Grigori’s POV Halos lasing na ang lahat, lalo na si Boris. Ako, kalma lang, hindi makapagsagad sa alak, kasi ayaw ni Tati. Nakausap na niya kasi kanina si Ava, at nalaman na rin niya ang tungkol sa mga lalaking nagpa-booking ngayon kay Ava. Bantay-sarado na ang buong paligid sa mga pulis at tanod. Nag-aabang na lang sila sa magiging atake ng mga ‘yon sa akin. Kada-minuto at kada oras ay tumitingin ako sa cellphone ko. Nag-aabang din ako sa update sa akin ni Ava kasi magsasabi siya kung ano ang mga kinikilos ngayon nung dalawang lalaking kasama niya. Pero na-send na rin sa amin ni Ava ang mga mukha nila kasi nag-selfie silang tatlo kanina. Nagtataka tuloy ako dahil hindi ko kilala ang mga iyon. Hindi ko rin sila nakikita pa sa buong buhay ko. Pero kung titignan ang mga mukha nila, mukhang

