CHAPTER 7

3103 Words
"J-JAKE..." Hindi ko malaman kung ano ang mararamdaman ko ngayong nasa harapan ko nga ang asawa ko. Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako o mas malulungkot. Pero lamang ang pagtataka ko kung anong nangyari sa kanya at kung bakit siya nandirito ngayon. 'Nakita niya ba akong mag-walk out? Sinundan niya ba ako?' Pinakatitigan ko siya ng maigi. Sa unang tingin ay halos hindi ko siya makilala. Ibang-iba ang hitsura niya ngayon kumpara nung huli ko siyang nakita. Isang buwan lamang kaming hindi nagkita ngunit tila isang dekada ang ipinagbago niya. Namayat siya at humaba na rin ang buhok. Maging ang mga bigote ay halos matabunan na rin ang mapupulang labi niya. Ngunit hindi kabasawan iyon sa taglay niyang kagwapuhan. "W-What are you doing here?" Hindi ko mapigilang itanong. Tutok ang paningin ko sa kanya at maging siya ay hindi rin mapuknat ang titig sa akin. "Jake.." Imbes na sagutin ako ay hinubad niya ang itim na jacket at mabilis na lumapit sa akin at saka niya iyon ipinatong sa katawan ko. Nagulat man sa ginawa niya ay hindi na ako nakapagsalita pa dahil agad na rin niya akong hinawakan sa braso at hinila ako papalabas ng sementeryo. Basang-basa kaming pareho nang pumasok sa nakahimpil niyang sasakyan sa labas. "Change your clothes." Walang emosyon niyang utos sa akin habang iniaabot ang over sized niyang t-shirt at tuwalya. "Stop staring at me, Attarah. Change your wet clothes now," madiin niyang sabi. Napalunok ako at saka iniiwas ang paningin. Hindi ko talaga maiwasang tingnan siya dahil nagtataka ako sa ikinikilos niya. Saglit ko na ring nakalimutan ang sakit na naramdaman kanina. Napalitan iyon ng kakaibang pakiramdam na tanging si Jake Xander lang ang nakagagawa. Kaya naman, nagmadali na akong hubarin ang suot ko. Naiilang man ngunit nagpatuloy ako. Pagkahubad ko ay inilagay ko sa paanan ang basang damit ko at saka ko na kinuskos ng tuyong towel ang basang katawan. Nang isusuot ko na sana ang tuyong damit ay bigla akong natigil nang pigilan ako ni Jake. Napapalunok tuloy akong napalingon sa kanya. "W-Why?" Kinabahan ako. "Remove your bra. It's wet." Napapangiwi akong tumango at sinunod na lang ang gusto niya. Hinubad ko na nga ang bra ko at saka dali-daling isinuot ang damit na binigay niya sa 'kin. Pinatuyo ko na rin ang buhok ko gamit pa rin ang tuwalyang ibinigay niya. Nang matapos ay bumaling ako sa kanya. "Jake, uuwi na ako," sabi ko at tumango naman siya. "Yeah. I'll take you home," anya at saka na niya pinaandar ang sasakyan. Gaya ng nakasanayan ko ay seryosong-seryoso pa rin ang mukha niya. Tutok na tutok din ang paningin sa daan. Panaka-naka ko siya kung lingunin. Hindi ko kasi mapigilang hindi siya tingnan. Sobrang miss na miss ko na kasi siya. Mayroon mang nangyari nung nakaraan ay tila limot ko na. May parte sa loob ko na nakakaramdam ng kasiyahan. At hiling ko na sana ay tanging kasiyahan na lang ang mararamdaman ko. Sawang-sawa na kasi akong maging malungkot. Tanging 'yong pagmamahal ko lang sa kanya ang nagpapasaya sa 'kin. Sa dami ng pumapasok sa isipan ko ay hindi ko namalayan na ibang daan ang tinatahak namin. Sapagkat, ang bahay na tinutumbok ni Jake ay ang mismong bahay namin. Napalingon na ako ng tuluyan sa kanya. "B-Bakit dito mo 'ko dinala, Jake? S-Sa mansyon niyo na ako nakatira ngayon—" pinutol niya ang sasabihin ko nang hinarap niya ako at titigan sa mga mata ko. "This is your home not there. You are my wife and you have to live where I am living." Awang ang bibig ko at hindi makapagsalita. Hindi ako makapaniwala. 'Si Jake ba talaga ito? O baka naman si Jaze ito at nagpapanggap lang?' Tanong ko sa isip. Pero, imposible. Hindi pwedeng magkamali ng pakiramdam ko. Si Jake Xander ang kaharap ko. "Stop staring at me, Attarah. We're here. Come on out," anya at saka na lumabas ng sasakyan. Naguguluhan akong binuksan ang pinto ng sasakyan. Bumaba ako at sumunod sa kanya papasok ng bahay. Pagpasok ko ay bigla akong napangiti nang makita kong tumatakbo papalapit ang aso kong si Chami. "She's dying to see you." Nagulat ako nang magsalita si Jake sa may gilid ko. Napatingin ako sa kanya at inarok ang mga mata niya. 'Sana ikaw din..' Sa isip ko. Pagkuway tumalikod na siya at tinungo ang kusina. Kaya naman ay hinarap ko na ang aso kong panay ang dila sa mukha ko. "Chami! Baby ko.." Naupo ako at niyakap ito. "Miss na miss kita, chami.. Sorry.. Iniwan kita. Dito na ulit si mommy." Hinaplos-haplos ko ang makapal nitong balahibo at hinalik-halikan ito sa noo. "Go upstairs and take a bath, Attarah." Dinig kong sambit ni Jake kaya't nilingon ko siya at naroon siya sa may pinto ng kusina at kasalukyan ng naka-topless. Napalunok ako at saka ko naiiwas ang paningin dahil tila naiilang ako sa tuwing nakikita ko ang katawan niya. Tumayo na ako at kinarga si chami saka ako walang lingon-likod na pumanhik sa hagdanan. Kaagad kong tinungo ang kwarto namin ngunit parang hindi ko maiapak ang mga paa ko papasok. Ilang minuto na akong nananatili sa may pintuan nang bigla na lang iyon bumukas. Saka ko namalayan na nasa likuran ko na pala si Jake at siya na mismo ang nagbukas no'n. "Get inside." Nagpatiuna na naman siyang pumasok kung kaya unti-unti ko na ring ipinapasok ang sarili. Hindi ko alam kung bakit nagaalangan ako. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. Hindi iyon takot kundi tila iba. Lihim ko na lamang na ipinilig ang ulo at saka dumeretso na sa banyo nang hindi lumilingon kung saan-saan. Pagpasok ko sa banyo ay agad ko ng hinubad ang damit at saka pumunta sa ilalim ng shower para maligo. Nakapikit ang mga mata ko habang dinadama ang tubig na dumadaloy sa katawan ko. Tapos na akong magbanlaw kaya't hininto ko na rin ang shower. Pumihit na ako papaalis ng shower area nang bigla na lamang akong nabundol sa matitipunong katawan. Napasigaw pa ako sa gulat at marahas na inilayo ang sarili. Subalit, maagap ako nitong hinila kaya't doon ko na tinignan ang nagmamayari ng katawan na iyon.. "Jake.." Wala akong maapuhap na sasabihin. Samantalang ang isip ko ay punong-puno ng katanungan. Napapalunok akong ibinaba ang tingin dahil hindi ko makayanan ang titig niya ngunit dahilan naman para madapuan ng mga mata ko ang katawan niyang nakakapagpatulo ng laway ko. Hubo't-hubad siya at kitang-kita ko ang paninigas ng katawan niya. And, in just a blink of an eye he forced to kissed me. Mahigpit niya akong ikinulong sa mga braso niya habang sinisiil niya ako ng mapusok na halik. Halik na hinahanap-hanap ng labi ko. Sobra akong nagulat sa ginagawa niya pero hindi ako nagpumiglas. Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko at ninamnam ang bawat galugad ng labi niya sa bibig ko. Naramdaman kong isinandal niya ang likod ko sa malamig na wall ng banyo habang patuloy akong hinahalikan. Kasabay ng halik niya ay ang pagbuhos uli ng tubig mula sa shower. Muli akong nabasa at kahit pa malamig ang tubig ay tila pinaiinit iyon ng mga halik niya. Walang salitang namutawi sa mga labi namin. Ngunit ang bawat parte ng mga katawan namin ay tila naguusap dahil nagkakasundo iyon. Tila may mga sariling isip na kusang lumalakbay sa hubo't-hubad naming katawan. Walang patid ang labi niya. Nagpapalipat-lipat iyon ng posisyon. Minsa'y napupunta sa leeg ko at pagkuway babalik uli sa labi ko. Tanging ungol ko na lang din ang nadirinig ko. And there we made love under the shower. Its so passionate, so romantic. And, I can't believe this was happening. Akala ko ay hanggang sa pangarap ko na lamang ang maangkin ng isang Jake Xander Smith. Nagkakatototoo na ang noo'y himahinasyon ko lang. We still standing. Nakatayo niyang pinasok ang mundo ko. Ngunit kahit pa nakatayo kaming pareho ay tila mas pinagaalab pa rin ang mga katawan namin. Tila kami sumasayaw sa ulanan. Hanggang sa pinihit niya ako papatalikod sa kanya at muli siyang pumasok. Maingat siyang gumalaw ngunit mas nararamdaman ko ang sarap ng ginagawa niya. Yakap-yakap niya ako habang magkadikit ang mga pisngi namin. Kaya dinig na dinig ko rin ang tunog ng kasiyahan niya. Hindi iyon natapos dahil nang lumabas kami ng banyo ay muli niya akong inangkin sa kama. Hindi ko alam kung bakit tila pinananabikan niya ang sandaling ito. Ramdam ko iyon at hindi ako maaaring magkamali. Ramdam na ramdam ko ang bawat paghalik niya at masuyo niyang paghaplos sa katawan ko. Masasabi kong ito na ang isa sa pinakamasayang nangyari sa buhay ko. Sobra akong naliligayahan dulot ng pagiisa naming muli. Hapon na nung magising ako matapos kong makatulog sa tabi niya kanina. And as usual, magisa lang ako sa kama. Wala na si Jake sa tabi ko. Kaya't bumangon na ako ngunit muli akong napahiga nang maramdaman ang pananakit ng balakang ko. Napangiwi pa ako at minasahe iyon. Nasa gano'n akong posisyon nang biglang bumukas ang pinto at iluwa no'n si Jake. Malinis na malinis na ang mukha niya at maiksi na rin ang buhok. Kaya't lumitaw uli ang tinatago niyang karisma. Nang bumaba ang tingin ko sa katawan niya ay tanging boxer shorts lang ang suot niya at walang damit pang itaas. Napapalunok kong iniiwas ang tingin. Pinagiinit kasi ng katawan niya ang pakiramdam ko. Subalit, hindi ko naman maiwasang alalahanin ang nangyari kani-kanina lang. Para tuloy akong lalagnatin. "You need to prepare yourself. We're going to mom's party tonight," anya at huminto pa sa mismong harapan ko. Nakatagilid kasi ako habang patuloy kong minamasahe ang balakang ko. Tango lang ang naging tugon ko. Kumunot naman ang noo niya nang mapansin ang ginagawa ko. "What are you doing?" Nakangiwi akong tumingin sa kanya. "M-Masakit ang balakang ko.." Saka ko muling ibinaba ang tingin. Nagaalangan siyang lumapit sa akin at marahil hindi rin alam ang sasabihin. Alam niya kasi na siya ang may kagagawan nito. "Two hours pa bago tayo aalis. Take some rest for now," sabi niya at tumalikod na sa 'kin. Nakasunod naman ang paningin ko sa kanya hanggang sa makalabas siya ng kwarto. "Nananaginip ba ako?" Mahina kong tanong sa sarili. Mahina ko pang kinurot ang pisngi ko para patunayang totoo ang mga nangyayari ngayon. "I'm not dreaming.. Oh god.." Sumilay ang ngiti sa mga labi ko pero kasabay niyon ay ang pagtulo ng butil ng luha sa mga mata ko. Hindi ko mapigilang maging emosyonal. Sobrang saya ang nararamdaman ko ngayon. Matapos kong hilutin ang balakang ay napagdesisyunan ko ng bumangon sa kama. Tinungo ko ang banyo at muling naligo. Kahit pa naligo na ako kanina ay kailangan ko pa ring maligo. Pinaliguan kasi ako ng halik ni Jake kanina kaya't nanlalagkit ako. Punong-puno ako ng laway. Pagkaligo ko ay dumeretso na ako sa walk in closet namin at saka binuksan ang cabinet. May mga damit pa ako doon. Nandodoon din ang ilan sa mga dress ko na pwede kong gamitin para mamaya. Subalit, bigla akong natigilan. "Galit kaya sa 'kin si Mommy Vic?" Bulong ko. Iniwan ko kasi ito sa salon kanina. Ni hindi pa ako nagpaalam. "I'm sorry, mom.." "She'll understand." Nagulat ako at agad na nilingon si Jake na nakasandig sa pintuan patungong banyo. "K-Kanina ka pa diyan?" Nagtataka kong tanong. Kung bakit kasi bigla-bigla na lang itong sumusulpot. Hindi niya ako sinagot at tanging iling lang ang itinugon niya. Pagkuway sinulyapan niya ako. "Magbihis ka na. Dahil baka hindi ko mapigil ang sarili ko at maangkin uli kita.." Sabi niya habang papalayo sa 'kin. 'Tama ba ang narinig ko?' Ipinilig ko ang ulo ko. Baka mali lang ang dinig ko. Kumuha muna ako ng blouse at shorts at isinuot iyon. Isang oras pa naman bago kami aalis. Pagkabihis ko ay tinungo ko naman ang dresser at naupo doon. Sinimulan ko ng ayusan ang mukha ko. Simple glam make up lang ang ini-apply ko sa mukha ko. Pero, masasabi kong lumitaw ang ganda ko. Dumagdag kasi sa atraksyon ang mahahaba kong pilik-mata na kahit hindi na lagyan ng maskara ay kitang-kita na. Pero, nilagyan ko pa rin iyon kung kaya't mas tumingkad ang ganda ng pilik-mata ko. Sunod ko namang inayos ang buhok ko. Ini-blower ko muna iyon bago ko sinimulang i-curl ng wavy style. Kalahating oras na lang kaya't muli kong tinungo ang cabinet at naghagilap ng dress na isusuot. Nagtataka naman ako at kung bakit parang nadagdagan ang mga damit doon. "Wear this." Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang iniaabot na branded paper bag ni Jake. Napatingin na ako doon at kinuha iyon. Sinilip ko pa ang nasa loob no'n at nakita kong dalawang box ang nasa loob no'n. Saka ko iniangat ang tingin sa kanya. Nagtatanong ang mga mata ko ngunit wala akong masabi. "Magbihis ka na." Muli na naman niya akong tinalikuran ngunit naroon lang siya sa harap ng vanity mirror habang inaayos ang black tuxedo niya. "Stop staring at me, Attarah. Magbihis ka na." Kita ko sa repleksyon niya sa salamin ang tipid niyang ngisi. Napapahiya naman akong tumalikod at kaagad na binuksan ang dalawang box. Bumungad sa paningin ko ang kulay beige na tube dress at pares ng beige stiletto. Napasinghap pa ako sa ganda no'n. Na-excite akong suotin iyon kaya naman agad ko ng hinubad ang mga damit ko. Pagkatapos ay maingat ko ng isinuot ang dress. May zipper iyon sa likuran kaya medyo nahirapan akong abutin para isara. Pero, laking gulat ko nang may humawak sa kamay ko at naramdaman ko na lang na humigpit na ang dress sa katawan ko. Then, I found out it was Jake. Tinulungan niya akong isara ang zipper. 'Yon lang at lumayo uli siya sa akin. Gusto ko sana siyang pasalamatan ngunit mukhang wala na naman sa mood ang mukha niya. Napakaseryoso. Umiling na lamang ako at saka ko na isinuot ang sapatos na bagay na bagay sa suot kong damit. Napangiti ako nang makita ko ang sarili sa whole body mirror na nakadikit sa cabinet. I can say na, I am simply gorgeous. Hindi sa pagbubuhat ng sariling bangko. Napakasimple ng suot ko pero nagmumukha akong sopistikada. Nakita ko sa repleksyon sa salamin na papalapit si Jake at titig na titig sa akin. May kung ano siyang iniaabot sa 'kin. Kunot-noo ko naman siyang hinarap. Nagulat pa ako nang kunin niya ang kamay ko at may isinuot na singsing sa daliri ko. Bigla akong natigilan. That was our wedding ring.. "You left it," sabi pa niya. Naalala ko nga pala na hinubad ko iyon at iniwanan ko sa lababo. Mabuti na lang ay hindi ito nahulog at naibalik niya uli ito sa 'kin. Still, I'm speechless. I really don't know what or how to react. Titig na titig lang ako sa kanya. Parang sasabog sa tuwa ang puso ko nang ngumiti siya. Dala ng naguumapaw na saya ay pasugod ko siyang nilapitan at niyakap ng sobrang higpit. Inilapat ko pa ang mukha ko sa dibdib niya at saka mariing pumikit. 'Sana'y hindi ako nananaginip lang.. Sana totoo na talaga ito..' Bulong ng isip ko. Ipinagtataka ko rin na hindi siya kumawala sa pagkakayakap ko. Hawak pa niya ako sa magkabilang braso at pakiramdam ko ay nakatitig siya sa 'kin. Nang lumayo ako ay saka ko siya muling tinignan. Seryoso na uli ang mukha niya ngunit wala akong ibang nararamdamang iba. Hindi na siya galit sa 'kin.. At iyon ang isa sa ikinakasiya ng kalooban ko. Bago pa kami lubusang lumabas ng pinto ng bahay ay minabuti niya muna akong hinarap at saka isinandal sa dingding. Nakakulong ako sa mga bisig niya habang napapasinghap pa. "Jake.." Napapikit na ako nang dahan-dahan siyang lumapit sa akin at hagkan ako sa mga labi. Nasa gano'n kaming posisyon nang biglang bumukas ang gate at nagmamadaling pumasok ang umuusok sa galit na si Jaze Vanxanter. Mabilis ako nitong kinabig at inilayo kay Jake Xander. At sa isang kisap-mata ay bigla na lamang natumba si Jake nang undayan siya ng suntok ni Jaze. "Jake!" Tawag ko asawa ko. Mabilis ko siyang dinaluhan at tinulungang bumangon. Saka ko hinarap si Jaze na umuusok pa rin sa galit. "Ano bang problema mo, Jaze?! Bakit bigla mo na lang sinuntok ang kapatid mo?!" Hindi ako nito pinansin bagkus na kay Jake ang paningin nito. Dinuro pa nito ang asawa ko na nakangisi namang pinapahid ang dugong umagos sa ilong. "Jake.." Nagaalala kong tinulungan sa pagpapahid ng dugo si Jake Xander. "I'm fine." Pinigilan naman niya ang kamay ko. "Lumayo ka sa kanya, Jade! Did you already forgotten what he had done to you? He's still with Kate! He doesn't care about you and your feelings. That's the truth! Come here with me!" Ani Jaze. Muli kong hinarap si Jaze. Saka ako umiling. "Jaze, stop, please. Tama na. Desisyon kong sumama ulit kay Jake. Asawa ko siya at hindi magbabago 'yon kahit ano pa man ang mangyari," mahinahon kong saad. Nakita ko ang pagguhit ng pagkadismaya sa mukha ni Jaze. Napahawak pa ito sa batok at animo'y nagpipigil ng inis. "Umalis ka na, Jaze. Aalis din kasi kami, eh. Pupunta kami sa mansyon niyo. Birthday ng mommy niyo ngayon," sabi ko. "That too. You know that today's mom's birthday but you ruined her day, Jade. Everything was prepared for her party but she locked herself on her room. Umiiyak siya pagkadating niya kaninang umaga at hindi ka kasama. Hindi siya nagsasalita. But, Mang Ben told me you left mom. Then, I've searched all the places na pwede mong puntahan. Nandito ka lang naman pala at hindi mo man lang itinawag sa 'min," mapait na ngumiti si Jaze. Napayuko ako. "I'm sorry.. May nangyari kasi kanina sa salon kaya ako umalis at pumunta ng sementeryo. Doon ako nakita ni Jake at sumama muna ako sa kanya," pagpapaliwanag ko. "Bakit ka sumama sa kanya? Sasaktan ka lang uli niyang gagong 'yan! Maniwala ka sa 'kin!" Umiling ako. "Jaze, please.." "Stop interrogating my wife, Xanter. You have no right to do that." Kalmado pa ring saad ni Jake matapos siyang bigwasan kanina ng kapatid niya. Hinarap niya ako at hinaplos ang pisngi kong nalukot yata ng tensyon. "Let's go." Tumango ako at saka nangunyapit sa braso niya. Bago pa kami lumabas ng gate ay minabuti ko munang sulyapan si Jaze na nakatulalang nakayuko sa kinatatayuan. "Lock the gate before you leave, brother!" Bilin pa ni Jake bago siya pumasok sa sasakyan niya. Ngising aso naman ang nakita kong naging tugon ni Jaze. Dinig ko ang mahinang tawa ng asawa ko habang pinapaandar ang sasakyan. "Don't mind that jerk, Attarah. He's a losser." Saka siya tumawa ng malakas. Napaawang na lamang ang bibig ko..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD