Grigori’s POV “Dahan-dahan lang, paano ako matututo kung ang bilis mong magturo,” reklamo ko kay Wyatt. Habang abala ang lahat sa pagluluto ng mga handa nila para sa fiesta bukas, heto, busy naman ako sa pag-aaral kong magmaneho. Mabuti na lang at free ngayon si Wyatt. Pero may kapalit din kasi ito kaya pumayag siyang turuan ako kahit ang totoo ay dapat magkikita sila ngayon ni Veronika. “Pero sa totoo lang ang excited mo masyado, Grigori. Bago ito, dapat alamin mo muna ang mga lokal na patakaran sa pagmamaneho, kasama ang mga traffic rules at regulasyon sa ating lugar. Basahin mo ang mga batas tungkol sa pagmamaneho at magkaruon ng sapat na kaalaman tungkol sa mga dapat mong malaman sa pagmamaneho,” sabi niya sa akin habang seryoso ang mukha. “Oo, sige, gagawin ko ‘yan,” sagot ko nama

