Chapter 5

4084 Words
MARIAS OF MY LIFE Maria Jessielyn Ortega THE TOMBOY by: Blackrose Chapter 5 The time na nag-iisip kami pareho ni Jessie ng kakantahin ng isa ay pumasok na sa isip kong malamang ay pagti-tripan na naman niya ako sa kantang pipiliin niya kaya naman pambabaeng kanta ang pinili ko for her. Pero when it's my time to sing at nakita ko ang title sa screen, naisahan talaga ako ng babaeng iyon. Kalinya daw ng Versace On The Floor eh kapanahunan pa ito ni Tito Jess ang kanta! Kahit na alanganin ako ay kinanta ko parin ang My Way, nakanta ko naman ng maayos pero asar na asar ako sa tawa ni Jessie. Akala niya naisahan na niya ako ha? Just wait Jessie, iyang tawa mo mapapalitan ng busangot mamaya. When her name was called, hindi ko pinahalata sa kanyang natatawa ako. Mapapahiya ang isang iyon dahil ang mga kinakanta niya ay kanta ng CREED, The Calling, AEROSMITH, Bon Jovi at Maroon 5. Excited na'ko! Napangisi ako when I saw her eyes bulged ng makita niya ang kakantahin niya, napahagikgik ako ng mapakamot siya sa batok niya and she took a deep breath. Nakahanda na ang malakas kong tawa, ito na! Magsisimula na siyang kumanta. 'Jealous of the girl who caught your eyes One of my darker days When you looked at her Where was I? Shoulda been in her place Here I am All alone imagining What might have been What could have been If I had been there... 'THE f**k?!' My eyes are on her alone, hindi ko na nga pinapansin si Nancy kahit pa nilalandi niya ako. THE f**k TALAGA! I never heard her sing songs na babae ang kumanta. Never ko pang narinig ang boses niya na gentle and lady like, palaging malalim at boyish ang tono niya. WHAT THE HELL?! Sa tagal kong kasama at kakilala si Jessie ay may mga bagay pa pala akong hindi alam sa kanya, katulad na lang nito! Nasanay ako sa Jessie na kilos lalaki, hindi pala-ayos, walang ka-poise poise lalo na sa pagkain, garapal at astig pero nawala sa isip ko na babae parin pala siya. I saw her as one of the boys na kayang gawin ang mga nagagawa ko at kayang sabihin ang mga sinasabi ko, I just realized something while hearing her voice now that she is still Maria Jessielyn after all. Hindi ko maalis ang mga mata ko sa kanya, I just couldn't take my eyes off her. There's this force na humahatak ng eyeballs ko para tignan siya and her alone. Her soothing voice, the way she sway to the tune of the song, her eyes and stare that seems to talk to me while she's looking at me. Na parang ang pinili kong kanta para sa kanya ay she's singing it to me now. Agad kong tinungga ang beer na nasa harapan ko at mabilis na nagsindi ng sigarilyo. Ang tatlo ay nagpunta pa talaga sa unahan, well I can't blame them... They are also in awe. Ako ngang kasa-kasama niya mula bata kami at bestfriend pa ni Jessie ay namangha, sila pa kaya? Alam ko naman na maganda ang timbre ng boses niya, I heard her sing before. Madalas ko siyang kasama dati sa videokehan, lounges, clubs pati pa nga sa mga arcades na may videoke booth hindi namin pinatawad because like her, I also love singing. Bakit nga ba hindi ko naalalang babae parin siya kahit anong tago niya sa damit, salita at kilos niya... The truth remains that Jessie is still a woman. Nasanay lang ako sa nakagawian ko sa kanya kaya I treated her as equal as us men. Nang matapos siyang kumanta ay halos lahat ng tao sa MUSIC 21 even I, stood up and applaude her. Second time ko pa lang na makita siyang mamula, ang first is when I unexpectedly saw her wearing only her undergarments pagbukas ko ng pintuan ng kwarto niya. Her plain face is glowing right now, parang bigla siyang nag-blush on all of a sudden. Sabay-sabay pa silang naglakad na apat pabalik sa table namin, bigla akong nakaramdam ng sudden jolt of something inside me but I neglect it. What I'm feeling at the moment is but natural, seeing your bestfriend being with other people. Natural lang na makaramdam ako ng pang of jealousy dahil the attention is not mine alone anymore. 