MARIAS OF MY LIFE Maria Jessielyn Ortega THE TOMBOY by: Blackrose Chapter 11 Ang bilis ng araw, Lunes na agad. Dahil sa pakiusap ni Ninong ay sa Miyerkules papasok ako sa Casa hanggang sa Biyernes at ngayong araw ay may lakad kami ni Kylie. Nangako akong sasamahan ko siya ngayon na magbukas ng saving account sa bangko. Magpapasama rin ako sa kanya na tumingin-tingin ng TV, malapit narin kasi ang birthday ni tatay. Iyon kasing sa kakilala ni Ninong na dealer ng flat screen TV ay naubos daw ang stocks niya, mayroon daw siya 32" pababa. Kaya nga magpapasama ako mamaya kay Kylie after namin sa bangko para at least mayroong second opinion. Hindi ako dadayo ng Burdado ngayon kasi nga para sa amin ni Kylie ang araw na ito. Bukas pa, kasi wala si Noah at may importanteng pupuntahan. At dahil

