kanila. Nakakain pa si Karylle ng lupa nang itapon iyon ni Ariana sa pagmumukha nila. “That b***h! Argh! Humanda siya at hindi ako papayag na hindi siya magantihan! I'm sick of her!” iritableng saad ni Karylle. “Eww! Look at my face! Nasira ang makeup ko sa babaeng 'yon!” mangiyak-ngiyak na sabi ni Jamie habang tinitingnan ang mukha sa isang maliit sa salamin ng press-powder nito. Umupo si Mica sa bench at padabog na hinawi ang buhok nito sa mukha. Bakas rin sa mukha nito ang galit at panggigigil kay Ariana. Sumunod na umupo ang dalawa sa tabi nito. “Akin na nga 'yan!” Hinablot ni Karylle ang press-powder ni Jamie. Halos sumabog sa galit si Karylle noong mapansin ang dumi sa kaniyang mukha. Walang pag-aatubili niyang hinagis ang press-powder ni Jamie at nabasag ang salamin nito sa tindi nang pagbato ni Karylle. “Hey... that was mine!” giit ni Jamie at tuluyang umiyak. “I can buy more than that! Stop crying, Jamie. Don't be so stupid!” bulalas nito kay Jamie. “I'm not stupid! Mamahalin 'yan at magagalit si Mommy sa akin!” Habang nagbabangayan ang tatlo ay pasimpleng tumatawa si Jacob Esguerra sa kanilang tatlo habang nakaupo sa hindi kalayuan. Tumayo si Jacob at inilang hakbang ang kinauupuan ng tatlong dalagita. Huminto siya sa harapan nitong tatlo at matalim na tinitigan ang mga niyon. Natigilan ang tatlo sa nakita noong iangat nila ang kanilang mukha. “You ruin my sleep. Para kayong mga kambing na nababasa sa ulan, tsk!” supladong saad ng binata. Nanlaki ang mga mata nila noong nakita kung sino ang nasa harapan nila. Si Jacob Esguerra, ang certified number one heartthrob ng campus nila. Naghiyawan ang tatlo noong makita ang binata at hindi nila alintana ang galit nito. Nag-skipped siya ng isang subject para matulog dito sa garden ngunit dumating ang tatlong bruha para guluhin si Trixie Trinidad. “K-Kambing?!” gulat na sabi ni Karylle. “Magaganda naman kami!” singit ni Mica. “Huh, who the hell said that?” gitla nito. Namilog ang mga mata nina Karylle, Jamie at Mica sa pinakawalang salita ni Jacob. ... “I... I left my bag...” mahinang sabi ni Trixie. “Ay, naiwan mo ba? Sorry kung hinatak kaagad kita, Trixie!” Napahilamos ng mukha si Ariana. Nagpasya silang balikan ang bag nito at baka wala na rin doon ang tatlo. “Sana ay hindi nila napag-interesan ang bag mo,” kinakabahang sabi ni Ariana.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD