Grigori’s POV Nang magising ako ng hapon, pumunta ako sa bahay nila Veronika. Sinabi ko sa kaniya na mag-withdraw kami ng pera. Gusto ko na kasing sagutin ang gastos ni Yulia sa lahat-lahat nang pampalibing niya. Bibigyan ko rin ng limang milyong piso ang mga magulang niya para matuloy na ang pagpapatayo ng bahay nila. Nang sa ganoon ay kahit pa paano ay matahimik ang kaluluwa ni Veronika. ‘Yung mga kapatid naman niya bibigyan ko ng puhunang pang-negosyo nila. Hindi naman malaking pera ang ibibigay ko sa mga ito, ‘yung sakto lang, basta sila na lang bahalang magpalago nun, problema na nila kung paano pararamihin ‘yon. Hindi kasi mawala sa isip-isip ko ‘yung mga nalaman kong plano ni Yulia na hindi niya nagawa kasi wala na siya. Ako na ang gagawa para matahimik na rin ang loob ko. Pagka-w

