Chapter 3

3228 Words
MARIAS OF MY LIFE Maria Jessielyn Ortega THE TOMBOY by: Blackrose Chapter 3 7:30am ang first subject ko ngayon, Criminal Law 2 hanggang 9:30am. Last semester ay nakuha ko na ang Criminal Law 1 at nakakamura talaga dahil ang hirap ng subject na iyon, as in M.A.H.I.R.A.P. talaga! Pagkatapos ngayong semester, 2nd year (2nd sem), ay C.L. 2 naman. Ang masakit sa ulo ay yung terror pa ang prof namin dito kaya kadalasan kapag MWF, quarter to 7am ay umaalis na'ko sa bahay. Mahirap ng ma-late sa klase ng Ms. Terror, hindi nagbibigay ng consideration iyon kaya sa lahat ng subjects ko ngayong 2nd sem ay itong Criminal Law 2 ang alagang-alaga ko. Hindi pa ako umaabsent sa klase ni Ms. Terror. 9:30-12:30 naman ay P.I. Lecture at Laboratory, P.I. as in Personal Identification at hindi iyong mura. 12:30-1:30 lunch break tapos 2-4pm ay POLINTEL or Police Intelligence. Ang tapos ng klase ko kada MWF ay 7pm, POLTECH or Police Technical Writing na 5-7pm. Ganyan ka hectic ay schedule ko kapag MWF pero kapag TTH naman, 10am ang simula ng klase ko. 10-11 Forensic Chemistry & Toxicology tapos 11-1 naman ang Laboratory noon. Last subject ko every Tuesday at Thursday ay Marksmanship & Combat Shooting na 3-6pm, Lecture at Actual iyon kaya tinuturuan na kaming humawak, magkalas, magkabit ng baril. Pero hindi pa ang pagpapaputok, sa 3rd year pa daw ang subject na iyon. Sabado ay wala akong pasok, sinadya ko talagang mag-full load tuwing MWF para iyong para sa Sabado na klase ko dapat ay kinuha ko sa ibang section para makapag-trabaho ako ng weekends. Ang pinoproblema ko na lang mula ng mag-aral ako ng kolehiyo ay ang pamasahe ko, miscellaneous sa school, mga projects at ambagan dahil full scholar ako ng SJ City State College. Inisponsoran ako ni Mayor noong kumakandidato pa lamang siya nang 1st semester na pang 1st year ko. Pagkatapos ay kailangan ko na lang i-maintain ang average na 1.5 para masakop ako ulit ng scholarship sa sususnod na semester. Pero ang maganda at pilit kong inaabot ay ang maging 1.25 average dahil bukod sa scholarship sa susunod na semester, may dalawang sakong bigas ka pa na tulong ni Mayor. Bihira may maka-flat 1 na average pero if may makakaabot ay bukod sa scholarship sa next sem at dalawang sakong bigas, ay may pa-allowance pa galing kay Mayor na 3,000 kada buwan sa next na pasukan. Sobrang talino na lang ng makakakuha noon dahil sa hirap ng mga subjects sa Criminology, I doubt kung maka-1.25 at 1 akong average. Kaya kahit palaging 1.5 ang nakukuha kong average mula ng nagsimula ako ay sobrang thankful ko na kay God dahil hindi ako makakapag-aral kung wala akong scholarship. Sana itong sem na ito ay umabot ako ng 1.25 average para hindi na problemahin ang bigas sa bahay. Maaga akong nakarating ng eskwelahan kaya hindi ako late sa C.L. 2 subject ko at wala pa si Ms. Terror kaya nag-text muna ako kay Kuya Mark. Kuya pkikuha nlang s kanto k Aling Ester ung ngttinda ng almusal, kunin m ung 3 order sopas at 1 order lomi. K ttay ang lomi h, byad na un kuya. Bnyran ko na knna bgo p ako mkskay ng jip. ILU kuya. Ingt kyo nla nnay ttay, c kuya miguel kmo mag-apply ngyon arw. Inbutan ko xa ng 100 kgbi, bye. Maya-maya pa'y dumating na si Ms. Terror at dahil sa terror nga siya, may surprise quiz kami. Lunch break ng makahinga ako ng maluwag. Nagka-recitation pa sa P.I. kaya talagang nilugaw ang utak ko kaya agad-agad akong kumain pagdating ko ng canteen, feeling ko natuyo ang utak ko. At dahil sa may baon ako ay hindi na'ko sumama kila Phil, Bianca, Kleng at Louie na kumain sa labas. Patapos na ako ng biglang tumunog ang cellphone kong China na 3310. Sa mundo ngayon ng high technology gadgets, 3310 parin ang cellphone ko. Well, walang pakialamanan no! Tumatawag si bestfriend Noah! Bakit kaya? 'Hello!' 'Jessie! Anong oras ang uwi mo mamaya?' '7 pa! Lunes ngayon diba? Bakit?' 'Magpapa-tattoo daw ang tatlong unggoy mamaya. Hindi ko kayang mag-isa iyon, I have a client now and also later at 3:30. Pwede ba makisuyo? Pwede ka ba Jessie?' 'Naku! Alam mo naman na kapag weekdays ay KFC ako. Fully loaded ako saka...' 'Sige na Jessie, malaki magbayad ang mga iyon saka hindi naman ganoon kahirap ang ipapa-tattoo nila. Si Stephen na lang ang gawan mo, 3d na angel and demon wings. Short bond paper lang kada pakpak sa likod. Galante magbigay si Stephen, Jessie!' 'Kasi...' 'Diba ang presyuhan natin kapag ganoong sukat ay 7,000 or 7,500? Eh dalawang ganoong! Kahit singilin natin ng otso ang isang pakpak, papayag iyong si Stephen eh! Ayaw mo ba noon, Lunes pa lang ay may 16 ka na? Pandagdag sa ipon mo for the TV.' Napaisip ako sa sinabi ni Noah. Sabagay malaki ang 14,000 para sa isang gabing trabaho lamang. Eh 10 pa naman ang klase ko kinabukasan saka nakapag-tattoo na'ko dati ng angel and demon wings, sa likod rin kaya alam ko na ang diskarte doon kahit pa mas malaki ang sukat ngayon. 14,000. Bibigyan ko ng 5,000 si nanay para pang grocery at pamalengke niya tapos iyong 8,000 ay ihuhulog ko sa bangko para sa Operation: LED TV nila tatay at nanay tapos 1,000 pang gastos ko hanggang sa makakuha ako ng pera sa Sabado ng gabi. Tama! 'Sige! Pero mga 7:30 na'ko makakarating. Magpapalit pa'ko ng damit sa bahay. 'Ayos lang! By the way, ikaw na ang gumawa ng design noon. Basta bahala ka na, 8x12 na 3d. I'll hang up, para matapos na'ko sa gawa ko. Mamaya na lang.' Matapos ang subject kong POLINTEL ay tumambay ako sa Gymnasium para makapag-concentrate ng wings design. Maraming ideas ang pumapasok sa isip ko kaya sinimulan ko ng mag-sketch sa bond paper. Malapit na ako sa kanto ng bahay namin ng biglang umulan, hindi naman kalakasan pero nakababasa kaya tinakbo ko na ang papunta sa amin. Nakita ako ng pamilya ko pwera ni Kuya Mikael ng pumasok ako ng bahay, dere-deretso ako ng kwarto ko. Minuto lang ay lumabas na ako ng kwarto ko suot ang ripped jeans ko na kaya nagkasira-sira sa dalawang tuhod ay dahil narin sa kalumaan at black na tshirt na may logo ni Superman. Naka-jersey akong jacket na black and white, puting rubber shoes at itim rin na ballcap. 'Jessie, anak! May lakad ka yata, saan ang punta mo't umuulan sa labas?' 'Eh 'nay tinawagan kasi ako ng Noah kanina. Nakikiyuso sa'kin dahil magpapa-tattoo daw ang tatlong barkada niya. Hindi daw niya kayang mag-isa iyon!' nagsupilyo muna ako. 'Galante daw po magbayad ang mga kabarkada niya, sayang rin po.' nagmumog na ako at nagpunas ng bibig sa manggas ng suot kong jacket. 'Una na'ko!!! Bye na muna sa lahat!' nagmano muna ako kila tatay at nanay pagkatapos ay lumabas na ng bahay. 7:35 na ako nakarating sa shop dahil narin sa traffic buhat ng pag-ulan. Nasa pinto pa lang ako ay rinig ko na ang ingay mula sa loob pero pagbukas ko ng pinto ay nawala bigla ang ingay sa paligid, maging ang ingay ng tattoo gun nawala. Si Noah ang bumasag ng katahimikan ng paligid. 'Jessie! Sa wakas you're here! I'm done with Harold's tattoo.' tinuro niya ang lalaking nakahubad pa ang pang-itaas habang nakaupo sa may couch. Nagtama ang paningin namin. 'Ito si Manuel.' tapik niya sa balikat ng nakaupo sa leaning chair niya. 'Stephen, si Jessie na ang bahala sa'yo! Jessie, si Stephen.' pakilala niya sa akin sa lalaking matangkad, medyong kayumanggi, clean cut ang buhok, walang hikaw hindi katulad ng dalawang naunang binanggit ni Noah na kabarkada niya at kasing katawan ni Noah na makaupo naman sa stool malapit sa pwesto ko. Ngumiti siya sa'kin. Nakatingin parin ang tatlong lalaki sa akin nang naglakad ako papunta sa pwesto ko na kaliwang bahagi ng shop. Nasa kanang bahagi kasi ng shop ang pwesto ni Noah at nasa gitna namin sa unahan ang pintuan habang nasa likuran ni Noah ang table niya. Sa likuran ko naman ang sketching area namin ni Noah na nasa likod naman noon ang CR ng shop. Nilabas ko na muna mula sa tagiliran ko na nakaipit sa kilikili ko ang isang plastic envelop kung saan maayos na nakalagay ang sketches ko na ipapa-tattoo daw ni Stephen at ipinatong ko ito sa leaning chair ko. Nang hinubad ko ang jacket ay hindi parin humiwalay ng tingin ang tatlong unggoy according sa tawag ni Noah sa kanila. Sinabit ko sa hook katabi ng salamin ang jacket, hinayaan kong naka-hiyangyang. 'Tara, Stephen!' inalis ko na ang ballcap ko at inalis ang pagkaka-ponytail ng buhok ko. Nabasa kasi ng ulan, hinayaan ko lang rin na matuyo kahit papaano. 'Babae ka?!' mas nanlaki pa ang mga mata nilang tatlo at sabay-sabay na napasigaw. 'May problema ba tayo doon? Eto nga pala ang sketches na gusto mong ipagawa. Check mo if ayos na sa'yo 'yan or gawa ulit ako ng panibago if hindi mo trip.' inabot ko kay Stephen ang dalawang bond paper at lahat sila, ultimo ang nakaupong barkada ni Noah na si Manuel at ang nakaupo sa couch na si Harold pati siya mismo ay nagsilapitan sa nakaupo na sa leaning chair na si Stephen. 'Saan link mo ito nakuha, Miss?' tanong ni Manuel na nakatingin parin sa hawak niyang angel wing sketch. 'Jessie, ang pangalan ko ay Jessie. Hindi ako teacher, kaya hindi ako Miss. At wala akong kinuhanan niyan, ako ang mismong gumawa niyan kanina sa school.' 'WOW!!' turan ng tatlong unggoy na mukhang tanga. 'Siya ang Master Designer ko dito, mga tol! Nakita ninyo iyong tattoo ko sa binti diba?' Siya ang dumale noon, siya ang sinasabi ko sa inyong Assistant Tattoo Artist ko at ang secret weapon ko.' pagbibida sa'kin ni Noah. 'Wow talaga?!' gulat na sabi parin ni Stephen habang nakatingin sa demon wing naman. 'Ayos na ba sa iyo iyan, Stephen? Or do you want another design?' nahanda ko na ang mga gagamitin ko, nasa maliit na mesa na pati ang tattoo gun ko. 'You're design is perfect Jessie. Ayos na ayos na sa akin ito.' naghubad na siya ng tshirt niya at tumalikod na sa akin. He have a broad shoulder pati may palikpik rin siya sa tagiliran.  Sinaksak ko na ang foot switch. After 15 minutes... 'First time?' 'No. I have my pet cobra sa right leg ko then my mom's face on my left.' 'Aaa.. So this won't hurt na pala, hindi ka na pala virgin sa tattoo needles.' napatingin si Stephen ng patalikod sa akin maging ang dalawa pang kabarkada niya. 'Huwag na kayong magulat kay Jessie, ganyan talaga siya sa mga tinatatuan niya para less tension and nervousness sa part ng subject niya. Her style.' 11:15pm... 'Magkano Jessie?' 'Katorse.' 'Mura naman! Dapat 15 or 16k 'yan, tol! Si Jessie pa ang nag-sketch niyan and I've heard na pinakisuyuan lang siya ni Michael dahil loaded pala siya every weekdays sa studies niya. At anong oras na? Hindi 'yan uwi ng matinong dalaga.' mahabang sabi ni Harold habang nakatingin sa akin. Nasamid ako sa iniinom kong tubig ng narinig kong tinawag akong dalaga na ikinatawa naman ni Noah. Nagkatinginan ang apat na magbabarkada. Tinawag ako ni Stephen para iabot ang bayad niya sa'kin kaya lumapit ako sa kanila. Nagpakilala rin sa'kin ang tatlo personally dahil hindi ako pinakilala ng matino daw ni Noah sa kanila kanina. 'Andrew Stephen Lopez. Pero you can call me Andrew.' nilahad niya ang kamay sa akin at inabot na niya ang bayad. 'I'm Harold, I can be your bestfriend too.' naglahad rin ito ng kamay sa'kin na tinanggap ko rin para hindi naman napahiya si Noah. 'Manuel.' kinamayan ko rin siya at tinanguan. 'Jessie, bestfriend ni Noah.' tumingin ako kay Noah. Alam na niyang humihingi ako ng tulong sa kanya. 'Hatid ko na muna si Jessie, mga tol.' singit ni Noah sa pagsasalita ni Harold. 'Sandali Michael! Kukunin ko pa ang number ni Jessie, save mo naman sa iphone ko ang cp number mo.' kinukuha ni Harold ang phone yata niya sa bulsa. Dahil sa walang nasagot si Noah ay lumayo na ako sa kanila, isinuksok ko ang perang binayad ni Stephen sa bulsa ng pantalon ko. Since nailigpit ko narin naman ang mga pinag-gamitan ko pati ang tattoo gun ko, dinampot ko na ang jacket at ballcap at naglakad na patungong pinto. 'Sorry boys. Hindi kasi tayo talo kaya tantanan ninyo ako. Wala kayong mapapala sa'kin dahil babae rin ang trip ko! Una na'ko! Nice doing business with you Stephen!' Narinig ko pang sinabihan ni Noah ang mga kabarkada na hintayin siyang dumating at sasama daw siya sa kung saan ang lakad nila. Habang nasa daan kami ay humingi siya ng dispensa sa inakto ng mga kaibigan niya. 'Anak, ginabi ka na. Kumain ka na ba? Pinagtira kita ng adobong adidas at kanin.' nagmano muna ako kay nanay. 'Sige 'nay, magbibihis lang po ako tapos kakain narin po ako. Gutom na po ako.' dinukot ko iyong pera sa bulsa ko at binilang ko ang lilibuhin. s**t! 16,000? 16,000 ang binayad niya sa'kin? Sobra ito! Tinandaan kong hihingin ko kay Noah ang number ni Stephen. Ibabalik ko ang 2,000 sa kanya. 'Pandagdag niyo po sa budget natin sa pagkain 'nay. Mamili po kayo bukas ng stocks natin dito sa bahay at mga karne at isda. Ibili niyo rin po sila tatay at sila kuya pati si Sab ng mga kailangan nila.' inabot ko ang 5,000 kay nanay. 'Bahala ka na 'nay kung ano po ang bibilin ninyo pero sasabay po ako papuntang bayan sa inyo bukas, magdedeposito po ako bukas sa bangko.' 'Mukhang bigtime nga ang tinatuan mo anak ha! Sobra-sobra itong binigay mo sa'kin, nagbigay ka rin kahapon. Bawasanmo ito at gamitin mo sa sarili mo. Ibibili ko lang ng sando ang tatay mo, may mga butas na ang iba niyang sando pati isang pang simbang bestida si Sabrina. Titingin ako ng mga tshirt para sa mga kuya mo.' 'Eh ikaw 'nay?' 'Naku! Hayaan na't ako naman ay walang masyadong kailangan at pinupuntahan.' 'Ako na ang bahala ng para sa inyo 'nay. Hindi pwedeng wala kayo kasi kayo po ang pinaka-abala sa atin dito. Malapit na pati ang birthday mo 'nay, magpapaalam po ako kay Ninong na hindi ako papasok sa araw na 'yun para maipaghanda po kita kahit papaano.' 'Susmaryosep kang bata ka!! Gastos lang iyang naiisip mo! Tama na ang pansit at tasty, magkakaigi na iyon! Samahan ng softdrinks! Huwag ka ng maghanda at lilipas lang rin ang araw na iyon. Itabi mo ang pera mo para may nadudukot ka kapag nangailangan ka.' 'Nanay naman! Minsan lang ang birthday! Isang beses sa isang taon! Gusto ko marami kang handa sa isang linggo, sa birthday mo. Dati kapag birthday ng isa sa atin ay pansit lang handa natin kasi walang extrang pambili pero ngayon mayroon naman, kaya dapat kahit papaano ay marami tayong handa. Sige na 'nay, matulog ka na! Magbibihis lang ako tapos ay kakain narin po ako.' 'Salamat anak at pasensya ka na kung kailangan mong magtrabaho para sa amin. Nakakahiya sa'yo anak, sa totoo lang. Nahihiya ako dahil kami dapat ang gumagawa ng mga ginagawa mo, kami dapat ang nagpapa-aral sa'yo.' niyakap ako ni nanay, umiiyak siya. Ramdam kong kasing nabasa ang balikat ko. 'Bawal po sa pamilya natin ang iyakin 'nay. Huwag po kayong mag-alala, hindi ko pa sasabihin kila tatay na umiyak ka. Haha! Huwag na po kayong umiyak, tahan na po.' gumanti ako ng yakap kay nanay. 'Masaya po akong nakakatulong sa pamilya natin saka wala naman po akong kinakailangang bilhin sa sarili ko po. Wala naman pong ibang mapupuntahan ang perang kinikita ko kundi sa inyo lang rin po na pamilya ko.' 'Salamat parin anak, napakabait mo talaga mula pa noong bata ka hanggang ngayon.' humiwalay na si nanay sa akin at nagpunas ng mata. 'Magbihis ka na at kumain, ako'y matutulog narin. Maaga pa ako bukas sa palengke para bago ka umalis ay makakain ka muna at mabaunan kita.' Habang kumakain ako ay napapangiti ako sa sarili ko. Bago kasi ako lumabas ng kwarto ko ay tinignan ko muna ang passbook ko na nakalagay sa tokador ko. Actual balance ko ay 40,200. Dapat mas malaki pa dito ang ipon ko sa bangko pero bumili ako dati ng kama at kutchon para kila tatay at nanay, para kumportable sila sa pagtulog nila. Bumili rin ako noon ng sofa pati gas range para hindi na nag-uuling si nanay. Next agenda ko ay ang LED TV, gusto ko kahit 40" or 45" tapos ay bibilan ko ng ABS TV Plus. Matapos ang TV ay susunod kong pag-iipunan ang bubong ng bahay at ang banyo namin. Matapos kumain at maghugas ng pinagkainan ko ay naghilamos na ako at humiga na sa kama. Sobrang ang pagod ko ngayong araw na 'to, utak at katawan pero sulit lahat ng pagod at hirap ko kapag naaalala kong para sa pamilya ko ang lahat ng sakripisyo ko. Ang makita silang nakangiti at masaya, napapawing lahat ng pagod at hirap ko. Kinabukasan, sabay kaming nagpunta nila nanay at Kuya Miguel sa bayan. Sila ay mamamalengke habang ako ay papunta sa bangko at mamimili ng mga gamit para kay nanay. Sumaglit ako sa mall matapos ko sa bangko at tumingin-tingin ng bestidang pang simba ni nanay. May nagustuhan ako na kulay ivory na bestida, deretso ang tabas nito at may bulaklak na binurda sa laylayan. Binili ko ito at binili ko rin ng close shoes si nanay na kulay cream. Alam ko naman ang sukat ng paa ni nanay kaya ayos lang na bumili ako ng sapatos kahit wala siya. Tumingin rin ako ng bestidang pambahay, nang makita ko ang bulaklaking bestida na ruffles ang tirantes sa balikat ay bumili ako ng kulay blue, yellow, green at red. Mga paboritong kulay ni nanay. Bumili rin ako ng butse na may palamang matamis na munggo sa labas ng mall. Isa sa paboritoko ang butse buhok sa karyako. Kinain ko ito habang sakay ng jeep pauwi ng bahay. Bago ako maligo ay nilagay ko muna ang pinamili ko sa tokador nila tatay at nanay para makita agad ni nanay pagpasok niya ng kwarto. Nang makabihis na ako ng uniform kong puting chinese color na blouse at gray na slacks ay lumabas na ako ng kwarto ko. Nandito na pala sila nanay, nagluluto na siya sa kusina. 'Tita, salamat po sa bago kong damit! Ang ganda-ganda po! Sabi ni Lola ay sa'yo daw po galing ang pinambili niya nito sa bayan kaya thank you po!' tumakbo pa ito papalapit sa akin at tumingkayad pa habang nakanguso. Yumuko ako para maabot ng mga labi niya ang pisngi ko. 'Anak, kumain ka na! Kain na para hindi ka mahuli sa klase mo!' hinain na ni nanay ang umuusok pang kanin at pritong manok pati catsup. 'Halika na rito, Jessie!' Magana akong kumain sa mesa habang naririnig ko ang mga pasasalamat nila sa akin sa mga bagong gamit nila. Nakakataba ng puso ang makita at marinig mong masaya ang pamilya mo. 'Alis na po ako 'nay, mga Kuya ko, tatay at Sab. Ingat kayo ngayong araw, paalam sa lahat! Papasok na ako!' nagmano na ako kay tatay. 'Teka! Jessie! Ang baon mo!' hinabol sa'kin ni nanay ang maluto kong nakalagay sa ecobag. Humalik at nagmano pa ako kay nanay bago ako tuluyang umalis. Ang sarap sa pakiramdam na may pamilya kang nagmamahal, nag-aasikaso at kasa-kasama mo. Iba parin talaga kapag may pamilya kang uuwian at kasama sa buhay. Swerte ako dahil nandiyan silang lahat, kasama ko. ------'-,--'-,-{@
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD