Grigori’s POV Pag-uwi namin sa bahay, wala na sa sala si mama at patay na rin ang tv kaya ibig sabihin ay tulog na siya. “Pinagpawisan ako sa paglalakad natin, maliligo muna ako bago ang bakbakan natin,” sabi ni Grigori at saka ito nagtanggal agad ng t-shirt niya. Basang-basa ng pawis ang katawan niya nang makita ko ito. “Sabay na tayo, gusto ko ring maligo,” sagot ko sa kaniya, “saka, huwag ka nang umuwi. May mga unisex t-shirt naman ako dito at panjama kaya may susuotan ka na rin.” “Eh, brief?” tanong pa niya. Ngumisi ako. “Mas masarap matulog ng walang suot ng underwear, saka para mas mabilis kong masalat ‘yan,” sagot ko naman kaya tinawanan niya ako. “Ang libog mo rin talaga kapag tayong dalawa na lang ang magkasama.” “Anong salat-salat ‘yang narinig ko?” Nagulat kami ni Grigor

