bc

Lolita (Escort Girls Series)

book_age18+
10.3K
FOLLOW
68.9K
READ
sex
confident
heir/heiress
bxg
lighthearted
witty
city
sassy
prostitute
seductive
like
intro-logo
Blurb

Si Lolita, ang pokpok na di mo afford!

Siya ang kagandahang yayanig sa matayog na mundo ng pamilya Vraganza!

Paano nga ba niya gagawin iyon? Of course, sisimulan niya sa puno... iyong matanda ang uunahin dahil ika nga sa lumang tipan, humanap ng matandang mayaman na madaling mamatay upang guminhawa ang buhay...

Pero mukhang papalpak yata si Lolita dahil ang matandang nahanap niya ay may sabit na gwapong anak at makalaglag panty—este, pusong apong kalakip!

Hindi pa naman mahilig si Lolita sa by one take one with freebie dahil isa iyong ka-cheap-an!

chap-preview
Free preview
chapter 1
Taas-noo kong pinasadahan ng tingin ang magarbong pinagdausan ng pakay kong event ngayong gabi. Suot ang sexy pero sopistikada at mamahaling damit na libreng pinapahiram ng escort agency na pinagtatrabahoan ko ay walang makapagsabing hindi ako nabibilang sa mga mayayamang bisita na nandito ngayon. Sa edad na 19 years old ay batikan na ako sa trabahong ito gayong magdadalawang taon pa lang ako dahil lumaki ako sa pangangalaga ng kumupkop sa'kin na ganito rin ang trabaho. Bata pa lang ay mulat na ako sa kalakaran ng buhay na tinahak ko na rin ngayon. Hindi man maipagmamalaki ang ganitong trabaho ay malaki naman ang kinikita namin dito at isa pa, nasa diskarte lang talaga upang hindi ka malalamangan at mapapahamak sa bawat pagkakataong sumasabak ka sa aktuwal na aksiyon. Hindi rin naman ibig sabihin na pumasok sa ganitong trabaho ay nagpapagamit na sa kung sinu-sino! Hindi ba pwedeng ginamit lang ang ganda at utak para sa mas mabilis at mas malaking pera? Hindi naman kailangang magpapahipo at bumukaka ka para magkapera 'no, noon iyon... sa lumang tipan! Ngayon ay sapat na upang kumita ng malaking halaga ang simpleng pagsama-sama sa mga mayayamang nangangailangan ng batam-bata at magandang dekorasyon sa kanilang tabi na pwedeng ipagyabang sa mga kakilala. Minsan nga ay kailangan mo lang makinig sa kwento ng malulungkot na mga bilyonaryo at kikita ka na! Nakakamanghang ang daming tao sa mundo na maraming pera pero kailangan pang magbayad upang mayroong makakasamang kumain at makausap. Ang lungkot ng buhay nila pero mas malungkot ang buhay naming mga nangangailangan ng pera kaya kunwari ay nakikisimpatya kami sa kanila pero ang totoo niyan ay trabaho lang talaga namin iyon, walang personalan. Kalimitan ay kailangan ko pang magpanggap na mangmang upang i-please ang mga customer na nagmamagaling. Kahit mali na iyong mga pinagsasabi nila ay tama pa rin sila dahil tama rin naman iyong bayad nila. Ang mga nagtatrabaho sa ganitong larangan ay daig pa ang artista sa galing umarte. Hindi lang ganda ang kailangan dito, dapat ay mautak ka rin at alam mo kung kailan ka nadedehado at kailangang umeskapo dahil kalimitan sa demonyong nagkatawang tao ay ang mga mayayamang nakakatagpo namin sa ganitong trabaho. Wala naman sana akong booking ngayon pero isa sa mga kaibigan ko ang nakiusap na ako muna ang sumalo sa kanya ngayong gabi dahil nagkasakit daw ang pamangkin niya at kailangang dalhin sa hospital. May buhay rin naman ang mga tulad namin sa labas ng trabahong ito at kaya nga ito ang sinusuong ng karamihan ay para roon sa mga taong mahalaga sa'min. Hindi ibig sabihing bayaran kami ay hanggang doon na lang ang silbi namin sa mundong 'to, ang alipustahin ng perpektong lipunan at hamakin ng mga kalalakihang sa'min din naman lumalapit kapag may kating di kayang kamutin ng banal-banalan nilang mga karelasyon. Mapanghusga ang lipunan, matagal ko nang alam iyan pero hindi ibig sabihin niyon ay hahayaan ko lang itong apak-apakan ako. Wala ka pang ginawang masama pero masamang tao ka na kaya ang dapat mong gawin ay gatungan ang inggit nila para naman tumirik ang kanilang mga mata sa galit at hindi sa sarap. Habang nag-aaral ako ay alam ko kung ano ang pinag-uusapan ng mga ipokrita at ipokritong mga tao sa likod ko. Eh kesyo, kilalang pokpok ang nanay-nanayan ko ay gano'n na rin daw ako! Noong una ay pinapatulan ko pa ang mga patutsada nila dahil hindi pa ako nagpopokpok noon pero no'ng magdalaga ako ay napatunayan ko na kahit anong paliwanag ang gagawin ko ay talagang sarado ang mga utak nila. Inggit lang sila dahil kahit kalat ang pagiging pokpok ko ay parang asong ulol na napapasunod sa bawat pagdaan ko ang mga jowa nila! At dahil hampaslupa ang mga jowa nila ay hanggang tingin lang ang mga ito sa alindog ko. Pokpok daw ako! Pariwarang babae at makati pa sa gabi! Eh, 'di okay! Pokpok na kung pokpok basta ang importante ay hindi nila afford! Kahit ganito trabaho ko ay hindi pa naman ako nagpakama sa kahit sinong customer ko! Escort girl ako, at nasa akin lang kung mag-extra service ako na hindi ko naman ginagawa at lalong hindi ko gagawin dahil babalatan ako ng buhay ni Nanay. Sabi ni Nanay ay tama nang siya lang daw ang lehitimong pokpok sa pamilya namin at ginawang pulutan sa chismis ng aming mga kapitbahay. Kung makapokpok naman kasi ang mga iyon ay para namang naging customer sila ng nanay ko! Ang hindi nila alam ay mamahaling pokpok ang nanay ko at di pumapatol sa mga galising pangit na wala na ngang pera ay mapangmata pa sa kapwa! Mabuti pa nga ang nanay kong iyon na tinuturing nilang putik sa lipunan ay bukas palad at buong pusong inalagaan at pinalaki ang katulad kong hindi man lang nito kadugo at napulot lang no'ng basta-basta na lang iniwan sa gilid ng pinagtatrabahoan nitong bar noon. Maswerte lang si Nanay Berna dahil naipasok siya ng isang kaibigan sa high-class escort agency kung saan din ako suma-side line ngayon. Ganda lang talaga ang puhunan at galing sa pambobola! Ganda lang ang kayamanang meron kami at sa panahon ngayon na kinakailangan namin ng malaking halaga para sa operasyon ng anak ni Nanay Berna ay kailangan dobleng kayod kami. Mas matanda lang sa'kin ng tatlong taon si Ate Weng na anak ni Nanay Brena sa pagkadalaga at ang karamdaman nito mula pagkabata ang nagtulak sa kanya upang pasukin ang kahit na anong trabahong pwedeng pagkakakitaan. Lalo akong humanga kay Nanay Berna dahil no'ng kupkopin niya ako ay kasalukuyan na niyang tinataguyod si Ate Weng nang mag-isa. Kung iisipin ay dagdag palamunin lang ako noon dahil mas maraming pangangailangan ang baby. Mag-isa kaming inalagan ni Nanay Berna, isang batang sakitin na totoo niyang anak at isang sanggol na hindi niya kadugo. Mag-isa lang siya dahil may mga tao talagang tinatakbuhan ang responsibilidad nila! Iyong tatay ni Ate Weng na iniwan si Nanay Berna nang mabuntis at iyong mga magulang kong basta na lang akong itinapon ay mga taong mas mababa pa kaysa isang nanay na binalewala ang panghuhusga ng lahat para lang may maipakain sa kanyang mga anak. Maraming ibang trabahong masasabing marangal pero kaya ba nitong tustusan ang medical na pangangailangan noon ni Ate Weng at ang mga bagay na kakailangan ng isang sanggol? Of course hindi kaya iyong mga taong may makikitid ang utak ay hindi na dapat pang pansinin! Masyadong mahal ang oras ko para pag-aksayahan sila! Ang importante sa ngayon ay ang makalikom kami ng malaking halaga para sa paparating na operasyon ni Ate Weng. Mahal ko ang kapatid kong iyon! Ito ang pinagkukunan namin ng lakas ni Nanay Berna upang patuloy na lumaban. Hindi naman ako pinilit ni Nanay Berna na sumunod sa yapak niya pero ayaw ko na siyang nakikitang nahihirapan. Ang liit lang ng