MARIAS OF MY LIFE
Maria Jessielyn Ortega
THE TOMBOY
by: Blackrose
Chapter 4
Mabilis na lumipas ang tatlong araw sa buhay estudyante ko, sa wakas Friday na ngayon at huling araw na ng pagiging mag-aaral ko. Miss ko na ang amoy ng langis at kalawang, ultimo ang pawis ko kapag magtatrabaho ako sa Casa ay talagang namimiss ko na. Miss ko narin ang ingay ng tattoo gun at ang inta. Excited na akong magpunta sa Casa at sa Burdado. Alam kong may gawa ako bukas sa Casa dahil tinawagan ako ni Ninong kahapon para sabihin na maaga ako bukas dahil may pagpapaga daw ng Mitsubishi, turbo daw ang sira. Sa Burdado naman ay Martes pa lang may gawa na'ko para bukas at sa Linggo naman ay fully loaded na ako agad. Bukas na ako magsasabi kay Ninong na hindi ako papasok ng Linggo dahil noong Miyerkules nagtext sa'kin si Noah, binilin lang na sa Linggo nga ay may gawa ako ng 8am. Babae na sa likod magpapa-tattoo tapos ay 11am ay may gawa ulit ako na babae rin, parehas na paa naman daw ang ipapa-tattoo. Parehas daw na referral ang dalawang babae na dati ko daw tinatuan. Tapos kahapon ay tinawagan niya ako ulit para i-advice na may gawa pa daw ako ng 3pm ng Linggo rin, dating customer ko daw na gustong ako ang dumale sa ulo niya. Sa ulo siya magpapa-tattoo daw this time, sinabi rin ni Noah na may gawa parin daw ako ng Sabado after ko sa Casa at dinetalye rin niya sa'kin ang ipapa-tattoo ng tatlo sa Linggo, ako narin daw ang gumawa ng designs. So kahapon pa lang ay sureball ng 3 ang customer ko nitong Linggo.
Since Friday na ngayon at birthday ni Phil ay nagkayayaan sa District 9, lima lang kami lahat. Pumayag narin ako dahil jamming lang naman daw, hindi naman daw magpapakalasing kasi iyong iba sa amin ay may pasok pa daw bukas. At dahil nga Biyernes, naka-civilian kami today. Wash day ng SJ City State College kada Friday kaya dumeretso na kami sa District 9 matapos ang last class namin.
Pagpasok namin sa loob ng District 9 ay marami ng tao. Maaga pa naman dahil 5 minutes bago mag-alas otso pa lang, pinakain pa kasi kami ni Birthday Boy Phil sa KFC bago kami tumuloy dito. Malamang kasi sikat ang lugar kaya maaga pa ay halos puno na, mabuti na lang ay nakapag-reserved na pala si Phil dito kaninang umaga kaya may napwestuhan kaming lima. At dahil wala naman kaming balak magpakalasing ay beer na lang ang inorder ni Phil. Few minutes ay dumating na ang inorder niyang 3 buckets of beer at kasunod lang noon ang mga pulutan na inorder rin niya. Mabilis ang serbisyo nila rito, pwede. Kaya pala marami rin tao dahil quick service sila dito, plus factor sa isang negosyo. Nagsimula na kaming mag-inom, si Bianca at Kleng ay sinalin pa sa tall glass ang beers nila pero kami ni Louie at Phil ay deretso sa bibig ng bote ang inom namin. Cozy ang District 9, maganda ang theme ng buong lugar. Simpleng bar na parang nasa bahay ka lang ang dating, maganda pati ang mga waitress nila. May natanaw pa kaming sikat na basketball player na kasama ang ilan sa mga kilalang lalaking artista, nagsitilian ang ibang mga kababaihan kasama na ang dalawang kasama namin. Lahat ng kantang tinutugtog ng hindi naman kahinaan ay mga bagong kanta ng mga sikat na bands and singers. Kahit naman madalang pa sa patak ng ulan sa disyerto ako nagpupunta sa mga ganito at gumigimik, hindi naman ako bano at ignorante sa mga ganitong lugar maging sa mga kanta. Sinasama kaya ako ni Noah sa mga music lounges, bars, concert halls at clubs kaya alam ko rin ang ganitong lugar. Dumating ang 2nd batch ng 3 buckets of beers namin pati ang 2nd batch rin ng pulutan. Mabilis ang takbo ng pag-inom namin, wala pa kaming isang oras na nakakaupo at nakaka-tatlong bote pa lang ako habang ang dalawang babae ay nakakatig-apat na sila. Inalalayan ko na ang pagkuha ng beer ng dalawa para umabot pa sila ng gising sa uwian namin. Nang mag-CR ako ay past 9 na, mas umingay na ang paligid senyales na nakakarami na ang mga umiinom. Pagkalabas ko ng CR ay may natanaw akong pamilyar na bulto ng katawan maging ng tindig nito. Kung hindi ako nagkakamali ay si Noah ang taong nakikita kong nakaupo na sa gitna ng lugar, ilang mesa ang layo kung nasaan kami naka-pwesto. May kasama siya sa table na ilang babae at mga kalalakihan na namukhaan ko ang isa, si Stephen. Imbes na liliko ako pakaliwa papunta sa table namin ay dumeretso ako ng lakad at huminto ako sa isang round table na puro hard drinks ang tinitira, naninigarilyo rin sila kaya parang pugon ang pwesto nila doon. Sabagay may exhaust fan naman sa bandang likuran nila kaya hindi napapadpad ang mga usok sa ibang mesa. Umupo ako ng basta-basta sa bakanteng silya na katabi ni Stephen. Nagtinginan ang lahat sa akin maging ang mga babaeng kasama nila, malamang naramdaman nilang may iba silang kasama sa mesa.
