Episode 1
“Belle!!!” “Belle!!”
Lakad ako ng lakad palayo sa mga kaibigan ko at tawag ng tawag din sila sa akin habang papalayo na ako. Last day namin ngayon sa school kaya sobrang sinusulit na ang bonding naming magkakaibigan.
“Belle Mrryth Sarmiento !!”
Yeahh that’s my full name and I don’t like anyone calling me that way. Saglit akong tumigil at lumingon.
“Anu ba? Anu bang nangyari? Bakit biglaan naman yata ang sama ng panahon sayo??. Tanong saken ng isa sa mga kaibigan ko actually she’s my favorite friend among others. She’s Liella Marie Villa.
“Oo nga? Bakit ang sama ng tingin mo samin kanina at magpahanggang ngayon ha?” Dagdag naman ni Gel, He’s a gay friend of mine na sobrang bait. Pero hindi namn masyadong ma advice na type ng kaibigan that’s why LielLa is my favorite one. Dun kase kme nag kakasundo.
“Okay fine !! Nainis lng ako kanina dahil parang Hindi nyo naman ako nakikita as if naman na hindi last day of school ngayon nuh!?? Hindi nyo naman ata ako mamimiss.” Saad ko naman ng padabog.
Humalakhak lang ang dalawa at sinundan pa ng tatlo naming kaibigan na sumulpot sa likuran. Sina Krixa at Kambal na Tricia at Trixie.
“Anu ba, parang joke lng naman yun Belle, yung bang walang pansinan prank.” Paliwanag ng pinakabata sa kambal si Trixie.
Umikot lng eyeballs ko sa kanila.
“GROUP HUG!!!!” Sigaw ni Gel
Wala na akong nagawa at sumabay na din maki group hug.
It’s been five days pa lng ng bakasyon sobrang nabo-bored na ako. Well, anu pa nga ba ang pweding gawin except sa matulog, mag cellphone at manuod ng TV? Nkaka umay lng din pero pwedi naman ganto nlng hanggang matapos ang bakasyon na to.
“Belle alis muna ako ha. Ikaw na bahala dito sa bahay nak. Pag uwi ko mamaya bili nlng ako pagkain mo.” sabi ni mama. She’s working sa law office ng kaibigan niya na family friend namin. Yung Papa ko naman He’s working abroad kaya kme nlng muna nandito ng mama ko sa bahay. IM the only child hindi nako nabiyayaan pa ng kapatid simula ng makunan si mama.
As usual home alone na naman ako. And it’s not funny…
Days pass by, and as usual ganon pa din cycle ng vacation life ko everyday.
“Ma?? Pwedi ba akon mag stay kahit one week lng sa bahay nila tita Flor???
Si tita Flor kapatid yun ni mama. May kalayuan ang lugar nila pero sa tingin ko mas makapaglibang ako dun kasama ng mga pinsan ko.
“Nope anak. Alam mong nagdidinalaga kana at ayaw ng papa mo na mawalay saken.” Sabi ni mama
Naiintindihan ko naman ang paghihigpit nila pero nagbakasakali lng naman ako ng makapag libang man lng.
“Hmmmm nak? Gusto mo ba isama nlng kita dun sa office namen? Padating na kase yung kapatid ng tita Marga mo, si ate Lucy? Natatandaan mo pa? Kasama nya dalawang anak at asawa nya. Hinahanap ka din ng Lola Delia mo sabi nya dalaw ka daw doon.”
“Really ma?” So andiyan pala sila Dan at Alexa? exciting kong tanong kay mommy na ngumiti at tumango saken.
Private office kase yung law firm ng mga Villarin kaya may sarili silang building sa katapat ng mansyon nila. Higit pa doon ay ang napakalawak na farm nila sa karatig bayan kun saan nakatayo ang mansyon nang dalawang magkapatid, si Tita Margarita Villarin Tillo at Tita Lucy Villarin Madrigal. Mas close kme sa pamilya nila dahil matalik na magkaibigan sina mommy at Tita Marga. Naging anak na rin ang turing Ni Lola Delia kay mommy, ang ina ng magkapatid na Villarin.
Past 7am na ako gumising tamang tama sa kumakalam kong sikmura. Gutom na ako kaya agad akong napabalikwas ng bangon. Bumaba agad ako sa kusina. “ Sabi isasama daw ako?” Tanong ko habang naghahanap ng makakain dahil wala na si mama maaga atang pumasok sa opisina.
Nag luto ako ng simpleng breakfast lng fried rice with egg and hotdog. Yan lng naman kaya kung lutuin kapag wala si mama. Pagkatapos kumain dumeretso na ako sa CR para maligo. Tsaktong pabukas na ako ng pinto ng tumunog ang cellphone ko, bumalik ako ng mesa para damputin yung cellphone ko at sagutin ang tawag.
“Uhmm Ma? Bakit po?” Bungad ko kay mama na tumawag.
“Nak babalikan kita before 9am ha. Bihis kna diyan, may pinabili lng saglit tita Marga mo kaya maaga akong umalis. Birthday niya kase may handaan sa mansyon nila sa Farm kaya mag bihis kana.! okay?”
“Okay ma maliligo na po ako.”
Not so exciting kase alam ko naman na ma A-out of place lng ako dun pero mabuti naman nang may mapuntahan man lng ako ngayong araw na to.
Exactly 9am talaga nang bumusina na ang kotse ni mama sa labas ng gate. Naisara ko na din yung bahay at palabas na ako sa gate namin.
“Belle!??
“ Dalagang-dalaga na ang anak mo Sandra, ang ganda pa.” Saad ng babae na nasa passengers seat sa likod.
Kahit naka sunglasses at tatlong taon na ang lumipas natatandaan ko pa siya, siya nga ang nakababatang kapatid ni Tita Marga si Tita Lucy. Nang makalapit ako ng lubusan sa sasakyan agad akong ngumiti while waving my hand.
“Hi! Tita Lucy?!!! .. tipid kong pagbati.
Sumakay na ako sa front seat ng sasakyan namin para tabihan si mama. Ng mapansin ko may katabi din pala si tita Lucy on the left side ng kotse.
Siya si Dan or Daniel Steve Madrigal. Siya ang panganay na anak ni tita Lucy.
I took a glance at the back at mas nakita ko talaga ang mukha niya may earphones siya kaya malamang baka hindi nya namalayan ang pagpasok ko. Tumingin siya saken agad naman akong ngumiti sabay kaway. Ginantihan naman niya ako ng tipid na pag ngiti. Mukhang seryoso na siya hindi tulad dati 3yrs ago na super friendly at palangiti. Mas close lng talaga kme siguro nun. Sayang akala ko pa naman mas maiibsan ang pagka OP ko mamaya. Pero sa lagay na to mukhang magiging totoo talaga yung hinala ko.
After twenty minutes nakarating na kme sa farm ng mga Villarin kun saan gaganapain and salu-salo. Lihim akong napasulyap kay Dan na mukhang seryosong seryoso talaga. Pagkababa ko ay dumeritso na ako sa compartment.
“Nak kunin mo yung cake diyan dalhin mo yun isa dalawa pala iyan. Tulungan na kita.” Sabi ni mama
“Ako na po Tita!!” Nabigla ako kunti ng makita si Dan papalapit sa bandang likuran ko.
Kinuha ko yung isang cake at sumunod din siya. As in walang imikan napaka awkward naman ata ngayon parang wala kaming pinagsamahan ah.
Nauna na akong lumakad papasok sa gate, bumungad naman samen ang preskong presko na kapaligiran. Maraming tanim na bulalak sa loob ng pader sa harap ng mini mansyon ni Tita Marga.
Nakasunod pa din si Dan saken pero wala na saken kun pansinin niya ako o hindi. Common friends lng naman yung mga bisita kaya tiyak ako na may mga kilala rin akong kaababata ko dito.
“Happy Birthday po tita.!!” Pagbati ko kay tita Marga.
“Oh iha andiyan na pala kayo. Salamat. Ang ganda mo talaga. Tapos na ang school year kaya paminsan minsan dumalaw ka naman dito kay Lola Delia mo ng may maka usap at maglilibang sa kanya.”
“Opo Tita.” Tipid ko naman tugon at saka ngumiti.
“Salamat Belle.”
Umalis na muna ako dun malapit sa kinaroroonan nila tita Marga at mga bisita pati na rin si mama. Mga kaibigan nila halos yung bisita kaya parang masarap talaga ang kwentohan ng mga yun.
Napagpasyahan kung bumalik sa harden kaya umalis muna ako. Lumabas ako sa pinto na pansin kung tila may makakasalubong ako. Ng tumingala ako ay napakagandang bata na ang edad siguro ay nasa kinse anyos na. Pilit kung pinoproseso sa isip ko ang mukha ng batang ito.
“ALEXA.!!!” Finally nakilala ko na.. and I’m sure na siya ito after 3yrs mukhang dalaga na din siya. Maganda at tuwid na tuwid ang buhok niya.
Agad siya ngumiti at lumapit saken.
“Ate Belle!!!. Masayang pag bati din niya.
Agad kaming nagyakapan. At humalakhak ng tawa.
“Ang laki laki mu na siguro may boyfriend kana anu?!!. “
“Shhhhh.. you forgot??? Bawal kay mommy Yang panunukso mo ate Belle.” Awat saken ni Alex.
Oo nga pala kahit naman si Dan noon bawal tuksohin sa mga babae parang flirting na daw ibig sabihin sa kanila yun kase napaka conservative ni Tita Lucy at asawa nito na si Tito Miguel.
“Kailan nga pala kayo dumating Lex?” Pag iiba ko ng tanong kay Alex.
“Noong Sunday pa ate mag one week na kme dito bukas. Nagkita na kayo ni Kuya. Wait lng tawagin ko kaya yun.”
“ Umhhh wag na Lex!!.” Pag aawat ko sa kanya.
“Nagkita na kme kanina sumabay kase sila ng sunduin ako ni mama sa bahay.” Paglilinaw ko
“Excited pa naman yun magkita kayo. Kase may pasalubong kme sayo.” Namimilog ang mga mata kakakwento saken ni Alex.
“Excited?.”” Inulit ko pa talaga.
“Oo kase ate sabi niya,—
“Lex tawag ka ni mommy. Bilisan mo baka magalit na yun.” Biglang singit sa usapan ng lalaking nasa likod ni Alex na si Dan.
“Yes po kuya.” Bumaling at sumagot naman si Alex.
Tumingin ako kay Dan na kasalukuyan din palang tumitingin saken.
“Ate Belle sama ka sa bahay may ibibigay kme ni kuya sayo.” sabi ni Alex sabay hawak ng kamay ko.
Nauna nang umalis si Dan habang kme ni Alex ay pa alis na din.
Papasok kme sa bahay nila Alex at nakasalubong namin sila Tita Lucy papunta na din sa bahay ni tita Marga.
“Mommy tawag nyo daw po ako.?” Tanong ni Alex sa mommy niya.
“Nope baby. I’m just asking your kuya kun nasan ka.” paliwanag ni tita Lucy kay Alex.
“Nag kwentohan lang po kami ni ate Belle mommy.”
“Okay Belle, Nak dun na muna kayo sa bahay ha.” Si Tita Lucy nlng pala yung nada harap namin nauna nang umalis si Tito Miguel na nakita kun pangiti-ngiti lang kanina sabay kindat sakin. Mukha namang nagmamadali yung mag asawa kaya naiwan kme ni Alex sa hardin nila.
“Pasok ka ate Belle.” Pag aya ni Alex saken sa loob ng bahay nila.
Matagal tagal na ding Hindi ako nakapasok dito. Sa America kase naninirahan ang buong pamilya Madrigal kaya madalas caretaker lng ang nandito habang sila ay nasa ibang bansa. Tuwing bakasyon lng sila umuuwi every 3 yrs pa kaya tuwing pupunta naman ako sa bahay nila tita Marga Hindi naman ako nakakapasok dito dahil wala naman sila Dan at Alex na pupuntahan ko.
“Ate tara sa room namin ni kuya.” Pag aya ni Alex. “Share padin kme sa room kase pinapaayos pa yung room ko eh. You know I’m getting older na din.” natatawang sabi ni Alex.
“You’re right. Baby girl no more kna Alex. You should have your own room na separated from your kuya.” pagsang-ayon ko naman sa kanya.
“Kuya!!!. Please open the door.”
“We’re here na! I’m with Ate Belle.” pagtawag ni Alex kay Dan habang kumakatok.
Mga limang segundo pa nang bumukas ang pinto, bumungad samen ang seryosong mukha ni Dan. Pagkabukas ay agad naman tumalikod papuntang kama sabay upo at nanuod ng TV.
“Have a seat Ate kunin ko lng mga pasalubong namin sayo.” as usual si Alex na naman ang bumabasag sa katahimikan.
Sakto namang uupo ako umusad naman si Dan ng kunti para mag bigay ng espasyo saken.
“Wait lng ate na Emergency I’m going to CR first.” Nagmamadaling sabi ni Alex.
“Yan kase kakadaldal mo at kakakain mo ng kung anu anu Lex” patawang sabi ni Dan.
“Kuya..!!” Naaasar na wika ni Alex.
Napatawa naman kme pareho ni Dan.