Tatiana’s POV “Gusto kong alamin ang recipe nitong adobong manok ng mama mo. May something sa luto niya na parang kakaiba sa lahat ng adobong manok na natikman ko,” sabi ni Grigori habang kumakain na kami ng late dinner. “Anong ibig mong sabihin?” tanong ko tuloy. Wala ng ulam ang mangkok dahil sa dami niyang mag-ulam kaya sumandok ulit ako para punuin pa ulit ‘yon ng ulam. Impyernes, sarap na sarap din talaga si Grigori sa lutong ulam na ‘to ni mama. “May kakaiba eh. Parang may sikretong sangkap siyang nilalagay dito bukod sa manok, bawang, luya, sibuyas, toyo at suka. Mayroon pa akong nalalasahan na isang sangkap na inaalam ko pa habang kumakain tayo ngayon,” sagot niya habang nakakunot ang noo. Panay nga ang higop niya ng sabaw. Ninanamnam niya itong mabuti. “Ano nga ‘yon?” tanon

