Tatiana’s POV “Nakita ko sa my day ni Grigori ‘yung mga susi ng latest na luxury car niya. Grabe ‘yon. Kung hindi ako nagkakamali ay halos papunta na sa isang billion ang isang piraso ng ganoon. Tapos ‘yung kuwarto, parang kuwarto ng prinsipe,” sabi ni Olga nang puntahan ako dito sa office room ko habang dala-dala ang pagkain niya. Marami na rin pala ang nakakita sa post niyang iyon. Sobrang saya nga ni Grigori nang tawagan ko siya kagabi. Kaya pala hintay ako nang hintay sa kaniya sa bahay ay hindi na pala siya uuwi kasi doon na siya pinatulog ng mga lolo at lola niya. Sobrang ganda at sobrang laki ng kuwarto niya nang isama niya akong i-room tour kahit sa video call lang. Grabe, parang isang buong bahay na sa laki ‘yong kuwarto niya. Mabuti na lang talaga at kinilala siya agad ng mga i

