Grigori’s POV Finally, natunton na rin namin ni Colleen ang bahay na tinutuluyan ni Yulia ngayon. Sinungaling siya dahil hindi pala apartment lang ang tinutuluyan niya kundi isang luxury hotel pa na halos napakamahal daw ng bayad kada araw. Hindi na ako nagtaka, million-million kasi ang kinikita niya sa mga video ko kaya talagang mamahaling hotel ang kukunin niya. Ngayon ko gets ko na rin kung bakit takang-taka ako kapag nakikita kong nagpo-post ng mga mamahaling gamit si Yulia sa social media niya. Akala ko talaga ay malaki ang kinikita niya sa trabaho niya. ‘Yon pala, ako ang pinagkakakitaan niya. “Colleen, may magagawa ka ba para mapaalis ang pinsan mo ngayon diyan? Kung ayaw niyang mahuli ko pa sila o madamay ko pa siya, paalisin mo na siya. Kasi sa totoo lang, hindi ko rin alam kung

