5 - Hatid

1352 Words
“Becca, ang baon mo.” Aligaga si Nanay Rosa sa paglalagay ng baunan niya sa kanyang bag habang minadali niya naman ang pag-ubos ng pagkain. Malaki pa naman ang allowance ng oras na nalalabi sa kanya pero ayaw na ayaw niyang nali-late. Hindi siya ang pinakamatalinong estudyante kaya kailangan paresan ng sipag. Naging mabilisan din ang pagsisipilyo niya sa banyo nila sa quarter. Itinali niya lang ang mahabang buhok at pinulot ang bag at patakbo nang binalikan sina Nanay Rosa. Matapos magmano kay Nanay Rosa y ngkukumahog na siyang lumabas ng kusina. "Ang apron mo." Muntikan pa niyang hindi matanggal ang ginamit na apron. Isinampay niya iyon sa sandalan ng upuan at lumabas ng bahay. Ilang saglit lang ay tinalunton na niya ang pathway patungo sa gate. “Bye po, Manong!” paalam niya sa guard. Mula sa kinaroroonan ng bahay ng mga del Blanco ay mahaba-habang lakaran din ang sasagupain niya. Naaaliw naman siya sa pagtitig sa mga nararaanang bahay. Kahit paano ay nakasanayan na niya. Nakakamangha ngang titigan ang malalaking puno sa magkabilang gilid ng daan. Kapag umuuwi siyang tirik pa ang araw, ang lilim ng mga puno ang nagsisilbi niyng pananggalang sa init. Medyo malayo na ang nalalakad niya nang makarinig siya ng ugong ng papalapit na motorsiklo sa kanyang likuran. Gumilid siya ngunit sa pakiwari niya ay lumalapit sa kanya ang sasakyan. Narinig niya ang paghinto niyon. Inaasahan niyang lalampas sa kanya ang motorsiklo ngunit tila huminto iyon sa mismong malapit niya. Nasa aktong tatakbo siya nang may marinig siyang nagsalita. “Hey, papasok ka na?” Napahinto si Becca at napalingon sa pinanggalingan ng boses sa kanyang likuran. Ganoon na lang ang pagsikdo ng kanyang dibdib. Paano kasi, si Senorito Grant ang nakita niya. May friendly smile na nakapagkit sa gwapo nitong mukha, Labas ang mapuputi at pantay-pantay na mga ngipin. Para itong bida sa pelikula habang nakaupo lang sa motorsiklo. Hindi kaagad siya nakasagot. Akalain ba naman niyang kakausapin siya ng anak ng amo. Umawang lang ang bibig niya at bahagya pang napatras nang makitang umibis ito sa sasakyan at naglakad palapit sa kanya. Patuloy ang naging pag-urong nang matantiyang wala rin itong balak na huminto. Tila kasi nakakalula ang tangkad nito. Naduduwinde pang lalo ang pakiramdam niya. Ang hindi niya maunawaan ay kung bakit tila sinisilaban ang pakiramdam niya. Sa unang pagkakataon kasi ay nakaramdam siya ng pagka-conscious lalo na nang suyurin nito ng tingin ang mukha niya. Parang gusto niyang itago mula rito. Nag-aalala siya baka may dumi siya sa mukha. Na baka mapintasan ng gwapong binatang kaharap. Eh, ano naman kung mukhang uhugin siya? Nagtataka siya sa kung bakit gusto niyang maging presentable sa mga mata nito. Nahihiya siya rito pero hindi niya naman magawang agawin ang mga titig. Para lang kasing nakakahalinang titigan ang kaharap. Ang tila nasisiyahang ngiti ay nakapagkit pa rin sa mga mapupulang nito labi. Mas nagmumukha tuloy itong gwapo. Saka niya natanto, mana kay Margarette ang mga mata nito, hindi nga lang ganoon kabughaw. Grayish-blue, tama, iyon ang kulay. “Hey, wala ka bang dila?” may himig pagbibirong tanong nito nang tuluyang huminto ilang dangkal ang layo mula sa kanya. “M-meron naman,” nahihiya niyang sagot sa ilang saglit nang nakabinbing tanong. Bakit ba siya nito pinag-aaksayahan ng panahon? Nakakahiya tuloy sa nagdaang dalawang teenager na babae na nagbibisekleta. Halos manlitid na ang ugat ng mga ito sa pagtitig kay Senorito Grant. Crush siguro nila ang binata. “Meron naman pala, eh,” natatawa nitong turan saka kinuha ang canvass bag na nakasukbit sa balikat niya. “Ihahatid kita.” “Huwag na ho!” napalakas niyang turan sabay hatak palayo sa bag na para bang magkakainteres si Señorito Grant doon. Kumunot ang noo Grant saka sinipat ang nakasulat sa ID niya. Bahagya itong dumukwang sa kanya kaya niya napalapit ang mukha nito sa kanya. Nakaka-conscious lalo sa ganitong lapit. Amoy na amoy niya ang mabangong hininga nito at ang maayang pabango. Ano ba ang nangyayari sa kanya? “San Isidro National High School. Rebecca Marie Angeles. First year high school.” Parang tangang naitago niya ang ID sa pamamagitan ng pagtakip doon ng kamay niya. Sa ginawa niya ay mas natawa ang binata habang tumutuwid ng tayo. Parang natutuwa sa ikinikilos niya. Pakiramdam niya tuloy karakter sa The Three Stooges. Nakakatawa nga ba siya? “Bakit ang nerbiyosa mo, ha? Mas lalo ka tuloy kumu-kyut.” Cute daw siya. Ni minsan walang pumuri sa kanya ng ganoon. Nagulat pa siya ng ilahad nito ang palad sa kanya tanda ng pakikipagkamay. “Ako nga pala si Grant,” pagpapakilala nito sa sarili. Napatingin siya sa nakalahad nitong palad. Tatanggapin ba niya iyon? Hindi naman siya sanay sa ganoong paraan ng pakikipagkilala. Mano ang nakasanayan niya sa mga nakatatanda pero hindi naman matanda si Señorito Grant. Isa pa, mukhang nakakahiyang hawakan ang malinis nitong palad. “Sige na, tanggapin mo na. Dapat magkakilala tayo dahil tayo-tayo din lang naman ang magkakasama sa bahay.” Nanlaki ang mga mata niya habang nakatitig sa palad nito. 'Di siya makapaniwala sa kabaitan nito. Si Miss Margarette ay halos pandirihan siya. Lagi itong highblood pagdating sa kanya pero kakaiba ang anak nito. Kay Tito Gener ito nagmana, sigurado na siya. Wala itong sungay. “Sige na.” Pinagpag niya muna sa gilid ng palda niya ang palad. Siniguradong walang dumi. Dahan-dahan niyang inabot ang malaking kamay ni Grant. Sa sandaling nagdaop ang mga palad nila ay hindi niya maunawaan ang pakiramdam, bumilis ang pintig ng kanyang puso at hindi niya iyon kayang kontrolin. Nakakalito ang nararamdaman niya. “So, sumakay ka na,” untag ni Grant nang bitawan ang palad ng isa’t-isa. Nais na niyang sumampa sa likod nito ngunit sa tuwina ay si Miss Margarette ang nai-imagine niya at ang malamig na galit sa mga mata nito. Siguradong ayaw nitong nakikitang lumalapit-lapit siya sa anak nito. “Huwag na lang ho.” Nangunot ang noo nito. Pinahahalatang may ayaw sa sinabi niya. “Ho?” anito na pinaraanan ng mga daliri ang may kahabaang buhok. Ang ganda lang nitong tingnan habang ginagawa iyon. Parang nagmumukhang modelo sa shampoo. “Parang ang tanda-tanda ko naman yata niyon. Pwede mo naman akong tawaging kuya.” May parte sa kanya ang tumututol na tawagin itong kuya. Ayaw niya. Hindi rin naman niya ito pwedeng tawaging Grant, mas matanda pa rin ito sa kanya. “Señorito Grant na lang ang itatawag ko sa inyo.” Tila napapaisip ito kapagkuwa’y napangiwi. Halatang hindi nagustuhan pero kalaunan ay napangiti na rin. “Well, if that’s what you want at kung hindi ka talaga magpapahatid sa akin, sasamahan na lang kitang maglakad hanggang sa sakayan. Ang bata-bata mo pa masyado at baka mapaano ka.” Bata. May piping pagtutol sa kanyang kalooban sa sinabi nito. Hindi niya maunawaan ngunit ayaw niyang maging bata sa paningin nito. Eh, sa talagang inate pa nga, Becca. Ni hindi ka pa dinadatnan ng regla. “Lagi kang nagko-commute?” Magkaagapay na silang naglalakad sa daan. “Minsan naman kasi ihinahahatid ako ng Daddy ninyo.” Pero sinisikap niyang mag-public transpo sa takot na baka magalit si Margarette. “That’s good to hear.” Nawalan na siya ng sasabihin pa. Binalot tuloy siya ng pagkailang. Mabuti na lang at makuwento si Señorito Grant. Parang sa tingin niya ay sinisikap nitong huwag siyang mailang. Tila nga lumipas ang mga sandali at namalayan niya na lang na nasa sakayan na sila. Gaya ng sabi nito pinasakay siya at ‘di ito umalis hanggang hindi rin nakaalis ang sinasakyan niya. Habang papalayo ay ‘di niya maalis ang titig niya sa inate hanggang sa galanggam na lang ito sa paningin niya. Sa unang beses sa buhay niya simula nang mawala ang tatay niya, espesyal ang pakiramdam niya. Parang birthday niya na ewan. Hindi niya namamalayan na bigla na lang siyang napapangiti. Ang saya niya sa ‘di malamang dahilan. Dahil ba ‘yon kay Señorito Grant? Ah, ewan. Basta masaya siya at ang puso niya ay tila may pakpak na gumagalaw-galaw pa. Napahawak siya roon. Nalilitong napatitig siya sa kalsada. ‘Bakit kaya ganito?’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD