chapter 2

1967 Words
Awang ang mga labing napatanga ako sa harapan ng taong magiging client ko ngayong gabi. Hindi ako napatanga dahil makisig pa rin siya sa kabila ng pagiging senior citizen... napatanga ako dahil hindi ako na-inform na ang pinakamayamang tao sa buong bansa ang client ko ngayon! Ano na ba ang nangyayari sa mundo at ang isang Don Lario Vraganza ay umarkila ng isang escort? Oo nga at hindi naman pipitsugin ang escort agency namin pero sa yaman ng taong kaharap ko ay mahaba ang pila ng mga naggagandahang starlets na gustong magpatikim—este matikman ang buhay na maging apple of the eye nito. Kaya pala pamilyar ang pangalang binanggit nitong sumundo sa'kin kanina dahil kilalang tao pala talaga ang nagmamay-ari niyon. Siguro ay isa rin sa dahilan ang estado nito sa buhay kaya hindi rin binanggit sa'kin ng agency ang identity nito. "Good evening, Lolita," magaang bati sa'kin ni Don Lario at bahagya pang ngumiti. "G-good evening po." Mabilis akong napatikhim at napatayo nang tuwid nang mapagtanto ang mga salitang lumabas sa bibig ko. Nag-po ako at nautal! Dahil sa nyerbus ay nakalimutan ko ang poise! Paano na lang kung ma-offend ko siya dahil sa pag-po ko? Ayaw na ayaw pa naman ng ilang mga matatandang mayayaman na ipaalala sa kanila na nangamoy lupa na sila at kailangan nang i-po— "It's my pleasure meeting you tonight," magiliw na putol ni Don Lario sa magulong takbo ng isip ko. "Take your seat." Hindi siya mukhang na-offend. Sa pagkakataong ito ay nahamig ko na ang sarili kaya pino na ang sumunod kong kilos na sa palagay ko ay angkop sa kasalukuyan kong sitwasyon, sa harapan ng isang Vraganza. Pagkaupo ko ay sumenyas ang kaharap ko sa mga nasa paligid namin. Sa sobrang pagkabigla ko kanina nang mapagsino ito ay ngayon ko lang napagtuonan ng pansin ang mga katerno no'ng sumundo sa'king mama na nakapalibot sa'min. Kahit nasa isang party na ay bantay-sarado pa rin ang matanda ng mga gwardiya nito. Pakiramdam ko tuloy ay ako iyong kriminal. "Ilang taon ka na, Lolita?" Natuon muli ang atensiyon ko kay Don Lario dahil sa tanong nito. "I'm nineteen years old." Muntik nang bumuway ang matamis kong ngiti nang magtunog self-introduction tuwing unang araw ng pasukan ang pagkakasagot ko. Bakit ba masyado akong kabado ngayon? Dahil sa trabaho ko ay sanay akong humaharap sa mga mayayamang tao pero ito yata iyong unang beses na super- duper, utra , mega rich iyong kaharap ko kaya siguro di ko maiwasang mag-overthink. Isang salita lang nitong kaharap ko ay kaya na nitong bilhin ang buo kong pagkatao. Gusto ko tuloy magsisi kung bakit pumayag akong pumalit ngayon kay Trexie. Paano na lang kung hilingin ni Don Lario na mag-ano kami? Hindi ko maaatim na ang makauna sa'kin ay isang 65-year old na lolo kahit gold pa ang bayag nito! "Masyado ka yatang bata para sa trabaho na ito." Napakurap-kurap ako dahil sa lantarang pag-alalang nabanaag ko sa kanyang mga mata. Bakit gano'n? Bakit parang ang bait ng mga titig niya sa'kin? Hindi ko nakikita sa mga titig niya ang kadalasan kong nababanaag sa mga ng mga nagiging client ko... matinding pagnanasa. Bigla ay gumaan ang pakiramdam ko at may nararamdaman akong kakaibang damdaming umusbong sa puso ko. Wala sa sarili akong napahawak sa tapat ng dibdib ko. Gusto kong panlamigan sa maaaring pahiwatig ng kakaibang damdaming ito. Hindi naman siguro ito pag-ibig, 'no? Isang malakas na tawa mula kay Don Lario ang nagpagising sa parang binangungot kong diwa. Gusto ko tuloy kwestyunin ang katinuan ng kaharap. Hindi ko naalalang nagpapatawa ako pero tuwang-tuwa siya. "You're expression reminds me of someone," natatawa niyang komento. "What do you mean?" Huling hirit ko na iyon upang isalba ang kasosyalan at pagiging class na gusto kong pangatawanan ngayong gabi pero pakiramdam ko ay tuluyan akong nabigo. Masyadong matigas ang english ko sa'king pandinig. Mapapamura ka lang talaga sa isip! "You look constipated, as if you're about to bolt from here," naaaliw na tugon ni Don Lario. "Relax, iha. I'm harmless," nangingislap sa tuwa ang mga matang dugtong pa nito. Sa totoo lang ay may kakaiba sa tingin nito na parang tingin ng isang mabait na lolo sa kanyang apo. Gusto ko tuloy kastiguhin ang sarili dahil sa marumi kong naisip no'ng una. "Pasensiya na po kayo," napangiwi kong sabi. "Nakikita ko lang po kasi kayo rati sa balita at mga newspaper tapos bigla ay nasa harapan ni'yo na ako," nahihiya kong pagpapatuloy. "Just treat me as a friend," magiliw nitong wika. "As a friend po?"mulagat kong tanong. "Delikado tayo riyan... daming naiisyu dahil sa as a friend na iyan," namimilog ang mga mata kong dugtong. Kumunot ang noo nitong napatitig sa mukha ko. Halatang naguguluhan ito sa mga pinagsasabi ko. Hindi yata updated sa chismis itong si Don Lario, sabagay... abala siguro ito sa pagbibilang ng pera kaya walang oras makibalita sa buhay ng iba. "Iyong iba po kasi ay nagho-hotel as a friend," dugtong ko sa mga naunang sinabi upang maliwanagan siya. "Nag-ano sila... Alam ni'yo na." Sinadya kong hinaan ang boses at isenyas sa kanya iyong ibig kong sabihin. Saglit muna niyang tinitigan ang binilog kong hintuturo at hinlalaki ng kaliwang kamay kung saan ay inilabas-masok ko iyong hintuturo ng kanan kong kamay bago muli ay malakas ulit siyang bumunghalit ng tawa. Mabilis kong naibaba ang mga kamay at bahagyang pinasadahan ng tingin ang paligid. Tulad nga ng inaasahan ko ay nakuha na namin ang atensiyon ng ilang mga bisita sa paligid. Sana ay walang nakakita sa ginawa kong pagmwestra ng plok-plok gamit aking ang mga daliri. Kahit bihisan talaga ako ng mamahalin ay minsan talaga lumalabas ang pagiging batang kalye ko. Mabuti na lang at mukhang tuwang-tuwa itong si Don Lario sa pagiging gano'n ko. "I like you." "Santisima! Maghunos-dili po kayo!" gulat kong bulalas. Muntik na akong mapaantada pero mabuti na lang at napigilan ko ang sarili. "Sorry po!" nanlaki ang mga matang paumanhin ko nang mapagtanto kung ano iyong nasabi ko. "Huwag ni'yo po kasi akong ginugulat. Magugulatin ako." Parang gusto ko nang magpakain sa kinauupuan ko dahil mga pinagsasabi ko sa harapan ng isang Don Lario. "It's okay. Ako dapat ang mag-sorry dahil hindi ko alam na magugulatin ka," masuyo nitong sagot pero nangingislap pa rin ang mga mata sa pagkaaliw. Napakurap-kurap akong tumitig sa mabait na bukas ng kanyang mukha. Kung ganito lahat ng mga mayayaman ay tiyak gagaan ang buhay ng mga katulad ko. "Gusto mo bang umalis dito?" nakangiti nitong tanong. "I have a better place in mind where we can talk more privately." Bakit wala akong makapang malisya sa sinabi niya? Malisyosong tao ako pero sa pagkakataong ito ay buo ang tiwala ko sa kausap na wala itong gagawing masama sa'kin. Iglap lang ay natagpuan ko ang sariling kasama si Don Lario sa isang mini pond na sakop pa rin ng pinanggalingan naming venue. Matakutin ako sa mga anyong tubig tuwing gabi dahil pakiramdam ko ay hinihigop nito ang kaluluwa ko at mayroong magalamay na nilalang mula sa madilim na tubig na bigla na lang hihila sa'kin papunta sa ilalim. Sa kakapanood ko 'to ng mga horror films. Iyon din ang dahilan kung bakit hindi ako marunong lumangoy hanggang ngayon. Pero heto ako, kampanteng nakaupo kaharap ang isang kakakilala ko pa lang tao habang masayang ninamnam ang malamig na simoy ng hanging panggabi at mabining tunog ng tubig mula sa mini pond na gawa ng mga isdang naroon. Napalamutian ng iba't ibang ilaw ang paligid kaya lumabas na magical ang ambiance. Ang sarap pala ng ganito lalo na at walang ibang taong nakatingin na alam kong lihim na hinuhusgahan ang pagkatao ko. Ang dami ring pagkaing nakahain sa mesang nasa harapan namin ni Don Lario na inihatid kanina ng mga unipormadong mga waiter. Ang gaan kausap ni Don Lario at hindi ko kailangang magkunwaring sosyal sa harapan niya. Iglap lang ay natagpuan ko ang sariling nagkukwento sa kanya tungkol sa buhay ko. "Kung gusto mo ay pwede kitang bigyan ng mas magandang trabaho." Natigil ako sa pagnguya ng kinakain dahil sa bigla niyang pahayag. "Magkano po ang sweldo?" Simula kanina ay unti-unti nang nawala iyong hiya ko kaya dire-diretso na talaga iyong kawalanghiyaan ko. "Magkano ba gusto mo?" naaaliw niyang tanong. "Iyong pwede pong mag-advamce para sa paopera ng kapatid ko," seryoso kong sabi. "Libre ko na iyong para sa pagpapagamot ng kapatid mo." Nabitiwan ko iyong hawak na tinidor dahil sa sinabi niya. "Kung nagbibiro po kayo ay masamang biro po iyan," malakas ang kabog ng puso kong wika. "Hindi ako nagbibiro. Bibigyan kita ng matinong trabaho at sagot ko na ang pagpapagamot ng kapatid mo basta umalis ka lang sa trabaho mo ngayon," seryoso niyang sabi. "B-bakit po?" naluluha kong tanong. Hindi ako makapaniwala sa swerte ko ngayong gabi na hindi na sumagi sa isip ko ang maaaring kapalit ng lahat ng mga inalok niyang tulong sa'kin. "Sabihin na lang natin na... minsan ay may isang katulad mo akong nakilala pero hindi ko nagawang tulungan." May nabanaag akong lumbay sa boses niya at matamlay ang kanyang mga matang nakatuon sa kawalan. "Nakikita ko siya sa'yo," nakangiti niyang pagpapatuloy bago malumanau na ngumiti sa direksiyon ko. "Don Lario, hindi ako jowables huh," mabilis kong sabi. "Hindi rin ako pumapatol sa bata," di nagpapatalo niyang sabi. "Halatang sakit ka sa ulo." Sabay kaming natawa dahil sa huli niyang sinabi. Ako ay natatawa na parang gustong maluha dahil iyong gagawin niyang tulong sa pamilya ko ang patuloy na naglalaro sa'king isipan. "So, friends?" naglahad ng kamay kong untag sa kanya. Isang masuyong ngiti ang ibinigay niya sa'kin. "Tinatanggap mo na ba ang trabahong offer ko?" balik-tanong niya. "Kasama ang tulong na pinagpilitan mo," nakabungisngis kong sagot. "Walang bawian iyong tulong." "Good," tumango-tango niyang sabi sabay abot ng kamay ko. Mainit ang palad niya at kakaibang kasiguruhan at kapayapaan ang dulot nito sa'kin. "So, ano ang magiging trabaho ko?" tanong ko matapos niyang bitiwan ang kamay ko. "Pag-usapan natin iyan pagkatapos ng operasyon ng kapatid mo," aniya sabay lagay ng pagkain sa plato ko. "Hindi naman siguro ito indecent o illegal 'no?" pabiro kong tanong na sinagot niya ng mahinang palo ng kutsara sa noo ko. Natatawa kong hinimas ang bahaging natamaan ng kusara. "Grabe ka, nagtatanong lang," reklamo ko. "Dumikit pa sa noo ko iyong sauce na kinutsara mo." "Ang dumi kasi ng utak mo," naiiling niyang saad. "Anong tingin mo sa'kin, dirty old man?" nandidilat niyang dugtong. "Ano nga ba? Hello, umarkila ka ng escort," paalala ko sa kanya. "Billionaire old man lang ako," pagyayabang niya. "Kaya ako kumuha ng escort upang tumigil na iyong mga babaeng naghahabol na mapansin ko." "Wow, gwapong-gwapo sa sarili ah," tukso ko sa kanya. Sa totoo lang ay gwapo naman talaga siya at napakakisig pa rin. Hindi nakapagtatakang marami pa ring naghahabol sa kanya lalo na at napakayaman niya. Kung kasing yaman ka ni Don Lario ay hindi mo na kailangan pa maging gwapo at bata para makuha ang sinumang babaeng gustuhin mo... maliban na lang yata sa'kin dahil kahit ganito trabaho ko ay gusto ko pa ring ialay ang kadalisayan ko sa taong yayanig sa puso ko. "Basta ha, wala nang bawian tungkol doon sa pagpapaopera sa Ate ko," seryoso kong sabi kapagkuwan. Masuyo siyang ngumiti sa'kin at tumango. "Bukas na bukas din ay aasikasuhin ng mga tao ko ang tungkol sa kapatid mo. Ang tangi mong gagawin ay manatili sa tabi nito at ibigay ang suporta mo. Aalis ako ng bansa bukas, pagbalik ko ay siguradong tapos na ang operasyon ng Ate mo at magsisimula na rin ang trabaho mo sa'kin." "Ano nga ang magiging trabaho ko sa'yo?" pangungulit ko. Isang makahulugang ngiti ang ibinigay niya sa'kin bago isinandal ang sarili sa kinauupuan habang hindi ako hinihiwalayan ng tingin. "I'll train you to run my company in the future."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD