Grigori’s POV Habang tulog na sina Tita Tarcy at Tati, lumabas na ako ng kuwarto para sumilip-silip sa labas. Sa totoo lang, nang sabihin sa akin ni Tati ang sinasabi sa kaniya ni Ava ay natakot talaga ako. Hindi ko lang pinapahalata kay Tati kasi ayokong ma-stress pa siya lalo. Tumingin ako sa relo sa wrist ko, halos ala una na ng madaling araw. Kanina pa ako nag-aabang dito sa sinasabi nilang riding in tandem, pero wala pa rin akong nakikita. Napapayakap na rin ako sa sarili ko kasi ang lamig-lamig na kapag ganitong oras. Iniisip ko rin kasi ang kotse ko, baka ito ang mapag-trip-an ng mga rinding in tandem ba ‘yon. Palakad-lakad lang tuloy ako dito. Hindi naman ako mapapansin ng mga tao dito kasi madilim na. Maya maya ay may biglang dumaan ng motor kaya dumungaw agad ako sa bakal na

