Tatiana’s POV Kahit kagalit-galit ang ginawa ni Yulia kay Grigori, hindi ko maiwasang maawa nang makita kong iyak nang iyak ang pamilya niya nang makitang umuwi na lang siyang nakakahon na dito sa Pilipinas. Feel ko na feel ko rin ang malaking pagtampo ni Grigori sa pamilya ni Yulia nang makita niya ang mga ito at yakapin pa siya ng mga ‘to. Wala siyang kinausap sa mga ito, pero tinanggap pa rin niya ang yakap ng mga ito. Maging ang mga pinsan at kaibigan ni Yulia ay wala siyang pinansin ni isa, kasi lahat daw ng ito ay naging tahimik sa ginawang kasalanan ni Yulia. Kaya pati sa kanila, masama din ang loob ni Grigori. Nang paalis na kami sa airport, tahimik lang si Grigori habang nasa loob na kami ng sasakyan. Hinayaan ko naman siyang maging ganoon lang kasi naintindihan ko naman siya. P

