WARNING: MATURE CONTENT!!
"WHAT did you just say?" Tila nabibinging tanong ni Jaze. Nakatiim ang titig niya sa kakambal.
Subalit hindi naman tumugon si Jake Xander at ngingisi-ngisi lang ito sa kinatatayuan nito. Nakapamulsa at humihithit ng sigarilyo.
Bahagya akong nakaramdam ng tensyon sa pagitan nilang magkapatid. Pinaglipat-lipat ko ang paningin sa dalawa at inihahanda ang sarili sa maaaring mangyari.
"Tell me, Jake! Nabibingi lang yata ako." Ani Jaze. Gumanti din siya ng nakakaasar na ngisi saka umiling-iling. "Hindi totoong kasal kayo. That's so impossible, I know. You are in a relationship with Honey Kate and so in love with each other."
Ngunit hindi pa rin talaga tumutugon ang asawa ko. At imbes na sagutin si Jaze ay bumaling si Jake sa akin at matamis na ngumiti na ikinanganga ko. Hindi ako makapaniwala. "Let's go home, sweetheart. Our bed are waiting for us now. It's late," malambing niyang aya sa akin na tila ikinatalon-talon ng puso ko.
Natulala na lamang ako sa kanya.
'Sweetheart? Our bed?'
Napaawang ang bibig ko sa itinawag niya sa akin. Naramdaman ko rin na tila kiniliti ang katawan ko sa huli niyang binanggit at parang may mga paro-parong nagliparan sa parteng puson ko.
Ang kaninang nararamdamang tensyon ay napalitan ng kilig. Dahil sa unang pagkakataon ay narinig ko ang asawa kong magsalita ng gano'n sa 'kin. Hindi ko mapigilang mapangiti habang nakatulala pa rin sa kinatatayuan niya.
Dahil sa malapit si Jaze sa 'kin ay dinig ko ang pagangil ng mga ngipin niya. Natinag ako at lumingon sa kanya. "So, totoong magasawa na kayo?" Nagulat ako ng mahinang tumawa si Jaze. At sa tulong ng liwanag ng mga ilaw sa loob ng bar ay kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata niya kahit na natatawa pa. Nagulat pa ako nang inangat niya ang paningin sa 'kin at tinitigan ako. "Jade.." Tila may nginig sa tinig niya. "Bakit hindi ako ang pinili mo? B-Bakit hindi ako ang pinakasalan mo? Why?? Alam mong ako ang totoong nagmamahal sa'yo, right?"
Umawang ng literal ang bibig ko. Mas lalo akong nabigla sa mga lumabas sa sa kanya. Hindi ako makapagsalita. Tila umurong ang dila ko at natutulala na lang ako habang nakatingin kay Jaze.
"Why, Jade!?" Emosyonal niyang tanong.
Napayuko ako. "J-Jaze..I-I'm sorry.." Ang totoo, ayaw ko siyang masaktan katulad ng nararamdaman ko sa tuwing binabalewala ako ng kapatid niya. "S-Sinabi ko naman na sayo noon na si J-Jake talaga ang gusto ko..diba? Please.. I'm sorry.."
Oo, noon pa man ay alam kong may gusto rin siya sa 'kin. Pero alam niya rin na si Jake talaga ang mahal ko. Akala ko pa naman ay tinanggap niya na ang katotohanang iyon nang umalis siya at pumuntang amerika after no'ng 25th birthday ko.
Pero nasasaktan ako habang nakikita ko siya.. Hindi ko maiwasan na makita ko ang sarili ko sa kanya.
"Enough drama, brother." Ani Jake habang papalapit na sa amin. "Attarah Jade was finally mine. She's my wife now because she chose me. And you have nothing to do with that. Just accept the reality by now," kalmadong saad ni Jake sa kapatid. At pagkalapit niya ay tumabi siya sa akin saka ako hinapit sa beywang at kinabig lalo papalapit sa kanya.
Tila huminto ang paghinga ko at nawala bigla ang lungkot na nararamdaman ko para kay Jaze. Ngunit, hindi ko iyon ipinahalata lalo pa't nasa harapan namin si Jaze na emosyonal ngayon.
At sa hindi ko inaasahan ay hinalikan ako ni Jake sa labi ko na talagang ikinagulat ko. Literal na namilog ang mga mata ko! Nakanganga pa ako ng inilayo niya ang labi niya. Napailing siya at nginisihan ako. "Let's go home," matapos niyang dampian ang tungki ng ilong ko.
Pakiramdam ko ay hihimatayin akong bigla!
'A-Anong nangyari kay Jake Xander?'
Hindi ko maiwasang itanong sa sarili ko. Hindi ako makapaniwala. Tila himala ang ginawa ni Jake sa akin ngayon.
Napapalunok na lang akong tumango.
Hindi na rin ako makatingin sa isa man sa kanila. Nakayuko ako dahil itinatago ko ang lihim na kasiyahan na lumulukob ngayon sa dibdib ko. Kung kanina lang ay halos mamatay-matay ako sa sakit ng puso ko, ngayon ay tila ako idinuduyan sa hangin sa tuwang nararamdaman ko.
Hindi ko na rin narinig pang magsalita si Jaze. Hindi ko alam kung bakit.
Ang kaninang kamay na nasa beywang ko ay inilipat ni Jake sa balikat ko. "We'll go ahead, brother. Welcome back to the Philippines, by the way." Hinila na ako ni Jake papalabas ng bar. Tuloy, ni hindi ko na rin nagawang lingunin si Jaze dahil ini-enjoy ko ang pagkakataon na halos yakapin na ako ng lalaking mahal na mahal ko.
Lihim akong nangingiti at napapakagat ng labi ko.
'Sana ganito na lang kami lagi..' Sa isip-isip ko.
Pagdating namin sa parking lot ay pinagbuksan niya rin ako ng pinto ng sasakyan niya at inalalayan pa niya akong makapasok doon. Marahil, alam niya rin kasi na nakainom ako.
Napapalunok ako habang hinihintay na rin siyang makaupo sa driver seat. Tila ako nai-excite sa isang bagay na alam ko namang imposible.
Iniyuko ko ang ulo ko upang itago ang excitement at tuwang nararamdaman. Hanggang sa maramdaman ko na lang na nasa loob na siya ng sasakyan.
Malalim akong bumuntong-hininga. Tila kasi kinakapos na ako. Sobra akong kinakabahan.
Bago pa man kami umalis ay minabuti ko munang lingunin ang bar at nakita ko si Jaze Vanxanter na naroon sa balcony at nakatingin sa sasakyan namin.
Muli akong nakaramdam ng lungkot kung kaya't iniiwas ko na lamang ang paningin at itinuon sa unahan. Pinapakiramdaman ko rin ang asawa ko dahil sa pananahimik niya.
Sa biyahe ay naramdam ko uli ang gap sa pagitan naming dalawa. Awkward. Tanging hininga lang namin ang maririnig sa loob ng sasakyan. Hindi na rin ako nagtaka. Alam ko na pagdating namin sa bahay ay babalik uli sa dati ang treatment niya sa 'kin.
Mas lalong nalungkot ang puso ko sa isiping iyon.
Sa loob lang ng ilang minuto ay nakarating na kami ng bahay namin.
As usual, hindi ko na hinintay pang pagbuksan niya ako dahil alam ko naman na hindi iyon gagawin.
Pagbaba sa sasakyan ay nauna na siyang naglakad papunta sa entrada ng bahay at siya na rin mismo ang nagbukas ng pinto.
Ikinataka ko na imbes na siya ang maunang pumasok ay ako ang ipinauna niyang papasukin.
"Come inside," anya sa baritono at maawtoridad na boses.
Kaya naman ay aligaga akong tumalima kahit medyo umiikot ang paningin ko.
Pagkapasok ko sa loob ay kaagad kong nilapitan ang switch ng ilaw at saka binuksan iyon. At nang babaling na sana ako sa pabalik sa pintuan upang isara iyon ay bigla akong napasinghap ng mabunggo ako sa katawan ng asawa ko.
"I-I'm sorry.." Sabi ko nang tingalain ko siya subalit agad akong nagbaba ng tingin nang makita ko ang kakaibang aura sa mukha niya. Hindi ko magawang pangalanan kung ano ang nakita ko sa kanya. Tila kasi nanunuot hanggang sa kaluluwa ko ang mga titig niya.
Kinabahan ako at agad na umiwas subalit muli lang akong napasinghap ng kabigin niya ako at marahas na siniil ng halik sa labi.
"J-Jake!" Piglas ko dahil nasasaktan ako sa paraan niya ng paghalik sa akin. Sumasayad kasi ang ngipin niya sa balat ko at halos dumugo ang mga labi ko. "M-Masakit, please!"
"You have to be punished," sabi niya sa pagitan ng mapagparusa niyang halik na umabot na rin sa panga ko at leeg.
"W-Wala akong kasalanan.." Saad ko habang hinihingal na. "I-Ikaw ang may kasalanan sa'ting dalawa."
"Tsk! I don't want to see you talking with somebody else!" Nagulat ako sa sinabi niyang iyon.
"H-Hindi naman iba si Jaze.."
"Don't mention him!"
Hindi na ako sumagot pa.
Masakit man ang ginagawa niya ay tila nagugustuhan na iyon ng katawan ko. Sobrang bago sa akin ang pakiramdam na ito. Dahil sa unang pagkakataon ay ngayon ko lang siya naramdaman. Ngayon niya lang ito ginawa sa akin.