'Ang galing talaga nitong si Jessie! I thought I was in a concert kanina sa unahan! You are really something Jessie, I am very very impressed! Palagi ka na namin isasama sa mga ganitong gimicks, diba Michael?' sabi ni Stephen sa'kin kaya all eyes are turned on me. 'Ha? Oo naman! She is always welcome to join us anytime!' I fake a smile at umiwas ng tingin sa kanya, I know malalaman niyang may iniisip ako at the moment. She knew me well enough, more than I knew myself. Umupo na silang apat. Nasa dating pwesto sila Manuel at Harold, pero si Stephen ay umusog na isang upuan paloob kaya naging katabi na niya si Jessie this time. Katapat ko na siya and I must say, she is enjoying the night. I am happy she does dahil sobrang hectic at busy ng buhay niya, 7 days a week. Minsan lang siya maging malaya in all her responsibilities in life, masaya akong kahit papaano natutulungan ko siya. January 29, 2017 (Sunday) 12:05am... 'Salamat sa pagsama mo sa'kin sa MUSIC 21, nag-enjoy ako.' 'Masaya rin ang grupo na makasama ka, they seemed to enjoy your company too. Sige na! Pumasok ka na nang makauwi na ako, maaga pa ako bukas sa shop.' 'Tayo! Maaga pa tayo bukas sa shop!' she corrected me. 'Oo nga pala! Go inside, inaantok narin ako!' tumalikod na'ko at nagsimulang maglakad palayo sa kanya who's standing at their doorstep. 'Salamat ulit! Goodnight!' mahinang sigaw niya sa'kin. Napahinto ako and stood still from where I am standing. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kaya kung ano na lang ang nasabi ko, what comes first out of my mouth. 'Dala ka ng breakfast natin tomorrow, iyong favorite bread and spread mo. Iyong pandesal at peanut butter ba iyon? Ako na ang bahala sa coffee natin.' ginalaw-galaw ko ang magkabilang kamay ko na nakasuksok sa loob ng mga bulsa ng jeans ko. Alam ko naman na butter ang favorite niyang spread sa pandesal, niloloko ko lang siya. I waited for a minute bago ulit ako naglakad pero napahinto ako ulit when she said something na ikinahinto ng lakad ko. 'Hindi peanut butter ang paborito kong palaman sa pandesal! Mantikilya! Do you hear me? It's butter without peanut! Ikaw ha, nakakalimutan mo na ang tungkol sa akin! Dami na kasing babae sa buhay mo kaya nakakalimutan mo na ako paunti-unti! Pasok na'ko! Ingat ka pauwi!' When I heard their door opens and finally closed, tumingin muna ako sa pintuan nila and suddenly naalala ko na naman ang mga huling sinabi niya sa akin. After kong umiling ay naglakad na ako papunta sa sasakyan ko na nasa kanto. Pagdating sa condo ay agad akong humiga sa kama ko and switch on the aircon. Matagal na akong nakahiga at nakatingin lang sa ceiling pero hindi parin ako kumikilos or tumatayo para makapagpalit ng damit. 'Putangina!' dali-dali akong tumayo, strip my clothes at pumasok ng bathroom. I let the coldness of the water washed away the weirdness that is creeping inside me right now. Nang makuntento ako sa ginawa kong pagtayo lang sa ilalim ng shower, lumabas na ako and wore my boxer. Pagbagsak akong humiga sa kama and shut my eyes. Ngunit napabalikwas ako, napadilat at napaupo when I saw Jessie's face while looking at me  That's when she was singing sa MUSIC 21 kanina. Napasabunot ako sa buhok ko at shake my head vigorously. 'The f**k!! What's with you Michael? Kulang ba ang nainom mo kanina? Napa-praning ka na naman diyan!' I shut my eyes again trying to calm my senses pero nakita ko ulit sa isip ko si Jessie na nagba-blush at namumula ang mga pisngi. Lumayo ako sa kama at dumeretso sa mini bar ang kwarto ko, kumuha ako ng cube ice sa mini ref at brandy.. Nagsalin ako ng brandy sa rock glass at naglagay ng yelo, after a few stirring ay tinungga ko ang alak. Not leaving a single drop behind sa glass, pinakiramdaman ko ang utak ko. Kulang pa! Nagsalin ulit ako ng brandy and again drank it all. 'Tangina mo Michael Noah Lardizabal! Ganitong-ganito ka ng tamaan ka kay Diana noon! f**k! f**k! f**k! Hindi si Jessie! Bestfriend ko siya! Hindi kami talo! This is not acceptable!!' 6:30am... Maaga akong dumaan ngayon kila Jessie, 6:30 to be exact ay nandito na'ko sa sala nila at nakikipag-kwentuhan kay Mikael. Nagulat pa si Jessie when she saw me laughing with her brother nang lumabas siya sa banyo nila. 'Dalian mo Jessie! Maaga daw ang gawa ninyo ni Michael ngayon sa Burdado, gumayak ka na!' pagmamadaling sabi ni Mikael sa kapatid na napatunganga pa ng makita ako na nakaupo sa sala nila at nakangiti sa kanya. 'Ang aga mo naman! Wala naman sa usapan natin na dadaanan mo ako dito, hindi ba?! Eh bakit nandito ka ngayon?! Ang aga-aga ikaw agad ang mabubungaran ko! Hay naku Lord!!' padabog siyang pumasok sa loob ng kwarto niya. 'Pagpasensyahan mo na lang iyang bunso namin, baka red flag kaya bugnutin!' hinging paumahin sa'kin ni Mikael. 'Kuya!!! Magtigil ka!' sigaw naman ni Jessie sa kwarto niya na ikinatawa namin ni Mikael. Wala sila Tito at Tita pati si Mark at Miguel, nasa simbahan daw. Paalis narin halos si Mikael ng maabutan ko. 'Ang aga-aga mo naman nambulabog sa bahay! Saka bakit mo ako dinaanan, wala naman tayong usapan diba? Hindi na tuloy ako nakapag-paalam kila tatay at nanay.' 'Sorry.' I saw her quickly glance at me. 'Natulog ka ba? Ang laki ng eyebags mo, hoy! Nakatulog ka ba sa bahay mo pag-uwi mo kanina madaling araw? O nag-droga ka? Mukha kang lutang, hoy! Naka-ilan kang katol kanina?' Hindi ko na siya kinibo at sinagot. Tumigil ako sa nadaanan namin coffeeshop, pagbaba ko ay bumaba rin pala si Jessie at sumunod sa akin sa loob. 'Have you locked the doors?' I looked at her, towering her down. 'Opo! Huwag kang mag-alala! Hindi mawawala ang stocks ng condoms mo doon!' humagikgik pa siya which I find her cute. Putangina Michael! Si Jessie? You find her cute?! Sira na talaga ang ulo mong gago ka! Kagabi ka pa natatanga! Ilan katol nga ang sininghot mo kagabi?! wika ng maliit na bahagi ng utak ko. I shook my head and ordered 2 Espresso. Nagtuturo rin si Jessie ng mga pastries na nagustuhan niya. By 7:15 ay nasa shop na kami. Malapit lang naman itong tattoo shop ko dahil San Juan lang rin at Sunday pa ngayon, maluwag ang kalsada. We have our breakfast together after niyang magwalis sa loob ng shop. Siya lang ang may gawa ngayong 8, mamaya pa ang customer ko by 10 na dati ko narin tinatuan. Habang kumakain kami ay pinakita sa'kin ni Jessie ang drawing niya na mga bulaklak in different colors. May red, blue, purple, yellows at mga butterflies and bird. Maganda ang color combination niya sa drawing niya and I know Janice will love this too on her back. Nilagay niya rin sa harapan ko ang next na drawing niya na gustong ipa-tattoo ni Emily sa dalawang paa niya. Emily is Jessie's 11am customer and she wanted na blue shoe laces at rubbershoe holes on both her foot. Parang ang paa niya ang magiging sapatos, that's was what she exactly told me ng makausap ko siya here noong nakaraang araw. 'This is nice! Very nice! Magugustuhan ni Emily ang realistic approach ng drawing mo ng lace and those holes. Ikaw na talaga! I'm more than impressed!' so much more than impressed Jessie. Gusto kong idagdag iyon but I immediately sip my coffee bago pa lumabas ang mga salitang iyon sa bibig ko. Habang kinukuha niya pa sa plastic envelop ang isa pang bond paper, I freely roam my eyes on this beautiful and refreshing creation of God infront of me. Napaka-simple lang talaga niya pero ang ganda niya. Hell yeah, ang ganda pala talaga niya! I never imagined in my entire life na kasa-kasama ko siya that I'll look at her the way I am looking at her now, hindi ko akalain that I'll stare at her differently now unlike years ago until yesterday afternoon. I never thought that I'll see her not as manly as she was, not as Jessie na Assistant Tattoo Artist ko, not as Jessie who is the Best Female Mechanic here in San Juan City but I saw her now bilang Jessie na babae at bilang Jessie na binubulabog ang isip ko mula pa kagabi. Nabalik lang ang diwa ko when she speaks. 