'Oy Jessie!/Hi Jessie!/Jessie kamusta?' iyan ang bungad sa'kin ng tatlong unggoy habang si Noah ay nakakunot ang noo ng magpang-abot ang mga mata namin.
'What are you doing here? Who's with you?' agad na tanong ni Noah nang mapansing walang ibang nakasunod sa akin. May katabi siyang babae na hindi na bago at hinahalikan siya sa may leeg.
'Mga kaklase ko, birthday ng isang kaibigan ko. Nagkayayaan dito. Kanina pa kayo?'
'Mga 7, kamusta ka na?' sagot sa'kin ni Stephen na katabi ko pala.
'Ayos naman ako Stephen.'
'I told you to call me Andrew diba?' lumapit ito ng bahagya sa akin.
'Ayun nga, Andrew! Ayos lang ako! Mukhang nakakarami na kayo ha? Baka may magkamali na naman diyan sa tabi-tabi! Haha! Hindi na'ko tutulong! Ayoko na!'
Alam kong sinilip ako ni Noah, kita ko ang mga mata niyang nakatanaw sa'kin sa gilid ng kaliwang mata ko. Maya-maya pa'y inabutan niya ako ng baso na sinalinan niya ng Jack Daniel. Ngumiti siya sa'kin, kilalang-kilala ko ang ngiti niyang iyon, heller mag-bestfriend kami! Nag-smirk ako sa kanya bago sumubo ng kapirasong sisig at inisang tungga ang alak sa harapan ko. Walang tapon sa gilid ng bibig ko, hindi ngumiwi ang mukha ko at simot ang baso pagkalapag ko. Kilala ko si Noah, sa amin kasing dalawa ay more kami sa mga competitions. Hindi namin kailangan mag-usap para malaman namin kung magkukumpitisyon ba kami o ano. Tinginan lang alam na namin dalawa, katulad na lang ngayon. Nang tinanaw niya ako kanina at inabutan ng alak, alam ko ng nakikipag-kumpitensya siya sa'kin. Gusto ko rin naman ang trip namin mag-bestfriends kasi palaging may thrill. Uminom rin siya ng alak sa basong ginamit ko na kanya pala. Wala rin tapon sa gilid ng bibig niya, hindi rin ngumiwi ang mukha niya at simot rin ang alak sa baso paglapag niya. Ngumiti ako sa kanya at ganoon rin siya. Draw ang laban, mga kaibigan. It's a tie!
'Wow! Magaling ka rin pala uminom, magaling rin mag-tattoo, magaling rin sa sasakyan. Saan ka pa magaling, Baby Jessie ko?' napatingin ako kay Noah na hindi na pinapansin ang katabi niyang babae, ganoon rin kay Manuel at Stephen na nakatutok ang mga mata sa akin at kay Harold na sa kasamaang palad ay katabi ko rin pala.
'Magaling rin akong mambugbog ng mga tarantado at bully na tao saka hindi ba sa inyo nasabi ni Noah?'
'Ang alin, Baby Jessie ko?' mas nilapit pa ni Harold ang mukha niya sa akin, ramdam ko ang hininga niyang pinaghalong amoy ng alak at amoy ng yosi.
Maghunos dili ka Jessie! Kaibigan ni Noah 'yan! Maawa ka sa taong medyo may tama na! Please Jessie, kalma! Hindi ka naman niya hinahawakan kaya kumalma ka Jessie!
As if on cue ay ipinatong ni Harold ang isang kamay niya sa kamay kong nakalapat sa mesa at hindi pa nakuntento ay pinisil pa niya ang kamay ko ng may halong kamanyakan.
'Uh-oh!' napatingin ako kay Noah at pasimple siyang tumango sa'kin bago tumingin si Harold sa kanya.
Nagbalik ng tingin sa'kin si Harold at ngumit pa ang loko-loko.
'Bitiwan mo siya Harold!!' bantang sabi pa ni Stephen dahilan para tignan ko siya at ngumiti lang sa kanya na parang sinasabing "kaya ko na ito".
Nag-smile rin ako ng pagkatamis-tamis kay Harold bago tumingin kay Noah at umigkas ang kaliwang kamao ko, kaliwete po kasi ako. Dahil sa pwersa ng suntok ko na sadya kong pinatama sa panga ni Harold ay bumagsak siya sa pagkakaupo niya at halos humalik na sa sahig ang labi niya.
'Iyan ang WOW WOW WIN!! Haha! Nice punch you got there, Jessie! Marunong ka rin pala magpatumba ng lalaki sa isang suntok lang?' tatawa-tawang alaska pa ni Manuel sa nakabuwal parin na si Harold.
'Magaling rin siya sa suntukan, sipaan at bunuan. Black belter iyang si Jessie, Top 1 in her class. I told you guys, my bestfriend is a one of a kind lady! Hindi siya pa-sweet at malambing just like you girls here, pero I am 101% proud of her! Kaya walang nagtatangkang mam-bully or bumastos diyan sa San Juan, they can't beat her! Ako nga takot eh!' nagtawanan sila Manuel at Stephen.
'You're one of a kind indeed Jessie.' humahangang sabi ni Stephen sa katabi.
'Sorry Harold ha!' tumingin pa ako sa may bandang gilid ko para matanaw kong maigi ang nakaupo na pero nakangiwi parin na si Harold. 'Nahuli kong banggitin iyon, ayokong tinatawag ako ng kung anu-anong endearments. Mas lalaong ayokong hinahawakan ako, nagiging automatic ang kamao ko kasi. Sorry but I'm not sorry Harold, it's your fault naman kasi.' tumingin ako sa mga kasama nila sa mesa, all are shock sa ginawa ko kay Harold pwera na lang si Manuel na hahalakhak pa at si Noah na ngumingisi-ngisi lang. He knew na black belter ako, ang gago hindi binalaan ang mga kaibigan. Ayan tuloy!
'Where are you going?' agad na tanong sa'kin ni Noah ng bigla akong tumayo.
'Balik na'ko sa mga kasama ko. Baka mapuruhan ko pa si Harold, mahirap na!' nanginginig ang kamay na inagaw ko pa ang baso kay Noah at mabilis na tinungga ang alak ng walang kaabog-abog. Tinapik ko pa ng dalawang beses ang balikat ni Noah na katabi lang ni Harold at naglakad na palayo sa kanila.
'Kumalma ka Jessie! Baka madagdagan pa ang katulad ng kalagayan ni Harold! Bye!' narinig ko pang sigaw ni Noah ng makalayo na ako sa kanila.
Boys! Akala nila porket babae pwede na nilang landiin at bibigay agad sa kanila, dahil mayaman at may mga itsura sila! Pwes, ako hindi nila maloloko! Not me, not I and not Jessie Ortega! Never!
Kinabukasan
January 28, 2017 (Sabado)
'Good morning Ninong, Mam.' pagpasok ko pa lang ng Casa ay nabungaran ko na si Ninong at ang isang babaeng maganda na nag-uusap katabi ng isang 4x4 pickup.
'Jessie, siya si Miss Kylie. Siya ang sinasbi ko sa'yong magpapa-ayos ng turbo sa'yo noong Huwebes.'
'Magandang umaga po Mam.' maganda ka pa sa umaga miss kylie. 'Ito po ba ang ipapaayos ninyo?' tinignan ko ng may humahangang mga mata ang all black 4x4 pickup, Mitsubishi Triton Phantom 2016 edition. Kung nagagandahan na ako kay Kylie, mas na mas nagwa-gwapuhan ako sa sasakyan niya.
'Oo sana, nasira ko kasi ang turbo niya. Clumsy me! Pwede ko bang makuha agad ang baby ko tomorrow? I need him tomorrow, may lakad ako.'
'Ang gwapo ng baby ninyo, Mam! Sayang nasira!' ngayon lang ako nakakita sa personal ng Mitsubishi Triton Phantom, madalas sa google ko lang nakikita ang mga ganito kamahal na sasakyan. 'Magkano bili ninyo dito Mam?'
'Kylie na lang ang itawag mo sa'kin Jessie, masyado ka naman formal. Mukhang magka-age lang naman tayo. How young are you by the way?'
'Ahh.. 19 po Ma... Este Kylie pala!'
'See? Ako 21 lang, hindi naman pala tayo nagkakalayo ng age. You can call me Kylie, mukha ka naman mabait kaya I don't mind. Well, binili sa'kin ni daddy ito. This is a limited edition, only 200 units lang in Malaysia. Pang 165 ako na owner nitong gwapong Phantom ko, 4.7 something Million pesos.'
'Wow! Lahat ng taong mahihirap na nasa Pilipinas ang makakakain sa pickup mo, Kylie! Anong sira nga ulit nito?!' pinasadahan ng palad ko ang makinis na front hood ni Phantom.
'Turbo. Madalas kasi I'm in a hurry palagi, napapatay ko na agad ang engine sa travel without letting it idle for awhile bago patayin. Kaya ayun!' nag-pout siya dahilan para mapatingin ako sa mga pinkish na mga labi niya.
'Nasunog ang langis kaya na-damage, max na ang 9 hours para magawa iyan. Papalitan ng bagong turbo ranges.'
'Hindi mo na ite-testing? You knew already what the problem is?' takang usisa niya sa akin.
'Alam ko na agad ang sira ng sasakyan mo sa pagkukwento mo pa lang sa akin Kylie.' mukha siyang nagulat sa isinagot ko. 'Gagastos ka ng minimum ng 100,000 sa turbo ranges pa lang, sa pinakamura ko na binase iyon, labas pa ang labor ng mechanic doon. Pinaka-mahal na piyesa ang turbo kasi, kaya talagang gagastos ka dito.'
'Sabi nga sa napagtanungan ko. Cheapest na daw kayo maningil sa buong San Juan City. Sige, balikan ko na lang tomorrow morning perhaps. Do I have to give a downpayment pa?'
'Ano bang napag-usapan ninyo ng Ninong ko?'
'He told me to asked you. Ikaw na daw ang mag-decide if I'll give a downpayment or not.'
Nag-isip akong maigi habang nakatingin sa Phantom. Wala kaming available na turbo para sa ganitong kamahal na pickup pero may nakalaan palagi na pondo si Ninong para sa mga ganitong pagkakataon. Tinignan ko si Kylie, siya ang tipo ng babae na alam mo na agad na mayaman. Sa tindig pa lang niya makikita mo na kahit pa simpleng blouse na pinartneran ng skinny jeans lang ang suot niya. Hindi siya katangkaran, mga 5'4" or 5'5" ang height niya na tama lang naman sa katawan niya. Sexy siya na kahit sino ay mapapansin kasi kahit na hindi hapit ang blouse na suot niya, halata ang boobs niya pati ang kurba ng bewang niya. Maganda rin ang hugis ng balakang niya pababa sa kanyang legs. Kung pagandahan ang labanan, pasok siya sa finalist. Tama lang ang hugis ng mukha niya na na-emphasize ang cheekbones niya. Expressive eyes na may mahabang pilik, mahabang wavy blonde hair, hindi siya maputi pero bagay na bagay sa kanya ang slightly morena niyang kutis at may tattoo rin siya sa braso niya na lace band. Bagay sa kanya, babaeng-babae ang dating niya.
'Ahm, huwag ka ng mag-downpayment Kylie. Bukas na lang pagkuha mo ng sasakyan mo. Ibibilin ko na lang kay Ninong Arthur si Phantom mamaya kasi wala ako dito bukas.'
'Ganoon ba?' may kinuha siya sa shoulder bag niya. 'Ito ang susi ni Phantom, ikaw na ang bahala sa baby ko.'
'Okay sige.' may nilagay siya sa kamay ko at tinupi niya pa ang kamay ko para hindi ko mabitawan. 'Since you're not here tomorrow, advance ko na ang tip ko for you. I know this is a hard work for you kaya for sure mahihirapan ka. Pang snacks mo later.'
'Pero, ano Kylie?'
'No, that's yours!' nilalapit niya sa'kin ang kamay ko na pilit kong inaabot pabalik sa kanya.
Nag-pout siya ulit ng labi niya that I find her cute talaga. Cute talaga siya bukod sa maganda at sexy. May syota na kaya siya? Ang tanga mo Jessie! Malamang syempre mayroon na siyang syota! Mukha siyang mabait at malambing bukod sa maganda at sexy siya kaya imposibleng wala siyang jowa ngayon.
'Salamat dito Kylie!'
'No prob, save mo nga pala dito ang number mo para if ever I have some queries about sa baby ko ay matawagan kita.' inabot niya sa'kin ang Vivo niya at dahil sa memorize ko naman ang cp number ko ay ti-nype ko na agad. 'Alis na'ko, bye Jessie! Nice knowing you!' kumaway pa siya sa'kin bago naglakad palayo sa akin.
'Palong-palo ang isang iyon Jessie ah. Ang sexy na, maganda pa. Anong pangalan ni Miss Ganda?' bulong ni Tonio sa akin.
'Kylie. Una na'ko Tonio, akyat muna ako kay Ninong para humingi ng pambili ng turbo, kailangan kong matapos si Phantom ngayong araw. May gawa pa ako mamaya sa Burdado saka wala ako bukas dito. Una na'ko!' nagtaas lang ako ng kamay at mabilis ng naglakad papuntang hagdan.
5:00pm...
'Ninong, ayos na po iyong Mitsubishi Phantom ni Kylie. Pinalinisan ko narin kay Damian para kumpletos rekados. Ikaw po ang hahanapin niya bukas Ninong. Nasabi ko kasi sa kanya na wala ako bukas, na-test drive ko narin ang pickup Ninong. Ayos na ang lahat. Alis na po ako Ninong, may gawa pa ako sa Burdado ngayon. Kita na lang po tayo next week, Ninong.'
'Salamat Jessie sa araw na ito ha! Malaki na naman ang naipasok mo sa Casa natin, idadagdag ko na lang sa ipon mo iyong porsiyento mo sa ibabayad ni Miss Kylie bukas. Mag-iingat ka ha at pakisabi mo kila Paulina at Pareng Jess na iniimbitahan ko ang sarili ko sa birthday niya kamo. Sige na, humayo ka na.'
Hindi na'ko umuwi ng bahay dahil nagdala naman ako ng ekstrang tshirt kaya dumeretso na ako sa shop. Inabutan ko si Noah na nanonood ng TV habang may subong pizza.
'Walang gawa?' nalipat ang paningin niya sa'kin mula sa pinapanood niya.
'Katatapos ko lang halos. Pizza! Kain ka na muna, maaga pa naman para sa 7 mong appointment. Softdrinks!'
'Sige, hindi ako nag-meryenda sa Casa.' sumubo ako ng malaki sa pizza. Inabot sa'kin ni Noah ang beer mug niyang may laman na softdrinks. Wala naman kaso sa amin kung mag-share kami ng baso ni Noah, minsan pa nga sa isang mug lang kami nagkakape. That's how close we are.
'Wala akong gawa mamaya, unless may walk-in. Nakapag-paalam ka ba sa Ninong mo para tomorrow?' tumango lang ako sa kanya at patuloy lang sa pagnguya.
'Nagsabi ako.' sumubo ulit ako ng isang malaking subo.
'Dahan-dahan sa pagsubo, Jessie! Punong-puno ang bibig mo! Para kang hindi babae diyan! By the way, may drawing na si Diego ng ipapa-tattoo niya sa'yo. Simple lang naman ang ipapagawa niya kaya maaga tayo matatapos later. Ahas lang na nakapulupot sa braso niya.' tumango lang ulit ako at uminom ng softdrinks.
'Mabuti naman!' sabi ko ng malunok ko ang nasa bibig ko.
'Tangina! Basta pagkain talaga, hindi kita makausap ng matino! Sige na, kumain ka pa. Ubusin na iyang 4 slices. Busog na naman ako!' uminom siya sa beer mug pagkatapos ay sumandal sa upuan niya, nagbalik na ang mga mata niya sa TV.
'Thank you sa pizza ha, nabusog ako! Burp! Haha! Thank you ulit! Magkano bili mo doon sa pizza? Masarap kaya gusto kong ibili sila tatay sa bahay.'
'700.'
'Sabi ko nga hindi na ako magtatanong eh! Daldal mo kasi Jessie eh!' tinampal ko ang bibig ko na kinatawa ni Noah.'
'Ako na lang ang oorder for them, doon ko narin ipapa-deliver sa inyo. Sagot ko na. Don't worry, treat ko na sa kanila iyon.'
'Totoo? Yaman ha!'
'Totoo! Minsan lang naman kaya ayos lang!'
Mamayang konti ay dumating na si Diego at sinimulan ko na ang pagta-tattoo ko dito habang si Noah ay patuloy lang sa panonood sa TV.
9:00pm...
'Maaga pa, 9 pa lang. Gusto mong sumama sa akin? Music 21 tayo!'
Nakalabas na kami ng shop, naisarado na niya ito at nasa tapat na kami ng Toyota niya. Kanina kasi habang may ginagawa ako ay narinig ko siyang may kausap sa phone niya. May gimik nga siya siguro kaya niya ako sinasama.
'Tayo lang?'
'Hindi, kasama natin ang tatlong unggoy. Nagyayaya kanina si Stephen, ang sabi ay isama daw kita if pwede ka.' pumasok na'ko sa passenger seat at ganoon rin siya sa driver's seat naman. Hindi niya pa pinapaandar ang sasakyan, mukhang hinihintay niya ang sagot ko.
