"I-I.. D-DEDICATED this song to the man I love the most. I know he's listening right now and watching me up here. Thank you for coming into my life even though you didn't gave the love and care I deserve."
Halos pumiyok ako sa sobrang kabang nararamdaman. Or should I say, sa sakit na namumuo ngayon sa dibdib ko.
Hindi ko kayang paniwalaan na ngayo'y nakikita ko ang asawa ko na kasama ang dati niyang kasintahan. Na baka nga hindi naman totoong naghiwalay sila.
Napayuko ako at pinuno ng hangin ang dibdib bago ko nilingon ang mga myembro ng banda upang ipahiwatig na handa na ako. Hirap man ay kakayanin kong kumanta sa harapan nila.
At nagsimula na ngang tumipa ang pianista at iba pa.
Tumikhim ako at saka ko ipinikit ang mga mata.
? "Kapag ako ay nagmahal
Isa lamang at wala ng iba pa
Iaalay buong buhay
Lumigaya ka lang, lahat ay gagawin.. ?"?
Unang linya pa lang ng kanta ay halos bumikig na ang lalamunan ko subalit nilalabanan ko lang. Ayaw kong mapahiya sa harapan ng marami. Kahit na gustong-gusto ko ng iiyak ang nararamdamang sakit ay hindi ko ginagawa. Iniisip ko na lamang na kaharap ko si Jake habang kumakanta at sa paraan ng pagkanta ko ay naihahatid ko sa kanya ang mga saloobin ko.
?" Tumingin ka man sa iba
Magwawalang-kibo na lang itong puso ko.. Walang sumbat na maririnig. Patak ng luha ko ang iniwang saksi." ?
Humugot ako ng malalim na buntong hininga at ibinigay ang lahat ng emosyon sa kinakanta ko.
? "Bakit nga ba mahal kita.. Kahit di pinapansin ang damdamin ko. 'Di mo man ako mahal, heto pa rin ako nagmamahal ng tapat sa'yo. Bakit nga ba mahal kita, kahit na may mahal ka mang IBA! Ba't baliw na baliw ako sa'yo? Hanggang kailan ako magtitiis? O, bakit nga ba...mahal kita...?" ?
Hinayaan ko ng tumulo ang mga luha ko at saka ko iminulat ang mga mata. Lakas-loob ko na ring inangat ang paningin para tingnan muli ang kinaroroonan ni Jake at ni Honey Kate. Naroon pa rin sila at deretso ring nakatingin sa akin. Malayo man ay nakikita ko ang mga mukha nilang tila walang mga emosyon.
Muli akong nagpatuloy at hindi na inalis ang paningin sa kanila... No..hindi ko na inalis ang paningin kay Jake.
? "Ano man ang sabihin nila.. Pagtingin ko sayo'y di kailanman magmamaliw. Buong buhay paglilingkuran kita. 'Di maghahangad ng anumang kapalit. Tumingin ka man sa iba, magwawalang-kibo na lang itong puso ko.. Walang sumbat na maririnig. Patak ng luha ko ang iniwang saksi." ?
Nakita kong tumalikod si Jake Xander at habol-habol ito ni Honey Kate. Gayunpaman ay nagpatuloy ako at nilakasan ang loob.
? "Bakit nga ba mahal kita? Kahit di pinapansin ang damdamin ko. 'Di mo man ako mahal, heto pa rin ako nagmamahal ng tapat sa'yo! Bakit nga ba mahal kita? Kahit na may mahal ka mang iba! Ba't baliw na baliw ako sa'yo? Hanggang kailan ako magtitiis?? O, bakit nga ba... O, bakit nga ba??? O, bakit nga ba....Mahal kita..." ?
*(Song titled: "Bakit nga ba mahal kita" cover by Gigi De Lana)*
Kasabay ng paghinto ng instrumental ay tumayo na rin ako mula sa pagkakaupo sa high chair at yumukod sa mga nanonood na walang humpay sa pagpalakpak at isinisigaw ang paghanga sa akin. Nangingibabaw din ang tinig ni Amierizz sa mga iyon.
Subalit, gusto ng sumabog ng dibdib ko sa sobrang sakit na nararamdaman kung kaya't walang-lingon akong bumaba ng stage at nakayukong hinanap ang comfort room.
Sa daan ay may mga naririnig akong tumatawag sa pangalan ko at humahanga sa pagkanta ko subalit hindi ko na pinansin ang mga iyon. Ayaw kong makita nila akong umiiyak.
Hanggang sa makita ko ang hinahanap at nagmamadaling tinungo iyon subalit nahinto ako nang may pumigil sa braso ko. Kaagad akong lumingon at mabilis na pinawi ang mga luha sa pisngi nang makilala ko kung sino ang nasa harapan ko.
"Jake.." Halos ibigkas ko na lamang sa hangin ang pangalan niya. Sabay kong binawi ang braso kong hawak niya ng mahigpit.
"What do you think you're doing, huh!?" Mahina ngunit madiing tanong niya.
Imbes na sagutin siya ay nagpalinga-linga pa muna ako at nakahinga ako nang makitang walang gaanong tao sa bahaging iyon na kinaroroonan namin. Saka ko ibinalik sa kanya ang paningin. Napakadilim ng aura niya na animoy anumang oras ay susunggaban ako.
"Kumanta lang ako," walang emosyon kong tugon.
Mapakla siyang ngumisi. "So, you think, madadala mo 'ko sa pakanta-kanta mo sa stage na 'yon? Never!" Anya habang nakaturo pa ang daliri sa kung saan naroon ang stage.
Mapait akong ngumiti. "Kahit naman anong gawin ko ay wala ka namang pakialam sa 'kin, Jake. Hindi ka naman naaapektuhan sa kung anuman ang ginagawa ko." Mukhang tinamaan ako ng alak na ininom kanina bago pa ako sumalang sa stage. "Hindi ko rin naman inaasahan na makikita kita dito.. Kaya wala akong intensyong iparinig sa'yo ang pagkanta ko. At saka.. mas lalong hindi ko inaasahan na kasama mo si Kate ngayon. Tanong ko lang, siya ba ang lagi mong kasama sa tuwing nawawala ka sa paningin ko? Siya pa rin ba ang pinagtutuonan mo ng pansin kahit pa ikinasal na tayo? Sabagay..sino nga ba naman ako sa'yo?" Sinabi ko iyon habang nilalabanan ang madilim niyang titig.
Nagtagis ang mga bagang niya. "Let's go home!" Hinawakan niya ako sa braso ngunit malakas kong tinabig ang kamay niya. "Attarah!" Nagbabanta ang tinig niya subalit hindi ako nagpatinag.
"No!" Sagot ko na ikinabigla niya. "Hindi pa ako uuwi, Jake. Gusto ko munang aliwin ang sarili ko kahit ngayong gabi lang. Ngayon lang.. At siguro, mauna ka na kasi sayang naman 'yong niluto kong bulalo para sa'yo. Kung ayaw mo do'n, ipamigay mo na lang sa aso mong sunod ng sunod sa'yo." Tumagos ang paningin ko kay Kate na nasa likuran na ni Jake.
"Kailan ka pa nagkaroon ng dog, love?" Nagtatakang tanong ng babae at wala pang kahihiyang kumapit sa braso ng asawa ko. Sa harapan ko pa mismo!! Saka ito bumaling sa 'kin at animoy gulat na gulat pagkakita sa akin. "Oh! Attarah Jade.. Nandiyan ka pala? Uh, sorry.. I didn't recognize you. Nagsusuot ka pala ng ganyang dress? But no offend, ha? It doesn't fits you." Tila nandidiring tiningnan ang kabuuan ko.
Hindi ko ito pinatulan sa patutsada nito sa kung anuman ang tingin nito sa akin ngayon. Saka ko kinuha ang cellphone ko sa purse at mabilis silang kinunan ng picture.
Nagulat silang dalawa sa ginawa ko.
"Hindi ko kailanman papatulan ang madumi mong bunganga, Kate. But, I warned you.. lumayo-layo ka sa asawa ko dahil alam mo kung saan ka pupulutin," sabi ko at mukhang nahintakutan naman ito.
Nagtatagis na ang mga bagang ng sinulyapan ko si Jake Xander. Nagbabanta ang mga titig niya sa akin. Wala ng takot ko siyang hinarap.
"Kung hindi mo man ako magawang itrato o irespeto bilang asawa mo, sana naman huwag mo 'kong harap-harapang saktan ng ganito, Jake." Bumikig ang lalamunan ko subalit nilalabanan ko pa ring huwag mapahagulhol sa harapan nila. Saka ko muling inilipat ang paningin kay Kate. "Oo nga pala, may kilala akong asong sunod ng sunod kay Jake." Sagot ko sa tanong nito kanina. "At ikaw 'yon." At walang lingon-likod ko silang tinalikuran.
"What the.. Look who's talking, b*tch! Ikaw ang nang-agaw kay Jake! Not me!" Dinig ko pang pahabol ni Honey Kate subalit hindi ko na pinatulan pa at hindi ko na pinansin.
Dumeretso na ako papasok sa comfort room at ini-locked iyon saka ako patakbong lumapit sa sink. Doon ko inilabas lahat ng sakit at sama ng loob ko. Humagulhol ako at hinayaan ang sariling dumausdos. Wala na akong pakialam kung marumihan man ang suot ko.
"K-Kung gano'n, kaya ka pala umaalis sa umaga at inuumaga na rin kung umuwi ay dahil abala ka sa panunuyo kay K-Kate, Jake.. P-Patunay na ang mga narinig ko habang tulog ka at mas napatunayan ko ngayong m-magkasama kayo. J-Jake..papa'no naman ako? Bakit mo 'ko binabalewala? B-Bakit isinasantabi mo lang ako? Bakit mo ginagawa sa 'kin 'to.." Saad ko sa mahinang tinig habang patuloy sa panginginig ng mga kalamnan ko.
"Napakasakit dahil hindi ko man lang masabi sa'yo ang mga hinanakit ko.. Wala ka naman kasing pakialam sa nararamdaman ko, eh." Patuloy ko. Halos malasahan ko na maging ang sipon ko.
Natinag ako nang may sunod-sunod na kumatok sa pinto ng banyo. Dali-dali kong pinunasan ang mukha ko gamit ang laylayan ng dress ko. Hindi naman mahahalata dahil itim iyon. Kung bakit kasi nakalimutan kong magdala ng panyo o kahit man lang tissue.
"May tao ba sa loob?? Buksan mo nga 'to! Ihing-ihi na ako! Gawd!!" Dinig kong sigaw nito sa labas. Nahimigan ko kaagad ang boses nito.
Nanghihina man ay agad na akong tumayo at kinalma ang sarili ko bago ko ito pinagbuksan ng pinto.
Pagbukas ko ay tumambad sa akin ang gulat na gulat na si Amierizz. Bigla akong nanghina at napayakap sa kanya.
"Tarah?? Oh my god! Anong nangyari??" Tanong niya habang nakayakap sa kanya at humagulhol ng iyak sa balikat niya. "What happened? Ha?" Hinagod-hagod niya ang likod ko.
"N-Nandito siya.." Hindi ako makapagsalita ng maayos. Umaagos ang luha kasabay ang sipon sa pisngi ko.
"Sino??" Malakas niyang tanong.
Kumalas muna ako sa kanya at pinunasan ang mga luhang patuloy na umaagos mula sa nananakit ko ng mga mata. Tinulungan niya rin akong ayusin ang nagulo kong buhok.
Lumamlam ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. "Tell me, nandito ba ang asawa mo, ha? Siya ba ang dahilan kung kaya't umiiyak ka ng ganyan?" Galit na tanong niya.
Mahina akong tumango. "K-Kasama niya si H-Honey Kate." Halos hindi ko magawang banggitin ang pangalan nito.
Namilog ang mga mata niya. "Whatt?? Bakit sila magkasama? Nagkabalikan ba sila? Hindi pwede 'yon! Kasal na si Jake sa'yo!" Galit na galit niyang saad habang nagpapaikot-ikot pa sa harapan ko.
"Ang sakit..ang sakit-sakit, mi.."
Para na rin siyang maiiyak habang nakatitig sa akin. Hindi alam ang gagawin o sasabihin.
"A-Anong gagawin ko ngayon? Ngayong alam ko na, na magkasama uli sila?" Tanong ko habang patuloy pa ring tumutulo ang luha ko.
Mabilis niyang kinuha ang cellphone sa sling bag niya at iniharap sa akin. "Kunan mo ng ibedensya at tutulungan kitang ipakulong ang mga lintik na 'yan!" Umuusok sa galit niyang sabi.
Umiling-iling ako at marahang itinulak ang cellphone pabalik sa kanya. "Mi..alam mo naman na hindi ko kayang mangyari kay Jake 'yon. Ayaw kong humantong siya doon. Ako lang din naman kasi ang masasaktan." Pinalis ko ang luhang naguunahang dumaloy sa pisngi ko.
Sinamaan niya ako ng tingin. "Yan! Kaya ka inaabuso ng lalaking 'yon, eh!" Pagalit niyang sigaw pero agad ding lumambot ang mukha niya at saka ako hinawakan sa magkabilang balikat. "Tarah naman kasi! 'Wag ka ngang magpakatanga? Noon ko pa 'yan sinasabi sa'yo.. Please lang? Maawa ka naman sa sarili mo.."
Napayuko ako. "Mahal ko siya, 'mi. At, umaasa akong isang araw ay mababaling din sa akin ang pagtingin niya. At magiging masaya kami." Pilit akong ngumiti.
