Grigori’s POV “Good morning. Please take me to Lotus Haven Hotel & Spa, Hanoi,” sabi ko sa taxi driver na nasakyan ko. “Okay,” maikli niyang sagot kaya nakahinga na agad ako ng maluwag. Mabuti at marunog mag-english ‘tong nasakyan kong taxi driver. Hinanda ko na ang pera para iaabot ko na lang ito sa kaniya pagdating ko sa hotel. Tinuruan naman na ako kanina nung pinoy na nakasabay ko sa airport. Siya rin ang nagsama sa akin sa palitan ng pera at sa bilihan ng sim. Mabuti na lang at may mababait pa rin na kalahi kahit saan ka magpunta. Pagdating ko naman sa Lotus Haven Hotel & Spa, Hanoi, dali-dali na akong pumasok sa loob para makapagpahinga na ako kahit saglit lang. Gamit ang mga basic na english, nakaraos naman akong makipag-usap sa receptionist. Kinuha lang nila ang passport ko at

