CHAPTER 2

3274 Words
MALALIM akong napabuntong hininga sa sobrang bigat ng dibdib ko. Pakiramdam ko rin ay nanghihina ang buong katawan ko nang dahil sa nalaman ko. Napasandal ako sa headboard ng kama at itiningala ang ulo. Hinayaan ko ring dumaloy sa pisngi ko ang mainit na likidong tila gripo kung umagos mula sa mga mata ko. "Jake.. Bakit mo ginagawa sa'kin 'to?" Bulong ko na halos mapasigok pa ako. "Isang linggo ka na palang hindi pumapasok, isang linggo mula no'ng ikasal tayo. Ang pagkakaalam ko ay pumapasok ka sa opisina kahit nasa honeymoon stage tayo na dapat nga ay masaya tayong magkasama ngayon. Kung gano'n palang wala ka sa opisina, saan ka naman pumupunta na halos inuumaga ka na kung umuwi dito sa bahay natin?" Parang baliw kong kinakausap si Jake sa kawalan at hinihintay itong sumagot at humingi ng tawad sa akin. "Hindi kaya.. hinahanap mo pa rin si Honey Kate? Siya pa rin ba, ha? Siya pa rin ba kahit na iniwan ka niya? Sumuko na siya, eh. Isinuko ka na niya sa 'kin. Ako na ang nagmamayari sa'yo, Jake. Please.. Ako na lang kasi!" Humagulhol ako ng malakas at isinigaw ang sakit na nararamdaman. Hinayaan ko muna ang sarili kong namnamin ang sakit. Alam kong maya-maya ay mapapawi din iyon lalo na kapag muli ko na siyang nakita. Nahiga ako sa kama at tulalang tumingin sa kisame. Iniisip kung ano pa ba ang mga dapat kong gawin para mabaling sa akin ang atensyon niya pati na rin ang pagmamahal niya. Hanggang sa makatulog ako at pumasok sa panaginip ko ang sandali kung kailan kami nagkakilala. "Son! Jake Xander, come here!" Aya ni Tita sa anak niya na bagot na bagot na bumababa sa matarik at paikot na hagdan. Nakayuko pa ang lalaki habang ginugulo ang sabog na buhok. "Hurry up naman, anak! Someone's waiting for you!" "Tsk!" Malayo pa man ay rinig ko na ang malakas nitong singhal. "Who's waiting for me, mom?" Tanong nito at saka pa lang inangat ang paningin. Doon nagkatagpo ang mga paningin namin. Natulala ako at napaawang pa ang bibig ko dahil hindi ako makapaniwalang makakaharap ko ng personal ang crush na crush kong lalaki sa tanang buhay ko! Parang bumagal ang oras habang lumalapit siya sa 'kin. Titig na titig rin siya sa mukha ko na animo'y nakakita ng isang anghel sa lupa. At para akong maiihi sa kilig ng ngumiti siya. "Why are you staring at me? Hmm?" Tanong niya subalit awang pa rin ang bibig ko. Hindi ako makapagsalita. Kaya't bumaling siya sa mommy niya na nakangiting pinagmamasdan kaming dalawa. "Is she that someone who's waiting for me, mom?" Tumango-tango ang mommy niya. "Yes, anak, she is." Hindi maalis-alis ang kislap sa mga mata nito. Magkadaop pa ang mga palad nito habang tunghay sa aming dalawa ni Jake. "Oh? But why? I don't know her. And, why she's not answering me? Hindi ba siya nakakapagsalita, mom?" Nagtataka siyang tumingin sa akin. Tumawa ng malakas ang mommy niya. "Maybe, speechless lang siya, anak. Sobrang gwapo mo naman kasi, eh! At ang bango-bango pa! Hmm!" Saka nito sininghot sa braso ang anak. Kumibit ng balikat si Jake habang nakapaskil sa labi ang pilyong ngiti. "Well, hindi ko siya masisisi, mom. Ipinanganak mo 'ko ng ganito kagwapo." Saka tumawa. Mas lalo tuloy akong nabighani. Totoo. Napakagwapo niya. Nakablack shirt lang siya at pambahay na shorts pero umaalingasaw ang kagwapuhan niya. Intimidating ang looks niya. Nakakatakot ang mga mata niya kapag seryoso ang mukha niya pero..grabe! No'ng ngumiti siya ay para akong pinana ni kupido sa puson! "What can you say about my son, dear? Like I told you, he's so gwapo, right?" Tanong ni Tita sa 'kin. Hindi maalis-alis ang ngiti. "Ha? Eh.. O-opo, tita." Ngumiti rin ako saka bumaling uli kay Jake. "Napakagwapo mo pala higit sa personal, Jake. 'Tsaka, diba ikaw 'yong sikat sa t****k at youtube at trending lagi sa i********: at twitter? Jake Xander pala ang totoo mong pangalan.." Sabi ko ngunit hindi ako masyadong makatitig sa kanya. Nahihiya ako. He chuckled. "Yeah. And, what about you? Are you one of my fan, huh? Tell me, what's your name and why are you doing here in our house?" Usisa niya sa akin. "She's Attarah Jade, son." Sabat ng mommy niya. Ito ang sumagot imbes na ako. "She's the daughter of your lost Tita Sarrah and Tito Arthur. And, she's staying here in our house na for good. Kukupkupin ko siya dahil iyon ang promise ko sa mommy niya. She's only child kasi at wala siyang ibang family. Tayo lang. And, be nice to her, okay?" Tila batang pinagsabihan ang anak niyang nangingiwi na lang sa dami ng sinabi ng mommy niya. Hindi ko na rin kailangan pang i-introduce ang sarili ko dahil nabanggit na iyon ng mommy niya na super bait sa akin. "I'm a good man, mom! No worries," aniya sa ina saka bumaling sa akin ng may pilyong ngiti. "Nice to meet you then, Jade.." Nagulat pa ako nang bigla niyang iabot ang kamay upang kamayan ako. Aligaga naman akong nakipagkamay sa kanya. At tila ako kinuryente ng magkadaupang-palad kami. Super lambot ng kamay niya! Grabe.. Nagising na ako after no'n. Napangiti ako. Totoong napakawarm ng treatment niya sa akin noon. Hindi na ako natulog pa at muli na lang sinariwa ang alaala namin. That was the start of our nice relationship as being.. friend? I don't know but for me he's my friend kahit na crush na crush ko siya. Pero, pinapangarap ko na noon pa na sana'y ligawan niya ako at maging girlfriend niya ako. Ipina-enroll ako ng mommy niya sa private school kung saan siya nagaaral. Bale nasa fourth year kami noon at graduating na. Kaya naman, magkasabay kaming pumapasok at umuuwi ng bahay. Lagi niya akong isinasabay sa sasakyan niya. At kahit pa may mga kaibigan siya ay iniiwan niya kapag oras na ng uwian namin. Nakakatuwa at sobrang kinikilig ako noon. Magkasama rin kami kapag gumagawa ng homework at sa loob pa ng kwarto niya namin ginagawa iyon. Sabay kaming mag-breakfast, maglunch, mag-dinner at kahit pa mag-hangout sa rooftop nila at sa labas. Hanggang sa unti-unti na akong nahulog sa kanya at hindi iyon lingid sa kaalaman niya. He knows that I have a crush on him at first at siguro ramdam na din niya na mahal ko na siya. And gladly, hindi niya ako iniiwasan. Mas lalo nga siyang napapalapit sa akin. Sa school, may mga nalalaman naman akong nali-link sa kanya pero hindi naman ako nati-trigger. Feeling ko kasi, may gusto na rin sa akin si Jake Xander at hindi lang maamin sa akin. Pakiramdam ko rin ay kami na noon. Until one day, Jaze Xanter came up. Twin brother ni Jake Xander. Galing pang abroad at umuwi sa pilipinas para seryosohin ang pagaaral dahil sa naging bulakbol raw ito sa iniwang bansa. Doon ay parang nagkaroon ng changes between me and Jake Xander. Hindi ko alam kung bakit hindi nagkikibuan sina Jake at Jaze that time until now. Lagi din silang nagiiwasan. Hindi naman ako marites para alamin ang hidwaan nila. Naging malapit din sa akin si Jaze. Sobrang clingy at mahilig nitong mang-akap. Subalit, wala naman raw malisya iyon ayon dito kaya hinahayaan ko lang. Para ko na rin itong kapatid. Pero, hindi ko akalain na iyon din ang simula ng pagiwas sa akin ni Jake Xander. Lahat ng daily routine namin ay naging kabaligtaran na. Kahit sa school ay hindi ko na rin siya nakakausap dahil nasa iba ang atensyon niya. Sa bahay naman ay madalang siyang lumabas ng kwarto. Hindi na kami nagkakasabay kumain, gumawa ng homework at ng kung anu-ano pang kinasanayan kong kasama siya. Iba na rin ang treatment niya sa 'kin. Sobra akong nalungkot noon. So, one day I confronted him. Pero, imbes na maging okay kami ay nagalit pa siya sa 'kin. I ask him kasi kung dahil ba sa closeness namin ni Jaze kung kaya niya ako iniwasan. Tinanong ko kung nagseselos ba siya kay Jaze.. But, he said not and he doesn't care daw kung anuman ang mayroon kami ni Jaze. At iyon na ang huli naming paguusap. I was so depressed that time. Parang gusto ko na ngang umalis sa bahay nila noon, eh. Kaya lang, ayoko naman na masayang ang mga ginastos sa akin ng mommy niya sa pagpapaaral sa akin. And then, one of the happiest day of my life became worst. Kasi noong mag-16th birthday ako at kasabay pa ang graduation namin sa high school ay isinama ni Jake Xander sa bahay nila si Honey Kate na matagal ko ng alam na may gusto sa kanya. At ang masakit sa part na iyon ay ng ipinakilala pa ni Jake sa harap ng mga bisita at kamaganak nila na girlfriend niya ang babae. Para akong pinagsasaksak ng kutsilyo sa dibdib no'ng mga oras na iyon. Grabe ang iyak ko at nagkulong sa kwarto. Hindi ako lumabas ng ilang araw matapos noon. Sobrang alalang-alala naman ang mommy ni Jake sa akin. Inalam niya ang dahilan ng pagkukulong ko. At doon nito nalaman ang totoo na nahulog na ako ng tuluyan sa anak niya. Kaya naman, ito na rin ang gumawa ng paraan para magkatuluyan kaming dalawa ni Jake Xander. One month after naming makatapos ng college ay ipinakasal kami ng mommy niya. Natigil sa paglalayag ang isipan ko nang biglang may gumalaw sa paanan ko. Napabangon akong bigla at tiningnan iyon. Napangiti ako. Napalitan ng saya ang kaninang malungkot kong mukha. Naroon kasi naglalaro ang aso ko sa paanan ko. Kalaro niya ang stuff toy ko na pinangalanan ko pang Rahnder. It's a boy teddy bear kasi. "Chami, come here. I need a hug, please. Dalhin mo si Rahnder. I wanna hug him too." Utos ko sa aso ko na mabilis namang tumalima. Niyakap ko ang aso ko ng mahigpit maging ang stuff toy. Sila ang kumu-comfort sa akin dito sa bahay. Si Amierizz naman ang nandiyaan kapag gusto ko ng taong kausap. Ilang sandali pa ay bumaba na ako ng kama at tinungo ang banyo. Naligo ako at nagbabad ng ilang minuto. Pagkatapos ay tinungo ko naman ang closet para kumuha ng pambihis at namili na rin ako ng isusuot ko para mamaya. Napagdesisyunan kong pumunta mamaya sa reunion party. Kahit naman hindi ako magpaalam kay Jake ay wala naman siyang pakialam sa akin. 'Tsaka wala siya rito. Hindi ko rin makontak ang cellphone niya. Black sleeveless dress at may slit sa gilid ang napili ko. Malalim din iyon sa may dibdib kaya litaw ang malulusog kong dibdib. Isang beses ko pa lang nagamit iyon at noong araw pa kung kailan na-broken hearted ako. Inilagay ko na iyon sa ibabaw ng kama at saka ko naman tinungo ang lalagyan ng high heeled shoes ko na regalo pa sa akin ni Amierizz no'ng birthday ko. Black stiletto iyon at may pearl sa gilid. Napatingin ako sa orasan. Alas dos na pala ng hapon. Gano'n kabilis ang oras nang hindi ko namamalayan. Hindi rin naman ako nagugutom kaya't hindi na rin ako kumain ng pananghalian. Ilang oras na lang din kung kaya't mabilis akong pumunta sa kusina para lutuin ang naunsyaming bulalo. Niluto ko pa rin iyon nang sa gano'n ay may maabutang pagkain si Jake Xander paguwi niya. Nang matapos ay kinuha ko na rin ang mga nilabhan ko at saka ko iyon isinampay. Niligpit ko rin ang iba pang kalat bago ako pumanhik sa kwarto para muling magpahinga. Natulog ako ulit dahil panigurado ay mapupuyat ako mamaya. Nagising ako ulit sa tunog ng alarm clock ko. Kaagad akong bumangon at tiningnan ang oras. Alas singko na ng hapon. Kaya naman ay muli na akong pumunta ng banyo para maghilamos. Paglabas ko ay saka ko na inayos ang sarili ko. Mild make up, white pearl earrings and necklace and a white purse. Black sexy fitted dress and stiletto. Iyon ang description sa repleksyon ko salamin. At masasabi kong mas gumanda pang lalo ang hubog ng katawan ko. Hindi rin halata ang stress sa mukha ko. I look like a happy wife and in love. I took a deep..deep breath. Hindi ko alam kung ano pa ba ang kulang at ayaw ibaling sa akin ni Jake ang pagtingin niya. Nagse-senti pa ako nang marinig kong tumunog ang doorbell. Kasabay na tumunog ang cellphone ko. Nang kunin ko ang screen ay nakita kong si Amierizz iyon. Instead of answering her call, I canceled it. Dali-dali na akong lumabas ng kwarto at bumaba sa hagdan. Inilibot ko rin muna ang paningin ko sa buong salas bago ako lumabas ng bahay at ini-locked iyon. Pagbukas ko ng gate ay ang nakabusangot na mukha ni Amierizz ang bumungad sa akin. "Ano ka ba naman, Tarah! Mahirap bang sagutin ang tawag ko, ha?" Nakangusong tanong niya habang bumebeso at yumakap sa akin. Nginitian ko na lamang. "Lalabas na rin kasi ako, eh, kaya hindi ko na sinagot pa. 'Wag ka ng magalit diyan. Masisira ang aura mo. Ang cute pa naman ng pa-butterfly dress mo," sabi ko at kumalas sa kanya. Umismid siya pero napalitan din iyon ng ngiti. "Na-order ko sa online, eh. Sobrang in ngayon 'to. Nakita kong suot 'to ni Anne Curtis and Alexa ilacad. Inggetera ako kaya bumili rin ako. Hehe!" At saka niya inirampa-rampa sa harap ko. "Bagay sa'yo." "Wow! Thanks! Ikaw din, walang pinagbago...sobrang ganda pero binuburyo lang ang ganda sa loob ng bahay." "Tsk. Halika na nga at baka ma-late pa tayo. Gusto ko na ring makalaya sa kulungan ko, eh." Pabiro kong sinabi iyon pero sa loob-loob ko ay totoo. Inakay na niya ako papasok sa loob ng kotse niya. May kaya rin ang pamilya ni Amierizz kung kaya't lahat ng mga kapatid niya maging siya ay may sari-sariling sasakyan. "So, paano 'yan, Tarah? Wala kang partner doon. Lahat kasi ay taken at may asawa na ang magsisipunta sa party. Pupunta rin doon si Jhom kaya maa-out of place ka." "Okay lang sa akin ang mag-solo. Kakausapin ko na lang 'yong mayari no'ng bar at ako na ang kakanta doon. Namiss ko na ring mag-gig, eh. Namiss ko na 'yong banda natin." "Hmm.. Pwede naman. Eh, nasaan ba kasi 'yong asawa mo at hindi mo isinama?" Tanong niya habang nasa daan ang paningin. Bigla akong nalungkot. "Wala siya roon, eh. Hindi ko alam kung nasaan. Hindi ko rin makontak ang cellphone niya." Huminga ako ng malalim at natulala sa harapan. "Tsk! Ano ba naman 'yang asawa mo! Dapat nagpapaalam siya sa'yo. Hindi 'yong aalis lang siya nang walang pasabi kung saang lupalop pupunta!" Medyo lumakas ang boses niya. Pero, naiintindihan ko. Hindi na lang din ako umimik. At mas nauunawaan niya kapag nananahimik ako. "Tarah.. I feel you. Hindi mo man aminin sa akin ay alam ko kung anong pinagdadaanan mo. Hindi madali ang pinasok mo. Talagang mahihirapan ka. Pero, sana naman ay huwag mong pababayaan ang sarili mo. Huwag kang magpapaka-martir diyan sa asawa mo. Try to ignore him just like what he always did to you!" Bestfriend ko siya since highschool kaya simula't-sapol ay kilala niya si Jake. Alam niya ang treatment sa akin ng asawa ko. Hindi pa rin ako umimik. Tumatak sa isipan ko ang huling sinabi niya. "Basta kapag kailangan mo 'ko, tawagan mo lang ako, Tarah. Hindi ako magda-dalawang isip na puntahan ka. Akong bahalang kumarate diyan sa asawa mo." "Tsk! Okay na sana 'yong una, eh, dinagdagan mo pa ng biro." Bubulong-bulong ko. "Hindi biro 'yon! Ha! Mananagot siya sa 'kin kapag sinaktan ka niya at inabuso! Mark my word, bestie!" Tumango na lamang ako upang sumangayon. Mabilis lang ang naging biyahe namin. Wala ngang bente minutos ay nakarating na kami sa bar and restaurant na pagdadausan ng party. Sa labas pa lang ay dinig na namin ang tugtog sa loob ng bar. Mukhang nagkakasiyahan na ang ilan sa mga ka-batchmate namin. Nakaramdam ako ng excitement pero may parte sa loob