'Tara! Minsan lang naman! Miss ko narin kumanta!' nakangiti kong turan habang ang kamay ko ay nagtetext kay Kuya Mark.
MUSIC 21
Bel-Air, Makati
Pagdating namin sa 3rd floor ay kita na agad ang stage sa may left part kung saan may kumakantang lalaki. Marami ng tao, sabagay Sabado tonight kaya gimik night. Hindi kami pumasok sa glass door, sa pathway kami dumaan papunta sa balcony. May mga tables rin dito sa balcony na may mga umbrellas, open air ang balcony dito. Masarap ang hampas ng mabining hangin ngayong gabi. Sa may right side kami tumuloy hanggang sa nakita namin ang tatlong unggoy at ang mga babae nila na katabi nila. Dito sa balcony ay may connecting door papunta sa loob na malapit sa stage, located rin doon ang CR ng lugar. Nasa long table sila na may tatlo pang bakanteng upuan, kung saan pinaupo ako ni Noah sa tabi ni Manuel tapos siya at bakante ang upuan na katabi niya sa kanto ng mesa. Agad akong inabutan ni Manuel ng bagong bukas na San Mig Light at kinamusta niya ako, nasa tapat niya si Harold na nakatingin sa akin at ganoon rin si Stephen na nasa tapat naman ni Noah. May tinawag na waitress si Stephen, umorder siya ng 2 buckets of beer at seafood platter and fries. In-enjoy ko lang ang paligid ko, minsan lang ito. Nag-uusap sila Manuel at Harold tungkol sa negosyo habang si Stephen at Noah naman ay nag-uusap tungkol sa family nila. Nakinig na lang ako sa kanila, sinusundan ko ang kanta ng lalaking nasa stage.
After ng sa tingin ko'y isang oras ay tumawag naman si Noah ng waitress na mabilis na lumapit sa table namin. The waitress na May ang pangalan ay nakikipag-flirt kay Noah. Kita ko na habang tumitingin ng oorderin si Noah sa menu card ay panay ang ipit ni May ng buhok sa gilid ng tenga niya kahit pa halos wala na siyang iniipit na buhok. Nang magsabi na si Noah ng order ay nakatanga parin si May kay Noah, hindi pansin ng huli ang inaakto ng waitress dahil naka-focus siya sa pagtingin ng oorderin pa niya.
'May?' napatingin ang waitress sa akin with a questioning look.
'Yes Mam?' inayos niya ang tayo niya bigla.
'Anong sinabi ng boyfriend ko if you are really paying attention? Kindly repeat his order.' nagtaray ako sa kanya. Ayoko sa lahat iyong hindi nagseseryoso sa trabaho at pabaya dahil sayang ang binabayad sa kanila. Pasalamat nga sila na bayad sila kahit pumetiks pa sila, eh ako? Kapag tinamad ako, wala akong iuuwing pera.
'Ahh... Eh Mam, ano po.. Ahm..'
'Paano mo matatandaan ang inorder niya kung hindi ka naman nakikinig sa kanya? You're obviously flirting with him na hindi ka naman niya napapansin! Hindi ba't ang pangit pakinggan ng ganoon? Pero that's what you're doing right now! Hindi mo ayusin ang trabaho mo! Just because you knew that you'll get paid as long as you'll report to work, hindi mo ba naiisip ang nagpapa-sweldo sa'yo? Hindi ba't parang lugi yata si Bossing sa'yo tonight? Waitress ka May, not a hooker! Now do your job properly or isusumbong kita sa manager on duty ninyo tonight!' lahat silang nasa table ay natahimik at nakamasid lang sa'kin.
'S-sorry po M-mam, Sir. A-ano nga po ang order ninyo S-sir?' kandautal na sabi ni May.
'Just continue serving us ng bucket until I say na tama na. Another seafood platter, fries platter and... What do you want girlfriend ko?' sinakyan na naman niya ang palabas ko. Sumandal ako sa gilid niya.
'Pork sisig, Fish n' Chips and Chicken Lollipop.'
'Girlfriend ko, pulutan hindi ulam! Ikaw talaga!' kinabig niya ako sa kanya habang tawa siya ng tawa. 'Include what she said, May and Marlboro lights.'
'Is that all Mam? Sirs?'
'Iwan mo na dito ang ballpen mo, mag-iisip ako ng kakantahin ng boyfriend ko.'
Katulad ng palagi namin nakagawian ni Noah, everything is a competition sa amin. Nag-iisip siya ng kantang ipapakanta niya sa akin habang ako naman ay nakasulat na ako ng kakantahin niya. After niyang magsulat ay inabot na namin kay May ang papel, binilinan ko siya na iyong may sulat sa unahan ang unang kakantahin.
'Magugustuhan mo ang pinili kong kanta for you to sing, Jessie. Matutuwa ka!' nagsindi siya ng sigarilyo niya.
'Talaga? Naku! Iyong napili ko for you, latest na kanta. Mga kalinya ng Versace On The Floor. Magugustuhan mo iyon, I swear!' sa isip-isip ko'y malakas na akong tumatawa dahil My Way ang kantang napili ko for him. Siya pa man din ang unang kakanta, ang saya nito mamaya.
'Mabuti naman nakasama ka tonight, Jessie. I missed you, busy lang ako kaya hindi kita madalaw sa tattoo shop.' pagbabago ni Stephen ng topic.
'Ano siya, tol? May sakit? Haha! Baduy mo, Andrew Stephen!' asar ni Manuel sa kaibigan.
'Sorry Jessie about the last time ha, nakarami na'ko ng inom noon. I hope you can forgive me, I promise I will behave. Payagan mo lang akong puntahan ka sa Burdado para madalahan kita ng flowers.' hirit naman ni Harold, hindi na pinansin ang babaeng katabi niya.
'Puntahan mo siya? Dalan ng flowers? Puta tol! Patay na ba si Jessie para dalan mo ng bulaklak! Ahahaha! Kengkoy ninyong dalawa, mga tol!' banat na naman ni Manuel.
'Ikaw nga? Maka-alaska ka!' sabat na sagot ni Harold.
'I'm sorry best buddies, but just like what she'd told us before... Hindi kami talo ni Jessie, ayos na sa'kin na magkaibigan kami. Besides, may girlfriend kaya ako.' paliwanag ni Manuel na nakangiti sa akin.
'Pwede naman kayo magpunta at dumalaw sa shop, basta magdala kayo ng foods. Ako na ang bahala dito kay Jessie.'
'Wala ng bawian 'yan tol ha? Nasabi mo na! Wala ng bawian! Basta dadalaw ako doon one time.' sabi pa ni Harold.
Ilan minuto pa ay may umupong babae sa bakanteng upuan na katabi ni Noah.
'Hi baby.' magiliw na bati ng babaeng kay Noah na may katangkaran at maunahan, alam niyo na ang ibig kong sabihin. Malaki ang boobs, knowing Noah. Mahilig siya sa malalaking boobs at makurbang balakang.
'Hi Nancy, glad you can come.' inakbayan ni Noah ang babae at siniksik ang mukha sa leeg nito.
Hindi ko na lang ineksenahan dahil baka mapatay na ako ni Noah ng wala sa oras. Kami na lang nila Stephen, Manuel at Harold ang nagkwentuhan nang tinawag na ang pangalan ni Noah sa stage. Kunwari ay hindi ko narinig na tinawag na siya kaya hindi ko siya tinignan dahil sa totoo lang ay natatawa na ako ngayon pa lang.
'Tangina.' narinig ko pa ang bulong niya ng makita na niya sa TV screen ang kakantahin niya. 'Jessie! Haha! Mamaya ka sa'kin, makikita mo! Salamat dito Jessie ha?' rinig na rinig ang tawa ko sa kabuuan ng lugar, ako lang kasi ang tumatawa. Mas napatawa pa ako nang umupo na siya sa stool, nakataas ang middle finger niya. Oh yeah! f**k you ka Noah!'
'f*****g s**t!!! MY WAY?! Videohan mo, Manuel! Hurry!' tawang sabi ni Harold.
'This will be fun! Thanks Jessie! You're the best! Makakaganti na'ko sa'yo, asshole!! Haha!' segunda ni Manuel habang bini-videohan ang kumakantang si Noah sa stage.
'Yari ka mamaya diyan Jessie! He'll have his revenge kahit na anong mangyari!' umiling na warning sa'kin ni Stephen.
'Does he sing those oldies songs?' iritang tanong ni Nancy. Nawala sa isip ko na kasama pa pala namin siya sa mesa. Tumango ako na nakatingin sa kanya.
'Major turn off!'
'Major kaartehan!!' panuya kong sabi na hindi ko talaga hininaan ang boses ko. Ang arte kasi, SUS!
'Hey! Hey! No cat fights Nancy! Believe me talo ka sa kanya, trust me!' sita sa kanya ni Harold.
'She started it!' maarte parin ang sagot niya.
'Even if she started it! WALA. KANG. LABAN. GIRL! Read my lips, missy!' naiinis narin na sabi ni Harold kay Nancy.
Matalim ang tingin ni Noah pagbalik niya sa table namin. Tumungga lang ako ng beer ko at deadma lang. Nang makaupo na siya sa tabi ko ay padarang niya akong kinabig at pinag-gugulo ang buhok ko na ikinapatid ng sanrio ko.
'Teka! Napigtas na ang sanrio ko! Bwisit ka talaga Noah's Ark ka eh!'
'Ako pa ang bwisit?! Ikaw pa ang naiinis? Eh ikaw itong pumili ng kakantahin ko! Tapos THE f**k!! MY WAY?! Kapag ako namatay mamaya, ikaw ang unang mumultuhin ko!!'
'Miss Jessie?' tinawag na ako ni May sa stage.
'Pahingi ako ng panali! Kahit goma!'
'Huwag na! Bagay naman sa'yo ang nakalugay! Wala pati akong dala.' pang-aasar pa sa'kin ni Noah.
Nagchi-cheer ang tatlong unggoy sa'kin kaya wala na akong choice. Naglakad na ako papuntang stage, gamit ang dalawang kamay ay inikot-ikot ko ang buhok ko. Forming it into a messy bun hanggang sa makarating ako sa paanan ng stage, hiningi ko ang ballpen na hawak-hawak ni May. Tinusok ko ang ballpen sa ginawa kong bun, maraming nakalugay parin na buhok sa tagiliran ko pero ayos na iyon kesa sa nakalugay ang buhok ko. Umakyat na'ko sa stage at umupo na sa stool pero nanlaki ang mata ko nang makita ko ang title ng kakantahin ko. Napakamot ako sa batok ko nang nagsimulang tumugtog na ang videoke.
Sa table naman namin ay kitang-kita ko si Noah na ngiting-ngiti habang titig na titig sa'kin. Huminga ako ng malalim, kumakanta ako pero hindi mga ganitong genre. Alam ko naman ang kantang ito ni Nina dahil paboritong singer siya ni Kleng. Lord help me po. Kahiyaan na lang kung papalpak akong kantahin ito. Alam kong iyon ang nasa isip ni Noah, na hindi ko makakanta ito ng tama dahil never niya pa akong narinig na kumanta ng ganito.
"Jealous of the one who caught your eye
One of my darker days
When you looked at her
Where was I?
Shoulda been in her place
Here I am
All alone imagining
What might have been
Whaf could have been
If I had been there..."
Nakita ko ang apat na unggoy na naknganga. Literal silang apat na nakanganga. In your face, monkeys!
"Jealous of the one who's arms are around you
If she's keeping you satisfied
Jealous of the one who finally found you
Made your sun and your stars collide
La la la la la la la...
She's a very very lucky girl
La la la la la la la..."
Tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko sa stool at nagseryoso na. Hindi ako pwedeng matalo ni Noah sa isang bagay na hilig na hilig kong gawin. Akala niya hindi ko kayang kumanta ng mga ganitong kanta, huh! Watch and listen, Noah!
"Jealous of the girl who won your heart
They say it's a perfect match
She's gonna get to be where you are
And I don't get better than that
She'll say you're fine
Whisper words I wish were mine
What might have been
What could have been
If I had been there..."
Naglakad si Stephen kasama si Manuel at Harold, umupo sila sa bakanteng mesa na pinaka-unahan na. Si Noah ay nakatutok ang paningin sa kung saan ako nakatayo.
"Jealous of the one who's arms are around you
If she's keeping you satisfied
Jealous of the one who finally found you
Made your sun and your stars collide
La la la la la la la...
She's a very very lucky girl
La la la la la la la..."
Hindi gumalaw ang ulo ni Noah, I watch him na seryosong nakatanaw lang sa'kin. I know he was amaze dahil kita ko rin sa mga mata ng mga kaibigan niya ang pagka-amaze sa akin. Don't judge the book by it's cover, ika nga!
"And you know I'd fight the good fight
If I thought I'd change your mind
But if she makes you happy
Then I'll leave that dream behind
Man, she better treat you right
And give you everything!..."
'Woah!!' sigaw ni Harold na pumapalakpak pa. Admiration is visible sa mukha niya.
"Cause the moment that she doesn't
I'll be waiting in the way..."
'WOW!!' sabay na napatayo narin sila Manuel at Stephen, makikita rin sa mga mukha nila ang paghanga sa pagkanta ko. Maging ang ibang mga tao ay tumayo narin, ganoon rin ang ginawa ni Noah.
....second voice
'If she's keeping you satisfied
....second voice
May your sun and your stars collide
La la la la la la la
She's a very very lucky girl
La la la la la la la...
Jealous of the one who's arms are around you
If she's keeping you satisfied
Jealous of the one who finally found you
Made your sun and your stars collide
La la la la la la la
She's a very very lucky girl
La la la la la la la"
'Thank you.' maikling sabi ko bago agad na bumaba ng stage.
Para akong nag-concert sa mga palakpak at hiyawan na natanggap ko sa mga tao sa loob ng MUSIC 21. Well, what can I say? Panalo na naman ako sa laban namin ni Noah for tonight.
-----,-'--,-'-{@