nakukuha kong sahod sa mga nakaraan kong trabaho kahit na pinagsabay-sabay ko na iyong halos tatlong sideline kaya kahit kontra si Nanay Berna ay pinaggiitan kong pumasok bilang escort girl no'ng mag-eighteen na ako. Sa konting barya ay haggard na haggard ako noon sa pagtatrabaho pero ngayon ay fresh na fresh ang dating ko at padalo-dalo na lang sa mga pangmayamang party habang kumikita nang malaki. Nagsimula akong maging escort no'ng unang beses na inatake si Ate Weng at muntik na itong bawian ng buhay kung hindi agad kami nakapag-down sa hospital para sa operasyon nito. Ang sumunod na problema namin ay ang sangkatutak na maintenance na kailangang bilhin upang bumuti ang kalagayan ni Ate Weng kaya 'di na ako tumigil sa pag-e-escort. Ngayon ay may nakita na namang kumplikasyon sa karamdaman ni Ate Weng kaya kailangan ulit namin ng pera. Hanggang ngayon ay naalala ko pa rin ang sangkatutak na habilin at mga limitasyon na pinagdiinan noon sa'kin ni Nanay bago niya tuluyang natanggap ang desisyon kong pumasok bilang escort. Wala rin naman siyang magagawa kung hindi siya pumayag dahil pumirma na ako noon ng kontrata. Professional din naman itong sosyal naming agency dahil kumpleto kami sa papeles at benefits. Purong mayayaman lang din ang customer namin at may protection kaming mga escort girl laban sa mapagsamantalang customer. May pa-training ang agency para sa mga ganoong pagkakataon maliban sa mga seminar nila kung saan ay tinuturuan kami kung paano umaktong sosyal at may class sa bawat event na dinadaluhan namin para sa trabaho. Kaya nga inggit na inggit ang mga bashers ko sa'kin dahil mas hamak na mukha pa akong sosyal kumilos sa kanila sa kabila nang pagiging pokpok ko raw na para namang napakain ko sila ng kita ko sa pagpopokpok. Pokpokin ko ulo nila eh! "Excuse me, Miss." Nahinto ang paglalakbay ng diwa ko dahil sa taong biglang nagsalita sa'king likuran. Isang matangkad na lalaki at naka-plain black tuxedo ang bumungad sa'kin pagkalingon ko. Bahagyang naningkit ang mga mata ko. Ipinadala ng agency sa magiging client ko ang larawan ng suot kong damit upang agad akong makilala nito ngayong gabi. Bayad na ang kalahati ng napagkasunduang presyo kaya okay lang sana sa'kin na i-ghost ako kung sakali. No refund ang policy ng agency kaya pabor sana sa'kin iyon. At least, may libreng lapang... at may porsyento pa rin naman akong makukuha kaya hindi na lugi ang pagpunta ko rito. Alam ko ring 65 years old ang kliyenti ko kaya imposibleng siya na itong bruskong mamang kaharap ko ngayon! Huwag siyang kampante na dahil mukha akong matimtimang birhen sa ayos at kilos ko ay hindi ko siya kayang bayagan kung magkamali siyang ibodul ako! "Kayo po ba si Lolita?" magalang niyang tanong. Mukha naman siyang matino dahil halatang magalang, kung hindi pa siya magalang sa pag-po sa'kin ay ewan ko na lang! "Opo, ako po si Lolita." Pinagdiinan ko rin iyong po para naman sabihin din niya na hindi lang ako maganda kundi ay magalang din. Magalang na pokpok! Pak na pak, mangingisay na talaga ang mga inggitera nito! "Hinihintay na po kayo ni Don Lario sa table niya," pormal niyang saad. Isang aral na ngiti ang ibinigay ko sa kanya. Hindi na yata kayang tumayo ng matanda kong customer at kinakailangan pa akong ipasundo sa iba. Kimi akong bumuga ng hangin bago iminwestra sa kaharap na mauna ito at susunod ako. Oras na ng trabaho! Mamaya ko na ulit iisipin kung paano padaliin ang atake sa puso ng mga kapitbahay naming chismosa at inggitera!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
93.5K
bc

His Obsession

read
73.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.5K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.4K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook