4 - Glimpse

1725 Words
“s**t!” Ang mga matang kabubukas pa lang ay muling napapikit. Nakakasilaw ang liwanag na nagmumula sa labas ng bintana na tumatama sa mga mata ni Grant. Nananakit pa ang kanyang sentido at namimigat ang katawan. Magkahalong epekto ng konting nainom sa bar kagabi at ng jetlag na rin dahil sa mahabang biyahe. Nagkayayaan sila kagabing magbabarkada. Gaya ng dati, sa bar sila humantong. He missed his friends at hindi nakakakunsensya ang ilang boteng pinag-initan niya. Alam na alam naman niyang i-handle ang sarili kapag tinatamaan na ng alak. Iginala niya ang paningin sa kabuuan ng silid. It looked exactly the same. Maayos ang lahat ng gamit sa loob. Aktong babangon siya nang sumigid ang sakit sa ulo. “Urgh!” Ilang sandaling tinabunan niya muna ng unan ang mukha bago bumangon. s**t! Nakatulog pala siyang hindi nakapagpalit ng damit. Nanlalagkit na ang pakiramdam niya. Inamoy niya ang sarili. He really smelled awful. Pumasok siya sa walk-in closet at naghalungkat ng maisusuot. Nakamamanghang naka-arrange ang mga damit niya base sa kulay. His closet looked immaculately organized. “Nice.” Parang sa isang department store. Nagiging magaling na yata si Flor sa pagsinop ng mga gamit niya. Bago maligo ay una muna niyang hinanap ang compilation ng mga sketches niya na nakapatong pa rin sa study table. His mom just keeps everything in order. His mother has always been a sucker for details. Lahat ay nasa ayos. Picture-perfect. Saka niya pinulot ang Spalding ball at pinauntog iyon ng ilang beses bago i-sh-in-oot sa ring na naka-install sa isang gilid. Napangiti siya habang nakatitig sa metal ring. Excited siya noong panoorin ang ama na inilagay iyon. Binitiwan niya ang bola at hinayaang gumulong sa sahig hanggang sa humantong iyon sa pader. “Well, what now, Grant?” Ang mga kaibigan niya ngayon ay siguradong busy sa eskwela. Iniisip niya kung ano ang mapagbabalingan ng pansin. He’s the type who doesn’t easily get bored pero iba pa rin ang may pinagkakaabalahan. Ayaw pa muna niyang magtungo sa opisina. Good thing that his father is out of town simula kahapon. Hindi man lang nagpang-abot ang schedule nila. Well, it has always been like this. Tumayo siya at hinubad ang lahat ng suot na saplot sa katawan at walang anumang naglakad nang nakahubad patungo sa banyo at tumapat sa overhead shower. Quick shower lang ang ginawa niya at nagbihis. Puting t-shirt na pinatungan ng leather jacket, itim na pantalon, at sneakers ang kumumpleto sa outfit niya. Nang masigurong maayos na ang itsurang haharap sa ina ay lumabas na siya at pumanaog na ng hagdanan. His mother must have been busy making their home presentable than ever. The last time he was here, lavender ang motif ng interior. This time around, bronze is the dominating color. Minsan, naiinis siya sa pagiging sobrang perpekto ng lahat. But what could he do? Mas mainam pa rin iyong may kaunting gulo. Marcus-type of home. Napangiti siya nang maalala kung paano siyang estimahin ni Tita Viviana at kung gaano kakulit ang mga kapatid nito. “Good morning, Sir Pogi!” Ang matinis na boses ni Flor ang umagaw sa kanyang atensyon. Her smile has always been welcoming. Sa lahat ng kasambahay, ito ang pinakamalapit sa kanya ng edad. Kagagaling lang mula sa kusina bitbit ang tsaa na sigurado niyang para sa ina. He flashed his friendly smile. Nagpatuloy siya sa pagbaba ng hagdan hanggang sa makababa sa mismong ground floor. “Hi Flor! Is that for Mom?” “Yes na yes po, Sir Pogi!” Nakakaaliw talaga ang kakengkayan nitong si Flor at ang matigas na accent. “Nasaan siya?” “Nasa gilid ho ng pool at hinihintay na kayo. Halaka, Sir. Inindyan mo ang mommy mo kahapon at kagabi.” Natawa siya sa tila pananakot ng katulong. Isa sa mga bagay na nami-miss niya sa pamamahay nila ay ang mababait na mga kasambahay. Malapit siya sa mga ito. He often joked around with them. “Galit si Mom?” “Baka.” Exaggerated na pinatulis pa nito ang nguso. “Eh, pinaghandaan ba naman namin nina Becca ang lahat para sa ‘yo.” “Becca?” kunot-noong tanong niya. May bagong katulong ba sa bahay? Ilang katulong pa ba ang kakailanganin ng ina para magmentina ng bahay gayong halos hindi naman nagagamit ang bawat sulok ng mansion. Kung siya lang ang papipiliin, mas nanaisin niya ang mas maliit na bahay na puno ng tawanan at saya. “Flor, nasaan ka na?” Hindi na nasagot ni Flor ang tanong niya nang tawagin ito ni Manang. Na-miss niya si Manang pero uunahin niya muna ang ina. “Sir, una na ako, baka mapingot ako ni Nana.” Dali-dali itong nagtungo sa pool. Siya naman ay kampanteng nakasunod lang rito. “Ako na ang magdadala niyan.” Inagaw niya mula rito ang dalang pitsel nito. “Para-paraan ka din, Sir, ha.” Kinindatan niya lang ito bago pumihit pabalik ng kusina. “Flor, four seasons for me, ha,” bilin niya rito nang nakailang hakbang na ito. “Damihan mo ng ice.” “Areglado, Sir Pogi!” Mula sa kinaroroonan niya ay tanaw niya ang ina na padekuwatrong nakaupo patagilid sa isang wicker chair na katerno ng pabilog na wooden table habang nagbabasa ng newspaper. Kapag nakikita niya ang ina ay hindi niya maiwasang humanga sa kagandahan nito. A model in her youth, she still looks sophisticated and beautiful. Naagaw niya ang atensyon nito. Lumingon ito sa kanya. As expected, wala man lang warm smile na sumilay sa mga labi nito. She eyed him seriously. Sa kalkuladong kilos ay itinupi nito ang diyaryo at ipinatong sa bakanteng upuan at pinanood ang bawat hakbang niya. “Hi, Mom!” Pinasigla niya ang boses at mukha. Guilty siya, ayaw niyang mas painitin lalo ang ulo ng ina. “Where were you last night, Grant?” Alam niyang ito ang kauna-unahang itatanong ng ina oras na magkaharap sila sa mesa. Humalik muna siya sa ina bago umupo katapat nito at itinuon ang mga mata sa pool. Isinalya pa niya sa armrest ang kanang binti, sitting comfortably while his mother disapproved of this simple act. Her eye browse rose. Noong bata siya lagi siyang nasisita ng ina kapag nagtutungo sila sa ibang bahay at lumalabas ang natural na kakulitan. “Where's Dad?” sa halip na sagutin ang ina ay balik-tanong niya habang pinasadahan ng tingin ang mga pagkain. His favorite breakfast. Malasadong sunny-side-up egg, garlic rice, tortang talong at longganisang Lucban. Nakakatakam pa ang hiniwang mangga sa pinggan. “Nasa Cebu ang ama mo. May convention para sa mga home builders and developers. Didiretso na rin iyon sa Davao para personal na inspeksyunin ang lupang titirikan ng condominium doon.” And his father being the CEO of the company has to be everywhere. Magtu-twenty na siya pero ganoon at ganoon pa rin ang senaryo sa bahay. Well, good for him at may mga kaibigan siyang matatakbuhan. “Hindi ka man lang tumawag para nasundo ka ni Cesar.” His mother folded her arms on her chest. “I’m sorry, Mom. Masyado lang akong nawili kina Marcus.” Nagpatuloy lang ang ina sa paghigop ng tsaa. His mother has always been an image of poise and beauty. Yet, very cold. Hinihintay niya na sasambulat ito sa galit o ‘di kaya ay sisermunan siya pero hindi iyon gawain ng ina. Is it cool? At times, maybe. But somehow ay may bumbangong hangarin sa puso niya na sana ay magpakita naman ng emosyon ang ina. Masyado itong stiff. Tila walang pakiramdam. Well, kesa isipin iyon ay minabuti niyang ang pagkain ang pagtuunan ng pansin. Sinisimulan na niyang lagyan ng butter ang tinapay nang matanaw ang papalapit na dalagita. Iniluwa ito ng pintong nilabasan kanina. Bitbit nito ang pitsel ng four seasons na ni-request niya kanina kay Flor nang magkausap sila. Nakabihis uniporme ito na pinatungan ng puting apron ngunit nasasapinan pa rin ng gomang tsinelas ang mga paa. Sa tantiya niya sa isang public school ang uniporme nito. He was munching his bread habang nakatutok dito ang mga mata. Sa minsang pagdiretso nito ng tingin ay direktang nakasalubong ito ng kanyang mga mata. Tila nagulat at nagiging ilang kaagad ito na dali-saling ibinaba ang tingin. She walked while earnestly looking down her feet. Hanggang sa makalapit ito ay hindi maalis ang titig niya rito. “Good morning po, Ms. Margarette.” It was the sweetest voice he ever heard. May nginig pa kung tutuusin. Animo takot na takot na mapapagalitan. Na-amuse siya sa inasal ng dalagita. Sobrang mahiyain nito. Parang nerbiyosa at ni hindi man lang tumitingin ng tuwid sa mga mata. Mukhang maganda pa naman ang mga mata nito. Nakatungo ito habang sinasalinan ng inumin ang bakanteng baso kaya naman ay nabigyan siya ng pagkakataong pag-aralan ang mukha nito. This girl is so cute. Katamtaman lang ang tangos ng ilong nito at napakaganda ng hugis ng mga labi. Morena ngunit makinis. “May iuutos pa ho ba kayo, Miss Margarette?” “Nothing else.” Bahagya itong yumukod at magalang na itong nagpaalam. “Who’s she, Mom?” tanong niya na hindi pa rin ito hinihiwalayan ng titig mula sa likuran. He got curious. “Alam mo naman ang Daddy mo, mahilig mamulot ng kung sinu-sino mula sa kung saan." Adopted? Baka pinatira lang. Hindi kaya anak ito sa labas ng ama? No. Ayaw tanggapin ng utak niya ang ideyang iyon. There was no resemblance to a del Blanco. Kung sakaling anak man ito ng ama ay pihadong sa itaas ito matutulog at makikilala niya gayong nakatira ito sa bahay. She would enjoy what he is enjoying. Tinapos niya ang tinapay at inubos ang dalang four seasons ng dalagita kanina. “The best,” tukoy niya sa inumin habang nakataas ang walang lamang baso. “Excuse me, Mom.” Tinitigan lang siya ng ina nang tumayo siya. ‘Di man nagsasalita ng pagtutol ngunit nagtatanong ang mga titig nito kung saan na naman siya pupunta. “I missed the city. I wanna take a stroll. Promise, babawi ako sa’yo, and by the looks of it, mukhang may lakad ka, Mom.” As expected, his mother stayed quiet. Mabuti na rin at nang magagawa niya ang mga nais niyang gawin. Isang halik sa pisngi at yapos sa ina at umalis na siya. He was going somewhere.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD