Tatiana’s POV Maingay na sa loob ng bahay. Nandito na ang mga kamag-anak namin, na kapag fiesta ay parang mga anghel. Ewan ko ba, masama na kung masama, pero kasi masama rin talaga ang loob ko sa mga taong ‘to. Kung wala lang ako sa mood ngayon, hindi ako makikipagplastikan na magmano sa mga kapatid ni mama na ‘to. Hindi ko rin trip ang kaartehan ng mga pinsan kong babae na kaniya-kaniyang pindot sa mga magagara nilang cellphone. Nang makita nila ako, hindi manlang ako mabati at mangitian, para akong multo o hangin lang na dumaan. Akala mo naman may mga narating na sa buhay. “Kain na kayo, naka-ready na ang food sa lamesa,” aya ni mama sa kanila. Si mama, tuwang-tuwa naman kapag nakikita ang mga kapatid niya. Kahit na lang dati eh, puro mga kawalangyaan ang natatanggap niya sa mga ‘to

