Chapter 3: Jairo Esguerra

1437 Words
HABANG naglalakad kami ni Trixie patungo sa lugar kung saan naroon ang bag ni Trixie ay nakarinig kami ng iyakan. Para bang mga sawing palad at ang mga boses na iyon ay pagmamay-ari lang naman ng tatlong bruha. Kaagad kong hinatak si Trixie papunta sa tabi ng puno at kumubli. Nanlaki ang mga mata naming ni Trixie nang makita si Jacob na kausap ang tatlo. May sinasabi siya at hindi ko narinig. “S-Si Jacob ‘yon…” bulong ko at nabaling ang tingin ko kay Trixie. Titig na titig ito kay Jacob at tila nangingislap pa ang mga mata nito habang nakatulala kay Jacob. “Huwag mong sabihing may gusto ka rin sa Jacob na ‘yan?” mahinang tanong ko kay Trixie. Napasulyap siya sa akin at ngumiti nang matipid. “K-Kahit sino ay magkakagusto sa tulad niya—” Natigilan siya sa pagsasalita. “What was your name?” “A-Ariana…” “Look, even the ‘Three Angels’ ay hindi kinakaya ang kagwapuhan ng isang Jacob Esguerra.” Napasulyap ako sa lalaking pinag-aagawan at pinagpapantasyahan ng lahat. Gwapo nga siya, pero ubod din ng sama ng ugali ang lalaking ‘yan. Nasisilaw lang ang mga kababaihan sa kaniyang pisikal na itsura. Napakunot-noo si Trixie na tumingin mula sa akin. “Don’t tell me, hindi mo siya gusto?” “Hindi… I mean, oo, hindi ko siya gusto. Mayabang ‘yang lalaking ‘yan. Bakit ako magkakagusto d’yan.” Pailing-iling si Trixie at nang makita kong naglakad na si Jacob upang iwanan ang tatlo ay hinatak ko ko Trixie upang magtago muli. Hindi ko alam na doon dadaan sa harapan namin si Jacob. “Bakit ka magkakagusto kay Jacob, ubod ng yabang!” Nadako ang tingin ko nang mahagip ng mga mata ko si Jacob sa gawing tabi ko na naglalakad at nagtama ang tingin naming dalawa. Napanganga ako dahil baka narinig niya ako. Matalim na tingin ang ginawad niya sa akin at tila ba bumagal at huminto ang oras nang mga sandaling ‘yon. Habang si Trixie ay nagulat at namilog ang mga mata nang makita si Jacob. Sandali lang iyon at umiwas na ng tingin si Jacob habang inaayos ang kaniyang buhok paitaas. Aaminin kong sobrang gwapo niya noong sandalling ‘yon pero pinilig ko ang ulo ko na tumigil sa pagpapantasya. “S-Si Jacob!” mariing bulong ni Trixie sa akin. Sinundan ko lang ng tingin si Jacob habang papalayong naglakad palabas ng Botanical Garden. Habang ang tatlong bruha ay umalis na rin at sa kabilang way dumaan. Nang sumilip ako ay wala na sila at lumabas na ako sa pagtatago. “Wala na sila.” Lumapit si Trixie sa akin at sabay kaming naglakad patungo kung nasaan ang bag niyang naiwan doon. Nagkalat pa ang mga gula-gulanit na papel doon. “Naku, ano ba’ng tumatakbo sa isipan ng tatlong ‘yon,” nanlulumong sabi ko habang inaayos ni Trixie ang bag at gamit sa loob. Tumayo ito at malungkot ang mukha niya. Nakayuko at yumuko ako upang tulungan siyang tumayo. “I can’t believe this… that they would do it to me. Akala ko ay ligtas ako sa kalokohan nilang tatlo— but I’m wrong!” umiiyak niyang sabi. Napabuntong-hininga ako at hinawakan ang magkabilang kamay ni Trixie at nakatitig siya sa mga kamay ko. “Trixie, nakaganti naman tayo kahit papaano. Alam kong masama ang gumanti— pero sumusobra na sila. Sa susunod na gagawin nila sa ‘yo ‘to, lumaban ka, please… huwag kang papaya sa ginagawa nila.” Pinunasan ni Trixie ang luha sa mga mata at tumalikod na kami upang umalis. Napahinto kami sa paglalakad nang may magsalita mula sa likuran namin. “Hey!” Napalingon kaming dalawa at nakitang nakahalukipkip ng mga braso si Jairo. Siya ang president ng Student Council at nag-aaral sa kursong BS in Forestry. Natigilan kami ni Trixie dahil seryoso ang mukha nito at nagtaas pa ng kanang kilay. Kaibigan siya ni Jacob at isa rin sa mga pinipilihan ng mga babae sa school at certified heartthrob din. “J-Jairo?” tanong ko. “Never call me by my name,” masungit nitong sagot. Napatikom ako ng aking bibig at napayuko. Nakakahiya dahil siya ang president ng student council. “P-President…” dagdag ko. “Good! Before you leave, clean your mess!” maawtoridad na utos nito. Napanganga ako at namilog ang mga mata ni Trixie. Ngayon ko lang napagtantong nagkalat pala ang mga gula-gulanit na papel ni Trixie at ang sementong daanan na may mga nakalubog na pebbles ay nabahiran ng putik. “A-Ah… h-hindi kami ang may gawa niyan, Pres!” pautal-utal kong sabi. “You sure? May nakapagsabi sa ‘kin at sinasabi mo bang nagsisinungaling ang source ko?” matapang na sabi nito. Nagkatinginan kami ni Trixie at sino naman ang mapangahas ang loob na magsasabi niyon. Siguro ang ‘Three Angels’! Napakuyom ang mga palad ko sa inis. Hindi talaga sila nauubusan ng mga pang-inis sa amin. “Sino ang nagsabi? Ang three angels ba?” matapang ko namang sagot. Naningkit ang mga mata ni Jairo sa pabalang kong sagot at hinawakan ako ni Trixie upang pigilan sa anumang balak kong gawin. May karampatang parusa kasi ang sinumang lalapastangan at mambabastos sa student council. Kahit pinakamababang miyembro nila ay kailangang galangin dahil kung hindi ay mapaparusahan. “You are very brave for a woman,” ngingisi-ngising sagot ni Jairo. Matapang talaga ako basta’t alam kong nasa tama ako. Hindi ko mapapalampas ngayon ang ginagawa ni Karylle. “Sino nga? Bakit hindi mo sabihin? Sila hindi ba?” inis kong sabi dahil sirang-sira na ang araw ko sa tatlong ‘yon. Dahil sa kanila ay hindi ako nakapasok sa subject ni Sir William at ngayon naman ay pinagbibintangan pa kami ang may kagagawan nito. “President, ako po ang may kasalanan kaya makalat,” pagpapakumbaba na sabi ni Trixie. Napaawang ang labi ko sa sinabi ni Trixie. Natatakot ba siya kaya sinabi niya iyon at inaako. Humarang ako sa harapan ni Trixie buong tapang na hinarap ko siya. “Tama, si Trixie ang may-ari ng mga gula-gulanit na papel! Hindi niya kasalanan! Pinagpupunit lang naman ‘yan ng ‘Three Angels’! Sila ang sisihin mo!” “How about those mud?” Sabay baba niya ng tingin sa mga putik at mga lupa na nagkalat sa tiles. “A-Ako nga— pinagtanggol ko lang si Trixie!” “Enough. What is your name by the way?” Napabuntong-hininga ako at alam ko na ang kasunod nito kun ‘di parusa. “Ariana. Ariana Beltran.” “Details?” “Hays… sinasabi ko ngang wala kaming kasalanan dito kung tutuusin!” sabi ko. Napahawak si Jairo sa noo niya at yumuko. “Okay, suko na ‘ko. First year level ako. Under Ms. Montenegro.” Tumango-tango siya at ibinaling ang tingin kay Trixie naman na ngayon ay kabado rin. “How about you, Miss?” Napalingon ako kay Trixie at naglakad siya patungo sa tabi ko upang makita siya ni Jairo dahil sa pagharang ko kanina sa harap niya. “I-I’m Trixie Trinidad. Second year level—” “Stop, I already know you.” Natahimik si Trixie at tumalikod si Jairo sa aming dalawa. “Clean up your mess and then go back to the classroom, Miss Trinidad.” Napakunot-noo ako dahil si Trixie lang ang sinabihan niyang bumalik sa classroom. “P-Paano naman ako?” kinakabahan kong tanong. “Go to the student council room. Someone wants to talk to you.” Hindi pa nga ako nakapagsalita ay hinakbang na nito ang mga paa niya upang lumakad palayo sa amin. “A-Ano?! T-Teka, President!” Napapadyak ako sa sahig at umupo sa bench habang napahilamos ng aking mukha. Tumabi naman sa pagkakaupo ko si Trixie at hinawakan ako sa kanang balikat ko. “I’m so sorry, Ariana. I know this is my fault… pero hindi kita pinagtanggol kay President Jairo.” “Ayos lang. Wala naman tayong magagawa. Anak ng may-ari ng university si Karylle. Ano pa ba ang aasahan ko. Kakampihan siya ng student council.” Tumayo kaming dalawa at nilinis ang kalat naming dalawa at lumabas kami ng Botanical Garden. Naghugas din muna kami ng mga kamay naming at nagpasyang maghiwalay na. “I’m going, Ariana. Thank you so much for helping me.” “Ayos lang, wala ‘yon. Basta— ang sabi ko sa ‘yo, ha! Lumaban ka sa tatlong bruhang iyon kapag inulit nila ‘yan sa ‘yo,” bilin ko. Napangiti si Trixie at ngumiti rin ako hanggang sa tumango siya bilang sagot at naglakad na palayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD