27 - Gulat

1170 Words

Ang gaan ng gising ni Becca sa araw na ito. Maaliwalas ang umagang nasisilip niya sa bintana. Mamaya, ipapasyal niya si Tito Gener. Matapos maghilamos ay tsinek niya muna si Tito Gener. "Good morning, Tito." Hinalikan niya sa ulo ang tulog pa ring pasyente bago lumabas para naman ipaghanda ito ng breakfast. Si Grant kaagad ang naiisip niya pagkatapat niya sa paanan ng hagdanan. Nakakain kaya ito nang maayos kagabi? Sana naman. "Becca, kumakain ka ba nitong toyo?" Abala na si Aling Lydia sa paghahalungkat ng maililuto. "Opo, Manang." Nag-ingay ang kusina. Kumakalansing ang mga gamit. Ang sarap na musika sa katahimikan ng umaga. Patapos na siya sa pagbi-blend ng prutas nang siya namang pagpasok ni Grant sa kusina. Alanganin siya kung babatiin ito gayong ubod ng seryoso naman ang muk

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD