MARIAS OF MY LIFE Maria Jessielyn Ortega THE TOMBOY by: Blackrose Chapter 10 February 12 (Sunday) Matapos ang birthday ni nanay ay balik trabaho na ulit ako, nasa Casa ako ngayon at nagkukumpuni ng makina. May gawa ako mamaya sa Burdado, si Zander ulit na nagpa-tattoo sa'kin kamakailan sa ulo niya ang gawa ko mamaya at isa pa. Mamayang 4pm iyon kaya hanggang alas-tres lang ako ngayon dito sa Casa, pumayag naman si Ninong dahil simula Miyerkules ay papasok ako sa Casa dahil nga Foundation day namin ay pwede naman na hindi na pumunta sa school. Bukod kay Zander ay magpapa-tattoo ulit sa'kin si Emily, siya iyong kasabayan ni Zander na nagpa-tattoo ng shoe lace at shoe holes sa magkabilang paa. Hindi ko pa alam kung ano ang ipapagawa nila sa'kin, basta ang sabi sa'kin ni Noah kahapon ha