Hinayaan ko na siyang ariin ang gusto niya alin man sa parte ng katawan ko. Therefore, pagaari niya rin naman ang lahat sa akin. Hahayaan ko siyang gawin anuman ang nais niyang mangyari. Dahil ang totoo, hinihintay ko ring mangyari sa amin ito.
Maya-maya'y naging kalmado na ang mga labi niya. Kung kanina'y sobra kung parusahan ako, ngayo'y tila umiba na. Gumaan na iyon at tila mas pinapainit pa ang katawan ko. Mapusok.. Ang kamay naman niya ay halos wala ng tigil sa pagpisil sa bawat parteng madaanan nito.
Gamit ang isang kamay niya ay tuluyan na niyang nahubad ang damit na suot ko. Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko ng pinakatitigan niya ang kabuuan ko.
Abot-abot na ang kaba ko pero lamang ang excitement sa magaganap sa aming dalawa.
"Did you wait for this?" Paanas niyang tanong, hindi maalis ang tingin sa mga maseselang bahagi ng katawan ko.
Nagaalangan akong sumagot kaya tumango na lang ako.
Ngumisi siya. "You'll gonna regret after this."
'Hindi mangyayari iyon..' Sa isip ko.
Mahigpit akong kumapit sa naglalakihang braso niya nang ipihit niya ako pahiga sa marmol na sahig. Nanatili siyang nakatayo habang nakatunghay sa hubad kong katawan. Sobrang lamlam ng mga mata niya.
Napakagat na lang ako ng labi ng mabilis niyang inalis ang mga sagabal sa katawan niya. Wala siyang itinira kahit na isa. Napanganga na lang ako at sabay lunok habang nakatingin sa pangibabang katawan niya. Sa isip ko kung papaano ba niyang maipapasok ang napakalaking bagay na iyon sa akin?
Napasinghap na lamang ako ng bigla siyang dumagan at pumaibabaw sa akin! Napapikit na ako nang magsimulang lumikot ang mga galamay niya pati na ang bibig niya.
At ang kaninang nakakipot kong mga binti ay dahan-dahan niyang ibinubuka gamit ang isang tuhod. Napakislot ako sa kakaibang pakiramdam. Napapakagat pa ako ng labi dahil naramdaman ko ang tuhod niyang idinudunggol sa pagitan ng mga hita ko.
Wala ni isang salitang namumutawi sa pagitan namin. Tanging mahinang ungol at marahas na pagbuga ng hangin ang maririnig sa buong kabahayan.
Wala ring tigil sa paghalik si Jake kahit saan. Para siyang gutom na gutom na leon. Palipat-lipat ng posisyon ang mukha niya. Hindi ko na rin mabilang kung iilan na ang kagat niya sa leeg at dibdib ko at nasisiguro kong magmamarka iyon bukas.
Hanggang sa lumipat ang mga labi niya paibaba sa dibdib ko. Umarko ng bahagya ang katawan ko sa kiliti.
"Jake.."
Subalit, wala siyang paawat. Naninigas na ang mga binti ko sa kilabot dulot ng ginagawa niya. Sinisipsip niya ang mga dulo no'n at kinakagat pa ang palibot ng dibdib ko.
Nagpatuloy siya sa ginagawa hanggang sa mas bumaba pa ang mga labi niya at maabot niya ang hiyas.
Tila ako panawan ng ulirat. Hindi ako makapaniwala na ipaparamdam niya sa akin ang bagay na ito. Akala ko ay wala na talagang pagasang mangyayari ito sa amin. At totoong napakasaya ko. Isa ito sa pinakamasayang nangyari sa tanang buhay ko.
Ang maging isa ang mga kaluluwa namin.
Ilang minuto niyang pinasaya ang puso ko hanggang sa muli na siyang bumalik sa ibabaw ko at bumulong sa tenga ko.
"I'm going in," anya sa paos na tinig. Tila hinihingal at naghahabol na rin ng hininga.
Tumango ako. "I-I'm ready.." Kinakabahan na ako.
Tila ako kakapusin ng hininga ng ipinusisyon niya na ang p*********i niya sa gitna ko at itinutok iyon.
Napapikit ako ng mariin ng unti-unti na siyang pumapasok sa akin. Napakasakit at tila ako maiiyak sa sobrang hapdi. Ngunit tiniis ko. Alam ko kasi na pagkatapos ng sakit ay saya na ang mararamdaman ko.
Hanggang sa tuluyan na ngang mapagisa ang mga katawan namin. Nakakabaliw.. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman. Gusto kong maiyak sa tuwa subalit hindi iyon naaayon sa sitwasyon.
Halos maibaon ko ang mga kuko ko sa likod niya ng magsimulang bumilis ang galaw niya. Kung saan-saan na rin pumapaling ang ulo ko at halos tumirik na ang mga mata ko.
Hanggang sa biglang nanigas ang katawan niya kasabay ng animoy likidong lumabas mula sa kanya na nasa loob pa rin ng p********e ko.
Humihingal siyang dumagan sa katawan ko pagakatapos at ipinagpahinga ang pagod niyang katawan. At kahit pa ramdam ko ang bigat niya ay hinayaan ko siya.
Nakangiti kong ipinikit ang mga mata hanggang sa tuluyan na akong makatulog habang nasa ilalim niya.
Kinabukasan ay nagising ako na nasa kama na ng kwarto namin. Kung papaano akong napunta sa kwarto ay hindi ko na matandaan. Dahil ang naaalala ko lang ay nasa sala kami ni Jake ng makatulog.
'Hindi kaya..binuhat niya ako dito?' Sa isip ko. At posible iyon dahil wala namang ibang nakatira doon maliban sa aming dalawa.
Paglingon ko sa likod ko ay napangiti ako nang naroon nga si Jake habang tulog na tulog pa rin.
Akma ko na sana siyang hahaplusin sa pisngi nang bigla niyang iminulat ang mga mata.
"What are you doing?" Tanong niya, titig na titig sa akin ngunit blanko naman ang mukha niya. Hindi ko tuloy malaman kung galit ba siya o ano.
"U-Uh.. W-Wala, Jake. G-Good morning." Nauutal kong tugon. Naitago ko rin ang kamay na ipanghahaplos ko sana sa pisngi niya.
"It's lunch already. Cook for two," aniya saka muling ipinikit ang mga mata.
Napaawang ang bibig ko. Hindi dahil sa tanghali na kundi dahil nakuha ko ang ibig niyang sabihin. Gusto niya akong magluto para sa dalawa.. Sa aming dalawa..
Parang gusto kong magtatalon sa tuwa!
Alam akong gising siya kaya kinausap ko siya. "Uh.. Magluluto na ako. G-Gutom na rin ako, eh."
Hindi siya umimik pero masaya ako dahil hindi siya kumontra.
Kaya naman nakangiti akong bumangon sa kama at dali-daling naligo. Wala pang limang minuto ay kaagad kong tinapos at mabilis na nagbihis. Hindi ko na rin inabalang ayusin ang sarili ko at kaagad na akong lumabas sa kwarto.
Dali-dali akong bumaba sa hagdan at saka dumeretso sa kusina. Ganado akong nagprepara ng mga lulutuin at halos napapakanta pa ako habang nagluluto.
Buttered shrimp, sinigang na baboy at adobong manok, iyon ang niluto ko. Iba-iba man ay 'yong sapat pa rin sa aming dalawa ang mga hinanda ko. Kung may sobra man ay iinitin ko na lang mamayang hapunan.
Pagkatapos kong ihain ang mga pagkain sa lamesa ay inakyat ko na si Jake Xander sa kwarto. Tulog pa siya ng maabutan ko kaya naman ay maingat ko siyang ginising.
"Mmm?" Paungol niyang tanong.
Napangiti ako. "Uh.. Jake, nakaluto na ako. Kain ka na," sabi ko.
Saka naman niya iminulat ang inaantok pang mga mata. Deretso niyang itinutok ang paningin sa akin.
"Mauna ka ng bumaba, susunod ako," aniya at bumangon na sa kama.
Napalunok pa ako dahil nakahubo't-hubad siyang bumaba sa kama at naglakad papuntang banyo.
Hindi ko man nakita ang harapan niya ay naiimagine ko ang bagay na iyon.
The thing who took my virginity.
Napangiti ako at pilit na pinipigilan ang kilig na nararamdaman.
Gaya ng sabi niya ay nauna na akong bumaba at pumunta ng dining area. Inihanda ko na ang pitsel na tinimplahan ko ng orange juice at dalawang baso. At saka na ako naupo sa upuan ko kaharap ng uupuan ni Jake.
Kinakabahan ako sa tuwa dahil sa muling pagkakataon ay makakasabay ko uli siyang kumain.
Subalit, halos magkakalahating-oras na ay hindi pa rin bumababa si Jake. Naiinip na ako at nagugutom. Gusto ko na siyang puntahan sa kwarto pero pinigilan ko ang sarili. Baka kasi uminit na naman ang ulo niya.
Matagal pa akong naghintay bago pa pumasok ng dining area si Jake Xander. Tumunog kasi ang pinto ng kusina.
Saka ako nakahinga ng maluwag.
Subalit nang lumingon ako at tiningnan ang pintong pinasukan niya ay natigilan ako.
Dahan-dahan akong tumayo at natutulalang nakatingin sa mga ito...sapagkat hindi lang si Jake ang naroon..
Dahil naroon nakangiting inaalalayan ng asawa ko ang isang babae..
At walang iba kundi si Honey Kate.