Tatiana’s POV Nakakatatlong bote na kami kaya may tama na kami ng alak. Si Veronika, mapula na ang mukha at katawan, habang si Wyatt naman ay unti-unti nang humuhupa ang pagpapantal ng katawan niya. Uso pa rin pala hanggang ngayon ‘yung bati ng alak sa taong first time lang tikman ang isang alak. Natakot pa nung una si Wyatt kasi akala niya ay allergy siya sa iniinom namin, pero maraming beses na rin kasing nakasaksi ng ganoon si Grigori kaya sinabi niyang bati lang sa kaniya ng alak ‘yon, kaya nagtuloy-tuloy lang sa pag-inom ng alak si Wyatt at hindi na natakot. “Tara nga lang sandali, Vero,” aya ko kay Veronika. Hinila ko ang kamay niya sa labas ng bahay nila Grigori. Alas onse na ng gabi kaya mas malamig na ang hangin sa labas. Pero dahil sa alcohol ang iniinom namin, medyo hindi kam