Umiling-iling din siya at muling bumakas ang galit sa maganda niyang mukha. "At sinasabi ko naman sa'yo na hanggang sa pangarap mo na lang 'yon! Ngayon ka pa ba aasa, Tarah? Ngayon pa na nakita mo ng magkasama uli ang dalawa? Umaasa ka pa rin na magiging masaya kayo balang araw?" Natinag ako sa kaparangkahan niya.
Bigla akong natigilan. "Mi.." Nagulat ako sa sinabi niya.
"Oh my god.. Tarah.. I'm sorry.. Pero kasi, kailangan mong makarinig ng mga ganyang payo. Oo, masakit, lalo na galing pa sa akin na matalik mong kaibigan. Naaawa lang kasi ako sa'yo, eh. Ayaw kong mamalagi ka sa isang relasyon na ikaw lang ang nagmamahal at ikaw pa rin ang nasasaktan," anya sa mahina ngunit madiing tinig.
Mapakla akong ngumiti habang pinapahid ang luha sa pisngi. "Siguro nga tama ka.. Ako lang naman kasi ang pilit na sumisiksik sa buhay niya, eh. Ako 'yong tangang nagmamahal kay Jake. Alam kong wala akong pagasang maibabalik niya sa 'kin 'yong pagmamahal na na meron ako sa kanya. Pero, hindi ko maintindihan kung bakit may parte sa puso ko na umaasa na mamahalin niya rin ako." Mas lalong sumidhi ang sakit sa dibdib ko.
Hindi siya umimik. Pinakatitigan niya lang ako ng matiim. Maya-maya'y nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga. "Wala akong magagawa kung ganyan ka kapatay na patay sa kanya, Tarah. Ang sa akin lang kasi, ayaw kitang nakikitang nasasaktan dahil nasasaktan din ako para sa'yo. Pero, kung sakali mang dumating ang araw na mahalin ka rin niya, ay magiging masaya na rin ako," aniya sa kalmado ng tinig. "Maybe, bigyan mo na kaya siya ng anak ng sa gano'n ay tuluyang mabaling ang atensyon niya sa'yo at tuluyang iwanan ang bruhidang girlfriend niya!" Kumibit siya ng balikat ng mangunot ang noo ko. "Well, 'yon lang ang way na alam ko."
Muli akong natigilan. Saka ako napalunok ng sunod-sunod at nahihiyang tumingin pabalik sa kanya.
"Mi.. A-Alam mo ba na..na hanggang ngayon ay wala pa ring n-namamagitan sa amin? N-Ni halikan ako ay di pa niya nagagawa sa 'kin.." Pautal-utal na sambit ko.
Tuloy ay muli na namang sumidhi ang inis sa mukha niya.
"Oh my god! I can't believe it! Damn him! Eh, ano lang ba ang gusto niyang gawin sa'yo?? Ang gawin kang alipin sa bahay niya? Ang saktan ka at iparamdam sa'yo na hindi ikaw ang gusto niyang maging asawa?"
Tila tinurok ng matatalim na espada ang dibdib ko sa huling sinabi ni Amierizz.
'Ang saktan ka at iparamdam sa'yo na hindi ikaw ang gusto niyang maging asawa?'
'Ang saktan ka at iparamdam sa'yo na hindi ikaw ang gusto niyang maging asawa?'
'Ang saktan ka at iparamdam sa'yo na hindi ikaw ang gusto niyang maging asawa?'
Nagpaulit-ulit iyon sa utak ko. Napapikit ako at pinanghina ng masakit na linyang iyon dahilan para mapasandal ako sa hamba ng pintuan.
"T-Tarah! Oh god, I'm sorry.." Inalalayan niya akong makatayo ng maayos.
Mapakla akong ngumiti kasabay ng luhang umaagos sa pisngi ko. "M-Masakit.. Pero, mukhang t-tama ang sinabi mo.."
Hinaplos-haplos niya ang buhok ko. "Tarah.. sabihin mo lang sa 'kin.. Please. Tutulungan kitang makaahon. Tutulungan kitang makipag-annul sa asawa mo. He doesn't deserve you like I told you before. And you don't deserve to be treated like this."
Mahina akong tumawa. Tila ako nababaliw na. "Ang problema kasi, makulit 'tong puso ko, mi. Hindi ko makita ang sarili ko na hindi si Jake ang kasama ko. Kaya titiisin ko."
Napabuntong-hininga siya at hindi na umimik pa. Tumango-tango na lamang na tila sumasangayon sa sinabi ko.
"Can you guys give me a way?? Nahaharangan niyo ang daan, eh. Ang da-drama niyo!"
Bigla kaming napalingon sa kaliwa namin. Naroon nakatayo at magkakrus ang mga brasong nakatingin sa amin si Valerie kasama ang mga kaibigan nito. Nagkatinginan kami ni Amierizz at saka tuluyang tumabi sa daan. Noon pa man kasi ay wala sa bukabularyo namin na patulan ang kaartehan nito.
"Uh.. Wait!" Ani Valerie ng huminto sa may tapat ko mismo at humarap sa akin. Langhap ko ang amoy ng alak sa bibig nito. "Why you're so dramatic, Attarah Jade? Look at your eyes! Super maga!"
Umiling ako at saka ko siya nginisihan. "It's none of your business, Valerie." Saka ko ito tinalikuran at hinila si Amierizz papalayo sa lugar na iyon.
Dumeretso kami sa loob ng bar at naghanap ng bakanteng mesa. Ayaw ko na kasing makisalamuha pa sa mga dati naming kaklase. Ayaw kong putaktihin nila ako ng tanong. Gusto ko ring mapagisa.
Humiwalay na rin muna si Amierizz sa akin dahil pinuntahan niya ang boyfriend niyang tila nakainom na rin. Nangungulit na sa mga kainuman nito.
Nagtawag ako ng waiter at dali-dali naman akong dinaluhan. Nagorder ako ng alak, 'yong hard. Matagal na panahon na rin akong hindi nakakatikim no'n. Ngayon ko uli gustong matikman.
Ilang minuto lang din ay dumating na ang inorder ko at sinimulan ko ng uminom. Ni wala na akong pakialam sa paligid ko. May mga naglalakas-loob na makiupo sa table ko subalit hindi ko malaman kung bakit tila kidlat kung tumalsik sila. Hindi pa man nakakaupo ay umaalis na.
Tanging iling na lang ang nagawa ko at lihim na nangingiti.
Marahil, nakakatakot na ngayon ang hitsura ko.
Ilang oras na ang nakalipas subalit nandirito pa rin ako at umiinom. Nababawasan na rin ang mga tao sa loob ng bar. Hindi ko na rin makita ang grupo nila Valerie. Maging si Amierizz ay hindi ko rin maaninag. Blurred na ang paningin ko sa sobrang antok at medyo tinatamaan na rin ako ng iniinom ko.
Kaya naman ay hinanda ko na rin ang sarili ko. Kailangan ko na ring umuwi habang may ulirat pa ako. Ayaw kong makatulog rito.
Tumayo na ako subalit kamuntikan na akong mabuwal. Mabuti na lang ay may mga brasong sumalo sa akin.
Nang lingunin ko ito para pasalamatan ay bigla akong natigilan. Dahil blurred na ang paningin ko ay pinakatitigan ko itong mabuti.
"Why did you, drunk, Jade? Magisa ka na lang din dito sa bar. Sino bang kasama mo at iniwan ka na lang dito magisa?" Saka ko nakilala kung sino ito.
Nagpalinga-linga naman ako at saka ako mahinang tumawa dahil magisa na nga lang pala ako. At lokong kaibigan ko 'yon at iniwan ako! Napailing-iling ako at saka naisip na baka iniuwi muna ang boyfriend niya at babalikan na lang ako.
"Come on! Iuuwi na kita sa bahay," aniya. Hinawakan pa ako sa kamay ngunit binawi ko iyon na ikinagulat niya. "Jade?"
Umiling ako. "B-Bakit ka ba nandito, Jaze? Hik! H-Hindi ba't nasa amerika ka? Ha? Pap-anong naandito ka? Kailan ka ba umuwi? Hik! A-Ang daya-daya mo! W-Wala ka no'ng kasal ko!" Tinampal ko siya sa dibdib.
Nangunot ang noo niya at mukhang hindi makapaniwala sa sinabi ko.
"Kasal mo? Ikinasal ka na?? With whom? Bakit hindi ko alam?" Sunod-sunod niyang tanong.
Ako naman ang nagulat sa naging reaksyon niya. Parang nawala ang kalasingan ko.
"H-Hindi mo alam na..ikinasal na kami ng kapatid mo?"
Natigilan siya sa sinabi ko.
"Bakit ka nagpakasal sa kanya? B-Bakit sa kanya, Jade?" Bakas sa tinig nito ang lungkot at galit.
"Dahil mas mahal niya ako kaysa sa'yo."
Lumakas ang kabog ng dibdib ko ng mapalingon ako kay Jake na prenteng nakatayo sa may di kalayuan. Nakakrus ang mga braso at kita ko ang dilim sa mukha nito.