'Ito pa. Matagal kong pinagtuunan ng oras 'yan.' inabot niya sa'kin ang last na bond paper wherein drawing ito ng design para sa ipapagawa ni Zander sa ulo niya. It's a 3d drawing na broken cranial, na parang pinukpok ng hammer at nabutas ang ulo na may mechanical gears inside. Seeing her drawing right now, parang I want rin na magpagawa ng ganoon sa kanya. 'This is a state of the art, world-class perfection! Zander will be pleased to see this! Hindi naman siya "virgin" sa tattooing like you always say sa mga first time customers mo, kakayanin niya ang sakit nito! Worth naman ang ganda nito after the pain!' 'Ang ganda diba? Pinaghirapan ko 'yan kesa doon sa dalawang nauna kong ipinakita sa'yo.' she is staring amazingly also sa iginuhit niya. 'You're right, sobrang ganda nga.' I am looking not at her drawing but I am amazingly staring at her features na naka-side view sa paningin ko. Kita ko ng malapitan ang mahahaba niyang eyelashes, her proudly thin pointed nose, the shining glimmer of her right eye, the right wing of a happy smile ng lips niya, her right cheekbone, her glowing blonde hair na nasisinagan ng liwanag. Tumayo ako agad, bitbit ang coffee tumbler ko and stashing my cigarette pack. Dali-dali akong naglakad away from her but before I finally step outside the door, nagsalita muna ako. 'Yosi lang muna ako sa labas, masarap nga pala na ka-partner ang sigarilyo sa coffee. Dito lang ako.' Patay ka Michael Noah Lardizabal! Yari ka! You are falling to a person na alam mong may phobia na sa mga lalaki! Oh Dear Lord! I am smitten by her ng hindi ko man lang namamalayan! Help me Lord! I don't know what to do, help me Lord! 8:20am... Jessie's starting on Janice's back and as I expected, she loves the design. Janice's back is bare, actually ang buong upper body niya ay bare. Nakatakip lang ng sarong ang bandang breast niya. Natatawa ako sa facial expression ni Jessie, pinipilit niyang mag-concentrate although I know she is distracted. First time niya kasi sa tagal niyang tattoo artist dito na mag-tattoo ng halos buong likod ng babae kaya kailangan talagang walang damit para hindi sagabal. I took a shot nang tatlong flowers na lang ang walang shade, pinakita ko kay Janice ang almost finished product sa likod niya. She smile widely, she is a happy customer. At kapag happy customer, malaki ang tip for sure. Pagdating ng 10am ay dumating na si Nimfa. Nang pasimula na ako ay siya naman tapos na ng gawa ni Jessie sa likod ni Janice. I saw Jessie grab a stick of cigar then my lighter and she went outside after naabot ni Janice ang bayad sa kanya. I knew Jessie smokes paminsan-minsan kapag either pagod siya or broken, pagod siya ngayon. After awhile ay dumating na si Emily, ang 2nd customer ni Jessie. 'Oh I so love it, Jessie! Ang pretty pretty!' tili ni Emily ng matapos ang pagta-tattoo ni Jessie sa kaliwang paa niya. Sumaglit ako sa pwesto niya and took another shot sa paa ni Emily. I want kasi to compile some new designs na wala pa sa unang album ko na na-compile and is now used as pattern ng mga customers na wala pang maisip na ipapa-tattoo nila. Kaya I take pictures para I'll compile it too. Hinintay kong matapos si Jessie sa ginagawa niya kay Emily, sakto naman na pagkatapos niya sa kanang paa ni Emily as ang dating naman ng inorder kong lunch namin ni Jessie sa ChowKing. I set up the table habang nagliligpit si Jessie ng mga pinag-gamitan niya. 'Tara, let's eat!' nilagyan ko ang plate niya ng 2 orders of beef chowfan at tinapat ko sa kanya ang shanghai rolls, fried chicken at sweet and sour pork. Sumubo na siya pero ako ay pinapanood lang siya habang she is chewing. 'Hmmm!' sumenyas siya na umupo na ako at kumain narin, she can't speak dahil punong-puno ang bibig niya. Natawa na lang ako sa kanya bago umupo and have my lunch also. Never ko pang nakasalo sa lunch si Jessie, now lang nga talaga kasi I seldom see her every weekdays because of her schedules at school. Then every Saturday and Sunday, she's at Casa Delida until 5pm. Kaya ang makasama siyang kumain for lunch is something that is new to me. Kung malakas siyang kumain ng gabihan, mas double pa pala kapag lunch. 'Where do you put all those foods?' hindi ko na napigilan ang sarili ko na tanungin siya. 'Hmm?' napahalakhak ako sa itsura niya. Punong-puno ang bibig niya ng pagkain then nakataas ang both eyebrows niya habang ngumunguya siya. 'I said, saan mo nilalagay ang mga kinakain mo? Pangatlong chowfan mo na iyan... Hindi ka naman tumataba! I wish I can have the metabolism as yours, na hindi ko na kailangan mag-gym pa para ma-maintain lang ang body ko.' 'Eh bakit ba?! Sa ganito ako eh! Mabilis ang panunaw ko kaya swerte ko lang! Wala ka bang inorder na matamis?' 'Oh man! Haha! The f**k! Gusto mo pa ng sweets? Gaano na ba kalaki ang ahas sa tiyan mo? Anaconda na ba 'yan? Is that why you ate like a contruction worker? Haha! I have a brownies sa bag, kunin mo na lang there!' 'Tawa ka! As if siya hindi rin mahilig sa matatamis after meal?!' 'Hati pala tayo Jessie! Share tayo sa brownies!' 'Tumawa ka diba? Pinagtawanan mo pa nga ako diba?' she unwrap the square sized brownies na sa akin talaga. 'JESSIE! f*****g s**t KA! SABI KO HATI TAYO! I DIDN'T SAID NA KAININ MO NG BUO! JESSIE!!! Jessie naman eh!! Ang duga mo talaga kahit kailan!' umupo na lang ako sa table ko while I watch her shake her hips na nakadila pa sa akin na alam kong nang-aasar pa siya. Pagdating ng 2pm ay ginising ko na si Jessie dahil dumating na ang customer niyang si Zander. Sarap ng buhay ng babaeng ito eh! Matapos kumain, she slept. Binilinan niya kasi ako to wake her up if Zander arrives. 'Jessie, Jessie! Hoy! Jessie! Gising!' kanina pa ako gising ng gising sa kanya pero she still isn't moving. Tulog mantika talaga ang isang ito kahit kailan. 'Jessie! Zander's here! Ayaw mo talagang gumising? Ha Jessie? You sure about that? You won't move?' May bumbilyang umilaw sa utak ko na nagpangiti sa akin. I went sa table ko kung saan kami kumain kanina ni Jessie, may yelo pa sa basong ginamit ko kanina. Kinuha ko ang yelo at nakangising naglakad papunta sa leaning chair ni Jessie where she sleeps. Sumenyas ako ng "QUIET" kay Zander na ikinatawa naman niya. Bumilang ako sa darili ko and when ika-3rd finger na, mabilis kong hinulog sa nakaawang na b****a ng manggas niya sa kilikili ang yelo. Bigla siyang bumangon and lost her balance that made her fall hard, front first sa sahig. 'NOAH!! TANGINA KA NOAH!! MAGTAGO KA NG HAYOP KA! BUBUGBUGIN KITA! PUPUTULIN KO IYANG PUTUTOY MO PARA MAWALAN NA NG SILBI!! WAAH! ANG LAMIG TANGINA MO!!' tinaas pa niya ang tshirt niya para palabasin sa ilalim ang yelo. 'Bwahaha! I've been waking you up but you didn't move! Zander's here, kanina pa!' Napatingin naman siya sa nginuso ko at dali-daling binaba ang tshirt at tumayo. Namula pa siya, probably because napahiya siya dahil may ibang tao. Ang cute niya kapag namumula, mukha siyang siopao na nilagyan ng catsup. 'Sorry Zander ha. Ito kasing si Noah's Ark hindi ako inigi ng gising, sorry ulit. Ito pala iyong drawing ko para sa sinabi mong gusto mong ipagawa sa ulo mo. Tignan mo kung ayos na 'yan sa'yo para mabakat ko na, matagal na gawaan ang sa ulo kaya kailangan na natin magsimula. Hindi ka naman high blood?' 'Nope, healthy ako! Ayos ito sa'kin, ang ganda nga eh! Magkano ang ganito, Jessie? Siyete singko lang ang budget ko eh!' inabot niya na ang papel kay Jessie. I've been listening lang sa kanila habang nakataas ang mga paa ko sa table ko. 'Ikaw naman parang hindi suki! Siyete na lang para may pambili ka ng pain killers mamaya at pang yosi mo. Okay na ito ha?' nagpunta na siya sa sketching table namin at sinimulan ng mag-trace. Ang bait talaga ni Jessie, kaya dumadami ang mga customers niya! Iyong drawing niya na 3d head tattoo, 8k ang presyo noon pero binigay niya ng 7k. Sabagay pangatlong balik na ni Zander dito sa Burdado. Noong una sa'kin sa binti niya tapos iyong huli na lion's head sa likod niya na tinabraho ni Jessie at saka itong ngayon. Totoo naman kasi na kapag nasubukan mo ng magpa-tattoo, kapag naranasan na ng katawan mo iyong sakit at sarap sa pina-tattoo mo ay babalik-balikan mo na. Hahanap-hanapin na ng katawan mo ang sakit ng needles. Addictive ang tattoo lalo na if you'll always see your inked, mae-enganyo ka ulit na magpalagay. Nagsimula si Jessie sa ulo ni Zander at 2:30, past 5pm na hindi parin sila tapos. Mahirap naman talaga kapag sa ulo ang tinatatuan, may mga instances pa nga na sa sobrang nervous ng client ay nauubusan ito ng hangin sa katawan and nagko-collapse. Mabuti na lang itong si Zander, bihasa na sa sakit ng karayom. Isa kasi sa pinaka-masakit na matatuan ay ang ulo. 'Yosi break muna tayo, Zander! Tangina, pinagod mo ako! Daig ko pa ang nakipag-ano sa pagod ko eh! Tara sa labas para matignan natin sa liwanag ang bungo mo!' All three of us went outside, sa gutter lang ng shop kami umupo. Nasa gitna namin ni Jessie si Zander na kalmado parin ang itsura. 'Hindi masakit bro?' tanong ko matapos kong humitit sa stick ko. 'Sakto lang! Kayang tiisin! Magaan naman ang kamay ni Baby Jessie!' 'Baby Jessie ha!' humitit muna si Jessie, I can see sharpness in her eyes. 'Hindi ka nasasaktan sa karayom, eh paano kung kamao ko ang patatamain ko diyan sa ulo mo or sa panga mo? Masasaktan ka kaya? Testingin kaya natin ng magka-alaman! Ano, Baby Zander?!' she held her cigarette between her lips at pinatunog ang mga daliri at kamay. 'Laos! Ano Zander?! May pa-baby baby ka pang nalalaman diyan! Kaya mo ba si Jessie? Black belter 'yan ng Karate! Pasok na ako!' Hindi pa man 3/4 ang nahihitit ko ay tinistis ko na ito sa sahig at tinapon na sa cigarette bin. I chuckled when Zander hurriedly follows me inside. 'Kayo naman hindi na mabiro, I was just kidding Michael.' 'Iyong isang barkada ko sinapak ni Jessie sa panga, humalik sa sahig ah! Pinatong lang ang kamay sa kamay ni Jessie, ayun! Maga ang panga at nangingitim! Magloko ka na sa lasing at sa bagong gising, huwag lang kay Jessie na bugnutin!' tatawa-tawa lang si Jessie sa sinabi ko. 'Tapusin na natin ang bungo mo at gusto ko ng umuwi! Gusto kong matulog sa bahay, inaantok na ako!' humikab pang sabi ni Jessie. 'Wala kang pasok bukas diba?' tanong ko kay Jessie but I know na wala nga siyang pasok bukas at sa next day. 'Oo, holiday diba? Bakit?' 'Gala tayo! Laro tayo ng basketball or let's go malling, nood tayo ng movie tapos kain tayo sa Kenny Rogers Roasters at mag-arcade tayo! Magkantahan tayo sa videoke booth! Sagot ko! Gusto kong lang mag-gala bukas kasi!' hindi ko na mabawi ang mga sinabi ko, gusto ko lang siyang makasama bukas na kami lang. Tagal narin kasi namin na hindi gumagala ng may liwanag, puro gabi. I know she'll say yes dahil lahat ng binanggit ko ay mga favorite niyan gawin at puntahan. One, two, three, four, five, six, seven, eight... 'Sige! Basta sunduin mo ako sa bahay! Libre mo pati ha? Hindi ako magdadala ng pera!' 'Sure! Skies the limit!' nakangiti kong sabi kay Jessie. Ngayon pa lang I am excited na para sa lakad namin bukas ni Jessie. Mag-eenjoy siya bukas, I'll make sure about that. -----'-,-'--,-{@
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD