Chapter 2

5359 Words
MARIAS OF MY LIFE Maria Jessielyn Ortega THE TOMBOY by: Blackrose Chapter 2 Ako si Michael Noah Lardizabal. Ang bunsong anak nina Stanley at Emilia Reyes Lardizabal, nag-iisang kapatid ni Stanley Lardizabal Jr. I was born with a golden spoon in my mouth, lumaki ako na nakukuha lahat ng naisin ko even if how expensive and impossible it may be. In line ang business nila mama at papa sa bookstores. I lost count na kung ilan na ang branches ng LARDIZABAL BOOKSTORE, I only knew that nationwide na ang nasasakop ng bookstore nila. Nag-aral ako sa SJ Elem. High School, schoolmate ko si Jessie habang classmate ko si Miguel na sinundan ni Jessie. Pero nang going 3rd year High School ako ay nag-transfer ako ng school, sa Saint Dominic University na located parin sa San Juan City. Doon ko nakilala ang tatlong bumuo sa grupong A4. I graduated as Bachelors of Science in Business Administration, Major in Marketing with flying colors. c*m Laude ako when I've graduated. Bukod kay Kuya Stan na tumutulong na sa family business namin, gusto rin sana ng mga magulang ko na sumunod ako sa yapak ng aking kapatid. Pero kahit pa nagtapos ako ng same course na tinapos rin ng kapatid ko, ayoko ng bookstore business and stuffs. Para kasing ang lame na negosyo noon kaya kahit pa tutol silang tatlo na lumihis ako ng line of business, wala silang nagawa kasi iyon ang gusto ko. I want a business na hilig at trip ko, iyong hindi boring at may thrill everyday and yet kumikita ng malaki at kinikilala. Nasa isip ko noon na mag-put up ng computer/internet shop kaso, nagkalat na ang internet shop ngayon dahil sa nausong pisonet. Hanggang sa sinamahan ko dati si Carlo na classmate ko noong Elementary na magpa-tattoo. Mahilig rin ako sa mga tattoos, I am a fan pero hindi ako nagpagawa that time dahil katatapos ko lang magpa-tattoo sa left arm ko 2 weeks ago, so sinamahan ko lang talaga si Carlo noon. Hearing the buzzing sound of that tattoo gun plus the money Carlo paid, nagkaroon bigla ako ng idea. Kesa sa iba nagpapa-tattoo ang barkada at kakilala ko at maging ako, why not put up a tattoo shop para una sa lahat ay libre na ang tattoos ko at the same ay kikita pa ako. Tattoo shop is an exciting business. Nakakalibang at nakaka-proud after doing a piece sa katawan ng tao, seeing their satisfied faces upon looking at their tats. Pwede! Kaya nga kahit tutol ulit ang parents ko pati si Kuya Stan sa naisip kong business, they have no choice dahil naka-mind set na ako sa tattoo business ko. Sila papa at mama ang gumastos sa pagbili ng space where my shop will be build. Nang matapos ang pinaka-tattoo shop ko, si mama ang bumili ng interior. From mirror to sofas to stools, boss' table, stools, leaning chairs, LED TV, cabinets pati ang tools and machines, foot switches, tattoo guns. Basta gagamitin sa pagta-tattoo, si mama ang gumastos para doon while si papa naman ang bahala sa tarpuline, posters, name ng tattoo shop ko sa board, paints, telephone line, electricity, water supply and aircons. Hiningi ko kay Kuya Stan ang pambili ng magazines na connected with tattoos and tattooing, even computer, printer, photo copying machine, fax machine at refrigerator. Lahat sila ang gumastos but in one condition, ang palaguin ko ang negosyo kong iyon dahil that will be my first and last daw na sasagutin nila ang lahat ng expenses and stuffs. I promised them noon na magiging kilala at dinadayo ang Burdado, which is my tattoo shop name. Para unique and still Pinoy, BURDADO. Oo nga't marami narin ang mga tattoo shops dito sa San Juan pero pagalingan na lang ang labanan. At ang pinaka-magdadala ng isang magandang finish product ay ang Tattoo Designer, the draft that the designer made. At may kilala akong alam kong magaling sa larangan ng pagdo-drawing, inaamin ko na mas magaling pa ang kamay sa akin. Basta't sinabing drawing, she is my man! Naalala ko pa during High School at College days ko sa Saint Dominic University, pinag-planuhan namin mga taga A4 ang magtayo ng tattoo shop noon. Sosyo kaming apat tapos lahat kami mag-aaral mag-tattoo para mas maraming customers na pwedeng i-accommodate. Kaso that plan remained as a plan at nilimot na ng sistema dahil hindi na namin iyon natupad bilang grupo. Tandang-tanda ko pa binuo namin ang grupong Amazing 4 or mas nakilala ng mga kababaihan as A4. The group was composed of 4 boys... Ako na binansagang A4's Playboy dahil sa madami akong nagiging playmate na kagustuhan narin ng mga babaeng schoolmates even classmates ko. Si Andrew Stephen Lopez ay tinawag na A4's Goodboy dahil sa aming apat, siya ang pinaka-mabait sa amin and honest at studious kaya maraming nagkakagusto sa kanya dahil they saw him as a good boyfriend to be. Si Harold Espinosa kilala bilang A4's Chickboy na pwede daw sa Chick at pwede rin daw sa Boy, pati kasi bakla pumapayag siyang magpa-BJ sa kung saan-saan na lang sila abutan if ever na walang chick na available for his unsatiable needs. Then si Manuel Isidro na sumikat bilang A4's Hacking Genius dahil sa galing niyang tumuklas at mag-hack ng any accounts basta daw computer user. Nakilala kami sa SDU as the famous and God sent for women group na A4. We are into sports; swimming at track and field. Varsity player kami both ng SDU Swimming Team at SDU Track and Field Elite Team, lumalaban kami sa mga inter-college competitions at mga tournaments per regions. Nag-usap kaming apat noon na pare-parehas kami ng kurso in college, I never thought that they had taken it seriously. Kaya magka-classmates kaming apat at same rin ang lugar where we took our OJTs noon. At present na aside sa aking business, si Andrew Stephen ay CEO ng TELELINK COMMUNICATIONS COMPANY at his very young age of 22. Sabay kasing namatay ang nga magulang niya sa isang accident  last 2 years ago and since his an only child kahit pa ayaw niyang mag-manage ng isang company, wala siyang choice dahil all of Lopez's properties ay sa kanya lahat nakapangalan even TELELINK. Si Harold Dave Ventura naman na dakilang chickboy ay chickboy parin until now but he is currently managing his father's Recruitment and Manpower Agency, na ang alam ko ay ipinangalan na ng tuluyan sa kanya. Solo siyang anak dahil his mother died when he was born pero sa second family ng father niya ay may tatlo siyang step-siblings. Kung si Stephen at Harold ay decent ang mga businesses, kami naman ni Manuel ang medyo maduming negosyo. Well, some says that tattooing and hacking are illegal pero paano naman magiging illegal kung wala naman any kind of drugs involved sa business ko saka if I am paying my annual tax. Manuel Tamayo manages his parents Pawnshop na alam ko ay ang Luzon areas ang hinahawakan niya habang Visayas areas naman ang hawak ng Ate niya. But aside sa Pawnshop na hinahawakan ni Manuel, he is a multi-million-peso-worth hacking machine. May mga police or NBI officials na kumukuha ang serbisyo niya at ang ilan ay mga high-end businessmen rin. And because he is a very skilled hacker, he is earning millions na higit pa ang kinikita sa Pawnshop ng family niya. Since gifted child siya sa computer... He can find peoples bank accounts na legal at illegal, can trace transactions even with secret codes. Kaya nga niyang i-hack ang buong Social Security System ng Pilipinas maging ang Swiss Account sa Switzerland, pero syempre hindi niya ginagawa ang mga bagay na iyon dahil malaki ang kabayaran kapag nahuli siya. He do what he is paid for. And if nagkasundo kayo sa price, asahan mo na ang 101% success na ipinagawa mo in a shortest span of time. His identity as a hacker is hidden pero kung kailangan talaga ng ibang infos about him, he's using some fake identifications as a cover up. Kung matinik siya sa computer, mas matinik siyang takbuhan ang batas. Kasama sa agreements niya sa mga clients na kumukuha ng services niya ay ang protection niya from police, law enforcers and agents ng NBI. About naman sa babae, hindi talaga ako nagseseryoso. Mahirap matali sa isang bagay na hindi pa ako handa. Saka once na matali ka sa isang babae or in a serious relationship, that's the start na kokontrolin ka ng babae. Masyadong clingy at bibigyan ka na ng responsibility na dapat mong gawin sa kanila, but don't get me wrong. I love women and their bodies, walang question doon. It's just that ayoko ng babaeng manipulative, clingy, mabunganga, assuming na napakitaan or nasabihan mo lang ng maganda comments or sweet nothings ay feeling nila may gusto ka na sa kanila at ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay maarte na akala mo inapi dahil may paawa effect pa at paiyak-iyak pang kadramahan. Gusto ko obedient sa mga sinasabi ko, liberated para maiintindihan ang pinaglalaban ko, kuntento sa kung ano lang ang kaya kong ibigay at hindi demanding na akala mo binili ka na niya kung makapag-utos at makahiling. Eversince na natuto akong maka-appreciate ng beauty, body at senses ng mga babae ay isa lang ang sineryoso ko. At hindi na naulit muli iyon. I have a very active s*x life dahil nagkalat lang ang babae everywhere. Hindi ako ang naghahanap sa kanila, they are the one who approaches at flirts with me. Tao lang ako. I do have my needs as a man. "Palay na nga ang lumalapit" as they said. Who am I para tanggihan ang grasya? Kung grasya na ang lumalapit sa'kin? As I've said, I love women kaya ayoko silang napapahiya everytime they invited me in a cozy place to have a sexy lazy time with them. Marami nang times na may nagtanong or nag-state that Jessie is my girl. First, I find it awkward dahil magkaibigan, magkababata at parang kapatid na ang turing ko sa kanya. Wala pati akong gusto sa kanya, hindi ang kagaya niyang manamit at kasimplehan niya ang type ko sa isang babae. Pero nang umamin siyang tomboy siya, the awkwardness subsides. Never na akong nailang sa kanya kahit pa tinutukso kaming dalawa or may naririnig kaming mga comments sa paligid namin kapag magkasama kami na kami lang. Actually, nagtataka rin ako kung bakit naging tomboy siya. Iyon ang isang bagay na hindi pa niya nasasabi sa'kin, kaya hindi ko alam kung bakit siya naging tomboy kasi impossibleng wala siyang pinagdaanan. There is something na nag-trigger ng pagiging boyish niya kaya siya naging tomboy. Kasi oo nga at plain siya pero if you'll look at her more lalo na sa mga mata niya, maganda siya. She colored her hair blonde na mas bumagay sa kanya rather than black. Kulay hazel brown ang mga mata niya na parang palagi kang kinakausap everytime you'll look there at  binagayan ng mahahabang pilik mata niya. Her nose ay matangos parang sa mga foreigner's nose although it's quite crooked sa dulo pero hindi naging kabawasan iyon para masabing maganda ang nose bridge niya. Thin wide pinkish lips na parang mga labi lang ni Anne Curtis pero imbes na magmukhang clown ang lips niya sa kanya, naging proportion pa ang labi niya sa medyo mapanga niyang jaw bridge. Maputi siya parang kulay cotton, I haven't seen her with rashes or peklat or any sugat. Maalaga siya sa katawan niya pero ang pinagtataka ko lang ay hindi naman siya matagal maligo at saglit lang rin siya magbihis. She don't smell any scent of perfume, colognes or lotion, yung natural na amoy ng sabon at shampoo ang maaamoy mo sa kanya. Mula nang nag-dalaga siya hanggang ngayon na 19 na siya, never ko pa siyang nakita naka-make up or nag-make up. Noong graduation niya ng High School, nakita ko pa siyang papasok ng bahay nila kasama ang mga magulang niya na naka-toga pa siya. Inimbitahan kasi ako ni Tita Paulina sa konting salu-salo sa bahay nila. Walang kakolore-kolorete ang mukha niya. No lipstick. No blush on. No eye shadows. No nothing pero maganda siya kahit plain ang mukha niya. Palagi lang siyang naka-ponytail or nakalugay ang buhok na akala mo ay sinuklay lang gamit ang kamay, wala siyang paki if her hair is quite messy. Carefree siya, funny at caring at sobrang bait. Minsan lang siya sumimangot kapag nahihirapan siya sa bagay na ginagawa niya. Maganda siya pero hindi lang pansin but I know na kung maayusan lang siya, lalabas ang hidden beauty niya. Ayaw nga lang niyang magpaayos. If her face is plain, mas plain ang katawan niya. 5'7" siya na matangkad para sa isang babae pero iyon lang ang asset niya sa katawan niya. No kidding. Hindi talaga malaki ang boobs niya, ewan ko lang if nagsusuot siya ng supporter sa dibdib niya like I knew na ginagawa ng ibang tomboy or sadya lang na tulog siya nang nagpasabog si Lord ng boobs sa kababaihan. Hindi rin malaki ang bumper niya, para siyang stick. Kapag naka-tshirt siya which is her regular outfit aside sa uniform niya, hindi halatang may boobs siya. Hindi halatang babae siya kaya siguro napagkakamalan siyang lalaki sa unang tingin ng mga hindi siya kilala. Payat rin siya, iyong parang katawan ng mga models pero mind you! Manipis ang bewang niya. Hindi ko nga matukoy if where does she put all those foods na kinakain niya sa nipis ng bewang niya. Malamang sa panga niya! Haha! Huwag ninyo akong isusumbong doon, yari na naman ang batok at braso ko sa kanya. Pero honestly, Jessie is a kind of woman na hindi pakitang-tao, hindi plastik, mabait na anak at mabait na kapatid, uunahin ang pamilya niya bago pa ang para sa sarili niya, maangas pero hindi takaw away, astigin pero she has a soft bone sa mga mahihirap at batang lansangan and she is also humble as a sheep. Napaka-talented at skilled niya for a 19 years old lady. Biruin mong 10 pa lang siya ay tambay na siya sa Casa hanggang sa maging All-Around Mechanic siya. And mind you, hindi siya nag-aral ng pagiging mekaniko. All her skills sa sasakyan, pagkukumpuni, mga piyesa ay lahat based on her experiences. Tapos hindi ko akalain na matututo siyang mag-tattoo kasi kaya ko nga siya inalok ng trabaho dati sa Burdado when she was 15, ay para nga sana siya ang maging Master Designer ko. Dahil I saw her drawings, may kulay man o wala, skeleton ng isang bagay, hayop or even ng tao... She is one hell of a gifted lady. Bilib na bilib ako sa kanya hindi lang sa galing niya sa pagdo-drawing kundi pati ang pagiging responsible niyang anak at kapatid, she is really kind hearted. Pero ang alam ko may mga nanliligaw rin sa kanya kahit pa astig siyang kumilos at magsalita. Hindi lang talaga niya trip ang mga suitors niya dahil nga daw hindi sila talo. Nakonpirma ko talagang tomboy siya ng minsan noong I think mga 13 or 14 siya noon nang sabihan niya ako na maganda daw ang katawan ng babaeng kasama ko noon sa lugar namin at ipakilala ko daw siya. Dati kasi kalapit kalsada namin ang bahay nila Jessie pero when I've graduated sa kolehiyo ay naging independent na ako, I lived also in San Juan pero hiwalay na ako ng tirahan sa pamilya ko. I lived in Brgy. St. Joseph. Nag-iisa kong bestfriend si Jessie na babae, bukod kasi sa tatlong barkada ko na kasama ko sa A4 ay wala na akong ibang close or bestfriends na pwede kong sabihan ng kung anu-ano katulad kay Jessie. Mas madalas ko pa ngang kasama si Jessie than the 3 dahil narin sa kani-kanilang businesses. Dati naalala ko pa noong una at huling beses akong nabigo sa pag-ibig, yung sinabi kong nag-iisang babaeng sineryoso ko. Ang tanging babaeng nagpatibok ng puso ko, ang babaeng niligawan at sinuyo ko nang husto, ang babaeng nagpakilala sa'kin nang salitabg Pag-ibig at ang tangi rin babaeng nagparamdam sa'kin ng sakit at kung paano madurog ang puso ko na hanggang ngayon ay hindi ko na mabuo-buo ito. Ginalang ko si Diana, hindi kami umabot sa kama. Hanggang kiss sa pisngi, akbay at holding hands lang ako sa kanya pero ayos lang sa'kin iyon dahil mahal na mahal ko siya and I really respected her. Lahat ng kaya kong ibigay sa kanya ay binigay ko, nagpakabait at tumino ako para maging proud siya sa akin, never akong tumingin sa ibang babae since niligawan ko siya hanggang sa maging kami. Nilagyan ko ng tapaoho ang mga mata ko para sa kanya lang ang buong attention ko pero lahat ng pagbabago ko, pagsisikap na maging mabuting boyfriend sa kanya, pagiging loyal ko to her at ang pagmamahal na sa kanya ko lang tanging ibinigay.. Nawalang saysay ang lahat when she hurted and betrayed me. And Jessie was with me during those depressed and broken times of mine, kahit pa wala pang experience si Jessie noon about sa love, sa heartaches, in pain because of being hurt and betrayed by someone you've love at trusted... Hindi alam ni Jessie iyon pero tandang-tanda ko pa ang mga salitang binitawan niya noon na nagpagising at nagpabangon ulit sa akin mula sa putikan. (Flashback) 'Alam mo Noah, babae lang 'yan! Ang dami-daming babae sa buong Pilipinas at kung nakukulangan ka pa eh di mag-abroad ka! Nakikita at naririnig mo ba ang mga sinasabi mo? Ha?! Mukha kang tanga! May paiyak-iyak ka pa sa harapan ko! Makainom ka parang walang bukas at mamamatay ka na! Huwag kang mag-alala, hoy! May alak at beer parin naman sa impierno! Mag-jamming pa kayo ni Satanas! Dahil sa babaeng iyon, nagkakaganyan kang gago ka?! Eh gago ka pala talaga eh, Noah Lardizabal! Akala mo pinaka-mabigat na ang problema mo? Kasi nakita mo ang syota mong may ka-s*x na iba sa bahay niya! Eh di na-karma ka! Hoy tarantado ka, mas malaki at mas mabigat pa ang problema ko sa'yo! Dahil hindi mo pinoproblema ang kakainin mo sa susunod na linggo o buwan! Dahil mayaman ka! May maganda kang buhay! May pagkain palagi sa mesa mo at never kang tumunganga sa isang tabi dahil may TV kayo sa bahay! Maliit lang ang problema mo kunpara sa isipin ko! Ano pa ang tawag mo sa problema ko kung sa tingin mo'y pasan mo na ang mundo sa balikat mo? f*****g s**t ka talaga! Ang tali-talino mo, Top 1 ka sa buong Business Administration 4th year students pero isang babae na hindi naman kagandahan, pandak, maputi lang at puro boobs at puro balakang eh iiyakan mo?! Naku tigil-tigilan mo ako Noah! Iyakin ka talagang pututoy ka! Kung hindi ko lang alam na lalaki ka, pagkakamalan kitang bakla! Bayot ka ba, Noah? Puta! Hindi ako against sa mga federasyon pero kung ikaw ang bakla? Layuan mo akong hayop ka! Sige na! Lunch break lang namin, may gawa pa akong makina! Hindi kita pwedeng entertain-in ng matagal! Kita na lang tayo sa Burdado mamaya! Sumulat ka sa Maalaala Mo Kaya, kay Ms. Charo Santos. Makukuha ang kwento mo! Believe me! Drama mo eh! Sige na!' 'Wait lang, Jessie.' 'Hoy manyak!! Kamay mo! Baka kung saan dumapo iyan, gago ka!! Isusumbong kita sa tatay ko at mga kuya ko! Child molestation iyan!! Hands off! May mga nakatingin, tarantado ka!! Bitaw! Tutuhurin kita sa pututoy mong gago ka!!' 'Salamat Jessie ha! Dahil sa mga sinabi mo ay nabuksan ang isip ko. Hindi siya worth ng paglalasing at pagluha ko. Simula ngayon hindi na'ko ulit magseseryoso sa mga babae! Salamat Jessie, thank you for helping me!' 'Aba naman! Sa dinami ng mga sinabi ko, dapat lang matauhan ka! Saka anong Salamat? Salamat lang? Pagkatapos kong magmadaling kumain ng baon ko dahil daw sa nagmamadali kang makausap ako tapos salamat lang? Libre mo ako kila Mang Ambo! Gusto ko mamaya ng inihaw na pusit, bangus, isaw pati betamax!' 'Okay, sure! I'll treat you for staying with me during my broken times.' 'Broken times, broken times! Ulol! Kesa naman mag-iiyak ka, ikain na lang natin ang problema! Mabubusog ka na, makakatulog ka pa agad sa kabusugan!' (End of Flashback) Kaya mula noon wala na akong sineryoso talagang babae, may galit parin sa puso ko sa ginawa ni Diana and I told myself that someday I will have my revenge sa kanya. Na darating ang araw na magkikita at magtatagpo ulit ang landas namin, na ang mga kilos at salita ko that time will hurt her badly. Na hindi na masasaktan ang puso ko sa oras na iyon dahil my heart finally had healed. I know that day will come at kapag nangyari ang araw na iyon, masasabi kong mas siya ang nawalan ng maghiwalay kami. Have I describe myself already? Hindi naman ako kagwapuhan dahil may mga mas gwapo pa sa'kin pero masasabi kong malakas ang s*x appeal at charm ko sa opposite s*x. Sabi ni Jessie panget daw ako, if I know lahat ng lalaki ay panget sa kanya. Makapal pero hindi sabog ang mga kilay ko, malalim ang dalawang dimples ko sa magkabilang pisngi, matangos ang ilong ko, thin pinkish lips kahit pa naninigarilyo ako, may balbas at bigote ako pero I always maintain na stubbles lang sila, 5'11 ang height ko, hindi sobrang laki ang mga muscles sa shoulder even sa arms ko pero well-toned and perfectly carved ang mid section ko. Gulat nga ang tatlong unggoy kung paano ko daw name-maintain ang 8 packs abs ko samantalang ang lakas ko naman daw kumain. Ang tip ko ay proper and disciplined exercise lang and right diet. Hindi ako madalas umiinom ng beer although sabi sa studies that "Beer boosts Brain Power" kaso carbohydrates parin siya kaya malaki ang tendencies na tumaba ang tiyan mo. Madalas whiskey or brandy ang iniinom ko dahil according ulit sa studies, "Brandy Slows Down Aging" at "Whiskey Helps In Weight Loss" kaya either of the two ang iniinom ko kapag may gimick or boy's night out kami ng grupo. Mahilig ako sa mga white fitted tshirts, marami akong ganoon sa cabinet ko at mga slim fit jeans. Nagsusuot naman ako ng cargo pants, chino cloth demins at slacks pero pinakamadalas since hindi na naman ako pumapasok na sa school at hindi naman ako pumapasok sa company ng family ko ay jeans at tshirt lang ang get up ko. Hindi ako fasionista katulad ng mga male models pero marunong naman akong pumorma. Kapag ang lakad ko ay sa shop lang, white or gray shirt either plain or with design. Sa bahay ay jersey sando at worn out jeans or shirtless at board shorts. Kapag sa malls or night out places at gimikan ay polo shirts at slim fit jeans, minsan naka-jacket or sweatshirts. Kapag sosyalan naman na events gawa ng business nila papa at mama, I have some tuxs, some coats and ties and long sleeves at my other cabinet. Right now I have a girlfriend, that's according sa kanya pero para sa akin, she's just someone na bed companion ko last Tuesday. Kasama ko siya now papuntang BURDADO para makita daw niya ang cool business ko. I met Alicia sa gimikan noong Tuesday, in District 9. Kasama ko ang tatlong unggoy that night nang may lumapit sa aming apat na sexy at magagndang chicks, kasama si Alicia doon. Mula noong Tuesday night hanggang ngayon ay palagi ko na siyang nakikita sa paligid ko. Pagkakamali ko lang ay nadala ko siya sa condo ko at dun kami nag-s*x sa living room dahil narin sa kalasingan ko nang gabing iyon. Kung sana ay hindi ko hinayaan na kontrolin ako ng libog ko at alak ay sana'y nadala ko pa siya ng motel, hindi sana siya palaging nakaaligid sa akin. Iniisip ko nga na baka she's stalking me dahil kung nasaan ako, she's also there. Hindi ko lang siya maderetso dahil ayokong mamahiya ng chicks, I'm not that bad. I don't do my playmate twice, hindi ako umuulit sa natikman ko na. One time s*x lang then goodbye na. I have to think of a plan para iwan niya na ako at hindi na humabol pa sa'kin. Isip Michael, isip! January 22, 2017 (Sunday) 9:00am Nasa shop na kami ni Alicia, oo maaga siyang nasa doorstep ko kanina. Hindi naman ako pwedeng hindi umalis dahil I have an appointment today, this 9:30 at mamayang 2. Iba pa iyong gawa namin mamaya ni Jessie at 6pm. In 6 years kong pag-operate ng tattoo shop na ito, marami na akong parokyano. Madalas mga referred customers ng mga previous na natatuan namin ni Jessie. Tumatanggap ako ng mga walk-ins pero usually through appointments ang galawan ko dito sa shop. Katulad na lang nitong customer ko ng 9:30 at 2pm, nagpa-appointment sila sa akin last week pa. Gumaling at nahasa pa lalo ang tattooing skills ko sa tagal ng panahon that I've been doing this stuffs. I opened this business last 6 years ago, 18 ako noon at kinukuha ko ang service ng kaibigan kong si Carlo kapag dalawang sabay ang magpapa-tattoo sa akin until nakasama ko na si Jessie when she was 15 years old. Ngayon na 24 na ako at 19 na si Jessie, patuloy parin ang business ko. Napalago ko ito at nakilala na ito sa public, hindi lang taga dito ang mga customers namin ngayon ni Jessie kundi pati outside the vicinity of San Juan City. Tahimik lang si Alicia sitting at the boss' table while I am currently tattooing my first customer of the day. Matapos ang 3 hours ay natapos ko na ang 3d dragon na pina-tattoo ng customer ko, si Alicia naman ay umalis para bumili daw ng lunch namin sa mall. Hinayaan ko na para hindi ko na muna makita ang mukha niya at marinig ang maarte niyang boses. Makalipas ang mabilis na oras na ikina-pasalamat ko kay Lord, 5:30 na. Anytime ay darating na si Jessie, tapos na naman ako sa 2pm na customer ko kanina pa. 'May darating ka pa bang customer now, honey? Uwi na tayo sa condo mo para masimulan na ulit natin ang dapat na nating sinimulan kanina pa.' nakayakap siya from my behind at ang mukha niya ay few inches na lang from mine. 'Yes, I still have 2 appointments later at 6. Kaya nga papunta na si Jessie dito kasi gusto ng customer ay sabay silang tatatuan ng barkada niya.' 'Oh, that's bad.' she move her index finger sa right ear ko. Imbes na kiligin ako ay kinikilabutan ako. 'Jessie? Your assistant?' 'Oo.' Pilit kong iniiwas ang ulo ko from her finger, nagkunwari akong nakikiliti pero sa totoo lang gusto ko ng itulak ang babaeng ito na kung makakapit akala mo leech. Jessie, please dumating ka na! Naiinis ako sa ginagawa ng babaeng ito, lahat na lang hinawakan na niya. Kaya ayokong magseryoso kasi ayoko nang katulad ni Alicia na linta kung makakapit. Lord, padatingin niyo na si Jessie. Please po, Diyos ko po! At parang naging flash si Lord dahil biglang tumunog ang wind chime sa may glass door ng shop, pagtingin ko ay si Jessie nga ang dumating. Parang siyang nagkaroon ng dalawang puting pakpak sa likuran niya. Isang nakangangang angel mula sa langit na sinugo ni Lord para iligtas ako sa makasalanang babaeng ngayon ay nakahilig pa ang ulo sa likod ko. Hindi siguro narinig ni Alicia na may dumating kasi patuloy lang siya sa pagyapos at pag-amoy sa akin. Kinunot ko ang noo ko then I raise both my eyebrows at pinanlakihan ko siya ng mata sabay nguso pa-side. Lights! Camera! Action! 'ANO 'YAN, NOAH?! SINO ANG BABAENG CLOWN NA 'YAN NA KUNG MAKAYAPOS AT MAKA-MAKAHILIG SA'YO, AKALA MO ASAWA MO! PORKET BUSY AKO KAHAPON AT HINDI NATULOY ANG DATE NATIN, MAY IBA KA NA AGAD?! MICHAEL NOAH LARDIZABAL! ANO IYAN?!!' Nakalas ang pagkakayapos sa'kin ni Alicia kaya napangiti ako kay Jessie. Umarte akong natakot kay Jessie na kunwari ay girlfriend ko at mabilis na lumapit dito then I held her hand tightly. 'Baby, wala akong ginagawang masama. Siya ang nakayapos sa akin and not me. Baby? Talk to me. Huwag ka ng magalit, please. Ikaw lang ang one and only ko, Jessielyn Baby.  Don't be mad at me.' lumuhod pa ako sa harap niya at cling to her legs. 'Ikaw si Jessie?! Akala ko lalaki si Jessie, Michael! At ang sabi mo wala kang girlfriend! How dare you trick me! Manloloko ka! After mong pagsawaan ang katawan ko last Tuesday night, ganyan pala't may girlfriend ka na!' 'Oo, he is taken and I am 2 months pregnant sa anak namin ni Noah. Who are you, by the way? Saka bakit ka nakayapos sa fiancé ko?' itinayo ako ni Jessie mula sa pagkakaluhod ko sa harapan niya at pinagsaklop ang mga kamay namin. Noong akala kong lalabas na si Alicia dahil naglakad na siya papuntang pinto ay kumalma na ako para lang magulantang sa palad na dumapo sa pisngi ko. 'f**k!!' 'Para 'yan sa panloloko mo sa akin, jerk!! Pinaasa mo lang ako. Liar! f**k you Michael! Magsama kayong dalawa ng panget mong girlfriend! f*****g asshole!!' padabog siyang lumabas ng shop then after na masiguro namin na wala na talaga si Alicia ay bigla ng nagsalita si Jessie at binawi ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko. 'Tarantado ka talagang lalaki ka! Hoy, Noah! May karma baka nakakalimutan mo! Baka isang araw ikaw naman ang nasa posisyon ng mga babaeng niloko at pinaluha mo! Pang ilan si Ateng Clown na ginawan mo ng eksenang ganyan?! Marami na Noah! Hindi ko na nga mabilang sa dami! Makarma ka sana Michael Noah Lardizabal!' 'Salamat talaga Jessie for saving me!' wala sa huwisyong nayakap ko siya. 'Lumayo ka nga! Baka dumating na iyong customers natin, mapagkamalan pa tayong mag-syota! Lubay! Hoy!' tinutulak niya ako palayo sa kanya. 'Sorry, I got carried away. Pero thank you talaga Jessie for saving my ass again!' hinaplos ko ang pisngi kong nasampal kanina. Sabagay hindi na bago sa'kin ang masampal ako ng babae, hindi ko na mabilang kung ilan beses akong nasampal ng babae kapag kakalas na ako at kapag may ganitong eksena kami ni Jessie. Hindi nga lang sampal, dati natuhod na ang precious ari ko at nasuntok narin ako. 'Mas marami na ang ililibre mo sa'kin mamaya niyan! Paano ba 'yan? Magte-take out pa ako para may baunin ako bukas sa school! Kung papalag ka, hindi na kita ilulusot sa susunod. I know na may kasunod pa na eksenang ganyan, I know you so well! Hindi na kita ilulusot sa susunod na babaeng gusto mong iwan pagkatapos mong manyakin at naghabol! Kadiri ka! Mag-ingat ka rin Noah, baka magka-AIDS ka niyan dahil sa kalandian mong pokpok ka!' 'AIDS agad? Nagko-condom ako para sa kaalaman mo! Ayoko pang magka-anak at ayoko rin magkasakit.' 'Dapat! Dapat talagang nagko-condom ka! Dalawahin mo pa nga para safe na safe! Puta ka talaga eh! Kaya ayokong maging babae dahil sa mga pokpok at manlolokong lalaki na katulad mo!' 'Grabe siya! May pinagdadaanan ka lang? Maka-pokpok ka akala mo naman ang sama-sama kong lalaki!' nag-puppy dog eyes ako at naka-pout ang mga labi ko. 'Naku! Ewan ko sa'yo! Akala ko ba ayaw mong mag-engage ulit sa isang serious na babae? Eh bakit humahabol sa'yo ang isang iyon?' 'Nadala ko kasi sa condo last Tuesday after namin mag-inom sa District 9. Ayun!' 'Gago ka talaga! Pati ako dinadamay mo sa mga kalokohan mo! Naku! Kapag ako nadamay sa karma mo, puputulan kita ng kaligayahan mo! Please lang Noah, tigilan mo na ako at ihahanda ko pa ang gamit ko! Mamaya dumating na iyong dalawang customer natin!' 10:30pm... 'Ang dami mong inorder Jessie, mauubos mo ba 'yan? Baka maimpacho ka niyan sa katakawan mo!' she ordered pusit, bangus, betamax, paa, bituka ng baboy, liempo na ihaw lahat at menudo. 'Wala kang pakialam! Kayang-kaya kong ubusin ito! Para ka naman bago ng bago sa pagkain ko! Tara kain na tayo! Dami mong daldal!' Grabe talaga ang chamber ng babaeng ito. Parang hindi pinakain ng tatlong araw sa mga inorder niya at kanin. Parang hindi babae kung lumamon. Pero ang pinagtataka ko lang ay kung bakit hindi siya tumaba-taba at payat parin siya eh kung lumamon akala mo construction worker. Hay naku Jessie! Pasalamat ka't you've helped me kanina sa shop dahil kung hindi, ako ang magpapalibre sa'yo sa laki na naman ng inuwi mong pera ngayon gabi. -----'--,-'--,-{@
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD