“I-ikaw ang magda-drive?” maang niyang tanong nang umibis ito at niluwangan pa ang pagkakabukas ng car door. She was torn, nasa punto siya na ninanais na sana ay hindi ang sagot nito, ang kabilang banda naman ng pagkatao niya ay lihim na umaasa. Ang gulo niya. Kung kailan kasi nag-decide na siyang ayaw na niya, saka naman may paganito ang masungit na Grant. “Is that a problem?” He looked okay. Hindi kagaya kaninang umaga na ubod seryoso. Parang may air of friendliness. “H-hindi naman,” aniya sabay iling. Nakakaasiwa lang isipin. They never spent more than thirty minutes together. Kinwenta niya ang magiging biyahe to and fro. May iilang minuto silang makukulong sa loob ng sasakyan. Ano ang pag-uusapan nilang dalawa? They lost common things to talk about. 'Yong sa yate nga, pilit na

