MARIAS OF MY LIFE Maria Jessielyn Ortega THE TOMBOY by: Blackrose Chapter 9 Wala na sana akong balak na magpunta na sa birthday ni Tita Paulina kahit pa naka-oo na ako kay Jessie, kaya lang ay nakita ako kanina ni Tita sa bayan malapit sa simbahan. Personal niya akong niyaya na isama ko daw pati kaibigan o girlfriend ko sa bahay nila. Paano ako makakatanggi kay Tita Paulina kung parang second mother ko narin siya at bihira lang rin siyang humiling ng pabor sa akin. Kaya ayun nagpunta ako kasama si Heather pero nag-mind set ako na may girlfriend na ako at tanging siya lang ang gusto ko. Ang usapan namin ni Heather ay hihintayin niya ako na balikan siya sa sasakyan, na magpapakita muna ako kila Tita at Tito na ako lang muna. That's the plan na sinang-ayuhan naman ni Heather kaso nawala

