"YOU ARE four weeks pregnant, Miss Smith. Congratulations," nakangiting anunsyo ni Doktor Sebastian.
Agad na uminit ang mga mata ko at hindi ko na mapigilang mapahagulhol sa sobrang saya. Naisubsob ko pa ang mukha sa mga kamay ko at napayuko. "Oh my god.. I didn't expect this. M-Magkaka-baby na ako," awang ang bibig kong iniangat ang paningin sa doktor na nakangiting nakatingin sa akin.
"Yes. You are a mom now, Miss Smith," ani ng doktor.
Tutop ko ang bibig habang napapatango-tango. Umiiyak ako and at the same time ay nakangiti. Fix emotions. Halo-halong emosyon ang nanunuot ngayon sa dibdib ko.
Excitement.
Masaya.
Malungkot.
Pangungulila sa ama ng dinadala ko, kay Jake Xander. I really miss him so much. Gusto ko ng marinig kahit 'yong pagalit nitong boses. Ngunit, kailangan kong patatagin ang loob ko at magtiis alang-alang sa magiging anak namin.
Hindi ko akalain na makabubuo kami sa iisang beses lang na may mamagitan sa amin. And, I can't believe I am carrying Jake's baby now.
Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman habang hinahaplos ko ang flat na flat ko pa ring tiyan.
This is my dream. To become a wife and a mom.
"I knew it! I knew it!" Masayang-masayang sambit ni Mommy Vic. Ngayon lang nakapag-react. Marahil natigilan siya nang ianunsyo ng doktor na nagdadalantao na nga ako. Niyakap niya ako ng sobrang higpit habang ang isang kamay niya ay panay haplos sa buhok ko. "I'm so happy, dear! Atlast, magiging granny na ako!" Pinanggigilan pa niya ako sa sobrang tuwa niya.
'Sana'y ganyan din ang reaksyon ni Jake oras na malaman niyang dinadala ko na ang magiging anak niya.' Hiling ng isip ko.
"Napakasaya ko din po," sabi ko habang patuloy pa ring pumapatak ang luha sa mata ko.
Kumalas siya sa akin at saka pinunasan ang luha ko gamit ang tissue na hawak-hawak niya.
"Don't cry, dear. Iiyak din 'yang baby mo. Stop na, okay?"
Nakangiti naman akong tumango. "Tears of joy po kasi. Naiiyak po ako sa sobrang saya."
"I know, dear. But, stop crying na. You know that I don't wanna see you crying. So, smile na, okay?" Sinuklay-suklay niya ang buhok ko gamit ang mga daliri niya.
Muli akong tumango at kinalma na ang sarili.
"Here's the vitamins you need to drink daily, Miss Smith. This is for you and the baby." Inabot sa akin ng doktor ang mga box ng bitamina na nakalagay na sa paper bag. "And, you have to be careful. Don't carry heavy things. Most and for all, do not stress yourself. That's the reason kung bakit nagkakaroon ng deperensya ang mga babies. Stress can be affect your baby. Always remember that."
Tumango ako. "Yes po, Doctor Sebastian. Noted po. Thank you." Pasalamat ko.
Ngumiti siya ng matamis sa 'kin. "You're always welcome, Miss Smith. And, by the way, come back here by next month for your following check up, okay? We have to monitor your baby."
Tumango uli ako. "Okay. I will po." Saka na ako tumayo at inaalalayan naman ako ni Mommy Vic.
"We'll go ahead now, Doctor Sebastian. Thank you so much." Paalam pa ni Mommy Vic sa doktor na tumayo din para ihatid kami palabas ng clinic nito.
"You're very much welcome, Mrs. Smith. Come back here with your niece by next month, hmm?" ani Doctor Sebastian.
"Yeah, we will," tugon ni Mommy Vic at saka kumaway sa doktor.
Kuntodo alalay pa rin akin si Mommy Vic hanggang sa makasakay uli kami sa sasakyan. Awkward, kasi dapat ako 'yong umaalalay sa kanya dahil senior na siya. Pero, nakakatuwa kasi mas masaya pa siya kung titignan kaysa sa akin. Maging sa upuan ay tila kinikilig pa rin siya dahil nangingiti pa siya habang nakatingin sa akin.
I know what she feels. Dahil maging ako ay parang gusto kong magtatalon sa tuwa. Di ko nga lang magawa dahil hindi na maaari.
"I'm so happy for you, dear. Sooo happy! Hihi! Take care of yourself and the baby, hmm?" Anya at nakangiti naman akong tumango. "We're always be here for you."
Parang gusto ko na namang maiyak sa sinabi niya. Agad na bumikig ang lalamunan ko.
"Yes, mom. I will po," garalgal kong tugon.
"You're not alone." Niyakap niya muna ako ng mahigpit bago siya umayos sa pagkakaupo sa sasakyan at bumaling sa driver. "Let's go, Benardo."
"Saan na po tayo, Señora?" Tanong ng driver.
"Sa salon tayo. And, dahan-dahan lang sa pagmamaneho, okay? Lalo na sa mga humps." Nakangiting mando ni Mommy Vic sa driver niya na agad namang tumalima.
"Opo, Señora!" Anito kasabay ng pagpapaandar ng sasakyan
Bumaling uli sa akin si Mommy Vic. "Dear, you can rest. Medyo malayo pa ang salon na pupuntahan natin. You can take a nap if you want. You look sleepy." Hinaplos niya ang pisngi ko at pinakatitigan.
"Ahm.. Inaantok nga po talaga ako. Kasi po.. alas tres ng madaling araw akong nagising kanina, eh. Hindi na po ako nakatulog uli," sabi ko.
"Is that so? Uh! You really have to take a nap, dear. You need that." Saka iniabot sa akin ang neck pillow.
Isinuot ko naman agad iyon at iniayos ko ang pagkakasandal sa upuan. "Idlip po muna ako," saad ko at saka pumikit.
"Okay, dear. Hay.. Antukin pa naman ang mga buntis. And, take note, siyam na buwan kang makakaramdam niyan, dear. Hihi!"
Ngumiti na lamang ako at hindi na ako sumagot pa dahil bumabagsak na ang mga mata ko. Inaantok na talaga ako kanina pa.
Ngunit, sa balintataw ko ay bigla na lamang lumitaw ang imahe ni Jake Xander. Nakangiti ito habang nakatingin sa akin, palipat-lipat sa tiyan ko.
'Jake.. Miss na miss na kita. Alam mo bang magkaka-baby na tayo? Magiging daddy ka na.. Isang pamilya na tayo.'
Ngunit, hanggang sa imahinasyon ko na lang iyon. Panigurado kasi na masayang-masaya na siya ngayong wala na ako sa piling niya. Na binigyan ko na rin siya ng kalayaan na noon pa man ay hangad niya.
Pero, nalulungkot ako sa katotohanang buntis ako ngunit hindi ko siya kasama.. Na dapat sana'y siya ang kasama ko ngayon at nagtatatalon din sana sa tuwa.
Ngunit, imposible iyon.
Alam kong hindi siya matutuwa kapag nalaman niyang buntis ako. Alam kong hindi niya tatanggapin ang magiging anak niya sa 'kin.
Hindi kasi mawala-wala sa isip ko ang sinabi niya noong araw mismo ng kasal namin..
Sinabi niya na hindi ako ang gusto niyang maging ina ng mga magiging anak niya..
'Yong kaninang tuwa ko ay bigla na naman napalitan ng lungkot dahil sa katotohanang iyon.
Parang nilamukos na naman ang dibdib ko sa sakit.
Naramdaman kong pinangingiliran ako ng luha kung kaya't agad kong kinalma ang sarili. Hanggang sa tuluyan na nga akong makaidlip.
Nagising na lamang ang diwa ko sa mahinang pagyugyog ni Mommy Vic sa akin.
"Dear? Wake up now. We're here! Attarah, dear? We're here already."
Agad ko namang iminulat ang mga mata at inilibot ang paningin. Nasa parking lot kami ng nakapalaking salon.
"Let's go? Excited na ako sa make over natin, dear! Come on!"
"Sige po."
Hila niya na ako sa kamay at mabilis kaming umibis ng sasakyan. May pagmamadali man subalit naroon pa rin ang pagiingat namin. Dumeretso na agad kami papasok sa salon.
"Welcome to James Jacobs Salon!" Bungad sa amin ng mga staff.
"Thank you," nakangiti naming tugon ni Mommy Vic.
Mabilis kaming inestima ng mga staff at dinala sa private room. Doon ay kaming dalawa lamang ni Mommy Vic ang naroon.
Purong salamin ang paligid ng kwarto at masasabi kong hightech ang mga kagamitan doon. Kumpleto rin ang mga pampaganda at may mga pang-massage pa.
First time kong makapasok dito dahil hindi naman talaga ako mahilig magpa-salon. Si Mommy Vic lang ang talagang mahilig kaya naman kilalang-kilala na siya ng mga tauhan rito.
"Victoria! Nice to meet you again!" Dinig naming bati ng babaeng kapapasok lamang.
Dahil purong salamin ang mga wall ay kitang-kita ko kung gaanong kaganda ang babae. May edad na rin iyon ngunit taglay pa rin ang kagandagan nito. Napaka-sopistikada rin nito sa mamahaling suot na damit at mga alahas na nakapalamuti sa katawan nito.
Nilingon naman kaagad ni Mommy Vic ang babae. "Oh, hi, Esmeralda! Glad to see you again too!" Nakipagbeso si Mommy Vic dito.
Hindi ko kilala ang babae kung kaya't tipid na ngiti lamang ang itinugon ko nung magtama ang mga mata namin. Saka ko na lamang sila hinayaang magusap na dalawa.
Maya-maya lamang ay nagsipasok na rin ang mga staff at sinimulan na ang pagmi-make over sa amin.
"I forgot to greet you, Victoria. It's your birthday today pala! Oh my god! I'm so sorry! Happy birthday, Vic!" Dinig kong saad ng babae. Hindi ko sila malingon dahil natatabunan ng buhok ko ang mukha ko.
"Thank you, dear. Anyway, this is my invitation card. Come to my house tonight," magiliw na tugon ni Mommy Vic.
"Oh! Thank you. Yeah, we will come to your party later. Isasama ko si Arthur at ang pamangkin ko na si Honey."
'Honey?'
Bigla akong kinabahan. Lihim kong ipinilig ang ulo ko. Hindi naman siguro si Honey Kate ang tinutukoy nito.
Hindi ko na rin naintindihan pa ang mga pinaguusapan nilang dalawa dahil nagsisimula na namang maglayag ng isip ko.
Ni halos hindi ko na rin namamalayan na patapos na rin palang i-make over ako.
Nangiti ako sa resulta.
Sobrang ganda ko..
Agad na akong iniwan ng baklang nagayos sa akin kaya naman ay bumaling na ako sa dalawang ginang na patuloy pa rin sa paguusap. Nauna na rin pala silang natapos kaysa sa 'kin.
I was trying to approach them but they we're busy talking. As if hindi nila ako kasama sa iisang kwarto. Nanahimik na lang muna ako.
"Hay naku.. Alam mo naman ang pamangkin kong iyon, Vic. Super spoiled ni Hanibeth at James. Ang lahat ng magustuhan ay talagang nakukuha niya. Oh my god! Kaya siguro walang kawala ang anak mong si Xander."
'Kaya siguro walang kawala ang anak mong si Xander.'
'Kaya siguro walang kawala ang anak mong si Xander.'
'Kaya siguro walang kawala ang anak mong si Xander.'
Tila sirang plakang nagpaulit-ulit iyon sa pandinig ko.
Marahas akong napabuntong-hininga kaya't parehong natigil sa pagsasalita ang dalawa. Nakita ko ang pagkagitla sa mukha ni Mommy Vic habang tutop niya ang bibig.
Napatayo pa sa kinauupuan si Mommy Vic at dinaluhan ako. "Dear.. Tarah, We're so sorry. We forgot that you're here. Oh my god! Dear.." Hinging paumanhin niya. Hindi malaman kung saan ako hahawakan.
Umatras ako at ipinaglipat-lipat ko ang tingin sa dalawa. "Sino ho bang pamangkin ang tinutukoy niyo? If you don't mind me asking. Si Honey Kate ba?" Napapalunok kong tanong.
Kita ko ang pagtaas ng kilay ni Mrs. Esmeralda. "Yes, sweetheart. Honey Kate Jacobs. Do you know her, hija?" Sarkastiko nitong tanong.
Hindi ako makapagsalita. Tila may kung ano na namang bumayo sa dibdib ko. Sobrang sakit. Subalit ramdam kong walang emosyong makikita sa mukha ko habang hindi ko inaalis ang tingin sa babae.
Pumagitna si Mommy Vic. "Esme, kilala niya ang pamangkin mo. They are schoolmates when they are in highschool."
"Oh? So, you knew that she's the heiress of Jacob's Realty, huh? And, this salon is one of her company. Isn't amazing for a young woman who has everything? Brain..beauty..and a loving boyfriend?" Nakangisi at nagmamalaking saad ni Mrs. Esmeralda.
'A woman who has everything.. And that is Honey Kate. Her definition. A perfect girl for Jake Xander.'
Tango na lamang ang naging tugon ko sa babae. At agad kong nailipat ang paningin kay Mommy Vic.
"M-Mauna na po ako sa sasakyan. Hintayin ko na lang po kayo." Gumaralgal ang tinig kong saad saka ako bumaling kay Mrs. Esmeralda. "Nice to meet you po, Ma'am. Ako nga po pala si Attarah Jade..Smith. Ako po ang asawa ni Jake Xander," sabi ko at saka na ako tumalikod. Hindi ko na hinintay pa ang sagot nito.
"Attarah! Wait!" Dinig kong tawag ni Mommy Vic sa 'kin ngunit nagpatuloy na ako papalabas ng salon.
Pagkalabas ko ay doon na bumuhos ang masagana kong luha.
Alam ni Mommy Vic kung gaano akong nasasaktan sa tuwing naririnig ko ang mga pangalan ni Jake Xander at Honey Kate kaya hindi ko mapaniwalaan na dadalhin niya ako sa lugar na kung saan pagaari pala ng babaeng kinababaliwan pa rin ng asawa ko.
I felt betrayed. Sobrang sakit. Para akong nanghina.
Umiiyak akong nakarating sa parking lot kung saan nakapark ang sasakyan ni Mommy Vic. Pagkalapit ko sa sasakyan ay agad kong kinatok iyon. Kaagad naman akong pinagbuksan ng driver na medyo nagulat pa nang makita ako.
"Oy, Ma'am?? Bakit ka po umiiyak? Nasaan na ho si Señora?"
"M-Manong Ben, sunduin niyo na ho si Mommy Vic. Huwag niyo ho siyang iiwanan hanggang sa makauwi ho kayo ng ligtas. Pakisabi na rin ho na hindi na ako sasabay. May pupuntahan ho ako," sabi ko.
"Ha? Eh, s-sige ho, ma'am. Magiingat ho kayo," aniya. Tila naguguluhan pa rin sa inaasta ko.
"Sige ho. Puntahan niyo na ho siya."
Tumango ito at saka ako tinalikuran.
Pinayapa ko na rin muna ang sarili bago ako pumunta sa tabi ng kalsada at naghintay ng taxi. Di rin nagtagal ay may dumating na rin kaya agad na akong sumakay doon.
"Saan ho tayo, Ma'am?" Tanong ng driver.
"S-Sa Forest Lake ho, Manong."
Mabilis naman na humarurot ang sasakyan at tinalunton ang kalsada patungo sa lugar na pupuntahan ko.
Muli akong sinuot ng kalungkutan habang bumabiyahe. Para akong hihimatayin sa sakit na nararamdaman. Kung bakit ganito ang kapalaran ko ay hindi ko alam..
Naisubsob ko ang mukha ko sa gitna ng nitso ng mommy at daddy ko pagkarating ko sa lugar. Doon ko na rin nagawang ilabas ang sakit at lungkot na nararamdaman.
"My.. dy.. Wala po akong mapagsumbungan ng sakit na nararamdaman ko ngayon. Ang sakit-sakit sa loob ko na pakiramdam ko ayaw na ayaw sa akin ng mundo. My..dy.. Bakit nangyayari sa 'kin 'to? Ang hirap.. Para na akong nanghihina. Parang ayaw ko ng mabuhay.." Malakas akong napahagulhol.
Kasabay ng pagiyak ko ay ang pagbuhos ng malakas na ulan. Hindi ko inaasahan. At sa lugar na 'yon ay wala akong masisilungan.
Subalit, hindi pa rin ako natinag sa kinasasadlakan. Nananatili akong nakaluhod sa harapan ng mga nitso at patuloy sa pagluha.
Ramdam na ramdam ko na ang lamig ng tuluyan ng mabasa ang suot kong bestida at umihip pa ng malakas ang hangin.
"K-Kamusta po kayo? I'm sorry po kung ngayon lang uli ako nakadalaw sainyo.." Pinahid ko ang mukha ko gamit ang nanginginig ko ng kamay. "Huwag po kayong magalala.. Balang-araw, magkakasama din uli tayo.. Pero... sa ngayon, tulungan niyo po muna akong palakasin ang kalooban ko alang-alang sa magiging apo niyo.. My...dy.." Lumunok ako at mapait na ngumiti. "..magiging mommy na ako. Kaya sana, gabayan niyo 'ko. Hindi ko kasi kakayaning magisa, eh. Hindi ko kayang magisa.."
"I'm here."
Napahinto ako sa pakikipagusap sa mga magulang ko at natitigilan nang madinig ang pamilyar na boses.
Biglang sumikdo ang puso ko at naramdaman ko ang bilis ng pintig nito.
Gusto ko mang lingunin ito ay hindi ko pa rin nakuhang gawin dahil nasisiguro kong nagha-halucinate lang ako.
Imposibleng hanapin niya ako.
Imposibleng naririto siya.
Bahagya kong ipinilig ang ulo at mariing ipinikit ang mga mata. Alam kong nakakaramdam na ako ng depresyon. At marahil, dala lang iyon ng nararamdaman ko kung kaya't kung ano-ano ang mga naririnig ko.
"It's getting cold in here. Go home now, Attarah."
Muli akong natigilan.
Doon na ako dahan-dahang tumayo at dahan-dahan ding nilingon ang taong nagsasalita sa likuran ko.
At hindi ako nagkakamali.. At hindi ako nananaginip lang..
Dahil totoong nasa harapan ko ang lalaking pinakamamahal ko.
To be continued..