ko na nalulungkot dahil solo flight ako. "Tarah, halika na!! Dali!!" Tumitiling sambit ni Amierizz pagkalabas namin ng kotse. Hila-hila pa niya ako sa braso habang papasok sa loob ng bar and restaurant. "Oh my gezzz!!! Nandito na silang lahat! Super dami!" Sigaw pa niya dahil halos hindi na kami magkarinigan sa lakas ng tugtugin. Lumapit kaagad kami sa table kung nasaan ang mga kaklase namin na agad naman kaming sinalubong. "Oh! There they are! Come over here!" Aya sa amin ng muse ng section namin no'ng highschool na si Valerie San Diego. Nasa magkabilaan niya ang mga dating asungot na sina Frexen Mae Gonzales at Kattie Ann Valencia. Sila 'yong maaarteng kaklase namin. Mukhang maarte pa rin until now. "Hello, guys!" Bati ni Amierizz sa mga iyon. Lumapit kami at nakipagbeso sa mga ito. "Good evening, everyone!" Kumaway pa siya sa mga naroon sa dance floor na nagsilingon sa amin. "Good evening, everyone. Nice to see you guys again." Pilit akong ngumiti sa mga ito at kumaway rin kagaya ni Amierizz. "Oh my jezzz! Is that really you, Attharah Jade? You look change!" Ani Valerie, titig na titig sa akin. "Mukha lang siyang nagbago dahil sa suot niya pero wala namang pinagbago sa hitsura niya..diyosa pa rin," ani Amierizz. Kumibit naman ng balikat si Valerie. Nakangiwi. "Uh...fine. But, where is your partners? Don't tell me wala pa kayong asawa or even boyfriend?" "We're taken, you know!" tugon ni Amierizz. "I know! Minu-minuto mo ba namang i-post sa social media ang boyfriend mo! Duh! But, how about you, Attharah Jade? Where is your partner?" "Wala dito," tugon ko. "Uhh..sayang. Never naming makikilala. Aasarin ko sana." Napailing na lang kami ni Amierizz at saka namin ito tinalikuran. Kahit kailan ay wala pa rin itong pinagbago. Nilapitan na rin namin ang iba pa naming kaklase at nakipagkamustahan, kaunting chikahan lalo na doon sa mga seatmates namin habang kumakain. Naisip ko..pupunta rin kaya dito si Jake? Halos kasi kumpleto kami at siya lang ang wala. Nakaupo lang ako sa at pinagmamasdan ang mga dati kong kaklase na nagkakasiyahan kasama ang mga partners nila. Maging si Amierizz ay humiwalay na rin dahil dumating na ang nobyo niya at kasalukuyan silang nasa dance floor. Habang sumisimsim ako ng wine ay napapasulyap ako sa stage kung saan may bandang tumutugtog. At para akong hinihila patungo doon. Kaya naman ay tumayo na ako at tinungo ang backstage. Gusto kong kausapin ang manager para payagan akong makakanta kahit na ilang songs pa. Gusto ko lang uli maranasan ang umawit sa harap ng maraming tao lalo na mga kakilala ko pa ang nandirito. "O sige. Walang problema." Ayon sa manager nang makausap ko ito. Matandang lalaki iyon at puti na ang mga balbas. Nakangiti itong tumango-tango. "You can ask the band too para malaman nila kung ano-ano ang mga genre mo. You can start anytime you want, Miss." "Thank you, sir!" Nakangiti akong tumalikod sa manager at halos patakbo kong inakyat ang stage. At doon nakuha ko ang atensyon ng mga myembro ng banda. I also talk to them. Sinabi ko sa mga ito kung ano ang una kong kakantahin. Bale, magsi-second voice sa akin ang vocalist. That's okay. Mas maganda. "Let's start! I'm ready." Umusbong ang bulungan nang pumunta ako sa gitna ng stage at humarap sa mga dati kong kaklase at mga partners nito. Marahil, nagtataka sila kung bakit ako nandirito. "Bestfriend ko 'yan! Galingan mo, bestie!" Rinig kong sigaw ni Amierizz. Kumaway-kaway pa siya habang malawak ang ngiti. Tumango naman ako at saka pilit na ngumiti. Subalit, agad na nawala ang ngiti sa mga labi ko nang tumagos ang paningin ko sa bahaging likuran ni Amierizz. Naroon nakatayo si Jake Xander habang katabi ang nakaismid na si Honey Kate.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD